Misha’s POVNasa conference room ako ng isa sa mga Tani luxury hotels namin. Maluwag ang kuwarto, may mga glass walls na nagpapakita ng napakagandang view ng lungsod sa labas. Pero hindi iyon ang importante ngayon. Pinuno ng mga upuan ang lamesa sa harap ko, at ang bawat isa ay okupado ng mga managers at supervisors ng iba’t ibang hotels namin. I can see the tension in their eyes, but they trust me, and that’s all that matters.Nang ipasa sa akin ni Everett ang responsibility na ito, hindi ako nagdalawang-isip. Alam kong kaya ko, at alam kong kailangan ng pamilya namin na pagtuunan ko ng pansin ang ganitong mga bagay. Sino pa nga ba ang magtutulungan kundi kaming mag-asawa?Si Everett ang CEO ng company ng luxury car, habang ako naman ang CEO ng mga luxury hotel namin.“Good morning, everyone,” I started. My voice echoed slightly in the large room. “I’ve called this meeting to address a few things. I want to hear from each of you—honestly—about the most pressing issues you’ve been fac
Misha’s POVTatlong taon na ang lumipas mula nang ipanganak ko si Everisha. Tatlong taon na ring hindi nagpaparamdam sina Tita Maloi, Tito Gerald, at ang mga pinsan ni Everett—sina Teff, Eff, at Rei. Sila ang mga kamag-anak ni Everett na kahit kailan ay hindi naging mabait o suportado sa amin. May kung anong maitim na plano palagi ang mga iyon, at sa tuwing may family gathering noon, nararamdaman ko ang kanilang mga matang tila lagi akong binabantayan, pero ngayon, parang nalusaw sila sa hangin. Buti na lang at wala na silang pakialam sa amin.Ngayong tatlong taon na si Everisha, hindi ko maiwasang mag-isip na kailangan ko nang tutukan ang mga businesses namin. Hindi lang dahil sa responsibilidad, kundi dahil gusto ko rin namang ibigay ang lahat para sa pamilya ko. Kaya naman, nang inalok ako ni Everett na maging CEO ng Tani Luxury Hotels, hindi ako nagdalawang-isip.“Ano ka ba, Everett,” sabi ko sa kanya noon, “kaya ko ‘yan! Para saan pa’t ginawa mo akong asawa mo kung hindi mo rin a
Misha’s POV“I missed you today,” bulong niya habang hinihila ako palapit sa kama.“Oh, talaga?” biro ko. “Pero hindi ka ba napapagod sa trabaho!” dapat kunyareng pakipot ako. Aba, siyempre, kahit mag-asawa na kami, dapat may ganito pa rin akong paglalandi.“Hindi,” sagot niya na mas malapit na ngayon ang mga labi niya sa akin. Lalo atang tumitigas ang mahabang bagay sa loob ng boxer short niya. Mas lalo akong kinikilig. “This... is what I really missed.”Bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko na ang mga halik niya sa leeg ko. “Everett, you really have to—” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nawala na ang pagod ko at napalitan ng kakaibang init. Lagi namang ganito si Everett; alam niya kung paano ako pasayahin kahit anong oras ng araw, o kahit gaano pa ako kapagod.Habang hinahalikan niya ang leeg ko, dahan-dahan naman niyang pinapasok sa loob ng panty ko ang kamay niya. Paano pa ako makakagalaw kung alam na niya kung paano ako mag-stay sa ginagawa namin. Heto na naman
Misha’s POVNang magising ako kinaumagahan, narinig ko na ang tunog ng mga paa ni Everisha na patakbo sa hallway. Tumatawa siya habang hinahabol ni Everett. Nagtago ako sa ilalim ng kumot, nakangiti habang naririnig ang tawanan ng mag-ama. Agad-agad akong nagbihis kasi baka makita niya akong walang saplot. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at biglang sumampa si Everisha sa kama.“Mommy, daddy said you’re still sleeping!” sigaw ng anak namin, habang sumampa sa likuran ko. “But you’re awake now!”“Oh no, nahuli mo ako,” sabi ko habang tumatawa rin. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang makita ko si Everett na nakatayo sa gilid ng kama, nakangiti rin at kumakaway pa, palibhasa’t nag-enjoy kagabi. Sa kalibugan, nakatulog na sa ibabaw ko habang nakapasok pa ang hotdog niya sa perlas ko. Ibang klase talaga. Ako pa ang naghugot kagabi.Pagkatapos ng almusal, nakaupo kami sa sala habang pinag-uusapan ang mga plano para sa weekend. Nagpasya kaming magbakasyon ng ilang araw sa isa sa mga luxury h
