Iniwan si Eliza ng kanyang Tita Linda matapos 'yon. Hindi muna niya sinundan ito kung saan ito pupunta. Wala namang ibang pupuntahan ito dahil nasa ospital sila kung saan dinala ang Tito Arthur niya na asawa nga nito.
Sinisisi pa rin siya ng kanyang Tita Linda ngunit wala siyang magagawa kundi ang hayaan ito. Kahit sampung beses o higit pa siyang makiusap o magsabi na hindi siya dapat sisihin o ano pa ay wala namang mangyayari. Hindi pa rin magbabago ang kung ano na pinaniniwalaan ng Tita Linda niya. Mananatiling 'yon pa rin. May mga upuan doon malapit sa kinatatayuan niya kaya umupo siya. Dahan-dahan siyang umupo doon. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at naalala muli ang sinabi ng Tita Linda niya. Walang ibang laman ang isipan ni Eliza kundi 'yon lang. Gusto niya muling umiyak ngunit pinipigilan na lang niya ang sarili niya. Sa tingin niya ay wala namang dahilan pa para umiyak siya sapagkat nasabi na niya ang totoo na nilalaman ng damdamin niya. Narinig naman niya ang inaakusa ng Tita Linda niya sa kanya. Wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin na lang 'yon kahit alam niya na mali o labag sa kalooban niya. She has no other choices but to accept it and nothing else. Bago natapos ang pag-uusap nila ay nagsabi si Eliza sa harapan ng Tita Linda niya na tutulong siya para sa Tito Arthur niya para ma-operahan ito kahit wala siyang pera. Gagawa siya ng paraan. Tutulong siya para sa Tito Arthur niya at gagawin niya ang kanyang makakaya. Makaraan ang ilang minuto ay nagsimulang mag-isip si Eliza habang nakaupo kung paano niya matutulungan ang Tito Arthur niya. Kailangan nila ng malaking halaga ng pera para ma-operahan ito. Iyon ang problema nila—kung saan kukuha ng malaking halaga ng pera na kailangan para sa operasyon ng Tito Arthur niya. Mahigit isang oras na si Eliza na nag-iisip-isip kung paano siya magkakaroon ng malaking halaga ng pera para sa operation ng Tito Arthur niya ngunit wala pa rin siyang maisip na puwede talaga niyang gawin na kaya niya na panindigan. Ayaw naman niya na umutang dahil naiisip niya na kung uutang man siya ay wala naman siyang ibabayad sa utang niya sapagkat wala siyang trabaho. Baka mas lalo pa siyang mamroblema n'yan kapag wala siyang binayad sa utang niya kaya ayaw talaga niya na umutang. Kung maghahanap man nga siya ng trabaho ay hindi naman puwede na sumahod kaagad siya at kung sumahod nga kaagad siya ay mababa lang sapagkat hindi naman siya puwedeng magkaroon ng trabaho na may malaking sahod dahil hindi nga siya nakapagtapos ng trabaho. Matatagalan pa bago siya magkaroon ng pera. Ang gusto nila ay kahit bukas ay magkaroon na sila ng pera para sa ibabayad sa operasyon ng Tito Arthur niya. Hindi na puwedeng patagalin pa 'yon. Kailangan na ma-operahan na bukas na gabi ang Tito Arthur niya. Kaya bukas ay may pera na dapat sila. Saan naman kaya sila kukuha ng pera lalo na si Eliza na gustong-gusto talaga na gumawa ng paraan para magkaroon sila ng pera para ma-operahan na ang tito niya? Maging ang pagkaramdam ng gutom ay hindi nila nararamdaman dahil sa problema na kinakaharap nila. Gabi na ngunit hindi pa rin sila kumakain ng lunch o miryenda lalo na si Eliza na hindi malaman kung paano niya matutulungan ang kanyang minamahal na tito. Nanghihina na ang katawan niya kaya nagpasya na siyang kumain nang pasado alas otso na ng gabi. Siya