Share

Ikasiyam na Kabanata

Bench

Punuan ang Milk Tea Shop. Isa ito sa mga dinarayong shop sa Estancia kung kaya kapansin-pansin ang dagsaan ng tao sa loob pati narin sa labas. We stopped half way near the entrance to wait for the dispersion of crowd. Kaagad na naagaw ang mga atensiyon ng iilan nang natanaw ang paparating na sina Kuya Quevin at Yves.

Kahit sa mismong tindig palang nila malalaman mong may ibubuga sila. Sikat si Yves dahil tanyag ang apelyido nila sa buong bayan. They owned the Honorario Group of Companies together with the medium enterprises in local and neighboring municipalities. No doubt his presence is always bold and could really snatch the spotlight in public. Idagdag pa ang pisikal na pangangatawan niya at itsura na kinahuhumalingan ng mga kababaehan dito. I've know some information about them but not the controversial death of his sibling, Harith.

May itsura din naman si Kuya Quevin. He has a fine torso and appeal. But there's something with Yves that made him stood up with others. I can't pinpoint his major assets but the fusion of his appeal both sexual and athletic was just overflowing.

I almost freaked out when someone aggressively approached him. Naging interesado ako sa gagawin ng babae. Naroon ang iilang kaibigan niya na pilit na tinutulak siya papunta kay Yves. They were laughing and seems teasing their friend.

"Magandang hapon Yves." may inilahad siyang key chain na maliit. Kaagad na napabaling si Yves sa kaniya at natigil ang usapan nila ni Kuya Quevin.

The menacing look made her shy. Kahit ako'y nararamdaman ko rin ang panginginig niya.

Tinanggap ni Yves ang keychain. Tinanguan niya pagkatapos, ni walang emosiyong nakikita sa mukha niya.

Umalis sa unahan nila ang babae na bakas ang saya sa mukha. Nakita kung papaano sila sabay sabay na nagtilian ng mga kaibigan niya. Some even whispered corny jokes and hug the girl while mouthing "I'm proud of you".

Does it really justify happiness even with that simple encounter with him? Maybe yes.

Pansamantalang nawaglit ang atensiyon ko dahil sa tawag ni Janina sa tabi ko.

"Hey, cous? Are you still in there?" napalingon ako sa kaniya. I didn't notice that she's still speaking while my mind was roaming around.

"Oo naman." ngisi ko sa kaniya. She pouted. Tumango na lamang siya.

"It feels like I'm talking to the air. May kinaaabalahan ba iyang mata mo? Narito mo ba crush mo?" luminga-linga siya na parang may tinitingnan.

"Wala ahh.."

Natawa siya. "Mock everybody but not me, Pastel. I've experienced it too. Parang may mga radar tayo kapag nandiyaan ang mga gusto natin. Presensiya palang nila nararamdaman natin" bumelat siya sa akin na parang nabisto ako. I laughed at her naughtiness.

Shes's right. Kung nasa stage ka talaga ng pagdadalaga at pagbibinata, lumalalim ang depinisyon mo sa pagkagusto. Sometimes you romanticize things out of something, more matured stuffs and scenes keeps rolling in our mind. There were times also that we are very delusional with those misleading actions of the person we liked. That's why it blossoms hallucinations of one-sided love that made us more vulnerable to pain and unending hopelessness.

Her phone rang. Kung kaya sinagot niya ito at naglakad sa di kalayuan dahil sa ingay ng paligid. Naiwan akong mag-isa.

Janina forced us to went inside of the store. I have second thoughts to tug with them. Gusto ko mang umuwi na kaso ayaw ko naman na pabayaan ang mga pinsan ko rito dahil lang sa tinotopak ako.

Kalaunan, pumasok na kami ng tuluyan kahit siksikan ang tao sa loob. The shop is very jampacked. Weekend ngayon kaya hindi na nakakagulat na marami talagang tao at naghalo-halo ang ingay ng lahat.

Tumigil muna kami para kuhanin ang bawat order namin.

"What do you guys want?" si Kuya Quevin habang tinatanaw ang mga milk tea products sa counter.

"Okinawa is good." dugtong niya. I seconded his order.

"What about you, Yves?" ani ni Janina. Kahit na suplado si Yves ay nakikipag-usap parin naman.

