Samira POVPagkarating namin sa private island, agad akong napanganga. Para itong maliit na Boracay, isang magandang paraiso sa gitna ng dagat. Puti at pino ang buhangin, malinaw ang tubig at napapalibutan ito ng matatayog na puno ng niyog. Hindi ako makapaniwala na si Miro ang may-ari nito. Talaga namang grabeng yaman ang iniwan sa kaniya ng mama niyang mafia boss din dati.Sa gitna ng ganda ng isla, nakita ko kung paano abala ang mga tauhan ni Miro rito. May ilang nagbubuhat ng crates ng armas, may nag-aassemble ng baril, at may nagta-test fire ng mga bagong gawa nilang bala. Hindi ito ilegal, dahil may lisensya ang kumpanyang ito. Ganito kalakas ang koneksyon ng yumaong ina ni Miro. Isang underground empire na legal sa papel, pero alam mong may bahid ng peligro.“Impressive,” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang isang lalaking nagkakabit ng scope sa isang sniper rifle.“You like what you see?” tanong ni Miro habang nakatayo sa tabi ko, nakapamulsa habang nakangisi na parang
Samira POVUmagang-umaga pa lang, ramdam ko na agad ang init ng araw sa balat ko. Nakatayo ako sa gilid ng villa, naka-cross arms habang pinapanood ang amo kong si Miro na nagtatampisaw sa dagat na parang walang ibang problema sa mundo.Samantalang ako, heto, tuloy ang pagiging alipin.“Samira, where’s my barbecue?”Napapikit ako ng mariin. Aba, ako pa talaga ang tinawag niyang human barbecue stand. Habang tumatagal ay parang enjoy na rin niya ang pag-uutos sa akin. Pero hindi bale, kumikita naman ako. Oo, may sahod ito kaya iyon nalang ang iisipin ko para hindi ako masyadong mapikon sa kaniya.“It’s coming, boss,” sagot ko na habang pilit na ngiti ang nilalabas ko sa mga labi ko, habang iniihaw ang manok at baboy sa isang makeshift grill na pinagawan niya sa akin. Kasabay ng usok ng iniihaw ko, unti-unting tumataas ang temperatura ng dugo ko sa kakautos niya.Ang sabi ko, hindi na ako mapipikon pero hindi mo pa rin pala talaga maiwasang mapikon, lalo na’t parang ayaw manlang niya ako
Samira POVSa wakas! Last day na ng pagiging alipin ko. Hindi ko akalain na makakaligtas ako nang buhay sa limang araw ng utos, utos, at utos ni Miro. Pero iba ang vibe niya ngayon. Wala ang usual niyang nakakatakot na aura na parang gusto akong gilingin at gawing sawdust. Medyo good mood siya. Kaya imbes na every five minutes siyang mag-utos, ngayon kada oras na lang. Aba, progress na rin ‘yon! At kahit pa paano rin ay nakakaupo at nakakapag-cellphone ako para kumustahin ang mga manang sa hacienda.“Samira, bring me some coffee.”“Samira, wipe the table.”“Samira, fix my hair.”“Samira, say Yes, boss after every command.”Napahinto ako. “Excuse me?!”Miro smirked. “You didn’t say Yes, boss.”Napairap na lang ako pero sumunod pa rin. Kasi hello? Huling araw ko na. Titiis-tiis na lang. “Yes, boss.”Pero nang matapos ang pang-anim na utos niya which was to make him a sandwich na hindi ko naman alam kung gusto niya ng peanut butter o tuna, bigla niya akong tinawag.“Let’s go.”“Saan?”“F
Miro POVNasa harap kami ng beach ngayon ni Samira, kumakain ng seafood lunch habang tanaw ang malawak na dagat. Ang hangin ay banayad at ang araw ay hindi gaanong mainit. Tahimik siyang kumakain, pero alam kong lagi siyang alerto kahit kailan.Kita ko ang aliwalas sa mukha niya kasi tapos na ang parusa niya. Sabi niya, hindi na raw niya uulitin ang kasalanan niyang ‘yun. Ayaw na raw niyang mainis, mapikon at maasar sa mga nakakabuwisit na utos ko.“You like the food?” tanong ko habang naglalagay ng hipon sa plato ko.Samira rolled her eyes. “You’re the one who ordered all of these. Of course, it’s good.”Ngumisi ako. Hindi niya alam na hindi lang ito isang simpleng tanghalian. Isang pagsubok ito. At sa loob ng ilang minuto, magsisimula na.Si Tito Zuko ang nag-suggest na gawin ko ito. At para sa akin, tama siya. Gusto ko rin kasing makita kung gaano ba talaga kagaling makipaglaban ang isang Samira.Palaging pinagmamalaki sa akin nila Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na malupit maki
