Share

Ikapitong Kabanata

Soccer

"Congratulations anak." nagulantang ako sa mahigpit na yakap ni Mommy nang makatungtong ako sa bahay. Bahagyang nag-init ang gilid ng aking mata sa sayang nadarama ko.

Hinayaan ko siya sa yakap niya. Napatingin ako sa likod at naroon si Daddy na nakangiting nakatanaw sa amin. Ilang segundo pa ay napahiwalay siya sa akin at mariing sinipat ako.

Pinahiran niya ang munting luhang kumawala sa mata ko. "Bakit hindi mo pinaalam sa amin na sumasali ka sa mga ganoong kompetisyon?" ani ni Mommy. Nangapa ako ng salita. She is just staring at me intently with so much flavors in her eyes. A mirror of a mom's eyes is really a scenery worth to dive with.

"Nahihiya ka ba?" segunda niya pa. Napakapit ako sa bag ko.

I nodded at her. I've always been envisioned by my family as someone wholesome who has the standard of rich people. It needs to be reflected in my school activities and as well as to my social gestures. But I'm really out place of their visions at me. Ayokong maging ganoon. Staying low-key was never been a bad lifestyle. It was a safe spot in this world full of cruelty and misconceptions. Gusto ko lang mabuhay ng walang pumipigil sa akin at walang matang nakaaligid sa akin.

Napabuntong hininga siya. "Pasensya kana anak. Sometimes, we need to cloth ourselves with our social status just to be respected by others. I know you were born isolated and primitive kind of person. Kung kaya pinipilit ka naming maging ganon para respetuhin ka nila."

Naging mapait ang timpla ko. I contradict it. Kahit mayaman ka nakakaranas parin ng masasamang treatment sa iba. They think highly of you as someone who is above the norms and social status.

"My talent has nothing to do with it, Mom." she was shocked at my sudden burst.

"Alright. I know. Pero sa sinabi mo iyong pagsali mo. We are your family and supporters separating our business agendas and errands. We are very proud of you, Pastel." napangiti ako.

Naging magaan naman ang dinner na hinanda nila sa akin. They talked a lot about me. Praises were showered at me. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya dahil natatanggap na nila ang talent ko. Noong mga panahon kasi na nakita nilang nag-uumpisa akong magpinta ay sinaway agad ako ni Papa at Kuya. That being an artist has no position in our business blood line which is the hardware services. They even degrade the worth of an artist. Nakatanggap ako ng maraming pagkadigusto sa mismong pamilya ko at nagpapasalamat ako na unti-unti na nilang ina-appreciate nila ako.

Morning came so fast. I'm still overwhelmed with my achievement last day. Pagkarating ko sa classroom ay pinaulanan ako ng papuri ni Leticia.

"Sabi na eh. Ako nga pala iyong nagsabi kay Tita na nanalo ka." may galak na sabi niya. I went to my seat first before talking at her.

"Salamat Letty." I exclaimed while smiling centimeters.

"Mabuti naman. Alam ko namang kontra sila sa pagpipinta mo. Kaya pinaparealize ko lang sa kanila na kailangan huwag ka nilang hadlangan." she crossed her arms in her flat chest.

Napangiti na naman ako. "Baka talaga maging artist na ako. Ayokong manahin ang business nila. Pero alam kung may problema pa si Kuya Achim kaya alam kung ako parin ang maghahandle."

"Iyon nga siguro ang kahahantungan ng future mo. Pero uhm.. natatakot talaga ako sa Kuya mo. Kumusta na siya?"

"He's improving.... Kaya kahit papaano ay nababawasan na ang stress ni Mommy sa kaniya." Tumango siya.

"Eh ikaw? I mean...pinagbabantaan ka ba niya o ginagawan ng malalaswang treatment?'' umawang ang labi ko sa sinabi niya. I just cleared the bulge in my throat.

"Wala..naman." muntikan na akong mabilaukan sa kasinungalingan ko. Mariing napatingin siya sa reaksiyon ko.

"Y-you sure?" she eyed me again.

"Oo naman. I'm still harmless, Letty." I laughed at her face.

"O-kay."