"Macha." sagot ni Yves. Kaagad na napaatras ako nang may dumaan naghaharutang magbabarkada sa gilid ko. It was a sudden move that blew my body towards Yves.

Dumampi ng bahagya ang kamay ko sa matigas niyang braso. He leaned forward to support my body.

Napapihit ako sa gulat. "Sorry." paumanhin ko.

Napasunod lamang ang tingin niya sa mga dumaan. Napabaling naman siya sa akin at tumango.

Habang naghihintay ay pinaypayan ko ang sarili dahil sa alinsangan sa loob. Nahagip ng mata ko si Yves na ngayo'y pawisan din at bakat bakat ang bakas ng pawis sa jersey niya.

"Antagal." Napapadyak si Janina.

"Yeah..uhmm..maybe you two should occupy that table. Baka maubusan tayo ng mauupuan." In unison, we nodded. May itinuro silang table sa gilid at medyo secluded sa ibang tao.

"Kayo na lang Pastel at Yves ang mauna doon." bahagyang nagulat ako sa suhestiyon ni Kuya Quevin. Yves shrugged.

"Kuya naman...gusto ko narin maupo." angil ni Janina.

"Sila nalang dalawa. May pag-uusapan tayo.."

I couldn't agree more but to follow their orders. Marami ang napatingin sa amin kahit naglalakad. Maybe their stares are for Yves only. Bonus lang ako. Medyo dumistansya ako ng kaunti sa kaniya para maiwasan ang pagkailang na nararamdaman ko.

Pasalampak akong naupo sa table. Nakahinga ako ng maluwag nang makaramdam ng ginhawa sa malakas na bugso ng aircon malapit sa amin. Napatingin ako kay Yves na ngayon ay seryoso lamang nakaupo at may kinakalikot sa cellphone.

Naalala ko na naman ang milk tea kahapon. It is still bothering me. Ngayon ko nalang siguro babayaran para mabawasan ang konsensiya ko.

Napaayos ako ng upo. Si Yves ay wala paring kibo at tutok na tutok ang atensiyon sa cellphone. Ngayon lang sumagi sa isipan ko na parang nasa set up kami ng magkasintahan. A dreamy date. Magkaharap kaming dalawa at sapat na ang pagtitigan. But it's just an imagination.

Pilit kung isinisiksik sa kokote ko na hindi iyong mangyayari kailanman. Sapat na ang ganitong mumunting interaksiyon. Labas muna si Leticia rito. Kahit ngayon lang. I'll enjoy this piece of happiness that a teenager deserves to feel.

"Kuya Yves.." bahagyang gumaragal ang boses ko dahil sa kaba. Pumihit siya at nagkasalubong ang aming mata. The intensity of his eyes sent shivers to my spine. Kung kaya nilihis ko ang paningin ko sa gilid. At kumuha ng confidence.

"About last day..." hindi ko maayos ayos ang pananalita ko. Hindi ko tantiya ang ugali niya. Maaring magalit o ipagsawalang bahala nalang ang i-ooffer ko sa kaniya.

Nakataas ang kilay niya. At naghihintay ng idudugtong ko.

"Yung sa Milk Tea na binili..mo." I could really feel my knees trembling. Pilit ko lamang tinatagan ang loob ko.

"What about it?"

"Gusto ko sanang bayaran." Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa sinabi ko. Is he mad or something?

"What?" hindi makapaniwalang sambit niya. Kaagad na napunta ang kamay ko sa bulsa ko para kunin ang wallet. Nang maramdam na sapat na ang pera ay napaangat ang tingin ko sa kaniya.

I cleared my throat. "I'm serious babayaran ko."

"Don't mind it.."

Kaagarang nilagay ko ang pera sa harapan niya. Naagaw ang atensiyon niya at nagkasalubong ang kilay na nakatingin sa pera. Inatake ako ng kaba sa titig niya.

"Tss. I said don't mind it. Tinapon ko rin naman iyon. You don't deserve someones kindness." parang umalog ang sistema ko sa lintanya niya. Umawang ang labi ko.

I appreciate his kindness last day. Pero inaatake lamang ako ng hiya dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Naging mapait ang naramdaman ko. Binabagabag parin dahil sa sinabi niya.

Napatikom ang bibig nang tuluyang dumating na ang sila dala dala ang orders.

Rarely, I join their conversation. Marami silang pinag-usapan tungkol sa lovelife at iba pa. Ang tanging ginawa ko lamang ay ang pagtuunan ng pansin ang milk tea.

