Everett’s POVGabi na. Tahimik ang buong paligid maliban sa mga kuliglig at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Walang bituin sa langit, parang binabalot ang mundo ng dilim, kagaya ng nararamdaman ko ngayon—walang kasiguraduhan, walang liwanag. Sa halos dalawang araw na lumipas, hindi ko matanggap na ito na ang nangyari. Hindi ko matanggap na wala pa rin si Misha. Hindi pa rin siya nakikita.Naglalakad ako papunta sa ilog. Ilang beses ko na itong dinaanan, paulit-ulit kong binalikan, umaasang may makikita akong palatandaan o kahit anong bakas. Ngunit ang gabi ngayon ay iba—mas madilim, mas malamig, mas masakit.Pagdating ko sa pampang ng ilog, naramdaman ko ang bigat ng buong mundo sa mga balikat ko. Tila may puwersa na humihila sa akin pababa, palapit sa tubig na parang nagmimistulang walang katapusan. Napaluhod ako sa putikang lupa, at doon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Para akong bata, hindi ko na napigilan ang paghagulhol. Parang pinipiga ang puso ko,
Misha’s POVNagising akong may matinding kirot sa ulo. Parang hinahati ito ng isang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata ko, napagtanto kong nasa isang malawak na kuwarto ako, napalilibutan ng puting mga dingding, may amoy ng antiseptiko. Nakakabit ang kamay ko sa isang dextrose at halos hindi ko magalaw dahil sa pagkalata ng katawan ko.Sa sulok ng aking paningin, naramdaman kong may benda ang aking ulo. Pumikit ako at pilit inaalala kung ano ang nangyari—ang huling bagay na naaalala ko ay ang pagpukpok ni Belladonna ng kahoy sa ulo ko... pagkatapos, wala na akong maalala.Maya maya, narinig ko ang mahinang tunog ng pinto. Bumukas ito, at pumasok ang isang lalaking hindi ko kilala. Matangkad siya, may kaakit-akit na postura, at agad kong napansin ang pormal niyang kasuotan. Sa unang tingin pa lang, alam kong mayaman siya; ang gupit ng kaniyang buhok, ang kinis ng kanyang balat, at ang kompyansang nakikita ko sa kanyang bawat galaw, lahat ay nagsasabi ng pagiging maykaya.Lumapit siya a
Misha’s POVPinilit kong ngumiti ng bahagya, pero alam kong hindi ito umabot sa mga mata ko. “It’s… complicated,” sagot ko, malungkot na napabuntong-hininga. “Let’s just say I needed to escape.”“An escape… I get that. Parang ako lang din pala.” Tumango siya at may lungkot din sa kanyang mga mata. “Sometimes we run away from things we can’t handle. But we can’t always run forever, can we?”Tiningnan ko siya, at sa sandaling iyon, alam kong pareho kami. Pareho kaming sugatan, parehong tumatakas. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng lahat, nakaramdam ako ng kaunting aliw sa pagkakaalam na may ibang taong may parehong pinagdaraanan. Nagbukas siya ng pinto ng kanyang mga alaala, ngunit hindi ko siya hinusgahan. Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag.“How about this—why don’t you stay here for a while? Give yourself time to recover,” mungkahi niya, at bakas sa boses niya ang pag-aalala. “You don’t need to go back to whatever it is just yet.”Hindi ko alam kung paano sas
Misha’s POVHalos hindi ako makapaniwala sa balita. Malinis na ang pangalan namin ni Cassian. Sa wakas, natapos na ang bangungot na ito. Parang gustong sumabog ng puso ko sa tuwa habang naglalakad papunta kay Ayson. Siya at ang mga tauhan niya ang nagpakahirap upang magkaroon ako ng balita sa nangyayari sa asawa ko, at hindi ko matutumbasan ng anumang pasasalamat ang ginawa nila para makasagap ako ng balita.Nito ko lang din nalaman na si Ayson pala ang may-ari ng mga malalaking mall dito sa loob at labas ng Pilipinas. Bilyonaryong tao pala itong tumulong sa akin.Suwerte pa rin ako kasi isang mabait na tao ang tumutulong sa akin. At ramdam ko naman na mapagkakatiwalaan si Ayson.Nang makita ko siya, agad kong sinabi, “Thank you, Ayson. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.”Tumango lang siya, simpleng ngiti ang isinukli, pero alam kong alam niya kung gaano ito kahalaga para sa akin.Ngunit kahit gusto ko nang umuwi, may nag-udyok sa akin na manatili pa nang mas matagal. Ayokon