Pansamantalang nawaglit ang usapan naming ni Leticia dahil dumating na ang professor namin. Kaagad na bumalik siya sa upuan niya at pati ako. I was congratulated by some of my classmates and our professor in P.E. Ang nagawa ko na lamang ay magpasalamat sa kanila. Pagkatapos noon ay may pinasulat sa aming notes tungkol sa sport na soccer. Ang naalala ko lamang sa sport na ito ay si Yves pati na ang soccer shoes at jersey at angking galing niya sa paglalaro.

Inayos ko ang penmanship ko para klaro at maayos naman akong maka-aral sa mismong notebooks ko. Somehow, I was gifted with good penmanship; a horizontal writing yet clear. Pinag-igihan ko at napansin ang past notes ko na may nakalagay ng cringy letters para Yves. Napangiwi ako sa kabaliwan ko. I even wrote how I am crazy to Yves and love thingy words about him. Kaagad na itinago't tinakpan ko bago pa mapansin ng mga kaklase ko iyon.

Our class was interrupted by call from our Professor. Bahagyang natigil kami. At naki-usyoso pa ang iba sa usapan ni Prof.

"I have an urgent meeting. I will just send a proxy to tackle soccer sport for you." napalinga muna siya sa labas na may kung sinong hinihintay.

"A student athlete, prof?" ngisi ni Winona sa akin. I felt the misleading meanings of her stares. Napasinghap si Leticia sa gilid ko na parang may natanto.

"Ahh...yes..Saan na ba iyong batang iyon?" frustrated niyang sabi at may kinalikot sa cellphone niya.

"Don't tell me? Si ano...Oh my god?" she giddily said while daydreaming.

"Si Piettro?" inosenteng binalingan ko siya kahit na alam ko kung sino ang pinupunto niya.

"Duh. Yung pinsan ko? Tamad yun." paninira niya rito.

Nanlaki ako ng makita ang engrandeng pagpasok ni Yves sa pintuan. Along with his bulky built are those tanned color skin tone and damp hair. His expressive eyes roamed around at us like he was a colossal figure in the sea of people. Naroon din ang soccer ball sa gilid niya at mahigpit na iniipit sa maskuladong braso na nagpapalabas ng maugat niyang bahaging katawan. My mind is screaming so hard that it overflows with so much adoration about him.

"Here he is.. akala ko hindi kana sisipot." Professor tapped his broad shoulders before turning her gaze at us.

"I'm sorry, prof. Nagwarm up muna kami sa field eh." he caressed his hair while lifting his arms to it. Nanliit ang mata ko sa mumunting balahibo sa armpit niya. It's so cute!

"Siya muna ang pansamantalang magtuturo. Please be good to him."

"Of course, Prof. Gusto mo ako nalang magturo sa kaniyang mahalin niya ako eh." with much confidence, Leticia spoke publicly. Nagtawanan ang mga kaklase namin pati narin si Professor. Tinaasan niya ako ng kilay at parang hindi naapektuhan sa mga kantiyaw ng kaklase namin. She's so vocal with her feelings. I envy her! Sana ganoon din ako.

"Eh kung turuan ko si Yves na sipain ang pagmamahal mo palayo." banat ng isang lalaki sa likuran na nagpaingay sa buong silid.

"Ng buong puwersa na may halong pawis. Para sure goal sa rejection." napailing ako sa dugtong ng isang lalaking kaklase naming. Kaagad na sinaway ito ng mga avid supporters din ni Yves at pinatahimik.

It sucks to be in this point where you romanticize things according to what your mind keeps on telling you. Ito minsan ang kinakatakutan ko kung may makakaalam ng paghanga ko sa isang tao. They think you're crazy to like someone else. Na akala nila'y sila ang magdedesisyon kung bagay ba ikaw sa mismong standards at mata nila, a biased perspective in the social system. That's why I chose not to preach what I truly feel and just offer myself to isolation and silence of adolescent stage.

Her brows furrowed at the two guys. Napangisi ako ng pilit dahil alam kung medyo pikon si Leticia kapag ganito ang topiko.

