Ang Kasambahay na Bumihag sa Mafia Boss

Ang Kasambahay na Bumihag sa Mafia Boss

last updateLast Updated : 2026-10-22
By:  NightshadeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Akala niya, trabaho lang ang pinasok niya. Hindi niya alam na pag-ibig pala ang pinakamapanganib na trabahong matatanggap niya.” Trabaho lang ang kailangan ni Amara Del Rosario para matulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya akalaing ang pagtanggap niya bilang maid sa mansion ni Caius Castellano ang magdadala sa kanya sa isang mundong puno ng kapangyarihan, panganib, at mga sikretong hindi niya dapat malaman. Si Caius Castellano ay isang makapangyarihang mafia boss na kinatatakutan ng lahat. Malamig, istrikto, at sanay na nasusunod ang bawat utos. Pero paano kung ang simpleng maid na si Amara ang unang babaeng hindi madaling magpasakop sa kanya? Sa bawat pagtatalo, unti-unting nagbabago ang tingin ni Caius kay Amara. Ang dating babaeng gusto niyang kontrolin ay siya palang babaeng hindi niya kayang mawala. Ngunit sa mundong ginagalawan niya, ang magmahal ay nangangahulugang magkaroon ng kahinaan—at maaaring gamitin iyon ng kanyang mga kaaway laban sa kanila. Kaya bang mahalin ni Amara ang lalaking may dugong mapanganib at buhay na puno ng kasinungalingan? Handa bang isuko ni Caius ang kontrol para sa babaeng minamahal niya? At kapag dumating ang panahong kailangan niyang pumili sa pagitan ng kapangyarihan at ni Amara, sino ang pipiliin niya?

View More

Chapter 1

KABANATA 1: ANG UNANG PAGKIKITA

AMARA'S POV

Tahimik ang paligid.

Sobrang tahimik na parang sinasadya nilang ipamukha sa'kin kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Tanging huni ng mga kuliglig at kaluskos ng mga dahon ang naririnig sa labas ng maliit naming bahay dito sa probinsya.

Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakaupo sa lumang kahoy na upuan. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kaba o takot, pero pakiramdam ko, nag-zo-zumba na ang puso ko sa loob ng dibdib ko.

"Sigurado ka na ba, Ate?" tanong ni Miko, ang bunso naming mas worried pa kaysa kay Nanay. Niyakap niya ako nang mahigpit, na para bang kapag binitawan niya ako, bigla na lang akong mawawala.

Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko, naninigas na ang mukha ko.

"Oo naman, Miko. Kaya ko 'to. Para sa inyo naman 'to, 'di ba? Para sa mga pangarap niyo."

"Pero ang layo ng Maynila, Ate. Hindi mo pa kilala 'yung amo mo. Paano kung—"

"Shhh..." Agad ko siyang pinutol habang marahang hinahawakan ang pisngi niya. "Hindi naman tayo habang buhay na ganito. Kailangan kong subukan. Kakayanin ko."

Kakayanin ko.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Kung maririnig niyo lang ang tiyan ko ngayon, baka isipin niyong may nagpa-audition para sa drum and lyre sa loob nito.

Sabi ng ahente, simple lang naman daw ang trabaho ko. Magiging kasambahay ako sa isang malaking bahay. Malaki ang sweldo at wala naman daw akong magiging problema.

Oo, well... Kapag may nagsabing "walang problema," automatic na may kutob akong may tinatago silang something.

Napalingon ako sa labas nang marinig ko ang busina ng van.

Showtime, Amara.

Tumayo ako at isa-isang niyakap silang lahat—si Miko, si Lara, at si Nanay na halos hindi na makalakad pero pilit pa ring pinipigilan ang pag-iyak.

"Ipagdarasal ka namin, anak," bulong ni Nanay habang nangingilid ang mga luha niya.

Kung may contest sa pagpipigil ng iyak, siguradong siya ang champion. Ako nga mismo, hirap nang pigilan ang luha ko.

Ngumiti ako sa kanila, pero sa totoo lang, parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi ulit, o kung makakauwi pa ba talaga ako.

Habang nasa biyahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Sobrang iba rito kumpara sa probinsya namin. Ang daming ilaw, ang daming sasakyan, at ang ingay ng paligid. Parang isang maling hakbang mo lang, pwede ka nang maaksidente o mawala nang hindi namamalayan.

