The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)

The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)

last updateÚltima atualização : 2026-01-03
Por:  Sweet KittyAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
8Capítulos
20visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Galit, lihim, at pagnanasa—isang kwento ng paghihiganti na nauwi sa pag-ibig. Si Axel Garcia, single dad at kambal ni Austin, ay nagplano ng parusa kay Eunice Vergara… ngunit ang babaeng iyon ang magpapalakas ng kanyang pusong matagal nang sugatan. Sa gitna ng kontrol, tensyon, at madilim na pagnanasa, matutuklasan nila na minsan, ang tunay na pag-ibig ay mapanganib, masakit, at lubos na nakakapagpagaling.

Ver mais

Capítulo 1

Chapter1- A Sin I Didn’t Choose

Eunice’s POV

“Please, Axel… let me go! Saan mo ba ako dadalhin?” halos pasigaw kong tanong habang pilit kong hinihila ang braso ko palayo sa mahigpit niyang pagkakahawak. Nanginginig ang buong katawan ko—hindi ko alam kung sa takot o sa matinding kaba.

“Shut up,” malamig niyang sagot bago ako titigan nang may nagbabadyang panganib sa mga mata. “Or I’ll break your neck.”

Napalunok ako.

"Austin! Please help me" Nilingon ko pa sila pero tila hindi na ako narinig. Nakita kong pasakay na sila ng sasakayan nila. Lalo akong nawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung ano ang binabalak gawin sa akin ni Axel.

“Please… Pa-pakiusap,” halos pabulong na lang. “Hindi na ako lalapit pang muli sa inyo. Pangako. Hinding-hindi mo na makikita ang mukha ko ulit. Kailangan ako ng tita ko… nasa hospital siya.”

“I don't care about your aunt,” matigas niyang sagot. “Kasalanan mo ’to. Ikaw ang nagpakita. Salamat na lang at hindi na kita kailangang hanapin.”

Bago pa ako makapalag, mariin niya akong itinulak papasok sa loob ng kotse. Sumadsad ang likod ko sa upuan, at siya mismo ang mabilis na nagkabit ng seatbelt—parang kinukulong ako sa sarili kong bangungot. Humagulgol na lang ako, walang lakas para sumigaw pa.

“Don’t you dare try to run, sasagasaan kita.” malamig niyang babala bago umikot papunta sa driver’s seat.

Napatigil ang paghinga ko. Sa sandaling iyon, doon ko naintindihang hindi ito simpleng pagbabanta. Seryoso siya. At wala na akong takas.

“Saan mo ba ako dadalhin? Anong gagawin mo sa akin?” nanginginig kong tanong habang patuloy kaming bumibiyahe sa kalsadang hindi ko kabisado—isang direksyong pakiramdam ko’y lalo lang akong inilalayo sa kaligtasan.

“Ihuhulog kita sa cliff, if you don't stop talking,” malamig niyang banta, sabay lingon sa akin na nanlilisik ang mga mata, walang bahid ng biro o ng awa.

Napasinghap ako. Nakakatakot siya. Lubos na magkaiba sila ni Austin. Oo, kambal sila, halos magkapareho sa mukha, tindig, at maging sa boses. Ngunit kung si Austin ay may init sa mga mata, si Axel ay puro dilim. Ang tanging palatandaan ko sa kanila ay ang maliit na nunal sa kaliwang tainga niya.

Bigla kong naalala si Faith. Hindi na kataka-taka kung bakit agad siyang naniwala noon na may babae si Austin. Noon, natatakpan ng buhok ni Axel ang tainga niya—walang makapapansin sa pagkakaiba. At ngayon, mas lalong nakakatakot dahil bihasa na rin siyang magsalita ng Tagalog. Mas malinaw at mas matalim.

Anong halimaw ba itong nilikha ng ina ko?

Itinikom ko na lang ang bibig ko. Natakot akong baka hindi na iyon banta, baka iyon na talaga ang wakas ko. Mahapdi na ang mga mata ko sa kaiiyak, kumikirot na ang ulo ko sa sobrang pagod at takot, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko… umaasang paggising ko, tapos na ang bangungot na ito.

Pero mali ako.

Nagising ako sa biglang pagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Napaubo ako at napasinghap, pilit hinahabol ang hininga habang nagbabalik ang ulirat ko.

“Hey! Wake up, Disney princess,” malamig niyang sabi, may pangungutya sa boses. Nakangisi siya habang nakatayo sa harap ko. “Nandito na tayo sa palasyong pagsisilbihan mo.”

Parang may sumakal sa dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita. Biglang bumalik ang takot, mas mabigat ngayon, dahil malinaw na sa akin ang plano niya. Naramdaman kong namuo ang luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko. Ayokong makita niyang mahina ako.

“Ouch!” napadaing ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko palabas ng sasakyan. Hindi ako handa, kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak ang tuhod ko sa magaspang na semento.

Sumirit ang sakit. Nanginginig ang buong katawan ko.

Hindi ko na nagawang tingnan ang tuhod ko. Wala na ring oras. Hinila niya akong patayo, walang pakundangan, saka kinaladkad papasok. Ramdam ko ang hapdi at kirot, sigurado akong nasugatan na ako—pero mas masakit ang pakiramdam na para akong bagay na wala nang karapatang tumutol.

