Kinakabahang tinungo ni Rhiane ang headquarters ng Cryptics. It's dismissal time kaya wala na masyadong tao.
Hindi nakasarado ang pinto nito kaya dumungaw siya sa loob. Walang tao sa office ni Darryl pero may mga mangilan ngilang fratmen na may kanya kanyang ginagawa. Lumunok siya at kinatok ang nakabukas na pinto.
Agad namang lumingon ang isang fratman sa gawi niya.
Tumikhim siya.
"Si Darryl?" tanong niya rito.
Tiningnan siya nito. Doon niya lang napagtantong iyon 'yong lalaking nabato niya kahapon.
"Wala siya rito," sagot nito at agad na ibinalik ang tingin sa ginagawa.
Napabuntong hininga siya at tumango. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito pero out of coverage area pa rin.
Where is he?
Kaninang umaga niya pa ito tinatawagan at tine text para sana makipag usap pero ni ha ni ho wala siyang natanggap and she's starting to get worried already kaya nga kating kati na siyang magdismissal kanina.
"Gosh Darryl." Napapadyak siya at muling di-nial ang number nito pero ganoon pa rin. Sa inis ay nagmartsa siya paalis ng headquarters.
Tinungo niya ang gym pero wala namang tao roon. Pati locker ng varsity pero wala rin ito roon. Maging ang power trio ay wala. Nasapo niya na lang ang noo.
Nasaan na ba kasi ito?
"Rhi!" Napalingon siya nang tinawag ni Martina.
"Wala pa rin siya," frustrated na sumbong niya rito at dinial muli ang number nito pero wala pa rin. Inis niyang binaba ang cellphone at nasapo ang noo.
Bumuntong hininga si Martina at tinapik ang balikat niya.
"Try natin sa parking kaya? May nakakita raw kina fafa Jake doon," sambit ni Martina.
Napabuntong hininga siya at tinanguan ito. Halos takbuhin na nga nila ang parking area maabutan lang si Jake.
Pagkarating doon ay pinuntahan niya ang usual na parking space ng power trio and Martina was right nandoon nga ang tatlo.
Naka upo ang mga ito sa hood ng isang puti na mercedes benz na katabi ng isang itim na porsche. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sasakyan. It was his car!
"Jake!" tawag niya kay Jake at tumakbo papunta rito.
Nginitian naman siya nito but it wasn't the usual smile. Sina Shade at Kier na nasa likod nito ay wala ring mga imik. Napakunot ang noo niya. Nakakapanibago ang mga kilos ng mga ito.
“Rhi nandito ka pala." Bakas ang katamlayan sa boses ni ni Jake.
Mas lalong kumunot ang noo niya. Anong nangyayari?
“Jake si Darryl?" diretsong tanong niya.
Sandali siya nitong tinitigan bago bumuntong hininga at itinuro ang itim na porsche sa tabi.
Agad naman siyang tumalima at pumunta sa front seat ng sasakyan. Binuksan niya ito at agad na pumasok.
Doon niya nakita si Darryl, nakaupo sa driver's seat. His brown hair is so messy, parang kagagaling tulog lang. Gusot gusot din ang itim na v-neck nito. He was staring blankly at the car's windshield.
Bahagyang natigilan si Rhiane. Anong nangyari rito?
"Darryl.." Sinubukan niya itong abutin at hawakan sa kamay ngunit hinawi siya nito.
Lumingon ito sa kanya, wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha. Bahagya siyang naalarma kaya inilapit niya ang katawan rito.
"Hey. Ano bang nangyari?" Hinaplos niya ang mukha nito pero hindi pa rin ito nagsasalita.
Nag aalalang hinapit niya ito ng yakap. Hindi niya alam kung bakit ganito. Kinakabahan siya. Ano ba kasi talagang nangyayari?
○○○○
Dahan dahang inilapag ni Rhiane ang tray na may apat na juice sa center table bago umupo sa tabi ni Darryl.
Nasa condo sila nito kasama ang dalawang kaibigan at pinsan nito.
Pagkatapos niya itong yakapin kanina ay bigla itong nagyayang pumunta ng condo kaya nag convoy sila patungo sa condong tinitirhan nito. Hindi na sumama si Martina at may gagawin pa raw sa student council kung saan member ito.
Hindi niya pa nakakausap si Darryl mula kanina at kahit na noong papunta sila sa condo. Seryoso at blangko lang ang mukha nito na mas lalong ikinabahala ni Rhiane.
"Ano ba kasi talagang nangyari, Darryl? Wala akong maintindihan. What happened?" panimula niyang tanong at nagpalipat lipat ang tingin sa apat.
Hindi sumagot si Darryl habang ang tatlo ay nakatingin lang din sa kanya at hindi nagsasalita.
Nasapo niya ang noo.
"I can't help you kung ganyan ka," mahinang sambit niya. Doon siya nilingon ni Darryl.
"You won't be of help, anyway so why bother?" Para siyang binuhusan ng malamig na yelo sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang binalingan niya ito.
