Maagang umaga. Maliwanag ang sikat ng araw na sumisilip sa puting kurtina ng silid nina Apple. Mahimbing pa ang tulog ni baby Lucien sa crib, habang si Amara ay nakahilig sa dibdib ni Apple, tila ayaw pang bumangon.Ngunit isang boses ang nagpangiti sa kanya.“Good morning, lovebirds.”Si Lance. May hawak na tray ng agahan—sinangag, itlog, tapa, at mainit na tsokolate. Nakasuot ng apron na may nakasulat na “Chef Daddy.”Napatawa si Apple. “Ano ’yan, umeksena ka sa kusina?”“Para sa babaeng sinusuyo ko ulit,” sagot ni Lance sabay kindat.Umiling si Apple, pinipigil ang kilig. “Naku ha. Baka masanay ako sa ganito.”“Sana nga masanay ka. Kasi araw-araw ko nang gagawin ’to, kung sakaling... papayag kang maging girlfriend ko ulit.”Napatingin si Apple sa kanya. Tila hindi siya agad makapaniwala. Nakatingin lang siya kay Lance, at sa likod ng ngiti nito, alam niyang seryoso ang tanong.“Hindi kita minamadali,” dagdag ni Lance. “Alam kong nasaktan kita. Pero ngayon, gusto kong itama lahat. S
Napahinto sina Lance at Apple. Magkahawak pa ang kamay nila. Parehong napatingin kay Mia. Si Apple ay bahagyang ngumiti, pero halata ang pag-aalangan. Ang mga mata niya'y kumikislap, puno ng damdaming hindi agad maipaliwanag."Uy, relax lang kayo," sabay tawa ni Mia. "Hindi ako nanunumbat. Curious lang. Ang sweet n’yo kasi.""Hindi ko alam, Mia," sagot ni Apple. Mahinahon ang boses niya. May ngiting pilit ngunit may sinseridad. "Hindi pa kumpleto ang lahat. Pero ngayon... parang masarap sa pakiramdam. Parang kahit ilang gabi lang, sabay kaming lumalakad sa iisang landas ulit."Lumapit si Mia, inilapag ang baso sa mesa at hinawakan ang kamay ni Apple."Walang masama kung magbabalikan kayo," ani Mia. "Pareho kayong nagtangka. Pareho kayong nasaktan. Pero ngayon, pareho kayong nagsusumikap. At alam mo bang ramdam ‘yan ni Amara?"Halos on cue, mula sa gilid ng sala, sumigaw si Amara habang may hawak na maliit na bola.“Daddy, Mommy, laro tayo! Habulan tayo!”Napangiti si Lance. Lumuhod si
Dahil kay Amara, nagsimulang mabuo ang tulay sa pagitan nina Apple at Lance. Ngunit higit pa roon, isang musmos na batang walang muwang ang unti-unting bumalot sa puso ni Apple—si Lucien, anak ni Lance sa namayapang asawang si Monica.Hindi man niya ito anak, mahal niya ito sa paraang hindi niya inasahan. Sa tuwing humahawak si Lucien sa kanyang daliri. Sa tuwing tumatawa ito sa simpleng pagkukuwento niya habang pinapalitan ang lampin. At sa tuwing natutulog ito sa kanyang dibdib, parang napapalitan ng liwanag ang madilim na bahagi ng kanyang puso.Nagsimula ito sa simpleng “Kamusta ka?” sa kusina. Sa simpleng “Pwede ba kitang samahan?” sa pagbili ng gatas ni Lucien. Hanggang sa araw-araw na magkasabay silang nagpapakain, nagpapaligo, at nagpapatawa kay Amara at Lucien. Unti-unting bumalik ang sigla. Unti-unting bumalik ang dating samahan.Sa bawat halakhak ni Amara, sa bawat ngiti ni Lucien—doon nagsimulang mamukadkad muli ang isang damdaming matagal nang tinabunan ng sakit at galit.
Sa loob ng silid, tahimik na gabi. Si Mia, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang isang tasa ng tsaa habang pinagmamasdan si Apple na tila wala sa sarili habang nakatingin sa kawalan.“Apple…” malumanay na simula ni Mia, “may pag-asa ba si Lance na magkabalikan kayo?”Nag-angat ng tingin si Apple, mabigat ang mata, parang may gustong ilabas pero pinipigil.“Hindi ko alam, Mia,” sagot niya sa wakas. “Gusto ko sabihin na wala, pero… parang may bahagi sa’kin na ayaw magbitaw. Hindi ko rin alam kung tapos na talaga kami ni Nathan. Ang huli naming pag-uusap, sinabi kong kailangan namin ng space. Dahil nasasakal na ako... sa selos niya kay Lance. Simula noon… apat na buwan na. Wala na. Ni text, ni tawag, wala. Secretary niya lang ang kausap ko. Siya, parang nawala na lang.”Napatingin si Mia, seryoso ang mukha. “So… wala na talaga kayong communication?”Umiling si Apple, mabagal. “Parang gusto kong isipin na yun na ‘yung closure. Pero dahil walang malinaw na pagtatapos, hindi ko rin alam kung
Tahimik ang paligid. Tanging marahang hilik ni Amara at banayad na tunog ng hanging humahaplos sa kurtina ang maririnig.Nagtagal sa katahimikan ang gabi. Si Lance, nanatiling nakatayo sa gilid ng kama, tinitingnan si Apple na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan si Amara at si Lucien na mahimbing na natutulog. Sa bawat buntong-hininga ni Apple, tila may parte ng puso niyang pilit bumibigay.Hindi niya kailangan ng maraming salita. Hindi siya kailangang sabihan ng “mahal kita” sa bawat minuto. Pero sa gabing ito, sa katahimikan ng mga yakap at titig, sa pagitan ng mga tanong at kawalang-katiyakan—alam niyang may dumudugtong muli sa kanila.Lumapit si Lance. Marahan. Walang kahit anong ingay. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Apple. Hindi ito binawi. Hindi rin nagsalita. Pero ang katahimikang iyon ay higit pa sa pagsigaw. Higit pa sa kahit anong pangungusap.“Salamat,” mahina ngunit buong pusong sambit ni Lance. “Kahit dito lang muna. Kahit ganito lang muna.”Dahan-dahang umupo si Apple
Sa gabing iyon, habang pinapatulog ni Apple si Amara at si Lucien, sandaling huminto ang kanyang mga kamay sa paghaplos sa buhok ng anak. Tila may biglang kumurot sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang dalawang batang mahimbing na natutulog sa iisang kama. Magkayakap ang magkapatid, parang likas na likas sa kanilang dugo ang pagiging malapit sa isa’t isa. Si Amara, kahit may iniinom na antok, ay pilit pa ring pinupunasan ang laway sa pisngi ni Lucien gamit ang maliit na panyo.“Mommy,” mahina at halos pabulong na sabi ni Amara, “ang cute talaga ni baby brother.”Napangiti si Apple. Umupo siya sa gilid ng kama at tumango. “Oo, anak. Cute nga siya. Parang ikaw noong baby ka pa.”Napadilat si Amara, kahit aninag pa ang antok sa mga mata. “Mommy, kapag lumaki na po siya, sabay po kaming aakyat sa entablado. Tapos si Daddy po ang magpipitik ng picture namin. Tapos ikaw po ang kakaway sa gilid habang nakangiti.”Napahawak si Apple sa dibdib. Ang inosente at masayang larawan ng kinabukasan