"Mabuti at naroon ka dude. Palagi ka bang naglalaro doon?" busy si Yves sa pagvivideo ng milk tea niya. Pilit ko namang itinatago ang mukha ko dahil nakatutok ang camera niya sa direksiyon ko.

"Yeah. Just for fun and friendly game." simpleng sambit niya at ibinaba ang cellphone.

"Pastel..magkaklase kayo ni Yves." si Kuya Quevin.

I shook my head.

"Hindi."

"I like your outfit today cous. Nag-ayos kaba?"

"Ako ang tumulong sa kaniya." I tilted my head. Bakit ako ang topiko nila?

"Good timing nga eh dahil napansin kona nakita niya kanina ang crush niya." Janina laughed. Nahiya ako.

"Who's the lucky guy? Suwerte niya naman. Magaling magpaint ang admirer niya." makahulugang sabi ni Kuya Quevin. Nahagip ng tingin ko si Yves. He's attentive with our conversation.

"Kilala ba namin?" segunda ni Janina. Ngayon ay mas na hot seat ako.

"Athlete?"

"H-hindi ako mahilig sa athlete." I stammered.

"Why? Don't you like to be their handkerchief when they are sweating? Yung ikaw ang magpapahid ng pawis niya pagkatapos ng laro. At gagawa ng banner para sa kaniya. That sounds cool." tila hindi ako makahinga sa sinabi ni Kuya Quevin. I could envision myself to it.

"Gawin mong example si Yves. Yung ikaw ang magiging ang number one supporter niya at gagawan mo siya ng portrait kapag may okasiyon."

Napasulyap ako sa seryosong mukha ni Yves. Nahihiya narin ako bakit sumentro na sa akin ang usapan at nadadawit si Yves.

"Ayoko." sagot ko. Napahalakhak sila porke na lamang kay Yves.

"Example lang naman eh."

"Stop na Kuya. Mukhang naiilang si Pastel." hinagod ni Janina ang likod ko at nginitian ako.

Mabuti na lamang ay nawaglit ang atensiyon sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Ilang oras din kaming namalagi doon bago kami umuwi.

Mabilis na dumating ang lunes. Nakauwi na ang dalawa kung pinsan sa Manila at nangakong babalik kung may pagkakataon. Si Kuya Achim ay binibisita ng doctor niya para sa intervention at assessment sa kaniya.

Kahit papaano ay wala naman akong naranasang kung ano nitong mga araw kay Kuya Achim. It seems that he's slowly going back to his senses.

Maaga akong nakarating sa school. May ipinagawang mga activity pero light lang naman. Dumaan pa ang ilang oras pero kapansin-pansin na hindi ako pinapansin ni Leticia buong umaga. I keep on talking to her pero iniiwasan niya talaga ako.

"Leticia." tawag ko sa kaniya para sana yayain siyang maglunch. Pero wala akong natanggap na isang salita sa kaniya. Kasalukuyang inaayos niya ang mga gamit niya kung kaya tinitigan ko lamang siya ng mabuti. May problema ba? Wala naman akong naalala na alitan sa pagitan namin. At higit sa lahat maayos naman kami noong nakaraang araw.

Hindi ko na natiis at nilapitan ko siya. Mahigpit akong napahawak sa bag ko.

"Leticia, may problema ba?" nagbabakasakali ako na makatanggap ng sagot sa kaniya.

"Wala naman tayong problema diba?"

Binalingan niya ako ng masamang tingin at humalakhak.

"Wala naman talaga. Ikaw ata ang may problema Pastel." Naguguluhan ako sa sinabi niya. Kaunti na lamang ang tao sa loob ng classroom kung kaya tahimik lamang silang nakikinig.

"Ano bang pinagsasabi mo? Huwag tayo rito mag-usap." I swallowed hard when I saw how she's angry with me. Ano bang ginawa ko?

"Why? Ayaw mong malaman kung gaano kakalandi? Sinasabi ko na nga bang may gusto ka kay Y---" hindi ko siya pinatapos at hinila siya palabas. Pilit siyang nagpupumiglas sa hawak ko pero mas pinuwersahan ko ang paghila sa kaniya.

Hindi na nakayanan ng emosiyon at lumandas ang luha sa aking mga mata. I felt embarrassed with her thoughts. Wala naman akong nagawang masama ah? Pilit kung inaalala ang lahat pero blangko ang nakikita ko.