"Duh! As if you have the looks and attitude of Yves. Saka na kayo magturo ng kung ano-ano kung may ipagmamalaki na kayong dalawa." banat ni Leticia sa kanila. Bahagyang gumuhit ang pagkahiya sa mga itsura nila.

"Leticia, tama na." mahinang bulong ko, tama lamang na marinig niya. She heard it though. Pero hindi maalis ang pagkairita sa mukha niya.

"Hey, stop it class. I really need to go. Behave or else.." may pagbabanta na sabi ni prof.

Nang tuluyang umalis ang Professor ay kumilos na rin si Yves sa unahan. Nilagay niya muna ang bola at bag niya sa table. Napamasid lamang kami sa kaniya na ngayo'y may isinusulat sa pisara.

Napaisip ako sa sinulat niya.

"Art." I murmured. What is the relation of art to soccer? Nanatiling nagkaroon ng malaking tandang pananong sa ulo ko.

"I bet you have those thoughts too. Confused and curious to what I wrote in the blackboard." He smirked while speaking coolly. Narinig ko ang ingay ng iba na parang humahanga sa sinabi ni Yves.

Leticia raised her hands. "Papaano nagging konektado iyon, baby este Yves?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Yves chuckled at her thought. "Art and skill is somehow related. It only differs to the level of intensity of how it's being used in the actuality. Art is something acquired by experience while skill is an ability to do something that comes from training, experience or practice. But as for me, soccer is art as it is a battle of mind games, and is created by skill of kicking that expresses a valuable outcome and product which is a triumphant goal." tila naubusan ako ng hininga sa sinabi niya. Umawang lamang ang labi ko, hindi makapaniwala na ganoon siya kaalam sa sport niya. Napatango ang iilang klase namin sa sinabi niya at napanganga narin. Siguradong napaisip din sila at napahanga na hindi lang siya sport minded kundi may substance kung magsalita.

Nanatiling nakatayo si Leticia na parang gulat din sa sinabi niya. I heard praises about Yves. Kahit ako'y gusto siyang puriin sa kaalaman niya.

"Questions regarding on it? So that I can proceed to the definition of soccer." luminga-linga siya sa amin at nanindig ang balahibo ko nang nagtama ang paningin namin.

May iilang nagtaas ng kamay. I want to raise a question to but I'm shy. Kinuha niya ang soccer ball at pinalibot ito sa kamay niya habang mariing nakatingin sa amin. He even licked his lips while waiting some questions from us. Flirt!

"Kuya Yves." nagtaas ng kamay si Filomena. Pinagtuunan naman siya ni Yves ng pansin.

"As you've said earlier that soccer is likely related to art. Let us hear the side of an artist then to testify it." Nagulantang ako sa sinabi niya at bahagyang natakot. Tinaasan ako ng kilay ni Filomena.

"Seems good. Who's the artist here?" napanguso siya na parang natatawa.

"Si Pastel.." turo nila sa akin. Nagdadalawang isip pa akong tumayo pero wala akong choice para umangal kaso nahihiya ako sa tingin nila.

I stood with trembling knees.

He tore my sight with a smirk on his face. "Uhmm..I agree with you." simpleng sabat ko. Ngumisi ako at pasimpleng kumuha ng suporta sa upuan sa harap ko.

"Is that so?" may paglalaro sa tono niya habang pinapalibot parin ang soccer ball sa daliri. Ang katawan niya ay nakapuwesto sa edge ng table na nakatunghay ng prenteng-prente. Ang katahimikan ng buong classroom ay nakakakilabot at tanging naririnig ko lamang ay ang mumunting kilos nila sa upuan.

Tumango ako.

"Crush ka niyan, Yves!" sigaw ni Filomena. Napasinghap ako. Nagkaroon ng iilang bulung-bulungan. I mentally gasped as fear devours me.

"No!" agap ko. Ramdam ko ang malakas na pintig ng dibdib ko. Kaagad na nagtama ang tingin namin ni Yves. Nag-iwas ako ng tingin.

"Weh! Gusto ka niyan." Gusto ko ng umiyak sa kahihiyan na nararamdam ko. I shifted my gaze at Leticia. Pero kaagad na binawi ko ito para iwasan ang tingin niya.

