LOGINMATURITY RATING: R-18 Recommended for mature audiences only. Contains explicit content and adult themes. "See me in my office after class, Ms. Cortez." Iyon ang mga salitang nagpatigil sa mundo ni Rina—hindi dahil sa takot na bumagsak sa subject, kundi dahil kilalang-kilala niya ang malalim at dominateng boses na iyon. Ang boses na bumulong sa kanya ng mga mapanuksong salita habang pilit na inaangkin ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Matapos mahuli ang fiance niyang nagtataksil, nagdesisyon si Rina na magpakalunod sa pansamantalang kaligayahan. Isang gabi ng puro kalokohan kasama ang isang gwapong stranger na nakilala niya sa bar. Walang pangalan, walang commitment, at puro init at pagnanasa lang ang namagitan sa kanila. Pero tila mapaglaro ang tadhana. Ang stranger na naka-one-night stand niya? Siya lang naman si Professor Gabriel Villareal—ang bagong terror professor sa kanilang unibersidad. At mukhang wala itong balak na kalimutan ang nangyari sakanila. Sa loob ng classroom, siya ang batas na dapat sundin. Pero sa likod ng nakasaradong pinto ng kanyang opisina, ibang leksyon na ang itinuturo nito kay Rina. "You were a bad girl, Rina. And bad girls need to be punished."
View MoreRina Cortez POV
"Isang Tequila pa, 'yung matapang at 'yung kaya akong patulugin." Ibinagsak ko ang baso sa sticky na counter ng bar habang nararamdaman ang pag-ikot ng paningin ko, pero alam kong kulang na kulang pa ang apat na shots para lang mabura ang imaheng nakita ko kaninang hapon. Jason and Trina—ang fiance ko at ang sarili kong stepsister—tangina talaga nilang dalawa. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagpakabait, nagpakatanga, at naniwala na ako 'yung babaeng dadalhin niya sa altar. I played the role of the perfect girlfriend. Conservative, mahinhin, masunurin. 'Yung tipo ng babae na ipapakilala mo sa magulang mo. At ano ang nakuha kong kapalit? Silang dalawa, naglalampungan sa kwarto namin. Sa kama kung saan kami dapat bubuo ng pamilya. Putangina! "Ma'am, sure ka pa ba? Mukhang tama na po 'yan," alanganing sabi ng bartender habang pinupunasan ang baso sa harap ko. Tumawa ako nang mapakla. Ang sakit ng lalamunan ko, hindi dahil sa alak, kundi dahil sa luhang kanina ko pa pinipigilan. "Kuya, nagbabayad naman ako ah, 'di ba? Just pour the damn drink." Napailing na lang siya bago nagsalin ulit. Kinuha ko agad ang shot glass. The amber liquid burned my throat going down, pero mas gusto ko 'to. Mas gusto ko 'yung hapdi ng alak kaysa sa hapdi ng katotohanang walang kwenta ang pagiging mabait ko. Tonight, Rina Cortez is dead. The good girl is gone. Inayos ko ang suot ko. Nakasuot ako ng pulang silk dress na hapit na hapit sa katawan ko. Backless ito at sobrang ikli yung tipong konting galaw ko lang sa pag-upo, makikita na ang panty ko. Binili ko 'to kanina sa isang impulse buy matapos kong lumayas sa apartment namin ni Jason. Ito 'yung klase ng damit na ayaw na ayaw niya. "Masyadong malaswa," sabi niya dati. Well, guess what, Jason? I don’t give a damn anymore. Tumingin ako sa salamin sa likod ng bar. Maganda pa rin naman ako kahit medyo sabog na ang eyeliner ko. Ang haba ng buhok ko, magulo pero natatabunan ang hubad kong likod. Dark crimson naman ang kulay ng mga labi ko. Mukha akong babaeng handang gumawa ng gulo—o handang magkasala. Ang ingay ng paligid. Isa ang Pulse sa mga pinakasikat na high-end bar sa BGC, kaya punong-puno ito ng mga yuppies na naghahanap ng hookup o pampalipas-oras. Ramdam ko sa dibdib ang bass ng EDM music, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. Kukunin ko sana ulit ang baso ko nang biglang may humawak sa kamay ko. Isang malaki at mainit na palad ang pumigil sa akin kaya napahinto ako. Sa halip na tingnan ang kamay niya, dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Halatang mamahalin ng cufflinks niya. Naka-charcoal suit siya na