Share

Chapter Seven

Kalansing ng mga nagsasalubong na dalawang espada ang maririnig sa loob ng mansyon. Mabigat na atmospera ang nararamdaman ng mga manonood na nagpunta lamang dito para bumisita at salubungin ang mag-asawang Lee. Hindi nila inaasahan na isang labanan ang kanilang maabutan. Dapat ay sanay na sila pero hindi 'yon nangyari at mukhang hindi mangyayari.

Taliwas sa nararamdaman ng mga manonood ang nararamdaman ng dalawang taong naglalaban. Para sa dalawa ay kasiyahan at katuwaan lamang ito. Wala silang pakialam sa mga taong naroroon sa loob ng mansyon, nasa ibang bagay ang pansin nila.

Ang isa sa mga nakaupo lamang ay malalim ang iniisip habang ang isa ay nasa cellphone nakatuon ang pansin.

Venus invited her best friends to come over to her family house, despite what happened the last time they met.

Umayaw noong una si Eleuthera pero nang sinabi ni Venus na uuwi ang kanyang kuya at asawa nito ay pumayag na rin si Eleuthera. Hindi naman talaga puwedeng tumanggi ang dalaga dahil nangako ito na sa oras na dumating ang mga Lee ay isa ito sa nakaabang.

Walang natatalo sa pagitan nila Kris. Parehas na parehas ang laban. Ang unang mapagod ay siya ang talo, mukhang matatagalan pa. Sa ganitong paraan nila inaalis sa isipan ang sobrang lakas na tensyon sa pagitan ni Eleuthera at Heavenzy na mukhang sila ang lumalaban sa isa't isa. Simula nang dumating ang dalawa ay tahimik lang ang mga ito.

Magtatama na naman sana ang dalawang espada nang biglang bumakas ang main door ng mansion. Niluwa nito ang isang lalaki na nasa edad na twenty nine at twenty-eight years old na babae. Sa pananamit nila ay nagsusumigaw ang karangyaan at sa awra naman nila ay napaka-intimidating.

Kahit na nakakatakot ang presensya nila, hindi maitatanggi na may mga magagandang mukha at katawan ang dalawang bagong dating.

They were probably models in their past lives.

"You seem to be enjoying fighting again, Venus, my young sis, and young lady Kris." His voice is really charming.

No one will think that he is already married not until tumingin sila sa katabing babae nito na nakahawak ang kamay sa braso nito. May singsing din na sumisimbolo na they are taken by each other.

Ngumiti ang babae. Bahagyang tinaas ang kaliwang kamay para kumaway. Para siyang Miss Universe na palaban. Hindi pa naalis ang pagiging leader sa bawat galaw nila.

They are really destined for each other. Perfectly together. Lakas ng impact sa madla.

"Welcome back, Kuya Zeus Primo and Ate Anne Marie!" masiglang bati ni Venus.

Dahan-dahan nilapag ni Venus ang espada sa mesa at patakbong sinalubong ng yakap ang mag-asawa.

"I miss you," she said sincerely.

Sa loob niya ay nagpapasalamat siya na dumating na ang dalawa kung hindi ay baka may sumabog na dalawang bulkan—she is referring to her two best friends.

Napangiti naman ang dalawa. Ginulo ni Zeus Primo ang buhok ng nakababatang kapatid at hinalikan ito sa noo. Si Anne Marie ay hinalikan din si Venus sa pisngi.

"We missed you too. Uhm. You need to explain why dito kayo naglaban ni Kris sa living room. Gusto niyo bang 'di namin kayo bigyan ng pasalubong?" pagbibiro ni Zeus Primo na nagpatawa sa iba.

Hindi lang ito ang unang beses na naabutan sila ng mag-asawa sa ganitong sitwasyon. Kahit saan kasi sila maabutan ng boredom ay doon sila maglalaban.

Kahit anong oras o lugar, walang atrasan

.

"About that kuya, don't worry wala kaming nabasag na kahit ano or nasira," natatawang sagot ni Venus.

Napailing na lang si Zeus Primo. Alam niya kasi na may nabasag na naman ito noong nakaraang araw. Hinahayaan nga lang niya Ang dalawa lang naman ang laging naglilinis sa kalat ng mga 'to. Hindi na kailangan pagsabihan dahil responsable naman sila Venus.

"Mag-iingat lang kayo lagi," pangangaral niya.

"Shh. Hon, hayaan mo sila. Alam naman nila ang gagawin diba, Venus and Kris?" pagtatanggol ni Anne Marie.

Ganoon din kasi dati si Anne Marie kaya naiintindihan niya ang mga 'to.

