"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito at humugot
I couldn’t help but feel sorry to the person in front of me now. Cardo is my secretary for 4 years, but because of a call from my mother, I had to fire him. Mama called to let me know that she wanted a woman to be my secretary. Alam ko at malinaw pa sa buwan ang gusto niyang iparating. "I'm sorry, Cardo. Tatawagan ko na lang ang ibang kakilala ko at magtatanong kong nangangailangan sila ng secretary. Here's your bonus." Tumitig siya doon at muling binalik ang tingin sa akin. He is not just my secretary, siya ay ang isa sa taong nakaka alam ng secreto ko. "Ayos lang, Sir. Kinontact naman agad ako ni Ms. Jesa." Sambit niya kaya napatango ako. For 4 years, I can say he is good in this field. Nakakapanghinayang lang at kailangan ko siyang tanggalin sa trabaho. *** Naglalakad lang ako habang nakatingin sa cellphone ko. Ito ang araw kong saan magkakaroon nanaman ng bagong mukha ang opisina ko. I would have just walked straight when I noticed the woman seemed to be in a hurry—not a
"2 Gordon Ramsay Steak and red wine." Isinulat ko ang sinabi ng customer. Gordon Ramsay Steak. Ang dali talagang gumastos ng pera sa kanila. Wala silang pake kung gaano kamahal basta kung 'yun ang gustuhin, yun ang kukunin. Kailan kaya yung panahon na ako naman ang naka upo sa mamahaling upuan na yun, habang nag aantay lang ng pagkain? Inulit ko ang order nila at nag paalam upang maasikaso na ang inorder nila. Isa akong waitress sa isang mamahaling restaurant. Sa tulong ng isang kaibigan, kahit hindi nakapagtapos ay nakapasok ako dito. Malaki ang utang na loob ko sa taong yun, dahil sa kanya may gagamitin kami sa pang araw-araw namin na gastusin sa bahay. "May mga mayayaman nanaman na gagastos ng malaki para sa isang kainan." Sambit ni Judy nang makita ang ibinigay kong listahan ng order sa table 6. Umiiling-uling pa siya habang ginagawa ang dapat gawin. Tulad ko, nanghihinayang din siya sa perang ibabayad para lang sa pagkaing 'yun. Pagkain ng nga mayayaman. "Gillian, pinapata
"Nica, papa." Tawag ko sa kanila. Pagkarinig ko non ay dali dali na akong pumunta sa hospital, kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay nagmadali pa rin ako. Gusto ngang sumama ni Yunard pero hindi ako pumayag, walang magbabantay sa karnehan. Nakayuko si papa habang hawak hawak ang saklay habang si Nica ay umiiyak sa tabi niya. Sabay silang napatingin sa akin. Si Nica ay dali daling tumayo para yakapin ako. Naka uniform pa siya at hindi na nagawang magbihis. Malapit na din palang mag alas 11. "Ano bang nangyare, Pa?" Tanong ko at dahan-dahang na upo. Malungkot na tumingin si Papa at pinipigilang umiyak. "Bigla nalang siyang hindi makahinga habang tumatakbo takbo sa bahay. Hindi ko alam anong gagawin ko. Napakawalang kwenta kong ama sa inyo." Ang kaninang pinipigilan mga luha ay tuluyan ng bumuhos. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makita silang nasasaktan. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makitang nahihirapan at umiiyak si papa at mga kapatid ko. Naghintay lang kami hanggang sa biglang l
"Po?" Yun lang ang nasabi ko ng marinig yun. Anong nangyayare? Seduce his son? Sinong matinong ina ang magbabayad ng isang milyon para akitin ang anak niya? Napatingin ako sa hawak kong nagkakahalaga ng isang miyon. "Why? Ayaw mo? Madali akong kausap.... pakibalik na lang yan." Sambit niya. Inisip ko kong bakit ako nandoon. Para 'to kay Zaji, Gillian. Pag pumayag ka pwede ng operahan ang kapatid mo ngayon din. Hindi mo na poproblemahin ang pera. Maliligtas mo na siya. "Bakit, po?" Tanong ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "My Son is the first born of Villanueva at siya lang ang lalake sa angkan." Sambit niya Nanlamig ako ng marinig ko ang apelyedong Villanueva. Villanueva ay ang isa sa pinakamayaman sa bansa at ang pagkakaalam ko ay puros babae ang anak at iisa lang ang lalake. Minsan pumunta sila sa restaurant na pinagtatrabahuan ko at masasabi kong napakarangya ng kanilang pamumuhay. Nag lunch lang sila pero pinasara na ang reataurant para walang istorbo. Hindi ko ma
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinign an ako ng masama. Akala ko papagalitan niya ako, pero hindi ako makapaniwala dahil iba ang sinabi niya sa iniisip ko.Akala ko papagalitan niya ako!"Ay, I like your self confidence, but, dear, dapat malaman mo na sa buong building na 'to.... I am most beautiful and hot. Understand, secretary Gillian." Maarteng ani nito at sabay irap sa akin. Halos ma ubo ako nang marinig ang sinabi niya.Alam kong bakla siya, pero grabe siya! Subrang arte ng pagkakasabi niya, ibang iba sa itsura niya. Napakamot na lang ako.Kahit sino atang ina, pag nakikitang mas mukha pang babae gumalaw ang nag iisang lalake ng angkan ay gagawa ng isang desperadang gawain.Muli siyang umupo at pinag abalahan ang mga papeles sa lamesa niya. 
Ngayon nga ay hawak hawak ko na nga ang high heels na suot ko kanina. Tapos na ang trabaho ko, kaya papunta na ako ngayon sa elevator. Nakakainis! Panira 'tong sandals ko. Nakakahiya yung kanina. Unang araw ko pa lang madami na akong palpak. Ano bang tamang gawin? Ano bang una kong gagawin? Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pumasok na ako, may dalawang tao doon sa loob, at dahil bago pa lang ako dito, wala pa akong kilala sa kanila, lalo na at kanina ay wala akong time para makisalamuha man lang. Nag lunch lang ako kanina at mabilis na bumalik, baka kasi may ipagawa siya. Maganda din ang trabaho dito, lalo na ang pasweldo. Namimiss ko nga lang yung mga kasamahan ko sa palengke, ibang iba ang paligid dito kaysa doon. Dito seryoso ang mga tao, sa palengke ay puno ng biruan. Doon pa lang ay nakiki
Zachary's POV"Haist! Ano bang nangyayare sa'kin?" mabilis na sambit ko nang makapasok at makabalik na sa opisina.Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at bigla bigla kong naisipan na habulin siya para bigyan ng heel. Hindi naman sa akin yung heel, shempre, hindi naman ako bakla!Yung heel na 'yon ay kay Nheya, kapatid ng kaibigan ko. Sumakit ang paa niya kaya habang nandito silang magkapatid sa opisina ko ay nagpabili siya kay Cardo, na dating secretary ko. Si Nheya, si Zeyo na kapatid niya at si Cardo lang ang nakakaalam ng tungkol sa tunay na pagkatao ko.I didn't want my former secretary Cardo to know about whom I really was, but since he was my constant companion in the office I didn't do anything because whether I didn't want to or I want