"Sabing hindi eh. Ayoko sa mga soccer player." pilit kung sabi kahit na naiiyak na ako. Naestatwa ako sa posisyon at ibinaba na lamang ang paningin ko. I wish it will stop until it reaches my boiling point. I badly wanted to defend myself but my confidence is robbing me.

"Guys stop it." seryosong sabi niya na may kung anong ekspresiyon sa mukha.

"Yes, stop it! It's not funny." angil ni Leticia. I cleared my throat. Mabilis na naupo ako. Leticia only smiled at me with assurance.

Kaagad naman nailihis ang topic at nasentro sa sport na soccer. Nakahinga kaagad ako ng maluwag dahil tuluyang nawala iyong tagpo kanina.

"On its simplest definition, soccer or football is team sport played with a spherical ball between two teams of 11 players. The game is played on a rectangular field called a pitch with a goal at each end. In a more realistic picture, it's like a box with two goals in both ends. The object of the game is to score by moving the ball beyond the goal line into the opposing goals."

It was a smooth exchange of insights between us and him. Marami silang tinanong na famous international players at mga soccer violations at penalties. Nagpakitang gilas din siya sa pagbubuo ng plano sa isang laro na dina-drawing niya sa blackboard. Mataman lamang akong nakikinig at pinagmamasdan ang pagsasagot niya sa mga tanong ng kaklase namin.

"How about you teach us some moves or kicks in soccer, dude?" suhestiyon ng mga lalaki sa likuran. Lahat naman ay napatango sa suhestiyon nila. Nakakawili rin ang pala maging sporty minsan dahil naboboost ang stamina at endurance sa mga ganoon ka pisikal na away sa mainit na temperature ng field. Kaya siguro ang mga kulay nila ay may variation mayroong bahagyang sunog, slightly brown at kung minsan pa ay sobrang maitim talaga. But Yves' skin color is in balance state, a tanned colored guy but very manly and enticing to look at. Kaya siguro maraming nahuhumaling sa kaniya dahil isa narin mismo sa kulay niya at kisig niya sa ganiyang kulay.

Napatango siya. "Sure! I can lend some moves." Ngumisi siya at pumwesto sa unahan. Sumentro kaagad ang tingin ko sa tindig at maangas niyang postura.

"But I need someone with me to assist me." Ngumuso siya. Nagdala iyon ng mapanuksong temptasiyon sa iba..at pati narin sa akin. Ang iba ay napahalingling na lamang. May nagpresentang lalaki sa kaniya at mukhang may kaalaman din sa soccer.

"Form four groups." he chuckled while walking in front. Sinuri niya kami. Pabalik-balik lamang ang pagsunod ng mata ko sa kilos niya.

I got entertained when they perfomed a warm up. Kahit na dalawa silang nagpeperform sa unahan ay hindi ko mawaglit ang titig kay Yves.

Nahirapan ako na magcatch up sa grupo. Si Leticia kasi ay napasama sa ibang group dahil kakaiba ang paggrupo sa amin. Napasama ako sa mga nerds at iilang book worm ng room. Ako pa nga mismo ang nagpumilit na magcooperate sila sa activity dahil parang wala silang planong magperform.

We first performed the basic types of kicks in soccer. Una naming ginawa ay ang push kick. Malamya kumilos ang mga kasama ko kung kaya ako na mismo ang nageexecute sa kanila nito. Ultimo pagsipa ay parang natatakot pa ata sila.

"Ayoko na." sabi ng isang lalaking nerd. Namroblema ako sa kanilang mga reklamo. Nasapo ako ng ulo.

"Guys, it's for our knowledge too. Kapag magbibigay ng practical exam si prof." I said to give them the hint of this activity. Napasulyap ako sa iba na nagpaparticipate lahat sa mga utos ni Yves.

Napilitan silang tumango. Ang sinunod na itinuro ni Yves ay mga position and postura kapag sisipa ng bola. Doon ako nahirapan sa pagpeperform sa kanila dahil medyo mabilis magsalita si Yves. Nahihiya naman akong ipaulit iyon sa kaniya. Suplado niya pa naman.