Dahil ang asawa na ang nagsalita, natiklop na si Zeus Primo. Under siya, walang duda.

Nagtawanan ang mga kaibigan ni Zeus Primo na kanina lang ay nanginginig na sa kaba—halos 'di kumukurap dahil sa laban ng dalawa at dagdag na ang masamang aura na bumabalot kay Eleuthera at Heavenzy. Nangibabaw ang boses ni Montevallo sa tawanan kaya agad siyang binalingan ni Zeus Primo at doon na nagsimula ang mahabang kwentuhan.

Kalahating oras ang dumaan bago nagawang magpaalam ng mga kaibigan ni Zeus Primo. Kailangan nitong bumalik sa kanilang mga trabaho. Kaya mas natuon ang atensyon nilang mag-asawa sa apat na dalaga na halos 'di nila makilala dahil sa bilis nang paglaki ng mga ito.

"Kumusta naman kayo?" tanong ni Zeus.

"The usual." Sa mahabang oras na nagdaan, ngayon lang ni Eleuthera nagawang kumibo.

Pangiti-ngiti lang kasi silang dalawa ni Heavenzy kanina—pilit na ngiti pa. Kung hindi lang sila nahihiya sa mag-asawa ay kanina pa sila umalis.

Magsasalita pa sana ulit si Eleuthera pero hindi niya natuloy nang biglang tumunog ang cellphone ni Heavenzy. Bumaling sa kaibigan ang tingin niya.

Napatayo agad si Heavenzy pagkabasa ng text message. Hindi rin nakawala sa mga mata ni Eleuthera ang pagkagulat sa ekspresyon ng dalaga.

"Kuya at Ate, pasensya na po. I have something to do pa. Bawi na lang ako next time," nagmamadaling pagpapaalam ni Heavenzy.

Nagtataka man ay tumango na lang ang mag-asa.

Nang makalabas si Heavenzy ay hindi na rin nakatiis si Eleuthera.

"Me too. I'm sleepy na po, eh." Nahihiyang tumawa siya. "I'll see you again."

Totoong inaantok na siya. Wala kasi siyang tulog sa nagdaan na gabi.

"Sure. Ingat, Eleuthera."

In the end, sumabay na si Kris umuwi. Hindi na kailangan umuwi ni Venus dahil bahay na nila 'yon.

Tahimik lang silang naglalakad palabas ng subdivision. Nang sa kalagitnaan na sila ng subdivision kung saan ay walang gaanong bahay ay bigla siyang natigilan. Napatingin sa kanya si Kris na agad naman niyang sinalubong ang tingin.

Binigyan niya ito ng isang makahulugang titig. Nagtaasan ang balahibo ni Kris dahil doon.

Bago pa man makapagtanong si Kris ay natanaw na nila mula sa kalayuan ang patakbong Heavenzy na papunta sa direksyon nila.

"Eleuthera!" Heavenzy shouted but it was too late.

Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid.

Sa bilis ng pangyayari ay napako si Eleuthera sa pagkakatayo niya habang ang kanyang paningin ay sa isang tao lang nakatutok.

Hindi tinamaan si Eleuthera ng bala.

May biglang sumugod sa lalaki kaya napunta sa ibang direksyon ang bunganga ng baril nito.

And her knight for the day is no other than...

"Zayn Eros," she gently uttered her name.

"Ayos ka lang ba kayo?" hinihingal na tanong ni Heavenzy nang makalapit ito nang tuluyan.

Si Kris lang ang sumagot sa tanong na yun.

Mula sa gilid ng mga mata ni Eleuthera ay nakita niya ang patakbong Darren at Venus na galing sa magkabilang direksyon.

Bago pa man ang dalawa makalapit ay mabilis na humakbang si Eleuthera para alisin ang distansya niya kay Zayn Eros.

Ngumiti nang matamis si Eleuthera at walang pasabi na niyakap niya ang kanyang mga kamay sa binata.

"Thank you for saving my life."

Anim silang naroon sa lugar na yun kasama na ang lalaking nagtangka sa buhay niya na wala nang malay na nakahiga sa kalsada dahil pinatulog na ito ni Zayn Eros.

Anim sila pero pakiramdam ni Eleuthera ay silang dalawa lang ni Zayn Eros naroroon.

Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang pabalik siyang yinakap ng lalaki. Mahigpit itong nakayakap sa kanya na tila ba ay matagal silang hindi nagkita.

"Huwag mo na ulit akong iiwan sa bahay. Magmula ngayon ay gusto kong palagi akong nasa tabi mo, Era."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status