"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako.Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya."Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko!Napainom tuloy ako ng tubig."Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary.Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos."Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia.Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko. Gulat na gulat
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito at humugot
I couldn’t help but feel sorry to the person in front of me now. Cardo is my secretary for 4 years, but because of a call from my mother, I had to fire him. Mama called to let me know that she wanted a woman to be my secretary. Alam ko at malinaw pa sa buwan ang gusto niyang iparating. "I'm sorry, Cardo. Tatawagan ko na lang ang ibang kakilala ko at magtatanong kong nangangailangan sila ng secretary. Here's your bonus." Tumitig siya doon at muling binalik ang tingin sa akin. He is not just my secretary, siya ay ang isa sa taong nakaka alam ng secreto ko. "Ayos lang, Sir. Kinontact naman agad ako ni Ms. Jesa." Sambit niya kaya napatango ako. For 4 years, I can say he is good in this field. Nakakapanghinayang lang at kailangan ko siyang tanggalin sa trabaho. *** Naglalakad lang ako habang nakatingin sa cellphone ko. Ito ang araw kong saan magkakaroon nanaman ng bagong mukha ang opisina ko. I would have just walked straight when I noticed the woman seemed to be in a hurry—not a
"2 Gordon Ramsay Steak and red wine." Isinulat ko ang sinabi ng customer. Gordon Ramsay Steak. Ang dali talagang gumastos ng pera sa kanila. Wala silang pake kung gaano kamahal basta kung 'yun ang gustuhin, yun ang kukunin. Kailan kaya yung panahon na ako naman ang naka upo sa mamahaling upuan na yun, habang nag aantay lang ng pagkain? Inulit ko ang order nila at nag paalam upang maasikaso na ang inorder nila. Isa akong waitress sa isang mamahaling restaurant. Sa tulong ng isang kaibigan, kahit hindi nakapagtapos ay nakapasok ako dito. Malaki ang utang na loob ko sa taong yun, dahil sa kanya may gagamitin kami sa pang araw-araw namin na gastusin sa bahay. "May mga mayayaman nanaman na gagastos ng malaki para sa isang kainan." Sambit ni Judy nang makita ang ibinigay kong listahan ng order sa table 6. Umiiling-uling pa siya habang ginagawa ang dapat gawin. Tulad ko, nanghihinayang din siya sa perang ibabayad para lang sa pagkaing 'yun. Pagkain ng nga mayayaman. "Gillian, pinapata
"Nica, papa." Tawag ko sa kanila. Pagkarinig ko non ay dali dali na akong pumunta sa hospital, kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay nagmadali pa rin ako. Gusto ngang sumama ni Yunard pero hindi ako pumayag, walang magbabantay sa karnehan. Nakayuko si papa habang hawak hawak ang saklay habang si Nica ay umiiyak sa tabi niya. Sabay silang napatingin sa akin. Si Nica ay dali daling tumayo para yakapin ako. Naka uniform pa siya at hindi na nagawang magbihis. Malapit na din palang mag alas 11. "Ano bang nangyare, Pa?" Tanong ko at dahan-dahang na upo. Malungkot na tumingin si Papa at pinipigilang umiyak. "Bigla nalang siyang hindi makahinga habang tumatakbo takbo sa bahay. Hindi ko alam anong gagawin ko. Napakawalang kwenta kong ama sa inyo." Ang kaninang pinipigilan mga luha ay tuluyan ng bumuhos. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makita silang nasasaktan. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makitang nahihirapan at umiiyak si papa at mga kapatid ko. Naghintay lang kami hanggang sa biglang l
"Po?" Yun lang ang nasabi ko ng marinig yun. Anong nangyayare? Seduce his son? Sinong matinong ina ang magbabayad ng isang milyon para akitin ang anak niya? Napatingin ako sa hawak kong nagkakahalaga ng isang miyon. "Why? Ayaw mo? Madali akong kausap.... pakibalik na lang yan." Sambit niya. Inisip ko kong bakit ako nandoon. Para 'to kay Zaji, Gillian. Pag pumayag ka pwede ng operahan ang kapatid mo ngayon din. Hindi mo na poproblemahin ang pera. Maliligtas mo na siya. "Bakit, po?" Tanong ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "My Son is the first born of Villanueva at siya lang ang lalake sa angkan." Sambit niya Nanlamig ako ng marinig ko ang apelyedong Villanueva. Villanueva ay ang isa sa pinakamayaman sa bansa at ang pagkakaalam ko ay puros babae ang anak at iisa lang ang lalake. Minsan pumunta sila sa restaurant na pinagtatrabahuan ko at masasabi kong napakarangya ng kanilang pamumuhay. Nag lunch lang sila pero pinasara na ang reataurant para walang istorbo. Hindi ko ma
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinign an ako ng masama. Akala ko papagalitan niya ako, pero hindi ako makapaniwala dahil iba ang sinabi niya sa iniisip ko.Akala ko papagalitan niya ako!"Ay, I like your self confidence, but, dear, dapat malaman mo na sa buong building na 'to.... I am most beautiful and hot. Understand, secretary Gillian." Maarteng ani nito at sabay irap sa akin. Halos ma ubo ako nang marinig ang sinabi niya.Alam kong bakla siya, pero grabe siya! Subrang arte ng pagkakasabi niya, ibang iba sa itsura niya. Napakamot na lang ako.Kahit sino atang ina, pag nakikitang mas mukha pang babae gumalaw ang nag iisang lalake ng angkan ay gagawa ng isang desperadang gawain.Muli siyang umupo at pinag abalahan ang mga papeles sa lamesa niya.