"Ito..uhmm.. ganito ang posisyon tsaka.." nagdadalawang isip ako sa ituturo ko.

"Ano? Hindi ko magets pinagsasabi mo, Pastel." sabi ng isa sa grupo ko. Dapat kasi lalaki ang magperform nito. Pero mukhang ako pa ata ang mas lalaki sa mga kasama ko.

"P-pasensya hindi ko kasi kanina masyadong nasundan ang turo ni Kuya Yves." pagpapaumanhin ko sa kanila.

"Why didn't you ask?" a baritone voice popped out at my back. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Yves sa likod ko. Kaagad na napaayos ako at namawis dahil baka narinig niya ang sinabi ko.

"Uhhm..."

"Pakituro nga Kuya Yves sa kaniya. Hindi niya raw nasundan." umawang ang labi ko sa pambubuking nila.

Napakamot ako ng ulo.

"Is that true?" napataas ang kilay niya at ngumuso bahagya.

I let out a heavy sigh and nodded at him.

"Perform it. I will just correct you." napakurap-kurap ako.

"H-huh?"

Pupwedi naman siya na lang!

"I-perform mo. I will guide you." Kinuha niya ang bola at nilagay ito sa unahan ko. I was trembling while getting ready for the correct posture in kicking. Nagdududa ako kung tama ba ang ginagawa ko.

"G-ganito ba?" nahihirapan kung tanong habang pumupwesto.

"What kind of position is that?" nahiya ako sa sinabi niya. Kaya nga nagpapaturo ako para punahin hindi pahiyain sa harap ng kagrupo ko.

"Mali?"

Tumango siya. I tried again. Bahagyang inayos ko ang anggulo ng katawan ko at mas inaayos ang posisyon ng paa ko. Nang sa tingin ko'y maayos na sa paningin ko ay matapang akong napabaling sa kaniya.

"Okay na ba?" pag-uulit ko. Ngayon ay mas confident akong tama ang ginawa kung posisyon.

He shook his head.

"No. Are you really listening to me?" seryoso niyang sabi. Hindi ko namalayan na medyo na pala siyang malapit sa akin at amoy na amoy ko na ang mabangong pabango niya.

"Halika rito.." lumapit siya ng kaunti sa akin. Napabalikwas ako ng lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang binti ko. Kaagad na nagpumiksi ako sa hawak niya.

"A-anong ginagawa mo?" shocked at his actions, I stammered in my words.

Nanliit ang mata niya sa sinabi ko.

"Guiding you. Tss."

Nakahinga ako ng maluwag. Inilahad niya ang kamay niya kung kaya unti-unti kung ibinigay ang paa ko. Alam kung ramdam niya ang paninindig ng balahibo ko sa binti dahil bahagyang natigilan siya nang nahawakan ito at sinuri ito ng maayos. Napipikit ako sa reaksiyon ng katawan ko sa hawak niya. Although, his hands was calloused and a bit rough it has still an effect on me. Godness!

"Spread it a little."

Natigilan ako at bahagyang nahirapan sa paghinga.

"Huh?" I took his solid commands in a more sensual way... I felt my face heated.

"Tsk, spread it now. Masyadong closed ang space. And please..relax." I swallowed hard. Wala akong choice kundi sundin ang utos niya. Napatingin ako sa ginagawa niya at may kung ano akong naramdaman...something strange..

"Let's proceed to your upper portion." naabutan niya ang tingin ko kung kaya binawi ko kaagad.

Maigi akong pumwesto ulit. At hindi na pinagalaw ang mga paa ko para hindi na iyon mapuna at baka lumuhod na naman. Huminga ako ng malalim at nilagay ang kamay ko sa bulsa ng jogging pants.

"Seriously?" ulit na nilapitan niya ako kinuha ang dalawang kamay ko sa bulsa. Nag-uumapaw ng kaba ang naramdaman ko ng maramdam ang init ng katawan niya sa likod ko.

"Ganito dapat." Natatakot akong tumingin sa gilid baka maabutan ko ang tingin niya.

"Matagal pa ba yan?" naririnding singhal ng nerd na lalaki.