Tahimik lang ang driver ng van. Kung sabihin niyang alien siya, baka maniwala pa ako. Ang katabi naman niya, isang lalaking nakaitim at nakasuot ng sunglasses.

At gabi na, ha.

Sunglasses? Really? Ano siya, vampire na may updated na fashion sense?

Nasa likod lang ako habang umaandar ang van. Malamig ang aircon, pero iba 'yung lamig na nararamdaman ko. Hindi lang dahil sa temperatura, kundi dahil na rin sa kaba na hindi ko maipaliwanag.

Makalipas ang ilang oras, huminto kami sa harap ng isang malaking gate. Sa laki nito, pwede na sigurong maging location ng horror movie.

Hindi ito basta bahay. Hindi rin ito ordinaryong subdivision.

Mansion? More like haunted fortress.

Bumukas ang gate at dahan-dahang pumasok ang van.

Lalo akong kinabahan habang pinagmamasdan ang paligid. Bakit ang daming security guard? Bakit parang hindi normal na bahay ang lugar na 'to?

Pagkababa ko, sinalubong ako ng isang matandang babae. Diretso siyang tumayo habang may hawak na clipboard, na para bang may listahan siya ng mga taong malapit nang mamatay.

"Ikaw ba si Amara?" tanong niya. Walang emosyon ang mukha niya.

"Opo," mabilis kong sagot.

Baka kasi may scorecard siya para sa mga bagong empleyado at ayokong mabawasan agad ang points ko.

"Sumunod ka sa akin. Bawal ang maraming tanong dito. Basta sundin mo lang ang lahat ng patakaran. Nasa itaas ang amo mo ngayon, at hindi ka pa pwedeng makipagkita sa kanya hangga't hindi ka niya ipinapatawag. Maliwanag?"

Agad akong tumango.

Note to self: Shut up, smile, and don't die.

Habang sinusundan ko siya papunta sa magiging kwarto ko, panay ang tingin ko sa paligid. Maraming tauhan, pero halos walang nagsasalita. Pati mga ilaw, parang sinadyang hinaan para mas maging creepy ang buong lugar.

Kung ang bahay namin sa probinsya ay may good vibes, dito naman parang naka-package deal ang lahat ng negative energy sa mundo.

Pero alam niyo kung ano ang mas nakakatakot?

'Yung pakiramdam na may nakatingin sa'yo kahit wala ka namang makitang tao.

Dahan-dahan akong napatingin sa itaas ng hagdan.

At guess what?

May plot twist nga.

Isang lalaking nakaitim ang nakatayo roon, nakasandal sa rehas ng hagdan. Tahimik lang siya, pero sa paraan ng pagtitig niya sa'kin, parang kaya niyang basahin pati mga iniisip ko.

'Yung mga mata niya? Parang sinasabi sa'kin, "I see through all your nonsense."

Maputla ang balat niya, matangos ang ilong, at seryosong-seryoso ang mukha. Halatang hindi siya basta-bastang taong makikita mo sa kalsada.

At oo, confirmed. Hindi siya mukhang normal na tao.

Vampire ba siya? Mafia kingpin? O combo ng dalawa?

Hindi siya gumagalaw, at ako naman, biglang natigilan sa paglalakad.

Ang galing, Amara. First day mo pa lang, mukha ka nang tanga sa harap ng amo mo.

Wait. Amo ba siya?

Hindi ko pa nga alam kung sino siya, pero bakit parang gusto ko nang tumakbo palayo?

Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago siya tuluyang nagsalita.

"You shouldn't be here."

Mababa at kalmado ang boses niya, pero may kung anong bigat sa bawat salitang binitawan niya.

Pagkasabi niya niyon, tumalikod siya at naglakad papunta sa madilim na bahagi ng hallway. Ilang sandali lang, hindi ko na siya makita.

Just like that.

Parang Batman, pero mas nakakatakot.

Napakagat-labi na lang ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Congrats, self. Kasambahay ka na ngayon sa bahay ng isang lalaking mukhang mafia overlord o serial killer. Great life choices.

Habang binubuksan ng matandang babae ang p***o ng kwarto ko, isang bagay lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko.

Mukhang hindi na ako basta-bastang makakaalis dito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status