Misha’s POVTahimik akong nakaupo sa tabi ni Ayson habang dinaraanan ng sasakyan namin ang malamig at mahamog na kalsada ng Tagaytay. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero sanay na ako sa biglaang pag-aaya niya. Mula sa gilid ng mga mata ko, pansin kong may ngiting hindi maipinta sa mukha niya, tila may tinatago.“Where are we going exactly?” tanong ko, hindi maitagong curiosity.“You’ll see,” sagot niya na may halong excitement ang boses.Habang nakatingin ako sa hamog at sa mga magagandang tanawin dito, naisip ko bigla si Everisha. Alam ko, miss na miss na rin ako ng anak ko. Pero para sa pinaghahandaan kong malaking laban, magtitiis muna ako. Alam ko namang na pagkatapos ng mga gulong ‘to, magkakasama kami ng buo ulit. Isu-sure ko ‘yan.“Dapat nag-training na lang ulit ako,” sabi ko sa kaniya. Kapag kasi ganitong gala ang pupuntahan, mas nami-miss ko ang pamilya ko. Si Everett at si Everisha.“Masaya ito, huwag kang mag-alala. Sure akong matutuwa ka rin sa huli,” sagot na l
Everett’s POVHindi ko alam kung paano nagsimula ang gabing ito. Marahil isa lamang ito sa mga pagkakataong napag-trip-an kong suriin ang CCTV footage para lamang tiyaking ligtas ang paligid ng bahay ko, lalo’t malamig ang gabi at tahimik ang bawat sulok ng kabahayan. Pero hindi ko inasahan ang tumambad sa harap ko ngayon.Nakanganga akong nakatitig sa monitor, halos hindi ako makahinga. Paulit-ulit kong pinindot ang rewind button para muling pagmasdan ang bawat detalye. Isang pigura na naka-jacket at naka-cap. Sa unang tingin, ordinaryo lamang ito, para bang isang tao lang na naglalakad sa tapat ng bahay ko. Pero sa ikalawa at ikatlong ulit ng pagtingin ko, unti-unti nang sumiklab ang isang kilabot sa puso ko.Siya iyon. Kilala ko siya. Kahit pa nakatago ang mukha niya sa ilalim ng cap, alam ko. Alam ko kung paano siya lumakad, kung paano tumingin sa paligid bago magpatuloy sa paglakad. Bawat galaw niya, bawat kumpas ng kaniyang katawan, nagsasabing siya iyon. Si Misha. Ang asawa kon
Misha’s POVSinigurado kong nakaayos ang buo kong katawan at nakasuot ako ng tamang gear. Ang silid ay malamlam ang ilaw, tila idinisenyo para magbigay ng konting kaba bago pumasok. Pagkabukas ng pinto, natanaw ko si Ayson. Nakasandal siya sa mesa na puno ng iba’t ibang klase ng baril—mga handgun, shotgun, rifle, at maging ang mga high-caliber sniper. Ang presensya niya pa lang, parang bumibigat na ang hangin. Matalim ang mga mata niya, parang walang ibang layunin kundi ang maging pinakamahusay ako sa larangang ito.“Ready?” tanong niya habang mababa ang tono ng pagsasalita at diretso sa punto.Tumango naman ako. “Always.”Kinuha niya ang unang baril—isang Glock 19. Simple at compact, pero may dating. Lumapit siya sa akin at ipinaliwanag nang detalyado ang mga parte nito habang hawak ko sa mga palad ko ang malamig na bakal.“First rule: Keep your finger off the trigger until you’re ready to shoot,” sabi niya ng diretsyo at walang paligoy-ligoy.Tumango ako habang nakatuon ang lahat ng
Misha’s POVNang umagang iyon, habang nag-aalmusal kami ni Ayson, pansin ko ang hindi mapakaling tingin niya sa akin. Kinuha niya ang tasa ng kape, saglit na tumitig, saka inabot ito sa akin. Sa ilalim ng tahimik na umaga, bumigat ang katahimikan.“Misha,” sabi niya sa mababang boses, “when do you plan on going back?” Tinitigan niya ako nang puno ng pag-aalala “Do you think you’re ready? You’re skilled enough. You know how to fight now. You’re good with guns and knives.”Napatingin ako sa kawalan, pinoproseso ang bigat ng tanong niya. Ilang beses na rin akong nag-isip tungkol dito, pero ngayon lang nagkaroon ng lakas na sagutin ang tanong na ‘yon. Malapit na… malapit na talaga. bumubuwelo lang ako, naghihintay lang ng tamang panahon.“Mmm…” Tumango lang ako. “Soon. Very soon, Ayson.”Tumango rin si Ayson, at isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, bagaman may bakas ng panghihinayang sa kanyang mga mata. Ibinuhos niya ang kanyang oras at dedikasyon sa akin, tinuruan niya ako
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac