Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

last updateLast Updated : 2025-11-08
By:  BlueFlowerOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
189views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.

View More

Chapter 1

Unang Pahina

"Bakit po kayo nagrerehistro ng kasal, ma’am? Basi po sa record namin… kasal na po kayo. Alam niyo po bang krimen ‘yon?"

Yun lang ang linya na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Trina habang hawak niya ang papel na ibinigay ng clerk — isang marriage certificate daw niya.

As in, kasal daw siya.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o matataranta.

Nanginginig ang mga daliri niyang tinanggap ang papel at dahan-dahang lumabas ng opisina, habang nakasunod sa kanya ang lalaking binayaran niya para magpanggap na asawa niya.

Paglabas nila, agad itong nagsalita, halatang may inis sa tono.

 “Kasal ka naman pala! Para saan pa’t binayaran mo ’ko?”

Hindi siya sumagot. Parang walang tunog ang paligid, tanging tibok lang ng puso niya ang maririnig.

 “’Wag ka nang umasa, ha. Hindi ko na ibabalik ang binayad mo,” dagdag pa ng lalaki bago ito tuluyang umalis.

Hinayaan na lang niya.

Wala siyang energy makipag-away — hindi pa rin siya makapaniwalang may asawa raw siya.

Paano ako magiging kasal kung ni minsan, wala pa nga akong boyfriend?

Napabuntong hininga na lamamng si Trina at ibinaba ang kanyang ulo para tingnan ang kopya ng marriage certificate na hawak hawak niya simula pa kanina.

Kung titingnan ang litrato sa ID, ang itsura ng babae ay mukang may pagkamahiyain, pilit ang ngiti, at may nunal sa gilid ng kanyang mata. Walang dudang siya nga iyon.

Samantalang ang lalaki ay may matipunong katangian, matangos ang ilong, at bahagyang nakangiti ang manipis nitong labi. Ang malalim nitong mga mata ay nakatitig sa camera ng matalim na para bang kaya nitong butasin ang papel. Kahit ang itim at puting ng litrato ay hindi kayang itago ang kanyang misteryoso at makapangyarihang aura.

Ng makita ang pangalan ng lalaki ay mahina niya itong binasa.

"Luke Montenegro"

Pagkatapos ay inisip kung pamilyar ba ito pero sumakit nalang ang kanyang ulo kakaisip dahil siguradong siyang wala siyang kilala na kagaya ng lalaking nasa litrato.

Dahil sa gulong-gulo na siya sa mga nangyayari minabuti niyang humingi ng tulong sa isang ka kilala.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang lalaking "asawa" daw niya.

Pagkatapos makunan ng litrato ay pinindot niya ang isang itim na profile picture at nagsimulang mag type ng mensahe.

"Tulungan mo kong malaman kung sino ito."

Pagkatapos matanggap ang pagsang-ayon ng kakila ay pinasok na niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at sumakay sa kanyang electric scooter upang pumunta sa marangyang mansyon ng kinikilalang pamilya.

Pagkarating siya ay bumungad sa kanya ang mga naggagandahang mga ilaw at makukulay na dekorasyon. Mapapansin din namga kasambahay na abala sa trabaho sa maayos na paraan, at may mga katulong na pansamantalang kinuha.

Abala ang mga tao sapagkat ngayong araw ay pupunta ang pamilya ng nobyo ng kapatid niya upang mamanhikan.

Sa kanilang banda habang papasok ay nakarinig siya ng bulungan galing sa mga kasambahay.

"Sino siya? Napakaganda naman niya!"

"Shh... wag kang maingay ha. Siya lang naman ang anak sa labas ng amo natin. Si ma'am Sandra ang nanay niya na siyang kabit ni sir Andrew noon."

"Siya ang anak ng bruhang matapobre?"

"Oo, pero magkaiba sila ng ugali. Kung iyong nanay niya mapakasama ng ugali at walang hiya. Akalain mo ba naman pumunta yun dito ng walong buwan ang tiyan niya para mag iskandalo at awayin si Ma'am Dani dahilan para manganak silang pareho sa wala sa oras. Pagkatapos noon, ginawa niya lahat ng paraan manatili lang sa bahay na ito."

"Grabe naman pala yung babaeng yun."

"Sinabi mo pa, pero iba si Ma'am Trina. Alam niya limitasyon niya. Alam mo bang umalis siya dito noong nasa junior high school siya at hindi na bumalik ng maraming taon. Hindi ko lang alam kung anong nangyari na nagtulak sa kanya para bumalik dito."

Napangiti lang si Trina ng mapait. Sanay na siya sa mga bulung-bulungan. Hindi na bago sa kanya ang mga matang mapanghusga.

Malayo pa ay kitang kita na niya agad ang kanyang inang si Sandra na nakabantay sa pinto na para bang bagot na bagot kakahintay sa kanya.

Pagkarating niya ay agad na hinila ng kanyang ina ang kanyang braso at bumulong.

"Nakapagrehistro kana ba ng kasal mo" tanong nito habang binabaybay nila ang daan papunta sa silid ng kanyang kapatid na si Gabriela.

"Oo." sagot niya sa kanyang ina kahit na hindi siya sigurado dahil sa nangyari kanina.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status