Tumigil ako sa CR at doon siya binitawan. "What are you saying?" napakagat labi ako para pigilan ang nagbabadiyang luha na gustong kumawala.

"Magkasama kayo ni Yves kahapon diba? I saw his IG story. At nakita kung papaano mo siya tingnan. Diba sinabi ko naman sa iyo na ang pinakaayaw ko sa lahat ay mang-aagaw ng gusto. Ang landi mo namang santa santita, bes." tuluyang umagos ang luha ko. Nanikip bigla ang dibdib ko at nahihirapang makahinga. I don't know but I feel her toxic treatment with me.

"N-nagkakamali ka. Niyaya... lang siya ng pinsan ko." kahit nahihirapan ay pilit kung isinasatinig ang side ko.

"Sa tingin mo ba talaga maniniwala pa ako sa iyo bes? Totoo nga talaga ang sinabi ni Winona. You're hiding the itch in your sweet and innocent body. Bilib na ako sa kulo mo. Sobra ka palang makati talaga." tinalikuran ko niya ako ng walang pasubaling at lumabas. Naiwan akong nasasaktan sa sinabi ng bestfriend ko.

I sobbed harder to suppress the anger and sadness. Kahit kalian hindi ako nakaramdam nang ganitong sakit.

Hearing it first hand with my bestfriend made my heart broke. How could she say those painful words at me? Ni hindi niya alam ang rason kung bakit naroon ako. Ginawa ko naman lahat para i-admire si Yves ng patago ah? I didn't steal Yves from her. Ni minsan nga siya pa ang inaalala ko baka magalit siya sa akin. This is just toxic!

Si Yves ba talaga ang sukatan ng friendship na ito? That freaking Yves Honorario and my feelings for him! Kahit anong pilit kung ilayo ang sarili ko sa kaniya sadyang hindi maiwasan na may pagkakataong nakakasalamuha ko siya. And that's not even a big deal.

Matagal din akong namalagi sa loob ng CR. Maraming tumingin sa akin kapag may pumapasok. I looked wasted and miserable. Pero hindi ko sila pinapansin. Nang makaramdam na medyo maayos na ang isip at pakiramdam ko ay lumabas na rin ako.

I skipped one subject. Hindi ako minsan pinansin ni Leticia. Si Winona ay pinansin niya at nagtawanan pa sa harap ko. It's so easy for her to neglect my presence here. I felt saddened by it how she views friendship and loyalty.

Natapos ang klase namin. Magkasama sina Winona at Leticia na lumabas. Matamlay akong lumabas sa classroom. Marami akong nakasalubong na estudyante pero parang hangin lamang sila sa aking paningin.

"Okay ka lang Pastel?" tanong ng isang lalaking kaklase ko. Doon lamang ako nahimasmasan sa lalim ng iniisip ko.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "I'm okay."

He seems unconvinced with my statement. Sinuri niya ako ng maigi. It's ironic to comprehend this right now. Kahit pala hindi mo kilalang tao ay may pake sayo samantalang ang itinuring mong kaibigan ay sobrang dali kalang iwanan.

"I know a spot there. Malapit sa field sa likurang parte. Maari kang magmuni-muni doon." suhestiyon niya.

"Para saan?"

"Prententious people pretend their situation. But eyes and bodily behavior don't lie." pansamantalang humanga ako sa sinabi niya.

"What's your name?" hindi ko na napigilang sambit.

"I'm himig."

"H-huh?"

"Himig Delos Santos." ulit niya. Is that his real name? Tumango na lamang ako.

"Thank you for approaching me."

Nilubayan niya rin ako. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat nang nararamdam ko. Sinunod ko ang payo niya at nagtungo sa sinabi niyang lokasiyon. Nang makarating ako doon ay unang napansin ko ang hardin na puno ng ibat ibang halaman. Kakaunti ang tao doon at tahimik. There are few benches scattered. Medyo may kalumaan na ang iilang rebulto nang sinaunang tao sa paligid.

Nanaig ang preskong hangin. Ngayon ko lang naramdaman na mag-isa lang ako. Naupo ako sa isang bench at nagpatianod sa mapayapang lugar na ito. Napapikit ako sa kapayapaan ng paligid. Ang sinag ng papalubog na araw ay nasilayan ko at gumihit ito sa aking mukha. I moved a little and let myself embrace the emptiness of the place. It brought serenity in my chaotic mind.