"Kaya nga sabihin mo diba?! Paano nga naman ako makakatulong kung wala akong alam!" humahangos na bulyaw niya. She can't understand him. Ano ba kasi talagang problema at nagkakaganito ito?!
"Tss. Even if you'll know, wala ka ring maitutulong," pabalang na sagot nito sa kanya at mapaklang tumawa. Napaawang ang bibig niya at napatitig rito.
"You didn't even tell me yet, how would you know?" mapait niyang tanong.
She can't believe it. Parang hindi si Darryl ang kaharap niya. Tila tinurukan ng napakaraming karayom ang dibdib niya sa sinabi nito.
Gusto niyang maiyak. Hindi niya naiintindihan. Wala siyang naiintindihan! Anong nangyayari? Bakit ito ganito?
"You would be helpful if you would just leave me alone," malamig na sabi nito bago tumayo at pumasok sa isang silid.
Naiwang tulala si Rhiane kasama ang tatlo.
"Mer, mabuti pa umalis ka na muna. Kami na ang bahala kay Darryl." Si Jake na ang nagsalita bago sinundan ang pinsan sa kwarto nito.
Tumayo na rin sina Shade at Keith para alalayan si Rhiane.
"Ako na maghahatid sa kanya, Kier," sabi ni Shade at hinawakan siya sa braso. Tumango naman si Kier at sumunod na rin kay Jake.
Hawak hawak siya ni Shade sa braso habang palabas ng unit. Tila hindi pa rin nag sink in sa utak niya ang nangyari kanina.
Naramdaman na lang niya ang pag iinit ng mga mata tsaka tuluyang bumagsak ang mga butil ng luhang tila kanina pa naghihintay lumabas.
She cried silently. Ni hindi nga namalayan ni Shade na umiiyak na siya hanggang sa umabot na sila sa parking lot.
Maging sa biyahe ay walang tigil ang pag-agos ng mga luha niya. Hanggang sa narating nila ang bahay nila ay hindi ito tumigil. Ni hindi na nga siya nagpaalam pa kay Shade at diretsong lumabas na ng sasakyan nito.
Pagkapasok niya ng bahay ay sumalubong sa kanya ang maiingay na boses ng mga kaibigan niya. Nasa sala ang mga ito at mukhang may ginagawang paperworks dahul may mga laptop sa center table.
Hindi niya na sana ito papansinin at didiretso na lang sa taas ngunit nakita at tinawag naman siya ng mga ito.
"Rhi! Join us here! We're playing truth or dare o!" dinig niyang sabi ni Megan.
"Oo nga Rhi, bonding na rin! Tagal ka na naming si nakakasama," segunda naman ni Hyron na nagpaawa effect pa. Sinapak naman ito ni Megan.
Bahagya siyang tumigil at pinahid ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi.
Nilingon niya ang mga ito tsaka pilit na ngumiti.
"Tsaka na lang guys, matutulog muna ako." Hindi niya na napigilan ang pagpiyok ng boses.
Sa takot na mahalata ng mga kaibigan niya ang pag-iyak ay mabilis siyang tumalikod at pumanhik sa itaas.
○○○○
Buong gabing nagtalukbong si Rhiane sa kanyang kumot. Ni hindi na siya kumain ng hapunan at nakatulugan na lang ang pag-iyak.
Bandang alas dose ng madaling araw siya nagising dahil sa pagkalam ng tiyan. Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan dahil medyo nahihilo na rin siya.
Nang makarating sa kusina ay agad niyang binuksan ang ref at kinuha ang isang box ng pizza. Kumuha din siya ng baso at pitsel ng tubig bago bumalik sa kwarto. Mas gusto niya pang doon na lang kumain at baka madatnan siya ng Mama niya pag nagising ito.
Inilagay niya ang mga dala sa kanyang study table bago umupo sa swivel chair niya.
Habang kumakain ay hindi niya napigilang balikan ang nangyari kanina.
Darryl was acting strange since the victory party pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Ngunit kanina, na kumpirma niyang may mali talaga. Ang problema hindi niya alam kung ano. Nakakakaba lang dahil pakiramdam niya tungkol sa kanya ang mali.
He wouldn't act like that if it wasn't about her. So she is sure it has something to do with her, with them, for sure.
Pero ano? 'Yong misunderstanding? 'Yon lang naman ang naging issue nila recently.
Napabuntong hininga siya at nahilot ang noo. Tila nawalan siya ng gana kaya ibinaba niya ang hawak na slice ng pizza sa box at inabot ang baso na may tubig at uminom dito. Pagkatapos uminom ay inilapag niya ang baso.
Napahilamos siya sa kanyang mukha. She doesn't know what to do anymore. Kinakabahan siya na ewan.
This feeling is scaring her.