Samira POVMula nang dumating si Amara sa private island ni Miro, hindi ko na maiwasang mapansin kung paano siya tinutukan ng pansin nila Miro at ng mga tito namin. Hindi naman ako bulag. Alam kong maganda siya, may dugong Italiano, e, may matangkad at matipunong pangangatawan, at oo na, maganda rin ang postura niya kapag humawak ng baril. Pero kung sa pa-sexy-han lang din, hindi naman ako magpapatalo, ‘noh.Lalo akong naaasar kasi tuwing may meeting at may kinalaman sa laban, laging may suggestion si Amara. At ang nakakainis, palaging pinapakinggan nila Miro. Tipong lahat ng sinasabi niya ay parang ginto sa pandinig ng mga ito. Samantalang ako? Hindi naman sa nagmamayabang, pero ilang beses ko nang napatunayan ang sarili ko sa kanila. Ilang beses na akong nakipaglaban para kay Miro at sa organisasyon, pero parang biglang naging Amara show ang lahat.Kaya minsan, parang naaachupuwera na lang ako. Nawawala tuloy sa isip ko ang goal na dapat, focus lang kay Don Vito, sa paghihiganti, pe
Miro POVMula sa kinatatayuan ko sa loob ng opisina ko, pinagmamasdan ko ang tatlong tito ko na kasama ko sa kwarto—sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Mga haligi ng aking imperyo, mga lalaking pinagkakatiwalaan ko sa buhay ko. Ang desisyong ito ay hindi madaling gawin, pero alam kong kinakailangan namin ito.“I’m making Amira my second personal bodyguard,” diretsong sabi ko ng wala ng paliguy-ligoy pa.Nagpalitan ng tingin ang mga tito ko, pero sa huli, walang umalma sa sinabi ko. Alam ko na ito rin ang iniisip nila. Matagal na nilang napapansin ang galing ni Amira at ngayon, gagamitin ko ito sa ikakalakas at ikakabuti lalo imperyo ko.“It’s a good decision, Miro,” sagot ni Tito Sorin habang nakasandal sa upuan niya. “She’s sharp, quick and fearless. We need someone like that.”“Besides,” dagdag ni Tito Eryx, “she proved herself in the last mission. It’s only right to give her this position.Tumango si Tito Zuko. “Samira won’t be too pleased, though.”Napatingin ako kay Tito Zuk
Samira POVMadilim na ang gabi at halos tahimik na ang buong villa maliban sa bahagyang ugong ng hangin mula sa dagat. Nakahiga na ako sa kama habang pilit na ipinipikit ang mga mata para makatulog na, ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay may kung anong gumugulo sa isip ko, pero hindi ko matukoy kung ano. Napabuntong-hininga ako, itinagilid ang katawan saka kama at saka inabot ang lamp sa tabi ng kama upang patayin ang ilaw.Sa gitna ng katahimikan, isang mahina ngunit malinaw na tunog ang kumuha sa atensyon ko. Hindi ako puwedeng magkamali.May umiiyak.Agad akong napadilat tuloy. Natakot pa ako kasi baka may multo dito. Ang tunog ay hindi naman malakas, ngunit sapat na para mahuli ng pandinig ko. Parang may kausap ang taong umiiyak na iyon, pero pabulong lang. Mula sa kuwartong ito, hindi ko matukoy kung sino iyon kaya tumayo ako.Hindi ako karaniwang usisera talaga, pero may kung anong humihila sa akin upang alamin kung sino ang umiiyak. Tahimik akong lumabas ng kuwarto ko, sin
Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako. Ang malamig na hangin sa dagat ay masarap sa pakiramdam, kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataong makapag-jogging sa dalampasigan. Simula nang mag-stay kami sa private island na ito ni Miro, naging parte na ng umaga ko ang pagtakbo sa buhanginan. Masarap sa pakiramdam, parang lumalaya ang isip ko sa tuwing naririnig ko ang mahinahong alon na humahalik sa dalampasigan.Pansin ko, ilan din sa mga staff ni Miro na gumagawa ng baril, nagja-jogging din, ang ilan ay binabati pa ako at naggo-goodmorning kaya tumatango naman ako bilang sagot sa kanila.Pagkatapos ng ilang ikot, nagdesisyon akong bumalik na sa villa kasi tagaktak na ang pawis ko. Sa akin, ayos na ang isang oras na pagtakbo, ang mahalaga ay pinagpawisan na ako.Pagbalik ko sa villa, natigilan ako sa nakita. Nakita ko si Amara na abala sa dining area. Lumapit ako sa kaniya at nakita ko sa harapan niya ang isang buong set ng almusal na tila siya lang ang mag-isang gumawa. May sina
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga