Kakambal Sa Ibang Mundo

Kakambal Sa Ibang Mundo

By:  creshinshana  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings
76Chapters
23.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa mundo ng mga diwata, kapag may taong nakasabay nila sa oras kung kailan sila isinilang ay itinuturi nila itong kakambal. Magkaiba man ng mundo, nakagisnang buhay ay hindi pareho pero sa paniniwala ng diwata kakambal niya ito. Siya ay si Alea, isang tao na laging dinadalaw ng kakambal niyang diwata. Ngunit pilit silang inilalayo sa isa't-isa kaya lumaki silang hindi nagkakasama. Lumipas ang maraming taon at hindi na rin nagpapakita ang kambal nitong diwata. Ngunit nang dumating ang nalalapit na panglabing-walong taong kaarawan nila ay muli itong nagparamdam at nagpakita. Siya ay si Avaleighra, ang kakambal niyang diwata.

View More
Kakambal Sa Ibang Mundo Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Shanahope
waiting for part 2 ...️...️...️
2023-07-06 01:17:36
2
user avatar
SBjasmine
Thank you!!!sa napaka ganda mong storya,susubaybayan ko ang next chapter ng mga anak nila Yulan at Alea pati na din kay Avalieghra at Allen,Prinsesa Yolanda at Lue,syempre ang makulit na si Iris at Ash,Love you all......
2023-03-31 13:03:40
6
user avatar
Asher Navarro
apaka gandang storya.... hihintayin ko Ang part 2 Neto ... ............
2023-01-19 00:58:07
3
user avatar
Nelson Orbita Posa
asome drama.
2022-01-04 13:43:07
4
76 Chapters

Prologue

Nararamdaman na ni Milagros ang sakit na nagpapahiwatig na manganganak na siya. Tinawag niya ang asawa na si Jose para humingi ng tulong. Naalarma naman ang asawa kaya't dali-dali itong lumabas ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaniyang tiya na isang manghihilot para humingi ng tulong.  Malayo kasi ang hospital sa kanila kaya napagdesisyunan ng mag-asawa na sa bahay nalang ito manganak. Wala rin silang ibang kamag-anak na malalapitan dahil labag ang pamilya ni Milagros sa kanilang pagmamahalan dahil mahirap lamang si Jose kaya napagpasiyahan nilang magtanan. Tanging ang kaniyang tiya lamang ang nandiyan para sa kanila. Bata pa lang kasi si Jose nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Lakad takbo ang ginawa ni Jose para lamang makarating kaagad sa bahay ng manghihilot. Labis siyang nag-aalala sa kanyang asawa dahil wala itong kasama sa bahay gayong umalis siya para humingi ng tulong para rito. At wala din silang kapit-bahay na maaaring makatulong sa asawa.
Read more

Kabanata 1

Alea, halika!" tawag sa'kin nung babae. Tinitigan ko lang siya. Bakit magkamukha kami? Sino siya? Ako ba siya? "Alea! Halika sumama ka sa'kin," muling tawag nito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.  Sasama na sana siya nang bigla siyang tinawag ng kaniyang mga magulang. "Anak! Sa'n ka pupunta? Tara uwi na tayo."  Nakita niya ang kaniyang mga magulang. Nasa likod niya lang ang mga ito kaya dali niya itong nilapitan. At ang babae ay 'di niya na nalingunan pa dahil bigla na lang siyang nagising. "Panaginip lang pala," sambit niya sa sarili. "Hoy! Anong iniisip mo diyan, ha?" tanong ng kaibigan niyang si Iris nang malapitan siya nito. Nakaupo lang siya sa bench ng school nila. Hindi pa naman din kasi nagsisimula ang kaniyang klase. "Iniisip ko lang yung panaginip ko kagabi," sagot niya. "Iyon na naman bang babae na kamukha mo?"  Alam ni Iris ang tungkol sa babaeng palaging napapanaginipan ni
Read more

