ANMELDENIt disgusted me to know that my parents arranged my marriage to one of my 'ninongs'. Only to find out, he was the same stranger I gave my first time to last night.
Mehr anzeigenIto na ang araw na babago sa buhay ko. Wala na talagang atrasan ‘to! Nandito na ako… ito na…Nakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng holding room ng simbahan, suot ang simple kong white tube wedding gown. Maayos na nakataas ang buhok ko, at natatakpan ng manipis na belo ang mukha ko. Mahaba ang laylayan ng gown na nakalatag sa sahig.Three years.Tatlong taon kong sinubukang buuin ulit ang sarili ko. Akala ko, sapat nang ilibing ko ang nakaraan at magpatuloy sa buhay. Akala ko, kaya ko nang magsimula ulit nang hindi lumilingon.At ngayon na nga ang unang yugto ng panibagong tatahakin kong landas… ikakasal na ako."Napakaganda mo, Chloe!" masayang bati ni Ate Claire nang pumasok siya sa holding room. Hawak niya ang bouquet ng mga puting rosas na gagamitin ko. Lumapit siya para ayusin ang belo ko."Parang kailan lang, ang bata mo pa. Gusto kong umiyak kasi ngayon na ako sinampal ng katotohanan na hindi ka na talaga bata. Pakabait ka sa asawa mo ha! Kung magkakaproblema kayo sa futur
BOOK II: Chapter 71Sabado ng gabi. Isang pormal at marangyang hapunan ang inihanda ng mga magulang ko sa loob ng isang pribadong function room ng isang sikat na hotel sa Makati. Isang linggo na lang bago ang araw ng aking kasal, at naging tradisyon na yata sa pamilya namin na magtipon-tipon para sa huling hirit ng seryosong pag-uusap bilang isang buong pamilya bago ako tuluyan at opisyal na lumipat sa bagong yunit ng buhay ko bilang isang asawa. Kasama namin sa mahabang lamesa si Ate Claire at si Kuya Gab, na parehong bakas ang kaunting pagod sa kanilang mga mukha mula sa maghapong pag-aasikaso ng kani-kanilang mga negosyo at mga legal na dokumento para sa pamilya Montecillo.Naging masaya at magaan ang simula ng gabi, punong-puno ng tawanan at mga asaran. Nagpapalitan kami ng kwento tungkol sa mga huling detalye ng isusuot kong belo, ang mga huling adjustments sa pagkain, at ang walang katapusang biro ni Papa tungkol sa kung paano niya ako ihahatid sa altar sa susunod na linggo na
ONE WEEK BEFORE THE WEDDING... Isang linggo na lang bago ang kasal. Sa halip na magmukmok sa bahay para mag-asikaso ng mga huling detalye ng reception, pinili kong pumasok sa opisina. Dito ko nailalabas ang lahat ng natitirang kaba sa dibdib ko. Mas gusto kong hawakan ang t-square at tumitig sa monitor ng computer kaysa sa paulit-ulit na pagrerebisa ng seating arrangement ng mga bisita. Negosyo at karera ang naging takbuhan ko sa loob ng mga nagdaang taon. At hindi ako bibitiw doon ngayon."Architect, nandito na po 'yung kinatawan mula sa Green Space Development," wika ng sekretarya ko pagkapasok sa aking cubicle. "Nasa main conference room na po sila para sa pinal na pirmahan ng eco-lounge project natin.""Salamat, Jenny. Susunod na ako," sagot ko habang inaayos ang aking salamin. Kinuha ko ang aking itim na folder na naglalaman ng mga aprubadong blueprint. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng aking sariling architectural firm, hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. Malayo na an
Tatlong taon. Tatlong mahabang taon na naman ang ninakaw ng tadhana sa akin. Akala ko noong gabing iyon sa safehouse sa Tagaytay, noong naramdaman ko ang higpit ng yakap niya at ang init ng kaniyang hininga sa aking balikat, ay tapos na ang laro ng taguan. Akala ko, sapat na ang katotohanang malaya na siya para tuluyan na siyang malagay sa tahimik at ipagpatuloy na talaga ang kaniyang Buhay dito. Dito sa lungsod na ito kung saan siya ipinanganak at nakilala bilang mahusay na architect, kung saan niya unang binuo ang kaniyang blueprint. Pero nagkamali ako. Maling mali pala ako. Masyado akong naging kampante sa piraso ng kaligayahan na ipinahiram sa akin noon.Noong nagpaalam siya na babalik lang siya ng Mindanao para ayusin ang mga natitirang gamit niya at magpasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya roon, tumango lang ako nang may ngiti. Kasi inuulit ko, sino nga naman ako para humadlang? Karapatan niyang magpasalamat, lalo na kay Anna at sa mga taong kumalinga sa kaniya noong panah





![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RezensionenMehr