lang ang mag-isa na kumain sa labas ng ospital. "Saan po tayo pupunta, Tita Linda?" nagtatakang tanong ni Eliza sa tita niya kung saan sila pupunta sumunod na araw. Naglalakad sila palabas ng ospital. Naiwan doon na nagbabantay ang solong anak ng Tita Linda niya kasama ang tito at tita nito na kapatid ng papa niya. Nakakunot ang noo na naglalakad si Eliza palabas ng ospital habang tinatanong niya ang kanyang Tita Linda kung saan sila pupuntang dalawa. Wala siyang kaidi-ideya kung saan sila pupunta. Nang makalabas sila nang tuluyan sa ospital ay tumigil sa paglalakad ang Tita Linda niya at mabilis na humarap sa kanya na nakanguso. Tumigil rin si Eliza sa paglalakad dahil tumigil rin ang tita niya kaya magkaharap silang muling dalawa sa isa't isa. Lumunok muna ng kanyang laway at huminga nang malalim bago nagsalita ang Tita Linda ni Eliza sa kanya. Diretso itong nakatingin sa kanya na hindi niya malaman kung galit pa ito o ano sa kanya. Kahit ano pa 'yon ay aware naman nga si Eliza sa kung ano ang nararamdaman ng kanyang Tita Linda hanggang ngayon. She expected anything from her. "'Di ba sabi mo sa akin kahapon ay tutulong ka, Eliza? Gagawa ka ng paraan upang matulungan ang Tito Arthur mo na asawa ko. Sinabi mo 'yon, 'di ba?" sabi kay Eliza ng kanyang Tita Linda bilang paalala na mabilis naman nga niyang tinanguan bago nagsalita. "Opo, Tita Linda. Sinabi ko po 'yon sa 'yo kahapon. Tutulong po ako. Tutulungan ko po kayo. Gagawin ko po 'yon. Hindi puwedeng hindi. Gagawa po ako ng paraan upang matulungan si Tito Arthur at magkaroon tayo ng pera na ibabayad para sa operasyon niya,'' sagot ni Eliza sa Tita Linda niya. Mabilis naman nga na tumango si Linda sa sinabing 'yon sa kanya ng pamangkin niya na si Eliza. "Dapat lang talaga, Eliza. Kung gusto mo talaga na tulungan kami ng asawa ko na Tito Arthur mo ay huwag ka nang magtanong pa sa akin kung saan tayo pupunta. Tumahimik ka na lang, Eliza. Malalaman mo na lang mamaya kung saan tayo pupunta," sabi kay Eliza ng kanyang Tita Linda. Tumango-tango si Eliza matapos sabihin 'yon ng kanyang Tita Linda sa kanya. "Sige po, Tita Linda," sabi ni Eliza sa tita niya. Tumahimik na si Eliza matapos niyang sabihin 'yon sa Tita Linda niya. Tinanguan siyang muli nito at tumalikod na sa kanya. Sinenyasan siya nito na magpatuloy na sa paglalakad patungo sa kung saan silang dalawa pupunta. Sumunod na lang si Eliza sa kanya. Sumakay silang dalawa ng taxi. Tahimik lang si Eliza habang nasa biyahe silang dalawa ng Tita Linda niya. Wala siyang kaalam-alam kung saan sila pupunta. Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na sila sa destinasiyon nilang dalawa. Napatingin kaagad si Eliza sa labas ng taxi nang huminto ito. Nasa tapat sila ng isang mataas na gate na kulay green. Nagtataka si Eliza kung bakit nandoon silang dalawa ng Tita Linda niya sa lugar na 'yon. Nagsisigandagang mga mansion ang nakikita niya kanina pagkapasok nila sa lugar na 'yon. Halata sa lugar na 'yon na mga mayayaman ang nakatira doon. Hindi maiwasan ni Eliza ang magtanong sa kanyang sarili kung bakit nandoon silang dalawa ng Tita Linda niya sa lugar na 'yon. Uutang ba silang dalawa ng Tita Linda niya sa kung sino man ang sadya nila? Walang ibang pumapasok sa isipan niya kundi 'yon lang. Nagkatinginan silang dalawa bago bumaba sa sinakyan nilang taxi. Pagkabayad ng Tita Linda niya