Kabanata 2

Maagang nagising si Alea. Iniisip niya kung napaginipan ba niya ang babae kagabi ngunit hindi. Bumangon na lamang siya para makapaghanda dahil may pasok siya ngayon. Friday na rin naman kaya bukas ay wala na siyang pasok.  Papunta na sana siya sa banyo nang marinig niya ang kaniyang itay at inay na nag-uusap sa kusina. "Ano tutuloy ka ba bukas?" tanong ng kaniyang ina sa kaniyang ama. "Oo, Milagros dahil iyon ang bilin ni tatang albularyo sa atin. Kailangan kong bumalik doon para makapaghanda at malaman ang gagawin para tuluyan na siyang hindi makalapit sa ating anak." "Pero hindi natin alam kung nando'n pa ba si tatang albularyo, Jose! Ilang taon na ang lumipas mula nung lumipat tayo ng bahay." "Tatlong araw nalang at mag de-debut na ang ating anak. At 'yon na din ang panahon para tuluyan nang maputol ang koneksyon niya kay Alea kaya kinakailangan ko'ng bumalik doon."  "Sana nga ay magtagumpay tayo sa ritwal na ating gagawin
Read more

Kabanata 3

Sobrang pagod ang kanilang nararamdaman. Nakaramdam na rin sila ng gutom at pagkauhaw. Mabuti na lamang at nagbaon sila ng pagkain at tubig.  Palulubog na ang araw nang sila'y makarating kung saan nakaparada ang sasakyan.  "Hindi ko pa kayang mag-drive guys kasi pagod ako and almost four hours pa ang biyahe pauwi," sabi ni Ash.  "Lahat naman tayo pagod kaya wala ring makapag-drive sa'tin," sabi naman ni Alea. "Inaantok ako guys, idlip muna ako saglit, ha?" sabi ni Iris sabay higa sa upuan ng sasakyan sa back seat. "O ba't tulala ka diyan? Anong iniisip mo?" tanong ni Ash kay Alea. "Iniisip ko si itay kung nakauwi na ba talaga siya. Di kasi siya ma-contact at 'di rin sinasagot ni inay ang mga tawag ko." "Gusto mo umuwi na tayo ngayon?"  "Mamaya na lang, pahinga lang muna tayo." Nakatulog agad silang tatlo ng dahil sa pagod.    "Alea, tulungan mo ako! Alea, anak!" Siga
Read more

Kabanata 4

Nagising si Alea dahil sa ingay ng kaniyang pinto. Kumakatok kasi ang kaniyang ina para gisingin sila para pakainin. "Anak! Gumising na kayo at kakain na!""Opo inay! Palabas na po!"Nagising na rin naman ang kaniyang mga kaibigan. Ayaw pa sanang bumangon ni Ash ngunit pinilit ito ni Alea at hinila patayo.Nasa hapag na sila at tahimik lamang na kumakain nang biglang nagtanong ang ama ni Alea."Bakit nga pala kayo napunta roon anak?"Biglang nabulunan si Alea dahil sa tanong ng kaniyang itay at tumingin sa mga kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot. Inabutan din naman kaagad siya ng tubig ng kaniyang ina."Ahm ano kasi tito ihahatid ko na sana si Alea nang nakita kami nung driver ng tricycle na sinasakyan mo at nagtanong kay Alea kung tumawag ka ba sa kaniya. So ayun nalaman namin na umalis ka at hindi pa bumabalik kaya nag-alala si Alea at  gustong sumama para hanapin ka. Ayaw rin naman namin siyang iwan
Read more

Kabanata 5

Walang ibang magawa si Alea kundi ang pagmasdan lamang niya ang mga ito."Malapit na Milagros! Sige iri pa!" rinig niyang sabi ng matandang nagpapaanak sa kaniyang ina."Uhaa! Uhaa!" Iyak ng bata pagkalabas nito sa sinapupunan.Napangiti si Alea habang pinagmamasdan ang sanggol."Narinig mo ba iyon tiya lourdes? May narinig kasi akong iyak ng bata sa labas. Teka lang at titingnan ko muna," rinig niyang sabi ng kaniyang ama.Lalabas na sana ang kaniyang ama nang pinigilan ito ng matanda. Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa labas kaya siya na ang lumabas.Pagkalabas niya ay nakita niya ang isang malaking punong-kahoy na nasa gilid ng bahay. Nagtataka siya dahil dito nagmumula ang naririnig niyang iyak ng bata. Napakaliwanag nito dahil napapalibutan ito ng mga alitaptap. Pamilyar sa kaniya ang lugar. Naaalala niya ang kaniyang panaginip. "Ito yung lugar sa aking panaginip. Ito yung lugar kung saan palagi kong na
Read more

Kabanata 6

Unti-unting minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Naaalala niya na hinigop siya ng isang malakas na hangin. Hindi niya alam kung saang lugar na naman siya napadpad. Lumingon siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang kaniyang ina sa kaniyang gilid na nakaupo at natutulog. Hawak nito ang kaniyang kanang kamay."Inay?" pagtawag niya sa kaniyang ina.Kaagad din namang nagising si Milagros at labis na natutuwa dahil gising na ang anak."Anak mabuti't gising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Magsabi ka lang anak," pag-usisa pa nito."Okay lang po ako, inay."Napaluha si Alea sa labis na kasiyahan dahil nakikita, nahahawakan at naririnig na siya ng kaniyang ina.Tumulo ang luha sa mga mata ni Milagros. Magkahalong lungkot at saya ang kaniyang nararamdaman. "Inay nasa'n po ba ako?" "Nasa ospital ka anak. Nasagasaan ka ng isang sasakyan mabuti na lamang at hindi daw malubha ang iyong lagay."
Read more

Kabanata 7

Pinuntahan ni Alea ang tricycle driver na naghatid noon sa kaniyang ama sa lugar na dati nilang tinitirhan para magpahatid din doon."Naku iha pasensya na hindi kita mahahatid kasi mag-gagabi na, baka mapahamak ka pa do'n.""Sige na po manong, kailangan ko lang pong mahanap ang aking itay parang awa niyo na po."Nagpumilit si Alea kaya napilitan na rin itong ihatid ang dalaga.Mag-aalas nuwebe na nang silay makarating sa lugar. Madilim na rin ang paligid at tanging ang liwanag lamang ng tricycle ang nagbibigay liwanag sa paligid."Iha, hindi kita masasamahan sa paghahanap sa iyong ama dahil kinakailangan ko nang umuwi. Tawagan mo na lang ako kung nahanap mo na ang itay mo para masundo ko kayo rito.""Sige po manong, maraming salamat po sa paghatid."Umalis na ang tricycle na sinasakyan niya at nag-uumpisa na rin siyang makaramdam ng takot. Tanging ang phone niya lang ang ginagamit niyang pang-ilaw. Tumingin siya sa langit
Read more

Kabanata 8

Tumayo si Alea at hinarap ang lalaki. Hanggang balikat lang siya nito dahil matangkad ito. Napakapormal din ng kasuotan nito.  "Teka, bakit ka nandito?" tanong ni Alea sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Dahil iniimbitahan ako na dumalo dito," kalmadong sagot nito. Nalukot ang mukha ni Alea. Siguradong-sigurado siya na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking nakita niya sa harap ng simbahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naisip.  "Hindi ka tao?"  "Ano sa palagay mo." "Sumagot ka naman ng maayos, mister!" "Ano ang pangalan mo?" biglang tanong ng lalaki. "Oy interested ka yata sa'kin? Sorry pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo." Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may tumawag sa kaniya.  "Prinsipe Yulan!" tawag ng lalaki na nasa likod ni Alea at lumapit ito sa kanila. Naalarma naman kaagad si Alea nang mapagtanto na hindi na niya suot ang telang pantak
Read more

Kabanata 9

Nang makarating sa lugar ay nasaksihan ni Alea na napakarami pala ng mga bilanggo sa lugar na iyon. "Pumunta ka lang sa pinakadulo, Alea. Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap."Narating niya ang pinakadulo at nakita niya ang kaniyang itay. Naawa si Alea sa kalagayan nito. Nakayuko ito habang nakahiga sa lupa at walang kumot o unan."Itay?" pagtawag niya sa ama. Tinanggal niya ang telang tumatakip sa kaniyang mukha para makita siya ng ama. Gusto man niyang pigilan ang kaniyang mga luha ngunit kusa na lamang itong tumulo at nag-uunahan sa pag-agos sa kaniyang pisngi.Agad din naman itong nag-angat ng tingin nang marinig  ang boses ng anak. Nang makita niya ito ay agad siyang bumangon at lumapit.Gusto mang yakapin ni Alea ang kaniyang itay ngunit hindi niya magawa dahil sa rehas na nakaharang sa pagitan nilang dalawa."Anak? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng kaniyang ama. Hinawakan nito ang mga kamay ng anak na n
Read more
DMCA.com Protection Status