Share

She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)
She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)
Author: Annciety

Kabanata I

~Tana~

Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang!

Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.

Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhearted ako sa mga crush ko at siya rin ang laging nagbibigay ng payo sa akin. Sobrang close kami ng lolo ko kaya wala akong tinatagong sikreto sa kanya except sa pangungupit ko ng k'warta sa wallet niya.

"Lo, magpapaalam nga pala ako sa inyo." Pambabasag ko sa katahimikan habang kumakain kami ng agahan dito sa sala. Pandesal at kape ang almusal namin ngayon gaya ng araw-araw naming kinakain t'wing umaga.

"Magkano ang kailangan mo?" tanong ni lolo na hindi man lang inalis ang tingin sa pinapanood nitong action movie ni Robin Padilla.

"Hahaha! Grabe ka naman, Lolo, magpapaalam lang ako hindi manghihingi nang k'warta!"

"Talaga ba, Maria Santana?" Nilingon ako nito at pinanliitan nang mata bago binalik ang tingin sa pinapanood.

"Oo nga, Lolo!"

"Oh, sige sabihin mo na kung ano ang ipapaalam mo sa akin."

Lumapit ako ng kaunti sa kanya rito sa maliit naming sofa para marinig niya ng maayos ang sasabihin ko. Medyo may pagkabingi pa naman ang matandang ito. "Kasi, Lo, ganito iyon. Alam mo naman na crush ko si Juan, hindi ba?"

"Sinong Juan? Si Juan Tamad ba?"

"Lolo naman, eh, hindi iyon! Mukha bang mag-aasawa ang apo niyo ng tamad?"

"Eh, sino ba kasing Juan iyan? Bigyan mo ng apilyedo dahil maraming Juan ang gumagamit nang pangalan na iyan," tugon nito saka humigop nang kape sa tasa niya, "Pweding si Juan na kapitbahay natin. Iyong malaki ang mata na mukhang k'wago na napabayaan ng nanay niya sa kusina. Si Juan k'wago ba ang tinutukoy mo?"

"Yuck! Hindi iyon ang tinutukoy ko, Lo! Ang tinutukoy kong Juan ay iyong classmate ko noong Grade eight. Si Juan Eusebio po ang crush ko hindi si Juan na kapitbahay natin."

"Ahh, iyon bang batang gwapo na sinabi mo noong isang araw, Santana? Si Juan na gwapo?"

"Oo, Lo, siya nga! Eh, kasi nalaman ko kay Andrea na may lakad ito ngayon sa bayan kaya pupunta rin ako roon mamayang alasdies,"

"Maglalandi ka na namang bata ka!" sermon ni lolo na muli akong pinasadahan ng tingin dito sa gilid niya, "Asikasuhin mo muna ang paaralang papasukan mo para sa senior high. Saka mo na asikasuhin iyang mga lalaki mo."

"Maka mga lalaki mo ka naman, Lo!" Mahina kong hinampas ang braso niya.

"Bakit hindi ba? Eh, noong pinakita mo sa akin iyong pink mong notebook ay halos punuin mo ng pangalan ng mga lalaki iyon."

"Huwag ka ngang maingay riyan, Lo! Sekreto lang natin ang notebook na iyon!" Mahina kong bulong sa kanya. "Atsaka matagal pa naman ang pasukan kaya may oras pa ako para maghanap ng papasukan na paaralan. Iyong ngayon muna, Lo. Aalis ako para makita si Juan ko." Sambit ko at parang six years old na batang nag-iinarte rito sa pwesto namin.

"Oh, siya! Humayo ka na at maglandi sa labas!" Ikinumpas pa nito ang isang kamay na parang sinasabing bahala na ako.

"Hehe! Alam mo na ang drill, Lolo. Pahingi akong dalawang daan." Inilahad ko ang dalawa kong palad sa kanya habang nagpa-puppy eyes at bigla na lamang niyang pinitik ang noo ko. "Lolo, masakit iyon, ah!"

"Akala ko ba hindi ka manghihingi nang k'warta?"

"Nakalimutan ko kasi na kulang ang k'warta ko. Babayaran ko rin naman, Lo, kapag yumaman na ako kaya don't worry!"

"Ano pa nga ba? Eh, lagi mo akong binubudol araw-araw." Kamot-ulo na tugon nito saka dumukot sa bulsa niya ng tigbibenteng dalawang daan. "Bayaran mo kaagad iyan kapag nakapagtinda ka na ng bananaque o barbeque ulit at hindi ko na yata mahihintay ang pagyaman mo. Baka kasama ko na si San Pedro kapag nangyari iyon."

"Lolo, naman! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at kinakabahan ako. Baka wala ng magsabit ng medal sa akin sa stage kung pati ikaw ay iiwan ako." Inipit ko na sa loob ng bra ko ang tigbibenteng dalawang libo na binigay ni lolo. Parang medyo lumaki ang s**o ko sa k'warta na nakaipit sa bra ko? Chos!

"Hahaha! Nagbibiro lang ako apo. Maaabutan pa kitang mag-aasawa kaya huwag kang mag-alala. Kakambal ko yata ang kalabaw natin." Itinaas pa nito ang braso na pinapakita ang payat niyang muscle.

Napairap na lamang ako saka tumayo na rin. Tapos na rin naman ako na mag-almusal. "Ay ambot, Lo! Maliligo na po ako at ilang oras na lang ay mag-aalasdies na."

"Sige at tatapusin ko muna itong pinapanood ko. Hindi ako makapag-focus dito dahil dinadaldal mo ako kanina pa."

Natawa na lamang ako at naglakad na papunta sa kwarto ko para maligo. Hindi na ako makapaghintay na makita si Juan ko kaya pagkatapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako ng bahay suot ang kulay pink kong daster. Kulay pink din ang suot kong headband sa ulo simbolo ng pagkamalandi ko-este pagkababae. At syempre hindi mawawala ang cute kong pink na backpack na may mukha ni Hello Kitty. Nandito sa loob ng backpack ang buong buhay ko kaya hindi p'weding mahiwalay ito sa akin. For emergency purposes!

"Lo! Aalis na po ako!" sigaw ko at naglakad na palayo sa bahay namin ng may ngiti sa mukha.

Hindi pa man ako nakakalayo ng bahay namin ay nawala na kaagad ang ngiti ko ng makita si Juan na kapitbahay namin. Napangiwi at napairap na lamang ako ng mag-wave ito sa akin habang naglalakad palapit dito sa kinatatayuan ko. Sisirain pa yata ang araw ko.

"Hello, Tana, saan ang punta mo?"

Inihampas ko muna sa hangin ang kulot kong buhok na as if ang haba-haba. Well, kahit hindi naman ako kasing ganda ni Megan Fox ay may nahuhumaling din sa akin at isa na itong si Juan k'wago! "Pakialam mo ba? Hindi naman kita boyfriend para tanungin ako kung saan ako pupunta! Kaya p'wedi ba umalis ka sa harap ko at nagmamadali ako, hmp!"

Napakamot-ulo na lamang ito saka tumabi sa gilid para padaanin ako. "Nagtatanong lang naman ako ang sungit mo na kaagad."

"Nya! Nya! Nya! Ambot!" tugon ko at nilagpasan na siya pero may pahabol pa ang kuya mo.

"Mag-iingat ka Tana my loves!"

Kilabutan nga siya sa sinabi niya!

Kahit paborito ko ang chicharon ni Mang Juan ay hindi ako natutuwa sa pagmumukha niya kahit na Juan din ang pangalan niya. Mas'yado siyang obsessed sa kagandahan ko at isang Juan lang ang gusto kong makita ngayon...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status