ng kanilang pamasahe ay bumaba na sila sa taxi na sinakyan nila. Ngayon lang talaga nakapunta si Eliza sa lugar na 'yon kung nasaan silang dalawa ng Tita Linda niya. Inilibot niya ang kanyang buong paningin sa labas ng mataas na gate na 'yon. Hindi niya makita kung ano ang nasa loob ng gate na 'yon hindi kagaya ng mga dinaan nilang mga mansion na kitang-kita nga niya. Hindi nakatiis si Eliza kaya muli siyang nagtanong sa Tita Linda niya. Tinatanong niya ito kung nasaan sila. Kunot-noong tinapunan ng tingin siya ng tita niya bago ito nagsalita sa harapan niya. Inaasahan naman na nga niya 'yon. "Bakit ba tanong ka nang tanong, Eliza? Wala ka bang tiwala sa akin, huh? Kanina ka pa tanong nang tanong pagkalabas natin sa ospital. Sinabi ko naman sa 'yo kanina na malalaman mo naman nga kung saan tayo pupunta, 'di ba? Nandito na nga tayo, Eliza. 'Wag ka nang magtanong pa nang magtanong!" naiiritang sagot ni Linda kay Eliza na pamangkin nga niya. Napanguso na lang si Eliza at dahan-dahan na tumango sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa. Iyon lang ang ginawa niya at wala nang iba pa hanggang sa bumukas ang gate ng kaunti at lumabas ang isang guard na mabilis naman na lumapit sa kanilang dalawa ng tita niya. Nasa likuran lang si Eliza ng kanyang Tita Linda habang kausap nito ang guard na lumabas doon sa gate. Tahimik lang siya sa likuran nito. Hindi tuloy niya maiwasan na makaramdam ng kaba sa hindi malaman na dahilan.Habang lumilipas ang oras matapos na malaman nilang dalawa ang magandang balita na 'yon ay natatanggap naman nga ni Eliza ang katotohanan na buntis nga siya. Nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa ng boyfriend niya na si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala ngunit natanggap naman niya ang katotohanan na 'yon na siya ay buntis. Halu-halo ang kanyang nararamdaman. Hindi nga maalis d'yan ang takot. Natatakot siya dahil wala pa naman siyang karanasan sa pagbubuntis at lalong lalo na ang pag-aalaga ng bata. Gayumpaman ay wala pa ring kalagayan ang tuwang nararamdaman ni Alexander na boyfriend niya sa magandang balita na 'yon na buntis siya. Magiging ama na ito at siya ay magiging ina na rin. Siguro sa lahat ng tao sa mundong 'to ay siya ang pinkasamasaya dahil magkakaanak na silang dalawa ng babaeng mahal niya na si Eliza. "Aren't you happy with that, baby?" tanong ni Alexander sa kanya pagkapasok nila sa loob ng kuwarto para magbihis ng damit na pambahay. Naiinitan na kasi si Eliz
Kinumpronta nga ni Arthur ang asawa niya na si Linda tungkol sa nalaman niyang 'yon. Galit na galit siya sa asawa niya lalo na nagsinungaling pa ito sa kanya. Hindi nito sinabi ang totoong ginawa nito sa sariling pamangkin niya na si Eliza. Akala niya ay nagtatrabaho ito ngunit hindi naman pala. Binenta pala niya ito sa isang bilyonaryo."Bakit mo ba nagawa 'yon sa sariling pamangkin mo, Linda? Hindi ka naawa sa kanya! Wala naman siyang kasalanan sa nangyari sa akin. Siya ang sinisisi mo sa nangyari sa akin kahit wala naman! Ang sama mo sa totoo lang, Linda!" galit na sabi ni Arthur sa asawa niya."Ginawa ko 'yon para sa 'yo, Arthur! Ayaw ko na mawala ka sa buhay ko. Wala naman na akong naisip na paraan para magkapera at ma-operahan ka kundi ang gawin 'yon! Sa tingin mo ba ay buhay ka pa kung hindi ko ginawa 'yon, huh? Hindi! Matagal ka nang wala kung hindi ko ginawa 'yon sa 'yo. Huwag kang magalit sa akin dahil ginawa ko 'yon para sa 'yo dahil ayaw ko na mawala ka saa amin!" sagot ni
