Ahva POVHinarap ko na ‘yong isa. Naka-dual blade siya, at bawat saksak niya ay eksaktong-eksakto, walang sayang na galaw siyang pinapakawalan. Nakailag ako sa unang tatlong atake niya, pero naramdaman ko ang hiwa sa braso ko sa ika-apat.“Aray—” napa-atras ako, sabay putok ng baril ko. Tinamaan ko siya sa balikat, pero hindi man lang ito natumba.“Tsk, ang galing nila!” sigaw ko habang umiwas sa isa pang saksak.Si Kara, kahit sanay, halatang hirap din, e. “Hindi sila ordinaryong assassin!”“Alam ko!” sigaw ko pabalik habang sinusubukan kong i-counter ang sunod-sunod na atake ng kalaban ko.Tatlo… Apat... Lima… Halos wala akong pagitan. Lahat ng galaw ng kalaban ay kalkulado talaga, tang-ina. Pero kahit ang hirap, may mga pagkakataong nakakabawi naman ako. Isang bala sa hita, isang suntok sa tagiliran, pero kulang pa rin talaga, buwisit. Para akong nakikipaglaban sa taong alam kong wala akong kalaban-laban. Pakiramdam ko nga ay parang katapusan ko na ngayon.“Ahva, sa kanan mo!” siga
Ahva POVHalos alas-dos na ng madaling-araw, kapag ganitong oras, oras na para rumonda sa paligid ng Silent Fang. Hindi lang ako, pati na rin ang mga kasama ko. Siyempre, sa laki nitong school, kailangan naming maghiwa-hiwalay at magpunta sa iba’t ibang parte nitong school.“Sandali, dadalhin ko lang itong pinagkainan natin sa big dorm, pagkatapos ay saka na rin ako roronda sa naka-assign na lugar sa akin,” paalam ni Cael.“Sige, basta, mag-start na tayo sa pagronda, mainam na ‘yung mabantayan natin ang mga puwesto na puwedeng pagpasukan ng mga kalaban,” sabi ko habang nakatingin sa kanila ng seryoso.“Mag-ingat ang lahat, okay?” paalala pa ni Amon.Tumango lang kami nila Penumbra at Nyra. Pagkatapos, doon na kami naghiwa-hiwalay habang bitbit ang mga armas namin.Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayong madaling araw. Simula nang ibalita ni Eryx ang tungkol sa Red Eye, parang anytime, dadanak ng dugo sa school na ito. At sa totoo lang, kinakabahan na rin ako. Ayokong mapah
Ahva POVIsa-isa kong binuksan ang mga kahon. Lumitaw agad ang kislap ng mga bagong baril, mga matatalim na kutsilyo, at iba pang kagamitang hindi pa namin nagagamit kahit kailan. Maging ako, napangiti.“Tsk. Talagang sineryoso ni Eryx ‘to,” bulong ko habang dinampot ko ang isang baril na may ukit ng dragon sa gilid. “Ganda mo ah.”“Ano ‘yan, Ahva?!” sigaw ng isang boses mula sa likuran ko.Napalingon ako. Si Amon pala, may bitbit na kape at mukhang kagigising lang. Kasunod niya sina Cael, Nyra, at Penumbra, pare-parehong mukhang inaantok pa. Dito ko kasi pinalagay ang mga kahon sa bodega namin, sakto nga at kasya silang lahat dito. Dumating ang mga ito kanina nung tulog pa silang lahat.“Uy, ano ‘to?” tanong ni Nyra, na halos mapatalon sa tuwa nang makita ang mga laman ng kahon. “Mga bagong armas natin,” sagot ko.“Grabe!” sigaw naman ni Penumbra, na halos mapatili habang hawak-hawak ang isang sniper. “Ang gaganda! Ang tatapang ng design! Ahva, saan mo ‘to nakuha?”Dito na nagsimula
Eryx POVGabi na nang makarating ako sa mansiyon ni Ahva. Tahimik naman ang paligid, at mukhang walang nakasunod sa akin. Oo, simula nung sugurin ko si Solomon sa school niya, pakiramdam ko ay parang may mga nakasunod na sa akin palagi. Pero this time, sure akong wala kasi pinakiramdaman ko ang paligid. Sinigurado ko, siyempre, ayokong mapahamak ang mahal ko.Hindi ako nagpunta rito para makipagkwentuhan o makipag-sweet-an. Nandito ako para magbigay babala.Alam na niyang parating ako, mabuti nga at umuwi siya sa bahay niya ngayon, kahit pa paano ay malaya kaming makakapag-usap.Maya maya, bumungad sa akin si Ahva sa may veranda. Naka-itim siya na sweatshirt, nakataas ang buhok, at may hawak na tasa ng kape. Ganito talaga siya, simple pero may tapang pa rin sa mukha na hindi mo puwedeng bale-walain.“Akala ko ay hindi ka na darating,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Hindi ka ata busy?”“Kakagaling ko lang sa meeting namin, pero mas mahalaga ang pinunta ko rito,” sagot ko habang
Eryx POVMaganda ang gising ko ngayong hapon. Sa wakas, matapos ang ilang linggo ng walang pahinga, nagkaroon ako ng pagkakataong huminga ng ganito. Nakatingin ako ngayon sa garahe, pinagmamasdan ang bagong luxury car na ibinigay ni Miss Belinda kahapon. Kahapon, ginamit ko agad ito para isama si Ahva sa isang kainan. Ang nakakainis lang, nagmamadali si Ahva. Para bang ayaw niyang umalis ng matagal sa school kasi baka anytime daw ay biglang may sumugod na kalaban. Gets ko naman, hindi naman ako nagtampo dahil kahapon din, aba, binasalan namin ang loob ng kose. Pinagbigyan ako ni Ahva, kinabayo ko siya sa loob ng sasakyan. At halos isang oras kaming nagpapawis doon. Naka-two rounds kami, halatang enjoy na enjoy palagi si Ahva sa tuwing may mangyayari sa amin.Habang iniikot ko sa palad ang susi ng sasakyan, napangiti ako nang bahagya. “Para rin pala akong bata,” mahina kong sabi sa sarili ko. Isang kotse lang, tuwang-tuwa na. Parang wala akong mga kotse. Eh, halos lagpas sampu na ang k
Eryx POVHindi ko inaasahan ang pagdating ni Miss Belinda ngayong araw. Hindi ko rin alam kung anong okasyon o dahilan, pero alam kong hindi basta-basta si Miss Belinda dumadalaw nang walang dahilan.Pagbukas ng gate, tumigil ang isang itim na magarang sasakyan. Mula roon, bumaba si Miss Belinda Gomez, ang may-ari ng Silent Fang School. Kahit halata pa sa kaniya ang bahagyang panghihina, hindi pa rin nababawasan ang karisma at tikas ng isang babaeng dati pa man ay sobrang galing na sa pakikipaglaban.“Eryx,” tawag niya agad sa akin nang makita ako. “Alam ko, nagtataka ka kung bakit nandito ako. Nandito ako para pasalamatan ang nag-iisang mafia boss na napapayag kong tignan at bantayan ang paaralang kinalakihan natin. Salamat talaga at bumalik akong okay ito at mukhang mas gumanda pa lalo. Lalong mas magagaling at malalakas pa na student ang nasa top ten ngayon. Patunay lang na magaling ka talaga sa lahat, Eryx.”Ngumiti ako at bahagyang yumuko bilang paggalang naman sa kaniya. “Ginawa