LOGINNapapalunok si Temyong habang papunta sa harap ng mall . Nang makaparada na ay siya naman lumabas na ang amo nito mula sa mall . Kumakaway pa si Mabele sa kaibigan nito .Hindi sila gaano nag tagal mag usap dahil kailangan na niyang bumalik ng mansion dahil tumawag ang kanyang asawa na kailangan na nitong umuwi para maghanda ng pagkain para sa kanilang dinner dahil uuwi si Zimon . Pagkakita niya sa sakay nila ay agad siyang lumabas at nagpaalam na rin saka nagtungo sa kinaroroonan ng sasakyan . Sumakay siya agad pagkabukas ni Tempyong sa pintuan ng sasakyan .Pagkasakay aya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang asawa nito na pauwi na siya . Napapatingin naman si Temyong sa kanyang amo at abala ito sa pakikipag usap sa asawa nito .Mukhang hindi napansin ang batang nasa harapan habang wala parin itong malay . Pagkahatid niya sa kanyang amo kailangan niyang ipunta sa presinto ang bata para ipahanap ang pamilya nito at baka hinahanap na nila . Wala pa naman
Napaaga ang uwi ni Sophia dahil kailangan niyang ipagluto ng hapunan ang dalawa na kararating lang din kahapon . Umuwi muna siya para magpalit dahil pupunta siya ng palengke para bumili ng kanyang lulutuhin .Hindi naman niya pwedeng iasa sa mga katulong dahil gusto niya siya ang mamimili ng kanyang lulutuhin para sa dalawa . Pagpunta niya sa kwarto ng kanyang anak para sana kamustahin ito ngunit wala doon si Zilux .Sunod siyang pumunta sa kwarto ni Sedrick ang ganun din ito . Pagkapalit niya ng damit agad siyang bumaba at nadatnan niya si Rosenda na kakauwi lang din kanina lang . ''nay Rosenda saan pumunta sila Zilux at Sedrick?" '' puntahan daw nila ang dumating na kaibigan ni Sedrick.Sinama na niya si Zilux para daw makapasyal din ito '' natahimik siya sa kanyang nalaman . May pagaalala sa kanyang isip na baka may alam ang taong nagmamanman sa kanya .Pero agad din nawala ang kanyang pag aalala dahil walang nakakaalam na may anak siya bukot sa mga tao sa mansion ng Guevara at
Nanghina na napaupo si Editha mula sa sahig dahil sa kanyang nagawa .Nawawala na nga si Charles hindi pa sila maayos ng kanyang anak . Samantala agad naman pumasok si Edmond at inalalayan ang ate nito para dalhin sa mismong opisina niya . Naawa man siya pero wala siyang magawa kundi manahimik nalang at hindi dumamay sa away ng mag ina kanina dahil baka sa kanya ibunton ni Harison ang galit nito . ''mukhang tumitigas na ang ulo ni Harison '' saad ni Edmond .Lalong sumakit ang ulo ni Editha dahil tama ang sinabi ni Edmond.Ibang iba na ang kanyang anak ,hindi na niya ito mauto .Malaki ang nagbago kay Harison at iyon ang nagpapahirap sa kanya . '' yeah it because of that bitch '' hindi matanggap ni Editha na malaki ang pinagbago ni Harison simula nakilala niya ang babaeng iyon . Akala niya magiging maayos ang kanilang buhay pag umuwi sila ng bansa .Pero parang mas maganda na manatili si Harison sa bansa kung saan sila galing . ''hayaan mo siyang mag imbestiga ate .Nagawan ko na ng
Tila hindi nagustuhan ni Editha ang kanyang nalaman .Patuloy parin pala ang anak niya na mag imbestiga. Dahil sa inis sumugod siya sa kompanya. '' Harison bakit parang wala lang sayo ang pagkawala ng ama mo .Pinagpapatuloy mo parin ang pag iimbestiga tungkol sa nakaraan '' kailan ba niya mapapasunod si Harison .Naging matigas na ang ulo nito at mukhang hindi pa magawang mag aalala sa ama nitong isang linggo ng nawawala . Kunot noo siyang lumapi kay Harison sa mesa ng kanyang asawa . Mukhang dito ginusto ni Harison mamalagi. Nainis siya dahil parang hindi nakikinig ang kanyang anak .Patuloy parin ito sa pagbuklat ng mga folder na nasa harapan nito . Dahil sa sobrang galit naibato niya ang mga papel na nasa mesa . Wala siyang pakialam kung ano ang mga papel na iyon .Ang mahalaga sa kanya mailabas ang tunay niyang galit sa anak nito . Hindi na nagtaka si Harison sa inasal ng kanyang ina .Tunay ngang may alam ito dahil iba kung magalit sa kanyang ginagawa .Pero kahit ganun kailang
Biglang may humila kay Harison mula sa parking lot kaya nagtaka ito at nataranta . Ilalabas na sana niya ang pepper spray nito na nasa bulsa niya lagi ,ngunit hindi niya naituloy pindutin dahil ang kanyang ama ang nasa harapa niya na nakahawak parin sa kanyang balikat .'' papa '' '' huwag kang maingay Harison '' saad nito sabay binuksan ang sasakyan ng kanyang anak at nauna na siyang pumasok at sumunod na rin si Harison . Katahimikan muna ang namalagi sa loob ng sasakyan at nanatiling nakatingin si Harison mula sa salamin na nasa harapan habang naroon sa passenger seat ang kanyang ama na nakasumbrero at nakajacket ng itim . Mukhang hindi naman ito galing sa kidnap dahil maayos parin ang mukha nito . '' bakit kayo nagtatago nag aalala na si mama sayo '' '' saka ko nalang paliwanag sayo ang mga bagay bagay sa maayos na lugar tayo mag usap '' wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang ama .TInuro naman ni Charles ang lugar kung saan sila pwede mag usap ng kanyang anak . Pagkara
Pasakay na sana ng kotse si Sophia ng mapansin niyang parang may taong nakatingin sa kanya .Lumingon siya ngunit walang makita .Purong mga sasakyan lang ang nasa paligid dahil nasa parking lot sila ngayon . ''napansin mo ba iyon ?" tanong niya kay ALona . '' ang alin ?" tumingin tingin siya sa paligid kahit hindi pa sinabi sa kanya ni Sophia ay nakita na niya ito kung paano luminga linga na parang may something itong nakita . '' parang may nakatingin dito sa gawi natin '' Medyo natakot siya sa sinabi nito at lumabas na rin siya para tulungan tumingin . Ngunit wala naman kahina hinala sa paligid . '' wala naman ..pero kahit ganun tara na Sophia at baka mapahamak pa tayo '' sumakay na rin siya at iniwaglit ang kanyang napansin kanina . Pagdating nila sa bahay ni Don Guevara dahil sa kadaldalan ni Alona nasabi nito kila Martin ang tungkol kanina sa napansin ni Sophia mula sa parking lot . Dahil nag aalala si Martin sa kanyang nalaman agad niyang pinag utos sa kanyang assistant n