"Morning sleepyhead." Napangiti si Rhiane nang bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Darryl.Sa halip na bumangon ay mas yumakap siya rito at pumikit."Inaantok pa ako," reklamo niya pa. Hinalikan nito ang buhok niya."C'mon, papatayin ako ni Tito pag di pa kita inuwi." Natawa siya sa sinabi nito.Last day ng bakasyon niya kahapon at nag bar sila nina Carise. Late na kaya sa condo siya ni Darryl nakatulog. Though naitext naman nito ang papa niya, still she's sure na galit na galit si John Ferguson ngayon."C'mon Rhi. First day mo," sabi pa nito. Dumilat siya at bumangon na rin.Yeah, fourth year na nga pala siya at ang boyfriend niya ay CEO lang naman ng Mongefalco Group of Companies."May damit ka pa naman yata diyan sa closet. Just take a bath and I'll drive you home. I'll just pick you up later. Hapon pa klase mo diba?" Tango lang ang isinagot niya
St. Ignacio University Graduation Day"Congratulations, graduates!" Samu't saring sigawan at hiyawan ang namayani sa buong Business Administration auditorium ng St. Ignacio University.Nakangiting pumapalakpak si Rhiane habang tinatanaq ang mga graduates na masayang masaya at inihahagis ang mga graduation cap sa ere."Ang bongga ni supremo!" tili ni Blake sa kanyang tabi. Mas lumapad ang ngisi niya at muling binalingan si Darryl na nasa harap at nagpapapicture kasama ang frat.Naiiyak siya sa nakikita niya at hindi niya alam kung bakit."Ang taray te! Teary eye ka na! Super proud nuh?!" sita pa ni Martina. Bahagya siyang natawa at hinampas ito. Inirapan lang siya nito.
All her life Darryl has always been supportive of her. Kahit na ayaw nitong nakikita siyang sumasayaw ng intimate dance lalo na at may partner, hindi na lang ito nagsasalita. He never nags her to quit or whatever. Sa tuwing may lakad sila ng barkada niya, ito palagi ang nag-aadjust kahit na gusto nitong magkasama sila. Kahit na gusto siya nitong sunduin at ihatid bawat klase niya ay hindi nito ginagawa dahil ayaw niya. Kahit na siya ang may kasalanan, ito pa rin ang gumagawa ng paraan na magkaayos sila.But with her, she always nags him, telling him what he should do just because ayaw niya ang ginagawa nito o ano. Ang selfish selfish niya.Pinunasan niya ang mga luha at tsaka tumayo at pumunta ng banyo. Hinubad niya ang dress pagkapasok at agad na ini-on ang shower. Hinayaan niyang bumagsak ang malamig na tubig sa kanyang katawan. She just wish those water could take
Sunday Morning.Matamlay na bumaba si Rhiane at nagtungo sa kanilang dining kung saan naghahanda na ang kanyang mama ng kanilang umagahan. Nandoon na rin ang mga kapatid niya."Morning Rhi!" nakangiting bati ng Ate Darlene niya na naghahanda ng mga plato Tinanguan niya lang ito at umupo na rin sa pwesto niya."Naga pakitawag ang papa mo sa garden nang makakain na tayo," ani ng mama niya bago inilapag ang kanin sa gitna ng mesa.Umupo na rin sa kani kanilang mga pwesto. Maya maya pa ay dumating na ang kuya at papa niya at nagsimula na silang kumain. As usual ay kadalasan business na naman ang pinag-uusapan ng mga kapatid at papa niya na hindi naman siya maka relate relate kaya tahimik na lang siya.
"Hey tulala ka na naman." Nilingon niya si Sean na pinapasadahan siya ng tingin."Tss. Palagi naman simula noong.." Agad na natigil si Hyron nang tingnan niya ito. Yumuko ito at tumango tango lang.Ayaw niyang pag-usapan. She wants to keep it. Cause it's her pain alone."Lalabas kami mamaya baka gusto mong sumama," sabi pa ni Sean at tumabi sa kanya. Umiling siya rito."May review kami ni Martina mamaya tsaka may fitting ako ng damit," sagot niya rito. Kumunot ang noo ni Sean at tiningnan siya."Para saan ang fitting?" Bumuntong hininga siya at nagkibit balikat."In-invite ako ni AJ sa isang dinner ng family niy
Hinang hina si Rhiane pagkalabas niya ng kwarto. Agad na tumingala ang kapatid niyang nakahalukipkip sa may dingding."Rhi, what happened?" tawag nito sa kanya at agad siyang dinaluhan.Hinawakan siya nito sa balikat at sinalubong ang tingin niya. Umiling iling siya. Kasabay noon ay ang pag-init ng kanyang mga pisngi at ang pagdaloy ng bagong masaganang luha. Mula sa tahimik na pag-iyak ay lumakas iyon hanggang sa napayakap na lang siya sa kapatid at doon humikbi nang humikbi.Agad na naalarma ang mga kaibigan niya at lumapit na rin sa kanila. Ramdam na ramdam niya ang ang paghagod ni Darlene sa kanyang likod habang pinapatahan siya. Halos hindi na niya maaninag ang paligid dahil natatakpan ng mga luha ang kanyang mga mata.Humigpit ang yakap ni Darle