"Oo nga." segundang sabi ng isa. Ngayon ko lang namalayan na may kagrupo palang nakatanaw sa amin at baka nakita pa nila ang mga reaksiyon ko.

Mabuti na lamang ay umalis din kaagad si Yves. Ang mga kaklase namin ay nag-aayos ng kanilang gamit para siguro maglunch o break. Kaagad na sinenyasan ko si Leticia na maghintay dahil gusto kung magpasalamat sa grupo ko. Nanatiling pinagmasdan ako ng mga kagrupo ko, nahihiwagaan sa akin. Hindi ko na napigilang pag-initan ng pisngi.

"Salamat sa cooperation." nahihiyang sambit ko sa kanila ng tuluyang nagdismiss na ng klase. Umalis narin si Yves.

May kung ano sa mukha nila na hindi ko matanto kung ano. They are four of them. Dalawang nerd na lalaki at dalawang bookworm na babae. Kinakabahan ako sa mga tingin nila. Did they saw my reactions earlier?

"Salamat din." someone said. Napangiti ako ng pilit. The other two responded their gratitude too. Pero nabilaukan ako sa huling sinabi ng isa.

"Thanks. Bagay kayo." nanuyo ang lalamunan ko. Kaagad na nasulyapan ko ang pagngisi niya. Ang ilang kasama namin ay bahagyang napahalakhak nang napako ako sa kinatatayuan ko.

"It's okay. Kami-kami lang naman nakakita ng mga reaksiyon mo. Alam naming nahihiya kang sabihin iyon siguro. Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata mo kanina." kinapos ako sa paghinga ko.

"Ano'ng nangyayari rito?" sumulpot ng biglaan si Leticia na nagpatalon sa akin. Kaagad na napahawak ako dibdib sa gulat.

"Ahh..wala..wala...nag-uusap lang kami parti kanina."

She nodded. "Okay. Tara na." binalingan niya ako. Kaagaran namang tumango ako.

"Sige. Hintayin mo ako sa labas. May sasabihin lang ako sa kanila."

"Dalian gutom na ako." agad na lumakad na nga si Leticia at tuluyang nagkaroon ng ginhawa sa akin. Muntikan na! Nadatnan ko ang titig nila na ngayo'y naghihintay sa sasabihin ko.

I immediately cleared my throat. "Huwag niyo sanang ipagsabi."

Tumango sila. "Oo naman. Pero siguraduhin mo sa amin na mapapansin ka niya sa huli. May kung ano sa inyong dalawa eh.."

"H-huh?

"Alam mo na yun." kahit hindi ko alam ay tumango na lamang ako.

"Hmm..bibigyan ko kayo ng portrait..gusto niyo?" alok ko. Alam kung nahihibang na ako para lang itago ang nangyari kanina. At may nakaalam pa.

Napahalakhak sila. "Dependi sayo. Ang effort mo naman sa crush mo." dala ng pagkahiya ay nagpaalam ako na sa kanila. I waved my hands at them before I disappear with Leticia.

Dahil wala namang klase sa first subject mamaya ay niyaya ako ni Leticia na mag milk tea sa isang sikat na store sa labas ng campus. I ordered Okinawa flavor. Kay Leticia naman ay Matcha flavor. Naghintay muna kami ng order sa labas mismo ng store.

"Alam mo bang ang milktea raw ay minsan basehan na mayaman ka." napangunot-noo ako sa sinabi ni Leticia. Ano kinalaman ng normal na inumin na iyan? Nandiyaan ba ang basehan ng trabaho at resources ng isang tao? Ang naroon lang naman ay ang magarang lalagyan nito at tubig na nilagyan ng iba't ibang flavors. At idagdag pa rito ang maliliit na maitim na bilog na hindi ko alam kung ano pero tinatawag minsan ng iba na parang dumi ng kambing. Is that even true?

Napakibit balikat ako.

"Ganoon ba? Parang hindi naman ata."

"Ang iba kasi kapag nakabili parang feeling nila ginto ang milktea. Eh inumin lang naman iyon."

"Siguro iyon lang ang nagbibigay ng kasiyahan sa kanila." napatango siya sa sinabi ko.

Mayroon silang pakulo sa labas ng store kung kaya nawili mga mata ko rito. Naroon ang mga naggagandahang murals sa pader at kakaiba rin ang upuan na dinesenyuhan ng mga pastel colors. Overall, I am loving the whole view outside.

Nagpakuha rin si Leticia ng litrato para sa instagram niya. She executes some unique and famous pose that I barely saw in social media. Mayroong ini-expose niya ang legs niya at parang nang-aakit. May isa rin nagside view para i-highlight ang flat niyang dibdib. Napangiwi na lamang ako sa mga pinanggagawa niya. Ngunit ang iilang kuha ko sa kaniya kaya medyo dismayado siya at iilan ay epic pictures pa.

"Ano ba iyan i-focus mo iyong camera, Pastel." binura niya iyon. At pumuwesto ulit doon.

"Okay." iyon na lamang ang nasabi ko.

"Kuhanan mo iyong features ko bes." tumango ako at mas pinag-igihan ang pagkuha sa litrato. Kaaagad naman na nilahad ko nang makitang maayos naman ang pagkakuha ko.

"Okay na ito." sambit niya habang tinitingnan ang mga kuha.

"Gusto mo rin kuhanan kita? Try lang." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I shook my head. Pero hinila niya ako at pinapuwesto katulad ng mga ginawa niya. Nang tuluyang itinutok niya ang camera sa akin ay para timang ang mga ginawa kung pose.

Napairap siya. "Bulok na iyang wacky pose. Do some hair flip." utos niya. I followed her orders. Pinalipad ko ang buhok ko at ngumisi ng pilit. I struggled so hard just to perfect her standards in photography. Napailing na lamang ako nang tumagal ito ng ilang takes bago tuluyang nakuntento siya.

"Last nalang. Do some creative pose." walang pakundangang sinunod ko ang sinabi niya ulit. Nilagay ko ang kamay ko sa iilang hibla ng buhok at ngumiti ng kaunti sa harap. Ginawa ko rin ang pout lips at fierce look. Somehow, I enjoyed it. Kahit na hindi ako sanay. Sadyang mapilit talaga si Leticia kaya wala akong magawa.

Sa kalagitnaan ng pagkuha niya ay nawalan ako ng kulay nang nahagip ng mata ko si Yves na seryosong nakatingin sa posisyon ko. Nakatayo lamang siya. Nang napansin niya ang pagbaling ko ay napanguso siya at parang natatawa. Napaahon ako sa posisyon ko at inaayos ang sarili. Biglaang naconscious ako sa sarili ko at iniwas ang tingin sa direksiyon. Kanina pa ba siya?

Ako na ang kumuha ng orders naming at hinila si Leticia palabas.

"Hinay hinay naman." naiinis na sabi ni Leticia. Pero sadyang malas talaga nang nabunggo ko ang balikat ni Yves habang nakayukong naglalakad. Ang milk tea na dala ko ay nahulog sa semento at bahagyang nasira ang lalagyanan. Napasinghap ako at napamura si Leticia.

Kaagad na pinulot ko iyon. At nanlumo sa nasayang na milk tea.

Hindi ako nag-angat ng tingin dahil alam kung nakatingin si Yves sa amin.

"Hello Kuya Yves." ani ni Leticia nang nakilala siguro si Yves.

"Paano iyan?" si Leticia habang kinakausap na ako ngayon.

"Tara na." yaya ko kay Leticia. Kaagad na naabutan ko ang seryosong tingin ni Yves. Napabaling din siya milk tea kaya tinago koi to.

Humakbang na kami pero narinig ko ang baritonong boses niya.

"Papalitan ko na."

"Okay na Kuya Yves." ani ko habang pinipigilan kung lumingon. Si Leticia ay napalingon na nga ng tuluyan.

"So thoughtful." rinig kung bulong ni Leticia sa hangin.

"No, I will buy you one." I shook my head.

"Nako, okay na raw Kuya Yves." may halong kilig na sambit ni Leticia. Napasapo na lamang ako.

"Stay there. I will buy you." sa seryosong tono ng boses na sabi niya. Huli na ang lahat nang maramdam ko ang kilos ni Yves papuntang counter. Napabuntong hininga na lamang ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status