REBORN AS A HEIRESS

REBORN AS A HEIRESS

last updateLast Updated : 2026-01-07
By:  EL Nopre Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
30Chapters
100views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Busilak ang kanyang puso. Mabuting anak at kapatid. Puno rin siya ng pangarap. Pero sa edad na beinte kuwatro, FAITH AVILA was diagnosed with lung cancer. Sa araw ng kamatayan ng dalaga, isang aksidente ang magpapabago ng kanyang tadhana... Magigising na lang siyang nasa katauhan ni FATE SY, an eighteen-year old heiress na biktima ng hit and run. Paano niyang haharapin ang mundong malayong-malayo sa kanyang nakagisnan? She must hide her identity just to survive. And she can't commit a forbidden love. Pero mapipigilan kaya niya ang pusong huwag tumibok sa taong pag-aari na ng iba?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"ANONG ginagawa mo rito?"

Mula sa pagkakaidlip sa mahabang upuan sa sala ay nagising ang diwa ni Faith. Naulinigan niya ang tinig ni Thea kahit halos mahina lang ang pagsasalita nito.

"Gusto kong bisitahin ang ate mo."

"Ang kapal naman ng mukha mo."

"Bakit ganyan ka? Anong ginawa ko sa 'yo? Parang galit na galit ka."

"Sa akin, wala kang ginawa. Pero sa ate ko, meron. At hindi lang ako galit. Galit na galit."

Hindi natinag sa posisyon si Faith. Pumikit lang siya at nakinig sa usapan ng kanyang nakababatang kapatid at nobyo niyang si Kiel.

Nagtataka siya sa klase ng pananalita ni Thea. Kilala niya itong magalang. Hindi ito basta magtataas ng boses lalo na sa nakakatanda rito.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Nakita kita."

Napakunot ng noo si Kiel.

"Naghahalikan kayo ni Ate Laliene."

"Tumahimik ka."

Pinigil ni Faith na huwag gumalaw sa posisyon dahil alam niyang natuon sa kanya ang tingin ng nobyo. Pero may kirot siyang nadama sa kanyang puso.

"Dahil ba may sakit si Ate, ha? At talagang sa kaibigan ka pa niya pumatol."

"Mali ang nakita mo."

"Malinaw pa ang mga mata ko."

"Puwede ba? Huwag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ng ate mo."

"Teka. Ako dapat ang nagsasabi niyan. Buhay pa siya, pero nakahanap ka na agad nang kapalit."

"Magkaibigan lang kami ni Laliene!"

"Magkaibigan na naghahalikan? Lips to lips na may kasama pang yakap? Wow! Ibang klase kayong magkaibigan!"

"Fine. Natukso lang ako ni Laliene. I mean, nagkatuksuhan lang kami."

"Ano namang pinagtuksuhan niyo? Tungkol ba sa kung puwede kayong dalawa na magkaroon ng relasyon sa oras na mamatay na si Ate?"

"Tumigil ka nga!"

"Pumunta ka rito dahil guilty ka. Dahil mong may ginawa kang kasalanan kay Ate."

"At anong gusto mong gawin ko, ha? Gusto mong hiwalayan ko ang ate mo dahil lang sa nakita mo?"

"Bakit? Hanggang kailan niyo siya balak na lokohin?"

"Huwag kang makikialam. Itikom mo iyang bibig mong madagdagan ang paghihirap ng kapatid mo."

"Alam mo palang naghihirap siya, pero gumawa ka pa ng mali."

"Ano bang ingay niyo riyan?" kunwaring usisa ni Faith. Pinilit niyang bumangon kahit nanghihina at nananakit ang katawan niya. "Thea, sino ba iyang kausap mo?"

Mabilis nang pumasok si Kiel mula sa pagkakatayo sa bukana ng pinto. "Babe!"

"O? Nandito ka pala?"

"Kumusta ang chemo mo kahapon?"

"Okay lang."

"Pasensiya na, hindi kita nasamahan dahil nag-overtime ako sa trabaho."

"Sa trabaho ka talaga nag-overtime?"

Pasimpleng pinandilatan ng mga mata ni Kiel si Thea na umirap lang dito.

"Pakikuha ako ng tubig," utos niya sa kapatid.

Muli lang inirapan ni Thea si Kiel nang lagpasan ito.

"May pinag-awayan ba kayo ng kapatid ko?"

"H-Ha? Wala naman."

"Pasensiya na. Mukhang wala siya sa mood ngayon. Baka may 'dalaw'. Alam mo na."

Ngumiti at tumango lang si Kiel.

"Kumusta ang bago mong trabaho?"

"Maayos naman."

"Pinag-oovertime na agad nila ang mga baguhan?"

"Ni-request ko talaga iyon. Kailangan ko kasi ng pera. Kung hindi dahil kay Laliene, baka hanggang ngayon ay tambay at naghahanap pa rin ako nang trabaho."

"Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya."

"Hayaan mo. Sasabihan ko siya na dalawin ka niya rito."

"Madalas ba kayong magkita?"

"H-Ha?"

"Ah, oo nga pala. Anak siya ng boss mo kaya baka madalas siya pumupunta sa kompanya nila."

Ginagap ni Kiel ang kamay ni Faith at umiwas ito sa usapan, "Sana gumaling ka na. Nami-miss ko na ang dating ikaw."

"Ano ba ang dating ako?"

"Uhm, siyempre 'yong masayahin at malusog."

"Masayahin pa rin naman ako. Pero hindi ko maipapangako na magiging malusog ako."

"Kaya ka nga nagpapa-chemo, 'di ba? Gagaling ka."

"Kapag gumaling ako, ano ang plano?"

Hindi agad nakasagot si Kiel. Kanina pa napapansin ni Faith na may nagbago na rito. Wala na sa mga mata nito ang kislap na dati ay nakikita niya tuwing nakatitig ito sa kanya. Blangko na iyon na tila ba nakatingin lang ito sa kawalan.

"Ah, kaya ba kailangan mo ng pera dahil nag-iipon ka para sa future natin?"

Nagbaba ito ng tingin. "Lilipat ako ng apartment. Sa Makati."

"Ha? Mas malapit ang apartment mo rito. Bakit ka lalayo?"

"Malapit iyon sa trabaho ko."

"Gan'on ba?"

"Pero dadalaw-dalawin naman kita."

"Okay lang. Lately kasi hindi ka na gaanong pumupunta rito. So, baka lalong mawalan ka na nang time na bisitahin ako."

"Busy lang ako sa trabaho."

Tumango lang si Faith. "Kiel, paano kung hindi ako gumaling?"

"Gagaling ka."

"Baka itigil ko na ang chemo."

"Bakit?"

"Kahit libre ang proseso, hindi ang mga gamot. Ang mamahal. At hindi na kaya ng katawan ko. Lalo akong nanghihina."

"Akala ko ba tumutulong ang pamilya ni Laliene?"

"Tumutulong sila kapalit nang trabaho ni Nanay. Ayoko siyang nakikitang pagod at nahihirapan nang dahil sa akin."

"Pasensiya ka na. Wala akong maitulong. May sinusuportahan din akong pamilya. Alam mo iyan."

"Naiintindihan ko. Kung sakaling hindi na ako gumaling, puwede bang mangako ka na lang sa akin?"

"Ano 'yon?"

Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Faith. "Ayoko sana na lumabas na selfish. Pero puwede ba na kapag namatay ako ay hintayin mong mag-isang taon muna bago ka humanap ng kapalit?"

"Oo. Pangako."

Hindi iyon ang inaasahan ni Faith na sagot. At hindi ganoon kabilis na tila hindi man lang muna nito pinag-isipan.

Gusto sana niyang marinig kay Kiel na wala na itong babae na mahahanap na kapalit niya. At siya lang ang tanging mamahalin nito habangbuhay, hindi pang-isang taon lang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
30 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status