Sana magkaayos ulit kami..ni Leticia..She was my only bestfriend... my only abode..

Humiga ako sa bench. Medyo may kalakihan naman siya kung kaya sumakto ang sukat. Kung may dumaan man ditong tao iisipin nila na nababaliw na ako kung bakit dito ko mas piniling humiga. Idagdag pa rito na nakapalda ko at wala akong pakielam kung saan nakaharap ang pang-ibabang parte ng katawan ko.

I made myself comfortable. And just enjoy the view.

Habang humihiga, marami ang sumagi sa isip ko. Should I say sorry to her? Masyado na bang malandi ang paghanga ko sa malayo kay Yves? Did I kiss him or have a relationship with him? Wala naman diba. It was just a misconception.

At ang mas masakit ay sabihan niya ako ng makating babae. How come she could say it to me? Na parang hindi kami magkaibigan. Pero nangingibaw ang munting piraso na magkakaayos pa kami ulit. Papalampasin ko ito.

Napabuntong hininga ako. Napaangat ang tingin ko sa langit. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng kaluskos o yabag ba ng paa? Ipinagsawalang bahala ko iyon. Pero tumatagal ay mas kinakabahan ako.

"What are you doing here?" ang baritonong boses ng isang lalaki ay nagpabalikwas sa kinauupuan ko. Nagkabuhol-buhol ang isip ko nang madatnan ang anino ni Yves na nakauniporme. Nakatayo siya sa harapan ko at seryosong tinitingan ako.

"Uhh.." wala akong masabing salita, nahihiwagaan kung bakit nandirito siya.

"Bakit nandito ka?" ulit niya. I can sense his annoyance now. Hindi naman niya ito pag-aari. Kung makaasta parang sa kaniya ito.

"Nagpahinga lang po.."

"Resting in a bench while showcasing your underwear? Is that how you rest?" natigilan ako. Nakita niya?

Nakaramdam ako ng hiya.

Kaagad na napatayo ako. At pinagpagan ang damit kung nalagyan ng alikabok ng bench.

"Sorry.." napalinga linga kaagad siya na parang may sinusuri.

"It's quite here." ani niya. Naguguluhan naman ako. Kung makikita na naman kami ni Leticia siguradong hindi na kami magkakaayos.

I bowed to him. Lalakad na sana ako nang magsalita ulit siya sa likod.

"Do you want to play...?" napalingon ako sa sinabi niya. Nakapamulsa siya at nakakalokong nakatingin sa akin. Iba na ang naiisip ko ngayon.

"H-huh?"

He chuckled. Napahalakhak siya.

"Let's have sex. Do you want it?" with devilish grin, it sent horror to me.

Nagulantang ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Biglang nag-init ang ulo ko, dala na rin ang frustrations at mga sinabi ni Leticia ay sumabog ako sa galit.

"You know what..?" biglang lumandas ang luha ko.. "Tigilan muna ang mga kabastusan mo. Ayusin mo ang laro ng buhay mo at huwag mong itulad ang totoong buhay sa larong soccer. Ang mga katulad mong tao ay nababagay na tapakan ng soccer shoes..dahil ang bastos mo at wala kang respeto." ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Nagulat din ako sa sinabi ko.

Nasulyapan ko ang pag-iiba ng emosiyon niya. Bahagyang umawang ang kaniyang labi at napakurap kurap ang mata.

"Hindi lahat ng babae napapaaamo ng hagod ng mga salita mo. At higit sa lahat hindi kami kaladkarin katulad ng mga iniisip mo." huminga ako ng malalim. Tahimik lamang siya at mariing sinusuri ako.

"Sana magbago ka na. Gusto pa naman kita." nakita ko ang pagsinghap niya. Iyon ang huling salita bago ko siya tinalikuran.

Umuwi ako pagkatapos noon. Buong magdamag ay hindi nawaglit ang sinabi ko kanina kay Yves. Ngayon lang nagsink in ang kahibangan ko. Nasabi ko bang gusto ko siya? Napasapo ako sa ulo ko at namomroblema.

Clearly, it was not just a burst of anger. It was like a confession in the end. Napahiga ako sa kama at naiinis sa sarili. Napagulong ako sa kama sa kahihiyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status