Miro POVHalos mag-uumaga na nang makarating si Samira sa underground hideout namin dito sa Villa. Tahimik ang paligid, kaya agad ko siyang naramdaman. Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang bumukas ang pinto at makita ko siyang safe. May sugat sa braso, may bahid pa ng putik at dugo sa suot niya, pero alam kong okay siya at ligtas.“You’re home,” bulong ko habang papalapit ako sa kaniya.“Mission accomplished,” sagot niya nang nakangiti. Halata na pagod, puyat at gutom siya. Alam ko kasing hindi na niya magagawa pang kumain dahil nag-iingat din siyang ipakita ang mukha niya sa public.Hinila ko siya papasok sa loob. “Let’s eat. You need food.”Tumango lang siya. Tahimik siyang naupo sa maliit na lamesa sa sulok ng kuwarto. Binuksan ko agad ang thermal food container na kanina pa nakaabang. Fried rice, scrambled eggs, garlic tapa at may kape na rin. Ganoon lang, parang dinner na almusal na rin ito para sa kaniya.“Miro, this is your idea of breakfast?” tanong niya habang inaabot ang tin
Samira POVBumukas na ang pinto.“What the fuck?!” sigaw ni Via nang makita niya ako sa dilim. Gusto niya sana akong sagasaan at takasan ka agad pero hindi ko hinayaang mangyari ‘yun. Sa isang iglap, naitulak ko siya pabalik sa loob ng kuwarto. Tumilapon siya sa sahig.Ni-lock ko ang pinto. Nilapag ko ang maliit kong bag sa kama. Mula roon, isa-isa kong inilabas ang mga gamit na gagamitin ko sa gagang Via na ‘to.Pinuwersa ko siyang umupo sa silya sa gitna ng kuwarto. Gumapang siya palayo, pero mabilis akong nakalapit at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg.“Don’t fucking touch me!” sigaw niya.“Where is your brother?” galit kong tanong habang hinila ko ang duct tape mula sa bag at agad siyang itinali.“Fuck you.”Sinampal ko siya nang malakas. “Try again.”Tumawa lang siya na tila hindi natatakot sa akin. “You think I’ll rat out my brother? Dream on, bitch!”Talagang matapang ang bruha. Hindi ko alam kung paanong naging ganito siya. Tila ba handa na siyang mamatay talaga.Kinuha ko tu
Samira POVTahimik ang gabi at siyempre, malamig na dahil nandito na ako sa Tagaytay. Ang bughaw na langit ay unti-unting nilalamon ng ulap habang binabaybay ko ang malamig na kalsada ng Tagaytay gamit ang big bike ni Miro. Ang gara lang dahil wala akong nararamdamang kaba o takot. Siguro ay dahil alam kong walang binatbat si Via. Ni hindi nito kakayaning lumaban sa akin.“I’m almost there,” bulong ko sa sarili ko habang pinapatay ko ang headlight. Malapit na ako sa private swimming pool resort kung saan nagtatago si Via. Isang linggo na mula nang mawala si Manang Cora, at ngayon, oras na para singilin si Vic. At dahil alam kong mahalaga si Via sa kaniya, siya ang gagawin kong kapalit sa pagkawala ni Manang Cora.Bigla kong pinahinto ang motor nang mapansin kong may mga lalaking nagkalat sa harap ng resort. Mga armadong lalaki. Walang duda, soldiers ‘yun ni Vic.“Tch. Predictable,” bulong ko habang bumababa sa motor. Agad akong umatras sa madilim na bahagi ng kalsada, sinilip ang pali
Miro POVIsang linggo na ang lumipas mula nang makaalis ng bansa ang pamilya ko. Safe na sila roon. Wala na akong inaalalang baka may sumunod sa kanila o baka may humabol pa. Ako na lang ang natira at sina Samira, Tito Zuko, Tito Sorin, Tito Eryx, at si Ramil. Kami na lang ang natitirang lalaban. Kami na lang ang naiwan sa ilalim ng mundong ito.Pero ang kagandahan, dumami pa ang mga soldiers ko na nasa tahimik na lugar, sa mga lugar na sinu-sure kong hindi makikita ng kahit na sinong tauhan ni Vic. Pinagte-training ko pa sila nang maigi para mas gumaling at mas manalo kami kapag nangyari na ang malaking labanan.Tahimik ang tanghaling ‘yon. Mas tahimik pa kaysa dati. Nakahiga ako sa isang metal cot habang pinagmamasdan ang kisame ng underground hideout. Ilang araw na kaming tahimik at hindi nagpaparamdam. Ang naisip namin, magpahinga muna at magpalakas habang ang mga tauhan ni Vic, tiyak na pagod na sa kakahanap kung nasaang lupalop kami. Sa ganoong paraan, mas lalong mag-iinit ang u
