Everett’s POV“Anong masasabi mo sa luto kong adobong baboy na may manok?” tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan nang pagkain namin. Tahimik kasi siya, hindi nagsasalita. Parang ayaw akong kausap. Kaya ako na ang gumawa ng topic.“Masarap kang magluluto kaya hindi na ako na-surprise,” cold niyang sabi. Pero at least nasarap siya.“Ang pakwan, okay na okay ba ang tamis at masabaw?” tanong ko pa rin para lang tuloy-tuloy ang pag-uusap namin. Grabe, para talaga akong nanliligaw ulit. Ako ‘yung sobrang effort ngayong para may mapag-usapan kami.“Matamis naman, pero mukhang maaga mong hiniwa kaya medyo na-dry,” sagot niya na parang nadismaya. Kaya pala kaunti lang ang tinikman niya. Ang tanga ko, dapat pala huli ko nang ginawa ‘yon.“Kagabi, gabing-gabi ko rin ginawa ‘yung leche flan, okay lang ba ang gawa ko nun?” tanong ko naman sa kaniya.“Halatang nanggaling ka sa mama ko. Halatang recipe niya ang ginaya mo. Galing ka doon at doon ka nagtanong ‘no?”Napangiti ako. Matalino talaga itong si
Misha’s POVPinipilit ako ni Everett na tumabi sa kaniya pero hindi pa rin ako pumayag, kahit na napasaya niya ako kaninang umaga. Ah, basta, hindi na muna. Ang plano ko, hindi muna magpatabi sa kaniya habang hindi tapos ang labanan na ito. Kailangan ko munang masigurong ubos na ang mga kalaban bago ako ulit magpabuntis sa kaniya. Fo-focus-an ko na muna itong mga kalaban namin para na rin makauwi na si Everisha dito sa Pilipinas. Gusto ko nang matapos ang labanang ito kaya ako na ang gagawa ng paraan. Sarili kong paraan.Nang magising ako ng alas-diyes ng gabi, tinuloy ko na ang plano ko. Gusto kong makuha ang mga sagot sa tanong na bumabagabag sa isip ko—nasaan si Belladonna? Ano ang koneksyon niya sa mga taong nagtatago ng kasinungalingan sa aking paligid?Dahil nalaman kong siya ang pumatay kay Trixie, mas lalo ko siyang gustong mahuli. Para mabigyan ng leksyon.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Kumilos ako nang mabilis at walang ingay, nilapag ko ang backpack sa ibabaw ng kama at sini
Misha’s POVHabang nakatago ako sa dilim, hindi pa rin ako mapakali sa narinig kong mga salitang lumabas sa bibig ni Belladonna. “Ma” at “Pa”? Hindi ko mapagtanto kung anong klaseng laro ang pinapasok ng mga taong ito. Pero hindi ko rin kayang magpigil; gusto kong malaman ang totoo—at ngayong narito ako, hindi ako aalis nang walang kasagutan.Dahan-dahan akong gumalaw mula sa aking pinagtataguan. Nasa akin ang bawat lakas ng loob at kaalaman sa pagtatago para hindi makatawag ng pansin. Mabilis at magaan ang mga hakbang ko, katulad ng mga natutunan ko sa mga nakaraang training. Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na magagamit ko ang mga natutunan ko para sa ganitong sitwasyon.Kaya lang medyo malas dahil nakita ako ng isang bodyguard, magsasalita sana siya para tawagin ako pero mabilis akong kumilos palapit sa kaniya. Bago pa man siya makagawa ng ingay, isang malakas na tadyak ang binigay ko sa kaniya. Mabilis itong nabuwal sa lupaan at nawalan ng malay. Hinila ko siya sa likod ng m
Misha’s POVNararamdaman kong nag-iinit ang mukha ko sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Siguro, tatlong oras lang ang tulog ko. Masakit kasi ang katawan ko dahil sa pagbagsak ko kagabi, pero balewala lang iyon sa sakit na mga naranasan ko sa training ko. Kumbaga, easy na lang sa akin ang ganoong klaseng sakit ngayon.Pagkagising ko pa lang, alam kong kailangan ko nang sabihin kay Everett ang lahat ng nakita ko kagabi. Hindi ko kayang itago ito sa kanya—hindi ito biro. Ang takot na naramdaman ko habang nakatago sa dilim ng mansiyon nina Tito Gerald niya ay masyadong sariwa sa akin. Parang naririnig ko pa rin ang boses ni Belladonna nung harapin ko siya. Sayang, kung alam ko lang na may darating sa kuwarto niya, tinuluyan ko sana siya. Nakaisang tama lang ako, nakakabitin talaga.Kasalukuyang nagkakape si Everett sa kusina nang bumaba ako. Dahan-dahan akong umupo sa tapat niya at huminga nang malalim, pinipilit na kumalma kahit na nagtatatalo ang loob ko sa kaba at takot.“Oh
Everett’s POVNag-abiso sa akin si Misha kagabi na magpapakilala siya sa akin ng isang bisita ngayong araw—si Ayson, ang lalaking malaki ang utang na loob namin. Hindi ko na siya pinigilan sa desisyon niyang huwag akong papasukin sa trabaho ngayon. Sinabi ko na lang sa executive assistant ko na ipagpaliban muna ang lahat ng meeting ko ngayong araw. Alam kong minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon, kaya’t nais kong magpasalamat nang personal. Kung hindi niya tinulungan ang asawa ko, hindi makakabalik sa buhay ko si Misha.Pero kung tutuusin, may halo rin akong kaba sa pagdating ni Ayson. Hindi ko matanggal sa isipan ko na baka habang magkasama sila noon, nagkaroon na si Misha ng malalim na nararamdaman sa lalaking iyon. Lalo na’t ayaw pa niyang tumabi sa akin sa pagtulog. Pero, sana hindi, sana mali ako kasi ayoko nang paghinalaan ang asawa ko, baka lalo lang siyang magalit sa akin.Paglingon ko, naroon si Misha sa sala, nakasuot ng simpleng damit ngunit walang kapantay ang kani
Everett’s POVSa gitna ng hapag, tahimik akong nakatingin kay Ayson habang inilalatag ng mga kasambahay namin ang mga pagkaing espesyal na pinahanda ko para sa tanghalian. Inaasikasong mabuti ni Misha si Ayson. Silang dalawa na lang ‘yung palaging nag-uusap. Nagka-kumustahan about sa life, na akala mo ay matagal hindi nagkita, samantalang kakabalik palang ni Misha sa piling, tapos sa akin niya ito hindi magawa.Ewan lang, ha, parang may kurot na kaunti sa puso ko.Nang matapos ang mga paghahanda, tumikhim ako at ngumiti kay Ayson. “I hope you’ll enjoy these, Ayson. I made sure we had some of the best dishes served here.”“Thank you at nag-abala pa kayo,” sagot naman ni Ayson.“Siyempre, basta ikaw, Ayson, malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kaya anytime, welcome na welcome ka dito sa bahay namin ni Everett,” masayang sabi ni Misha kay Ayson. Hindi manlang sinabi na welcome ka dito sa bahay namin ng asawa ko. Dapat ganoon. Honey ang tawag ko sa kaniya pero pagdating sa akin, Everett na
Everett’s POVHabang nagpatuloy ang aming pagkain, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat galaw at tingin ni Misha kay Ayson. Parang may espesyal na kislap ang mga mata niya tuwing tumatawa si Ayson sa bawat kuwento niyang tila lahat ay kilalang-kilala ni Misha. Tila nababalutan ng kaswal na paggalang ang lahat ng kilos ng aking asawa—subalit, sa kaloob-looban ko, tila may mga bagay na higit pa roon.Kasama pa rin ba ito sa parusa ni Misha sa akin? Ah, siguro nag-usap sila? Sinadya nilang gawin ito para saktan ang loob ko, para magselos ako? Hindi, hindi naman siguro ganitong kabaliw si Misha para idamay pa si Ayson para pagselosan ako.“Misha,” sambit ko, sinusubukan kong maging kalmado sa kabila ng nagbabadyang kaba sa dibdib ko. “Honey, you didn’t tell me you knew so much about Ayson’s preferences. Parang ikaw na yata ang paboritong taga-salin ng lahat ng detalye ng buhay niya.”Ngumiti si Misha, ang kaniyang mga mata ay nagbigay ng tingin na tila isang lihim na di ko mahagilap. “Wel
Misha’s POVNagkulong na sa kuwarto si Everett, nagpanggap na masama na ang pakiramdam. Ako na lang tuloy ang kasama ni Ayson, kaya naman nung mag-agaw na ang liwanag at dilim, nagpaalam na siya para umuwi. Natuwa naman at nag-enjoy si Ayson sa pagba-bonding at paggala niya rito. Iyon nga lang, pansin din niya na mukhang pinagseselosan siya ni Everett. Nakakahiya tuloy. Marunong talagang makaramdam ng tao sa paligid si Ayson, isa ‘yon magaling na kaya niyang gawin.Saktong pag-alis ni Ayson, nag-ring ang phone ko. Tumawag si Everisha para kumustahin ako. Napaupo ako sa sofa nang matagal sa haba nang pinagkuwentuhan niya sa akin. Sinabi niya na very good siya palagi sa school niya, marami na siyang kaibigan at inaalagaan siyang mabuti doon ni Ate Ada. Kahit pa paano ay natutuwa ako kasi hindi na nahihirapan si Ate Ada na patahanin siya sa tuwing nami-miss niya kami ni Everett. Ngayon, kahit pa paano ay nasasanay na siya doon. Sa pamamagitan ng ganitong pag-uusap namin sa video call, ka
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol