Share

CHAPTER 1

“I HAVE ENOUGH”

"Eina, nakainom ka na ba ng gamot?" Mom asked while we're having our breakfast.

"Yes Mommy.." i answered. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan

kung sino ang nag text. And it was Mariel.

‘Where are you? Ang bagal mo Eina!’

Halos mapangiwi ako sa nabasa ko. I checked the time and I almost rolled my eyes when I saw that it's just 8 am! For pete's sake it's too early!

"Stop scrolling your phone Eina, we're having our breakfast." Saway sa akin ni daddy.

"Yes dad." Sagot ko at agad nag type ng text.

‘Ang OA niyo! Ang agap pa!’ I replied.

Nilagay ko ang phone sa mesa at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay agad kong kinuha ang aking bag at phone. Pumunta ako kay mommy at humalik sa kaniyang pisngi ganun din ako kay daddy.

"Alis na ako mom...dad!" pagpapaalam ko.

"Where are you going?" Agad na tanong ni daddy. I sighed heavily. Seriously? Isn’t it obvious na gagala ako ngayon?

"Shopping with friends dad." I said.

"Eina...don't tired up yourself-"

"I know. Stop being worried, I can handle myself." I cut daddy off before I walk out.

Hindi ko talaga gusto sa tuwing pinapaalala nila mommy at daddy ang sakit ko. I felt like weak. I'm fine now. Minsan lang umaatake ang mga sintomas. But I felt fine. And it's a good diversion na makakasama ko ang aking mga kaibigan. I feel free! Ito ang nagiging paraan ko para malimutan ko ang lahat ng sakit. At sa tuwing bumabalik ako sa bahay at pumapasok ako sa aking kwarto at nakikita ko ang napakaraming gamot tsaka ko lang naaalala ang sakit. When I'm out I forget everything, but everytime I saw those medicines I remember that I already dying.

I feel like shit everytime.

Sumakay ako sa aking Vios at pinaandar ito patungo sa 7 11 kung saan nag iintay ang mga kaibigan ko. Napag usapan kasi namin na lalabas kami ngayon. Shopping sa mall, watching movies at sa huli sa ay pupunta kami sa bar. A good diversion.

I parked my car outside the 7 11 and I saw my friends waiting for me. Nang makita nila ako ay agad ang masama nilang tingin.

"Kahit kailan ka talaga Eina! Bakit late ka na naman!" Ayan na naman ang matinis na boses ni Menely a.k.a Leley.

"Bwisit sayang ang oras!" Naiiritang sinabi ng aking kaibigang fashionista na si Roma.

"You make us wait Eina! Damn you!" Maarteng sinabi naman ni Niña.

"Filipino time ka talaga eh ano?" Sarkastikong sinabi ng mataray kong kaibigan na si Mariel.

"That's her, she will never change." Sabi naman ng matalino kong kaibigan na si Vaness.

"No comment." Halos matawa ako ng sabihin ito ng tahimik na si Marriane.

Itinaas ko ang aking kamay na para bang umuusok. Problema ng mga ito?

"Wait! Wait! Wait! It's just 8 in the morning-"

"Ikaw ba Eina alam kung anong oras ang usapan?" Mataray na tanong ni Mariel na masyadong high blood na naman.

"Seven?" Mabilis kong sagot. Kaya naman isang katok ang natanggap ko kay Leley.

"Yes! At pinaghintay mo kami ng isang oras inggrata ka!" Halos takpan namin ang aming tainga sa sobrang tinis ng boses ni Leley.

Damn it! Basag ear drums ko!

"Okay sorry na! Problemado agad kayo!" Sabi ko na agad naman nilang inirapan. Kinuha nila ang bag nila at lumabas na kami ng 7 11, tss nakakagawa na kami ng scene sa 7 11 hindi pa namin alam!

"Convoy na lang tayo ha, bilisan ang drive my gosh!" Saad ni ni Niña na agad naming tinanguan.

Mabilis akong pumasok sa aking Vios at sumunod na sa mga sasakyan nila. They doesn't know about my situation. We've been friend since first year in college. We are now second year taking up Business. Ayaw ko na ring sabihin sa kanila ang sitwasyon ko. I don't want dramas in my life. Matagal ko ng iniwanan ang pag asa na mabubuhay ako ng matagal. I lost my hope a very long time ago.

Tanggap ko na mamamatay din ako. Kaya naman madalas kong tanggihan ang mga medication. Dahil sa kamatayan din naman lahat hahantong ang lahat bakit ko pa papatagalin? Kung mabilis akong mawawala mas maagap ang sakit at makakamove on din sila. Hindi na nga dapat ako mag college eh pero dahil wala naman akong gagawin habang buhay pa ako ay nag aral na rin ako.

Nang tumigil ang sasakyan namin sa parking ng mall ay sabay sabay kaming lumabas. Pumasok kami sa mall at agad pumasok sa isang boutique and as usual agawan na naman sa damit na makukuha.

"Ang baduy talaga ng taste mo Vaness! Stop reading a scientific book so much baka maging si Einstein ka!" Maarteng sabi ni Niña kay Vaness na mukhang bumibili na naman ng baduy na damit.

"Eina.." napalingon ako sa katabi kong si Leley. Napataas ako ng kilay at napatingin sa kaniya.

"What?" I asked.

"Crush yata ako ng sales man, look at him kanina niya pa ako kinikindatan." Bulong ni Leley.

Napatingin ako sa sales man at halos mapangiwi ako sa hitsura. Seriously? Pati yan papatulan ni Leley? Ang landi ha?

"I couldn't believe you Leley, panigurado akong may anak na yan!" Inis kong sinabi.

"Alam mo kasi sabi nila pag pangit mas masarap.." she giggled. The heck? At saan niya naman nasagap ang nakakadiring balitang yun?

"Where the hell did you get that fucking disgusting idea?" I almost shouted buti na lang napigilan ko pa ang sarili kong sabunutan ito si Leley.

"Ang OA mo talaga Einalem December! Totoo daw yun!" Sabi niya at iniwanan ako doon.

Napailing na lang ako. Desperada na talaga si Leley. Walang wala na siyang makuha kaya kahit sino na lang ay papatulan. Lumipat kami ng store at halos mapunit ang mga dress dahil sa pag aagawan ni Roma at Mariel. Wala na talaga silang paglagyan. Mga wala ng pag asa ang mga ito.

Grabe!

"Yehey! Movie!" Exaggerated na sigaw ni Roma ng makita ang Cinema. Bumili kami ng tig iisang pop corn dahil bawal sa amin ang share. Agad lumamig ang pakiramdam ko ng makapasok sa sinehan. Damn! It's cold.

Nang mag simula na ang movie ay agad tumahimik ang mga kaibigan ko na walang alam kundi ang kaartehan. Pero napakamalas ko yata sa aking pwesto dahil nadadanggil ako katabi kong babae. Nasa dulo kasi ako kaya ang nasa kaliwa ko ay hindi ko kilala.

"Babe..." daing nung babaeng katabi ko. Napalingon ako dito at nanlaki ang mata ko makitang may kahalikan pala yung katabi kong babae. What the hell?! So totoo pala ang mga naririnig ko na uso ang make out sa sinehan?

Umiwas ako ng tingin sa kanila at nanuod na lang ng movie pero agad nag init ang ulo ko ng madanggil na naman ako ng babae. Ano ba yan?! Bakit kailangang madanggil na naman ako?! Kainis! Hinabaan ko pa ang pasensya ko pero hindi ko na nakayanan ng madanggil na naman ako. Agad akong tumayo sa harapan nung dalawa at pinaghiwalay ang kanilang mapupusok na labi.

"Why don't you get a fucking room?!" Bulyaw ko. Agad akong pinagtinginan ng mga tao at sinigawan ako na maupo raw dahil panira ako sa movie.

"Eina!" Sabay sabay na tawag ng mga kaibigan ko sa pangalan ko. But I was just glaring in the couple in front of me. Tumaas ang kilay ko ng matitigan ko ang lalaki. Handsome. Kaso bastos ang puta!

"Do you want to come with us babe?" The guy asked. Agad akong namula sa sobrang high blood.

Bastos to ah! Inihagis ko sa kaniya ang pop corn na hawak ko kaya natapon ito sa pagmumukha niya.

"Fuck!" The guy said and he glared at me. Ang kapal ng mukha! Siya pa ang magagalit?

"Fuck you!" I shouted in anger before I walked out. I have enough. That guy is pissing me off. Big time.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tanisha Bansal
How to change language
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status