Samira POVTahimik ang buong underground hideout. Wala ni isang nagsasaya, tanging mahinang hikbi at bulong na dasal lang ang maririnig sa sulok kung saan naroon ang urn na naglalaman ng abo ni Manang Cora. Nasa gitna ito ng maliit na altar, napapalibutan ng puting bulaklak at ilang kandila.Nakakalungkot pa ring tignan at isipin na hindi kumpleto ang mga manang. Nakaupo lang ako sa isang sulok, yakap-yakap ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang mga Manang—sina Manang Luz, Manang Josie, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Tahimik silang nagdarasal, nakaluhod sa harap ng banga. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang, hawak pa ni Manang Cora ang kamay ko, pinapakalma ko. Ngayon, abo na lang siya.“Lord, please welcome our sister Cora into Your arms,” mahina dasal ni Manang Percy habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya.Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala. Pati si Miro ay hindi ko na namamalayan kung ano ang ginagawa. Ngayon, gusto ko lang tumunganga,
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Para akong walang pahinga sa dami ng emosyon na dumaan kagabi. Galit, lungkot at uhaw sa hustisya. Tulala ako habang nakaupo sa gilid ng kama, nakatitig sa sahig na para bang may sagot doon sa sakit na nararamdaman ko. Hindi pa ako nagbibihis. Hindi pa ako nagsusuklay. Pero alam ko, kailangan kong gumalaw dahil may matindi akong plano ngayong araw.Narinig kong bumukas ang pinto. Si Miro pala. Pareho kaming mukhang pagod at walang tulog, pero alam kong pareho rin kaming may gustong sabihin sa isa’t isa.“Samira,” tawag niya sa akin habang mahina ang boses. “You okay?”“No. I’m not,” sagot ko habang nakatingin sa kaniya. “And I don’t think I’ll ever be okay until we end this.”Tumango siya. Umupo sa tapat ko. Tahimik lang kami ng ilang segundo, pero hindi na ako nakatiis. Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang naisip kong plano kagabi pa.“I want Don Vito dead,” seryoso kong sabi habang punong-puno ng galit. “
Samira POVTahimik tuloy ang gabi. Pero hindi ito kapayapaang gusto naming maramdaman. Tahimik dahil lahat ay pagod, sugatan at may lungkot na hindi kayang ikubli kahit gaano katapang ang mukha naming ipakita sa isa’t isa.Pagka-uwi namin sa underground hideout, walang imik ang lahat. Malinis din kaming nakauwi sa hideout, sinigurado naming walang nakasunod.Pero kahit anong linis ng operasyon, kahit gaano kami kaingat… wala na si Manang Cora.Sa receiving area ng hideout, naupo ang lahat— bawat isa ay parang nilamon ng bigat ng pangyayari. Nasa sahig sina Manang Percy, Manang Luz, Manang Josie, Manang Luciana at Manang Rowena. Ang mga kamay nila ay magkahawak, pero nanginginig. Nang marinig nila sa wakas ang kumpirmasyon na wala na nga si Manang Cora…doon na sila isa-isang nag-iiyak.“Hindi… hindi puwede…” bulong ni Manang Percy bago siya tuluyang napahagulhol.“Wala na siya… hindi man lang kami nakapagpaalam,” sabi ni Manang Josie na umiiyak si Manang Josie, nanginginig ang boses ni
Samira POVHindi ko inakalang ngayon ding araw ay sobrang daming mangyayari. Akala ko tapos na. Akala ko ligtas na kami. Pauwi na dapat, magpapahinga na dapat kasi ang totoo, pagod na.Pero ngayong araw din pala, tanghali nun nang mailabas namin si Manang Cora sa ospital ay isang nakakagimbal na pangyayari ang nangyari.BOOM!‘Yun lang ang narinig namin, kasunod ang apoy na biglang sumiklab sa harapan namin. Sumabog ang ambulansyang dapat ay sinasakyan ko. Nandun sina Manang Cora, ang nurse at isang paramedic. Muntik na akong mapasigaw sa sakit ng dibdib ko. Nanlambot ang tuhod ko habang nakatitig sa naglalagablab na sasakyan.“No... NO!” sigaw ko na halos hindi agad makahinga.Hinawakan ako ni Papa Mishon. “You need to stay focused, Samira. Stay with me.”Pero hindi ko na siya naririnig nang maayos. Puno ng apoy ang paningin ko. At galit na rin. Galit na hindi ko alam kung saan ko ilalabas.Tang-ina mo, Vic. Ang lala ng hatid mo sa amin kahit hindi ka pa humaharap sa amin.Sa gitna n
Samira POVAkala ko ligtas na kami. Akala ko magiging tahimik kami dito sa ospital. Pero isang post ng isa ring tao kanina sa ospital ang nakapag-post ng picture namin sa social media. Ito ata ‘yung isang bantay kanina ng pasyente na umuwi na dahil may kapalitan na. At wala siyang kaalam-alam na panganib ang ginawa niya sa amin. Napakatanga niya kung sino man siya.Ako mismo ang nakakita ng post niya habang nakatingin sa cellphone ko. Mabilis itong kumalat dahil dati nang sikat sina Mama Ada at Papa Mishon sa social media dahil sa pagiging sikat na international model ni mama Ada.“Tangina…” bulong ko habang kinuha ko ang phone at pinakita kay Papa Mishon ang post.“We need to evacuate,” sabi ko agad. “Isa lang ang sure na mangyayari after ng post na ‘yan, Vic’s men are coming.”Tinawagan ko agad ang ospital director. “Tell everyone to get out. Now. If you care for their lives, evacuate. Someone leaked our presence. There’s a war coming.”Pero tila walang pake ang director ng ospital