Misha’s POVPagkatapos ng swimming, dumiretso kami sa restaurant ng hotel para mag-dinner. Dapat relax na sana, pero si Everisha, hyper pa rin. Nag-order siya ng spaghetti na halos kalahati ng noodles ay napunta sa table, at ang sauce, sa mukha niya. Si Everett naman, hindi mapigilang magtawa habang pinupunasan ang anak namin.“Daddy, look! I’m like a clown!” sabi ni Everisha sabay ngiti habang punong-puno ng spaghetti sauce ang mukha.“Yes, sweetheart, a very cute clown,” sabi ni Everett, habang ako naman ay hindi na rin mapigilan ang tawa. Sobrang saya ng moment na iyon, parang wala kaming problema sa mundo.Pagkatapos ng ilang minuto, matapos ang feast na naganap sa mukha ni Everisha, finally, tahimik na siyang nakatulog sa stroller niya habang umiinom kami ni Everett ng wine.“Finally, some peace and quiet,” sabi ko habang nakatingin kay Everett.“Yeah, but it’s never boring with her around,” sabi niya habang iniikot ang wine glass niya. “Just like you. Never boring.”Napangiti ak
Misha’s POVUmaga nun, at kagigising ko pa lang. Nakapikit pa ang mga mata ko habang unti-unting nag-a-adjust sa liwanag ng bedroom namin. Malamig ang hangin na pumapasok mula sa bintana, pero may kung anong mabigat sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang may mali sa araw na ‘to. Kinapa ko ang cellphone ko sa tabi ng kama, automatic na routine ko ‘yon sa umaga. Ilang notipikasyon ang bumungad agad sa screen, pero may isang headline ang bumungad sa akin na parang suntok sa sikmura.Breaking News: Isang sikat na swimming pool resort ang sumabog.Napabalikwas ako ng bangon. Agad kong pinindot ang notification at doon ko nakita ang mga larawan ng swimming pool resort na iyon. Ang kauna-unahang swimming pool resort ko... nasunog. Winasak ng pagsabog. Ang kauna-unahang swimming pool resort na minahal ko at pinaghirapan kong itayo noon, tila nabura lang sa isang iglap.“N-No…” Nag-echo ang bulong ko sa kuwarto, na parang ang tinig ko mismo ay ayaw paniwalaan ang nakita.H
Misha’s POVPagkauwi ko sa mansiyon namin ni Everett, halos hindi ko na maramdaman ang mga binti ko sa sobrang pagod. Gabi na at ang dilim ng paligid ay parang bumabalot din sa pakiramdam ko—mabigat, walang sigla at puno ng panghihinayang. Hindi ko inakala na magiging ganito kalaki ang pinsalang dulot ng trahedya sa swimming pool resort. Hindi ko pa rin matanggap na lahat ng mga staff na iyon—mga taong matagal na naming staff sa trabaho—ay wala na.Isa-isa ko silang pinuntahan sa kani-kanilang bahay, sa mga pamilyang iniwan nila. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng pagharap sa mga magulang, asawa, at mga anak ng mga namatay. Pinilit kong maging matatag, pero sa loob-loob ko, bumabagsak ako sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat bahay na binisita ko, ramdam ko ang lamig ng tanong sa mga mata ng mga naulila—mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Paano nga ba nangyari iyon? Bakit sila?At bilang tugon, daan-daang milyong piso ang inilabas namin. Iyon na lang ang naisip naming paraan para ka
Misha’s POVIsang linggo lang ang nakalipas mula nang sumabog at masunod ang swimming pool sa resort namin. Isang linggo lang... Pero para bang ang dami nang nagbago. Halos hindi pa nga ako nakakabalik sa normal na routine ko, pero heto na naman. Isa na namang trahedya ang nangyari. This time, farm naman ng mga magulang ko ang nadamay.Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada, nakatingin sa mga abo at uling na iniwan ng sunog. Ang farm na dati ay kulay luntian at buhay na buhay, ngayon ay wala na. Mga hayop... mga tanim... lahat nawala. Wala namang nasaktan, walang namatay. Pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na parang unti-unti kaming inuubos. Parang isa-isa, lahat ng mahalaga sa akin ay ginagawan nila ng problema.Humigpit ang hawak ko sa mga braso ko habang pilit pinipigil ang panginginig ng katawan ko. “Hindi ‘to coincidence,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat sisihin, pero ang pakiramdam ko, ako ang target. “Parang may gustong magpabagsak sa akin, paran
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac