 LOGIN
LOGIN LiaCollargaSiyosa
LiaCollargaSiyosaOh, ayan na. Nagbabalik update na. Jusko, limang araw lang nag-absent dahil namahinga lang ang author, nag-iinaso agad kayo. Wala na po bang karapatang magpahinga ang mga author. Sa huling limang araw ng buwan, pahinga ko 'yun kaya dapat masanay na kayo, ha. Salamat and godbless you all.




Ahva POVNakatulog at nakapagpahinga naman kahit kaunti at para sa akin, ayos na iyon. Sa panahon kasi ngayon, hindi ko kayang matulog ng matagal o mahabang oras. Ang dami kasing kailangang gawin. Nadatnan ko sila sa gitna ng malawak na training field ng Silent Fang School, naroon sina Eryx, Sorin, at Zuko. Tatlo silang nakatayo sa gitna ng hanay ng mga estudyanteng tinuruan nilang humawak ng mga sandata. Sa totoo lang, kahit ako, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa tatlong ‘yon. Kahit wala hindi naman nila need gawin ito, nandito sila para tulungan ang school. At malakas ang kutob ko na dahil iyon sa amin ni Eryx. Alam kong nakiusap si Eryx sa mga kapatid niya para maligtas kami.“Ulitin n’yo!” sigaw ni Eryx habang tinuturuan ang mga estudyante kung paano umatake gamit ang mahabang espada. “Hindi lang lakas, diskarte! Kapag bumuwelo ka, siguraduhing may kasunod na depensa!”Sabay-sabay na sumigaw ng ‘Yes, sir!’ ang mga estudyante. Napangiti ako nang makita kong halos pawis na pawis
Ahva POVKahit puyat sa labanan kagabi, hindi ako mapakali. Maaga tuloy akong gumising at bumangon. Dahil sa mga nagaganap ngayon dito sa school, parang hindi maganda ‘yung palaging nagpapahinga pero alam kong kailangan kasi doon lang kami makakabawi ng lakas.Paglabas ko ng big dorm, dumiretso agad ako sa dorm ni Kara. Isa siya sa mga hindi nakatulong kagabi, kasi nga, may sugat pa siya sa binti at mga hita na hindi pa tuluyang naghihilom dahil sa katigasan ng ulo niya.Pagbukas ko ng pinto, nandoon siya, nakaupo sa gilid ng kama. Nakatingin lang sa bintana, hawak ‘yung bandage sa hita niya.“Kara?” tawag ko agad sa kaniya.Lumingon siya agad, at pagtingin niya sa akin, napansin kong namumugto ang mga mata niya. “Ahva… nandoon ka kagabi, ‘di ba?” mahina niyang tanong. “Dinig na dinig ko kasi ang gulo kagabi.”Tumango ako, sabay lapit. “Oo. Dumating sila Eryx, Tito Zuko, at Tito Sorin. Sakto kasi, inalertuhan nila ang school bago pa dumating ‘yung mga bihasang assassin.”Napatingin si
Eryx POVSampung minuto pa lang mula nang makarating kami dito sa Silent Fang School, umalingawngaw agad ang gulo.“Sir Eryx!” sigaw ng isa sa mga lalaking estudyante na may hawak ng radyo. Halatang nanginginig ang kamay nito. “May—may tumalon sa bakod! Parang mga ninja, lalaki! Nakapasok na po rito sa loob!”Agad akong napalingon kay Zuko at Sorin.“Gaano karami?” tanong ko agad, para alam namin kung ilan ang dapat lumaban.“Isa pa lang po, pero may mga nadagdag, sir!” Mabilis pa ang sunod nitong sabi. “Lima na po! Malalaking lalaki! Nakapasok na lahat sa east side! May mga estudyanteng walang malay at duguan na agad!”“Damn it,” bulong ni Zuko, sabay labas ng baril na may silencer.Hindi na kami nag-aksaya ng oras. “Zuko, sa kanan. Sorin, sa likod ko,” utos ko. “Pupunta tayo sa east side ngayon din.”Paglingon ko, nakita ko sina Ahva at Amon na mabilis na papalapit sa amin. Pareho silang may hawak na armas, si Ahva, baril at patalim habang si Amon naman ay may mahaba at matalim na e