At doon ko na tuluyang naunawaan…

Hindi ito lugar na tutuluyan ko.

Isa itong kulungan.

At siya ang may hawak ng susi.

Ngunit tuluyan nang bumigay ang pagpipigil ko nang maalala ko si Tita Janice na nag-iisa, nakahiga sa malamig na kama ng hospital, hinihintay ako. Biglang bumuhos ang luha ko, tahimik ngunit mabigat, parang bawat patak ay may kasamang takot.

Paano na siya? Paano kung wala na akong balikan?

Hindi. Hindi puwedeng ganito. Kailangan kong mabuhay. Kailangan kong makaalis dito.

Gagawa ako ng paraan. Oo, Tama.. Tatakas ako.

Kung paano? Hindi ko pa alam. Pero gagawin ko.

Sa ngayon… susunod muna ako sa agos. Magmamasid. Maghihintay ng tamang pagkakataon.

“Welcome to my palace, Disney princess! Haha!”

Tumawa si Axel ng malakas, malamig, walang bahid ng awa. Napatingin ako sa kaniya, at sa sandaling iyon, hindi ko na siya nakita bilang tao.

Isa siyang halimaw sa paningin ko.

“B-bakit mo ba ako dinala dito? Anong gagawin mo sa akin?” nanginginig kong tanong, kahit malinaw naman sa paraan ng titig niya na wala siyang balak maging maawain.

Alam kong gusto niya akong pahirapan. Ramdam ko iyon sa bawat kilos niya, sa bawat salitang binibitawan niya. Pero hindi ko pa rin maintindihan—ano ba ang kasalanan ko sa kaniya?

“A-ano bang kasalanan ko sa’yo?” tanong kong muli, halos pabulong na, umaasang may rason siyang ibibigay na kaya kong intindihin.

Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, at sa unang pagkakataon, buong-buo kong nasilayan ang malamig at puno ng galit niyang mga mata.

“Ang ipinanganak ka,” mariin niyang sabi.

“At ang naging magulang mo… ang mga magulang mo.”

Parang may bumagsak na mabigat sa dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakahinga. Para bang sa isang iglap, hinatulan na ako sa kasalanang hindi ko naman pinili.

Kasalanang hindi ko kailanman nagawa, pero ako ang magbabayad.

“K-kasalanan ko bang ipinanganak ako? Kasalanan ko bang sila ang naging magulang ko?” sigaw ko, hindi ko na napigilan ang sarili. “May karapatan ba akong mamili ng magulang?”

Sa isang iglap, hinarap niya ako. Mabilis at marahas niyang hinawakan ang aking panga, sapat para mapasinghap ako sa sakit. Napilitan akong tumingala, at doon ko nakita ang galit na halos pumatay sa liwanag ng mga mata niya.

“Don’t you ever raise your voice on me,” malamig niyang babala. “Ayaw kong marinig ang boses mo. If you talk again, I’ll cut your tongue. Understand?”

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin kaya. Tango na lamang ang isinagot ko habang tuluy-tuloy ang paghikbi, nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

Bigla niya akong binitiwan, walang babala, walang awa. Bumagsak ako sa sahig. Mabuti na lamang at hindi ito magaspang, kung hindi ay baka mas malala pa ang naging tama ko. Ngunit kahit hindi masakit ang pagkakabagsak ng katawan ko, parang durog na durog naman ang loob ko.

Sa sandaling iyon, malinaw na malinaw sa akin ang lahat. Wala akong boses dito. Wala akong kapangyarihan.

At si Axel ang may hawak at control ng lahat.

“Zelda!” malakas na sigaw ni Austin.

“S-sir…” tarantang lumapit ang babaeng tinawag.

“Dalhin sa quarters ang bagong maid,” malamig na utos ni Axel.

“P-pero sir,” alanganing sagot ni Zelda, “hindi pa po nalilinis ang bakanteng quarter.”

“Siya ang maglilinis ng tutulugan niya,” putol niya, walang bakas ng pakundangan. “Bukas, turuan ninyo siya ng mga gagawin.”

Tumango si Zelda, halatang walang magawa. Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang braso ko, saka ako inakay papunta sa quarters area.

“Halika na…” mahina niyang sabi, parang nag-aalangan, marahil dahil hindi niya alam ang pangalan ko.

Hindi ako sumagot. Natatakot akong magsalita. Baka marinig pa ni Axel.

“Pwede ka nang magsalita,” bulong ni Zelda. “Wala na si sir, umakyat na.”

Napalingon muna ako sa likuran, sinigurong wala na nga siya, bago ako nagsalita. “Eunice,” mahina kong tugon.

“Pasensiya ka na,” aniya, may bakas ng awa sa boses. “Narinig namin ang usapan ninyo kanina ni sir… mabait naman talaga siya. Kaya nagulat kami sa tono ng boses niya kanina.”

Hindi ako sumagot. Tahimik akong naglakad kasabay niya—bitbit ang takot, luha, at ang unti-unting pag-unawa na dito sa lugar na ito magsisimula ang kalbaryo ko.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sem comentários
8 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status