sa tingin ko, mas mahal pa sa tuition f*e ko. Malapad ang balikat niya na bumabakat sa suot niya, at ang panga niya na may kaunting balbas na mas nagpadagdag sa pagkalalaki niya. doon ko nakita ang mga mata niya—seryoso at mahirap basahin. Parang tumigil ang paghinga ko. Kahit magulo ang bar, parang kaming dalawa lang ang nandoon. Mukha siyang tahimik, pero ramdam mong hindi basta-basta. Hindi siya mukhang tipikal na bar-goer na naghahanap lang ng “happy time.” Para siyang sanay na masunod. “Bitawan mo ang baso ko,” matapang kong sabi, kahit bahagyang nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa pakiramdam nang magdikit ang balat namin. Hindi siya natinag. Sa halip, dahan-dahan niyang inalis ang shot glass sa harap ko at inilayo iyon. Umupo siya sa stool sa tabi ko, saka humarap nang diretso sa akin. “I think you’ve had enough, Miss,” sabi niya sa mababang boses na may awtoridad. Bigla akong kinabahan, at hindi ko alam kung bakit. "Wala kang pakialam," I snapped, trying to maintain my composure. "Sino ka ba? Nanay ko? Pulis?" “Wala kang pakialam,” mataray kong sagot, pilit pinipigilan ang sarili ko. “Sino ka ba? tatay ba kita?” Gumalaw ang mga labi niya, at isang mapanuksong ngiti ang sumilay doon. "Just a concerned citizen watching a beautiful woman try to drown herself in cheap tequila." "Hindi 'to cheap," depensa ko. "Patron 'yan." "Still cheap compared to what you deserve," deritsong sagot niya. Napatahimik ako. Compliment ba 'yun o nang-aasar lang siya? Tinitigan ko siya nang maigi. Hawak niya ang isang baso ng whiskey sa kabilang kamay at dahan-dahan itong iniikot, mukhang kalmadong-kalmado sa gitna ng ingay ng paligid. "Bakit ka nandito?" tanong ko, medyo bumabagal na ang pananalita ko. "Wala ka bang girlfriend na hinihintay? O asawa?" Umiling siya, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, hanggang sa neckline ng dress ko, bago muling tumitig sa mga mata ko. Sa paraan ng pagtingin niya, parang hinuhubaran ako, at bigla namang uminit ang pakiramdam ko. "No wife, no girlfriend. Just me and a boring night that suddenly got interesting," bulong niya habang inilalapit ang mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango at mainit niyang niyang hininga—nakakalasing, at mas malakas pa ang tama kaysa sa alak na iniinom ko. "You look sad," mahinang puna niya—hindi patanong, kundi parang sigurado siya sa nakikita niya. "Hindi ako malungkot," tanggi ko sabay iwas ng tingin, "galit ako, and there's a difference." "Anger is better," sabi niya na tila ba approve sa kanya ang nararamdaman ko, "Sadness makes you weak. Anger... anger makes you do things you might regret, but at least you’ll feel alive." Tinamaan ako sa sinabi niya. Kung kanina ay pakiramdam ko namatay na ako noong nakita ko ang fiance ko na may kalampungang iba, ngayon, habang kaharap ang stranger na ’to—parang biglang nagising ang bawat parte ng katawan ko. Hinarap ko siya nang buong tapang kahit sobrang lapit na ng mga mukha namin. Ramdam ko ang hininga niya sa pisngi ko, na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Ikaw?" hamon ko sa kanya, wala na ang hiya dahil sa tama ng alak. "Bakit ka nandito? You look too decent for a place like this." Bigla siyang napangisi. "Looks can be deceiving, sweetheart. I’m far from decent." aniya hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakita ko ang dilim sa mga mata niya. It mirrored the darkness inside me. He wasn't a knight in shining armor. He was the villain in the story, and right now, I didn't want to be saved. I wanted to be ruined. Kinuha niya ang whiskey glass niya at ininom iyon nang diretso—nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya sa bawat lagok, tila ba mas lalong nag-iinit ang tensyon sa pagitan namin. Pagkababa niya ng baso, tumitig siya sa akin nang seryoso. "Umiinom ka ba para makalimot, o umiinom ka para magkaroon ng lakas ng loob gumawa ng kasalanan?" His question hung in the air between us. Napalunok ako. That was it. That was exactly what I needed. Ayaw kong umuwi at umiyak lang. Gusto kong burahin ang bawat bakas ng haplos ni Jason sa balat ko. Gusto kong palitan ang alaala ng fiance ko ng isang bagay na mapangahas, isang bagay na walang pakundangan, at isang bagay na hindi gaanong masakit dahil alam kong wala itong kahulugan. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga labi. Tinitigan ko siya—iyung mapang-akit na tingin. "Depende," bulong ko, sa mapang-akit na boses. "Sasamahan mo ba ako sa kasalanan ko?" May kakaibang kislap sa mga mata niya. Nang walang salita, tumayo siya sa harap ko at iniabot ang kamay niya sa akin. “Let’s get out of here,” sambit niya, boses na parang utos na hindi ko matanggihan. Tinitigan ko ang kamay niya habang iniisip na pagsisisihan ko 'to bukas dahil hindi naman ako 'yung tipo ng babaeng sumasama sa strangers o nagpapauwi ng kung sino-sino lang, pero wala na 'yung dating ako—patay na si Rina Cortez. Inabot ko ang kamay niya at agad kong naramdaman ang higpit at init ng kanyang pagkakahawak na tila ba pagmamay-ari na niya ako, habang may kuryenteng gumuguhit mula sa palad niya hanggang sa buong sistema ko. Hinila niya ako patayo. Nanlalambot ang mga tuhod ko, pero agad na pumulupot ang braso niya sa bewang ko para alalayan ako, at napadikit naman ang katawan ko sa kaniya. Being this close to him felt like playing with fire, and God, I wanted to burn. "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang inaalalayan ako palabas ng crowded bar, away from the noise, away from my heartbreak. Huminto siya sandali bago itinulak ang pinto ng club. Sinalubong ng malamig na hangin ng gabi ang balat ko, pero wala itong nagawa para palamigin ang init na namumuo sa pagitan naming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa akin, ang mga mata niya ay nagniningning sa liwanag ng streetlights." "Somewhere where I can hear you scream my name instead of that music," bulong niya sa tenga ko, ang boses niya ay paos at puno ng pagnanasa. Napahinto saglit ang paghinga habang unti-unti kong nararamdaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa. "Wala nang atrasan 'to." bulong ko sa sarili. Sumakay kami sa itim na kotseng naghihintay sa valet. As the door closed, leaving the world behind, I knew one thing for sure. Tonight, I was going to make a mistake—a beautiful, terrible mistake, and I couldn't wait to make it happen.Rina Cortez POV Malamig ang sahig ng maliit naming sala habang nakaupo kami ni Gabriel, pinaliligiran ng mga folders, lumang resibo, at mga sulat-kamay na notes. Alas-onse na ng gabi. Tulog na si Theo sa loob, yakap ang kanyang paboritong asul na unan, pero kaming dalawa, tila wala pang balak dalawin ng antok. Ito na ang huling gabi bago ang simula ng "Disciplinary Hearing" sa unibersidad. "Sure ka na ba rito, Gabriel?" tanong ko habang tinititigan ang affidavit ni Nanay Celia. "Once na ilabas natin 'to, wala na talagang balikan. Monica will hate you more. Ricardo will definitely sue us for everything we have." Kinuha ni Gabriel ang isang folder at maingat itong inilagay sa loob ng kanyang bag. Tumingin siya sa akin, may pagod sa mga mata pero may determinasyon na hindi ko nakita noong unang linggo namin sa apartment. "They already took everything, Rina. The penthouse, the cars, the CEO title. Ang tanging natitira na lang sa akin ay ang katotohanan at ikaw. I won't let them take
Rina Cortez POV Hindi ako masyadong nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang pangalan ni Nanay Celia. Siya ang tumayong pangalawang ina ni Gabriel at naging lola-lolahan ni Theo sa loob ng penthouse. Hindi ko maisip kung bakit siya papayag na magtestigo laban sa amin. Alam kong mahal niya kami. Maaga kaming gumising ni Gabriel para simulan ang paghahanap. Ayon sa huling record na hawak niya, nakatira si Nanay Celia sa isang maliit na barangay sa Quezon City, malapit sa hangganan ng San Mateo. "Rina, sigurado ka bang gusto mong sumama? Baka mapagod ka lang, malayo-layo ang lalakarin natin dahil hindi pwedeng ipasok ang sasakyan sa loob ng eskinita," tanong ni Gabriel habang nagtitimpla ng kape. "Kasama mo ako, Gabriel. Mas makakausap natin siya nang maayos kung nandoon ako. Alam mo namang mas malapit sa akin si Nanay Celia pagdating sa mga kwentuhan sa kusina," sagot ko habang inaayos ang sapatos ko. Si Theo ay pansamantalang iniwan muna namin kay E
Rina Cortez POV Halos hindi ko maramdaman ang mga binti ko habang naglalakad kami ni Gabriel patungo sa faculty parking lot. Ang bawat sapatos na nagtatama sa semento ay tila tunog ng orasan na nagbibilang ng oras bago tuluyang gumuho ang scholarship ko. Nakita ko ang sasakyan ni Elena—isang puting SUV na mukhang bago at sobrang kintab, malayong-malayo sa lumang sedan na gamit namin ngayon. Nakatayo si Elena sa tabi ng sasakyan, seryosong nakatingin sa kanyang phone. Nang mapansin niya kami, dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang sunglasses. "You're late, Gabriel," bungad ni Elena. Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang paa, bago muling ibinalik ang tingin kay Gabriel. "And I see you brought company." "Elena, anong ginagawa mo sa Dean's office kanina?" diretsong tanong ni Gabriel. Hindi siya lumapit nang husto, nananatiling parang proteksyon sa harap ko. "Mark told us about the scholarship buyout. Is it true?" Huminga nang malalim si Elena at sumandal sa kanyang sasakyan. "It's
Rina Cortez POV Maulan ang hapon na iyon, saktong-sakto sa bigat ng nararamdaman ko habang naglalakad palabas ng building ng College of Business. Pinayungan ko ang sarili ko ng maliit at kupas na payong, pilit na iniisip kung paano ko pagkakasyahin ang natitira kong barya para sa pamasahe at hapunan naming dalawa ni Theo. Kahit na-freeze ang assets ni Ricardo, hindi pa rin ganoon kabilis ang usad ng pera para kay Gabriel. Sa ngayon, balik kami sa realidad na bawat sentimo ay kailangang bilangin. "Rina! Sasabay ka ba?" sigaw ng isang kaklase ko mula sa malayo, pero bago pa ako makasagot ay hinila na siya ng kasama niya at bumulong. Halata ang pag-iwas nila. Yumuko na lang ako at dumeretso sa gate. Ayon sa napag-usapan namin ni Gabriel, kailangan naming magpanggap na wala kaming ugnayan para hindi lalong madiin ang scholarship ko sa disciplinary hearing. Pero mahirap. Mahirap na parang hindi ko siya kilala kapag nakikita ko siyang naglalakad sa faculty wing. Naglalakad ako sa gilid
Rina Cortez POV Kakatapos lang ng huling klase ko sa hapon at diretso agad ako sa opisina ni Gabriel. Masakit pa rin ang mga hita ko mula sa nangyari sa library kagabi, pero wala akong lakas ng loob na magreklamo. Pagpasok ko, nakita ko siyang seryosong nakaharap sa tatlong monitor sa table niya.
Rina Cortez POV Maingay ang buong classroom dahil lahat ay nagre-review para sa recitation sa Management Economics. Pero ako, nakatitig lang sa index card na hawak ko, habang pinapakiramdaman ang bawat paggalaw sa paligid. Ang suot kong silver choker ay tila mas humihigpit ngayon. Pumasok si Gabr
Rina Cortez POV "Sigurado ka bang kailangan ako rito, Prof?" Nakatayo ako sa tapat ng pinto ng main conference room. Rinig ko ang mahinang bulungan ng mga board members sa loob. Hinawakan ko ang laylayan ng uniform ko, pilit na ibinababa ito kahit alam kong wala namang magbabago. "Assistant kita
Rina Cortez POV Maingay sa cafeteria dahil break time. Sinubukan kong magtago sa pinakasulok na table, suot ang suot ko kahapon na uniform dahil hindi na ako nakauwi sa dorm semula nung kinuha ako ni Gabriel sa kanto. Pakiramdam ko, bawat estudyanteng dumadaan ay nakatingin sa akin, o b






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore