Beranda / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0394: Season 2 (Chapter 98)

Share

0394: Season 2 (Chapter 98)

last update Tanggal publikasi: 2025-01-15 18:20:05

Everisha’s POV

Ang malamig na simoy ng hangin sa umaga ay sumalubong sa akin nang buksan ko ang camping tent. Amoy na amoy ko ang sariwang damo at naririnig ang huni ng mga ibon sa paligid. Nasa harap ng tent si Czedric, abala sa pag-aayos ng mga dala niyang punong prutas at mga buto ng bulaklak. Agad akong napangiti nang makita siya habanh punong-puno ng good vibes ang umagang iyon.

“Good morning!” bati niya, nang makita akong lumabas ng tent. Napasarap ang tulog ko dahil nakaisa na naman ako
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0976: Season 6 (Chapter 59)

    Lumi POVMakalipas ang isang linggo, masasabi kong malaki na ang ipinagbago ng lagay ng paa ko. Hindi pa man tuluyang nawawala ang kirot, pero sapat na ang paggaling nito para makalakad ako nang maayos. Hindi ko na rin kailangan ng saklay na halos naging parte na ng katawan ko nitong mga nakaraang araw.Sa wakas, pakiramdam ko ay nakawala ako sa isang mahabang pagkakakulong sa mansion na ‘to.Tahimik na rin ang buhay sa mansion ni Sorin. Wala na rito ang mga kaibigan kong pansamantalang nandito para samahan ako habang nagpapagaling. Bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga trabaho at responsibilidad kaya mas naging payapa ang paligid. Wala ng makulit, palasigaw, matakaw at magulo sa kuwarto ko.At ngayong araw, handa na akong bumalik sa trabaho.Kaya pagdating ng sasakyan sa harap ng Sorin Spa, hindi ko napigilang mapangiti habang nakatingin sa buong spa. Grabe, na-miss ko ang lugar na ito.Na-miss ko ang trabaho ko. Na-miss ko ang pagiging busy.Huminga ako nang malalim bago bumaba n

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0975: Season 6 (Chapter 58)

    Lumi POVHating gabi na nang tuluyan nang tumahimik ang buong mansion. Kanina lang, halos hindi matapos-tapos ang tawanan nina Kate, Livv, at Nova dahil sa samgyupsal na ipinakain ni Sorin sa kanila. Ngayon naman, tahimik na ang buong bahay. Nasa guest rooms na silang tatlo, malamang nagpapahinga na pagkatapos ng sobrang daming kinain.Ako naman, dahan-dahang naglakad sa hallway habang maingat pa rin sa sugat ng paa ko. Siyempre, gamit-gamit ko pa rin ang saklay na bigay ni Sorin. May pakay kasi ako. Saka, alam kong gising pa si Sorin.Pagdating ko sa harap ng pinto ng kuwarto niya, dalawang beses akong kumatok.“Pasok,” dinig kong sabi niya.Agad kong pinihit ang doorknob. Pero pagkapasok ko, napahinto ako.“Ay!”Napalingon agad si Sorin sa akin. Kakagaling lang niya yata sa banyo. Basa pa kasi ang buhok niya. May maliliit pang patak ng tubig na dumadaloy mula sa leeg pababa sa dibdib niya.At higit sa lahat, topless ang masarap na si Sorin.“Teka nga!” reklamo ko agad.Napangiti siy

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0974: Season 6 (Chapter 57)

    Lumi POVPagkarinig ko ng tunog ng sasakyan sa labas ng mansion, napalingon agad ako sa malaking bintana ng sala. Nakaupo lang ako noon sa couch, nakataas pa rin nang bahagya ang paa ko dahil sa sugat, habang sina Kate, Livv, at Nova ay nagkukwentuhan sa kabilang bahagi ng sala.“Parang si Sorin na ‘yan,” sabi ko.Agad namang napatayo si Kate.“May dala kaya siyang pagkain?”Napatawa ako. “Ikaw talaga, pagkain agad iniisip mo.”“Hindi naman sa ganoon,” depensa niya habang tumatawa rin. “Pero oo na rin.”Ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ang malaking pinto ng mansion. Pagpasok ni Sorin, napahinto kaming lahat. Hindi dahil sa kanya. Kundi dahil sa mga dala niya.May dalawang staff na sumusunod sa kanya habang may bitbit na malalaking paper bags at insulated containers.Sabay-sabay kaming nagulat lahat.“Ano ‘yan?” tanong ko.Ngumiti lang si Sorin. “Dinner.”Tahimik kaming lahat. Tapos sabay-sabay kaming napatingin sa dami ng bitbit.“Anong klaseng dinner?” tanong ni Livv.“Pas

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0973: Season 6 (Chapter 56)

    Lumi POVNaiwan akong mag-isa kuwarto ngayon habang nakahiga sa gilid ng kama at nakataas ang paa. May maliit na cooling pad sa ilalim para hindi masyadong mamaga, pero aminin ko, ang hirap pa ring i-ignore ng kirot paminsan-minsan, lalo na kapag gumagalaw ako nang kaunti.Ngayon na lang ulit ako natahimik dahil wala ang mga gaga. Naririnig ko pa ang tawanan nila Kate, Nova, at Livv sa swimming pool. Oo, dinig na dinig sila rito dahil sa lakas ng bibig nila.Hindi nila ako maisama doon dahil alam nilang bawal. Saka, ayoko. Ako ngang matagal ng nandito pero never ko pang na-try iyon. Kasi nga busy ako sa work nung dumating na ako rito.Nung dumating sila rito sa mansion, jusko, naging sobrang ingay na lalo. Ang lala, walang oras na hindi maingay dahil sa kanila.Si Kate siguradong siya na naman ang maingay, si Nova yung tahimik pero palaging may pasimpleng banat kapag nagsalita, at si Livv… si Livv ‘yung tipo na kahit walang ginagawa nakakatawa pa rin. Kanina pa sila nag-aaya sa akin b

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0972: Season 6 (Chapter 55)

    Lumi POVNung gabi, talagang tinotoo nila Kate, Livv at Nova na dito matulog sa bedroom ko. May extra bed foam namang hinanda sa ibaba ng kama ko pero heto silang tatlo, nakatabi sa akin dito sa malaking kama. Nanunuod na naman kami ng horror movie kaya magkakadikit. Sa tingin ko rin ay dito na sila matutuluyang matulog. At hindi naman ako nagkamali dahil bago pa matapos ‘yung movie ay tulog na silang lahat. Ako na lang ang tanging natirang tumapos sa movie. Hindi naman kasi nakakatakot, walang masyadong gulat factor. Nag-aabang pa naman akong sumigaw para magising sila pero maging ako ay inantok na rin kaya bago pa ako tuluyang makatulog ay pinatay ko na ang TV.Kinabukasan, nagising ako na wala na sila sa tabi ko. Mag-isa nalang ako. Nagising ako nung mag-ring ang phone ko. Tumatawag kasi si Menda. Mukhang nandito na siya sa mansion para dalhin ang laptop at ang mga naiwan kong trabaho.“Yes, Menda?” bungad ko sa kabilang linya.“Ma’am Lumi, nandito na po ako sa mansion ni Sir Sorin

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0971: Season 6 (Chapter 54)

    Sorin POVHindi ako madalas kabahan. Sa totoo lang, mas madalas akong maging dahilan kung bakit kinakabahan ang ibang tao. Sa mga negosasyon. Sa mga transaksiyon. Sa mga sitwasyong kailangang magdesisyon nang mabilis. Palagi akong kalmado. Palagi akong kontrolado. Pero, shit, iba kasi ang mangyayari ngayong hapon. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin at inaayos ang kuwelyo ng suit ko, hindi ko maitatangging kabado ako. Hindi dahil sa may labanang magaganap o may kaaway ako.Ang totoo ay ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa ilan sa pinakamahahalagang business partners ng Blasco Imperial Armory bilang taong inaasahang hahawak sa kumpanya sa hinaharap. Oo, alam na rin naman ng iba na ako ang susunod na magiging CEO ng Blasco Imperial Armory.At alam kong lahat ng mata ay nakatutok na sa akin. Mula sa mga investor. Mula sa board. At lalo na mula sa mga partner naming nagmula pa sa Canada para lamang makilala ako nang personal.Napabuntong-hininga ako, pagkatapos ay inayos ang c

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0748: Season 5 (Chapter 51)

    Ahva POVTahimik ang training field ngayong hapon. Wala masyadong tao dahil karamihan sa mga top 50 ay nagte-training sa indoor arena, habang ang top 49 to 1 ay may pahinga. Ako lang mag-isa rito, nagpi-fine-tune ng footwork at balance drills na itinuro sa akin nina Tito Sorin at Zuko.Nag-angat ak

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0753: Season 5 (Chapter 56)

    Ahva POVPagkagising ko, nakayakap na rin pala ako sa matipunong katapang ni Tito Eryx. Pagdilat ko, napapikit tuloy ako. Grabe, magdamag nga pala niya akong tinabihan at inalagaan. Damang-dama ko ang matigas niyang muscle, saka ang bango niya ah. Lalaking-lalaki ang amoy.Gusto ko nang bumangon, p

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0739: Season 5 (Chapter 42)

    Ahva POVNakahawak ako sa basang towel na ipinatong ni Penumbra sa batok ko habang nanonood kami sa gitna ng courtyard. Sa harap ko, magkalayo ng limang metro sina Nyra at Cael. Parehong nananahimik. Parehong nagagalit. Parehong hindi sanay na inuutosan.“Begin when ready,” sabi ng referee.Pero hi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0766: Season 5 (Chapter 69)

    Ahva POVRamdam ko pa rin ang bigat ng baboy ramong hinihila ko habang binabaybay ko ang malawak na pasilyo papunta sa main hall ng school. Basang-basa ng dugo ang aking mga kamay at kahit ilang beses ko nang tinuyo ang pawis sa aking mukha, ramdam ko pa rin ang lagkit na dulot ng laban kanina. Ang

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status