Ahva POVWala nang oras para sa pahinga, gabi na kasi, at may mga kailangang nang gawin dito sa school. Isa-isa nang lumabas ng dorm ni Kara sina Amon, Cael, Nyra para asikasuhin ang mga lalaking student na magbabantay sa paligid ng Silent Fang School ngayong gabi.Ako at si Penumbra naman, dumiretso muna sa big dorm namin para kumuha ng jacket. Ramdam ko na kasi ‘yung lamig ng simoy ng hangin, na nakakapanginig, lalo na kapag madaling-araw. Sa totoo lang, hindi lang lamig ang nararamdaman ko kapag gabi na, may halong kaba kasi inaasahan namin na kapag gabi na, may susugod na namang mga kalaban na gustong pabagsakin ang school. Hindi ko alam kung bakit, pero mula pa kaninang hapon, parang may kakaibang bigat sa dibdib ko, na para bang may nararamdaman akong masamang mangyayari.Pagkapasok namin sa dorm, tahimik lang si Penumbra habang inaayos ‘yung mga gamit niya. Ako naman, diretso agad sa kama ko kung saan nakapatong ang phone kong kanina ko pa hindi nahahawakan. Pagbukas ko ng scre
Eryx POVHindi ako mapakali. Hindi ko dapat ginagawa ito dahil isa akong mafia boss. Nag-uutos na lang dapat ako sa mga galamay ko, kaya lang, gusto ko malinis, gusto kong masiguro na may malalaman ako about sa galawan nitong sina Solomon at ng amo niyang mafia boss. Kaya imbis na magpadala ako ng magmamanman dito sa head quarter nila, ako na ang mag-isang nagtungo. Ito ay dahil alam kong malinis akong gumalaw.Nasa tuktok ako ngayon ng isang malaking puno, tanaw ko mula rito ang mismong headquarter ni Solomon, isang lumang gusaling kulay gray na parang laging basa sa hamog. Mula rito, kita ko ‘yung mga bantay na palakad-lakad sa paligid, may mga baril, at halatang alert kada oras.Gusto kong malaman kung ano na naman ang binabalak ng grupong ‘to. Hindi na kasi ako mapalagay mula nang makarating sa akin ‘yung balitang may sinasadyan nitong grupo ng red eye na kalabanin ang imperyo ko at pati ang silend fang school ay pinupuntirya. Paano na lang kapag nalaman nilang syota ko si Ahva, a
Ahva POVAmoy na amoy na sa buong dorm ‘yung adobo ko. Ang bango talaga, ‘yung tipong kahit tulog ka, mapapabangon ka talaga sa amoy. Ang sikreto kasi dito ay ang mabangong bellpepper at ang maraming hiniwang sibuyas at bawang. Tinitimpla ko pa lang ‘yung huling halong sabaw para mas lumapot nang kaunti nang marinig kong nag-uunat na si Amon.“Hmm… amoy masarap na ulam ah,” garalgal niyang sabi, sabay hikab.Sinundan pa siya ni Cael na halos sabay na bumangon. “Tangina, sino nagluluto? Ang sarap ng amoy!”Natawa ako habang sinasandok ko na ‘yung adobo sa malaking mangkok. “Ako. At tama kayo, kakain na tayo ngayon.”Tumingin ako kay Kara. Tahimik lang siya, nakasandal sa headboard ng kama, pinagmamasdan lang kami habang isa-isa nang bumabangon ‘yung apat kong kaibigan. Napansin ko, parang may bahid ng hiya sa mga mata niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong nahihiya siyang makipag-usap, dahil karamihan sa mga nandito ngayon ay ang dating kinaibigan niya para alipinin dahil sa pagi