Matapos na mabura na ni Carl James nang tuluyan ang sex video ng kapatid niya na si Alexander at ex-girlfriend nito na si Marie Heart ay naging tahimik na ang lahat. Wala na ngang nangugulo pa sa dalawang magkasintahan lalo na kay Alexander. Tinigilan na nga siya ni Marie Heart dahil wala naman na itong magagamit na panakot sa kanya para bumalik ito sa piling niya. Tinanggap na lang niya ang katotohanan na hindi talaga siya gustong makasama muli ni Alexander na ex-boyfriend na niya. Malaki ang pasasalamat ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James sa ginawa nitong pagtulong sa kanya sa problema niyang 'yon tungkol sa sex video na pinapanakot sa kanya ni Marie Heart na ex-girlfriend niya. Kung hindi dahil dito ay baka hindi pa naayos ang lahat ng problemang 'yon. After one week ay umuwi na sina Alexander at girlfriend niya na si Eliza sa Maynila mula sa kanilang masayang pagbabakasyon sa lugar na 'yon na gusto muli nilang puntahan sa susunod. Balik sa normal ang lahat sa kanila. H
Tinawagan kaagad ni Alexander kinabukasan ang kanyang bunsong kapatid na si Carl James para malaman kung ano na ang nangyari sa plano nila. "Kumusta? Tagumpay ba kayo kagabi ni Nico?" tanong ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James.He heard him gasped for air before answering his questions. "Tagumpay kaming dalawa ni Nico, Kuya Zander. Nabura ko na ang sex video sa cell phone ni Marie Heart na ex-girlfriend mo po. Wala ka na pong kailangan na problemahin. Problem solved na po," masayang sabi ni Carl James sa kanya.Natuwa naman nga si Alexander matapos na malaman na tagumpay ang plano nilang 'yon. Nabura na nga ni Carl James ang sex video ng kapatid niya kasama ang ex-girlfriend nito na si Marie Heart. Wala na silang kailangan na problemahin pa. "Magandang marinig 'yan. Sa wakas ay nabura na rin ang sex video na 'yon na ginagawa niyang pananakot sa akin," sabi ni Alexander sa kapatid niya."Oo, Kuya Zander. Sinigurado ko na wala na ngang kopya siya ng sex video na 'yon para hi
Two days later...Tinawagan nga ni Alexander si Marie Heart na ex-girlfriend niya para sabihin na magkita silang dalawa mamayang gabi kahit ang totoo ay nasa bakasyon pa rin siya kasama ang babaeng mahal niya na si Eliza. Naniwala naman nga si Marie Heart sa kanya na pupunta siya dahil 'yon ang sabi niya na after two days ay kailangan na may desisyon na siya.Walang kaalam-alam si Marie Heart na hindi si Alexander na inaasahan niya ang makikita niya mamaya kundi ang kapatid nitong si Carl James. Iyon ang plano nilang dalawa na magkapatid. Sa isang bar silang dalawa magkikita dahil 'yon ang napagkasunduan nila. Pabor naman nga 'yon kay Carl James dahil lalasingin niya si Marie Heart at saka kukunin ang cell phone nito para i-delete doon ang sex video ng kapatid niya kasama ang babaeng ito. Kilala siya ni Marie Heart dahil ilang beses na silang nagkita dati ngunit hindi naman sila masyadong nag-uusap.Inaasahan na niya na magtataka ito kung bakit siya ang pumunta hindi ang kapatid niya
Hindi muna pinaalam ni Alexander ang tungkol sa bagay na 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Ayaw niya kasi na mag-alala ito. Silang dalawa lang ng kapatid niya ang nag-uusap tungkol doon."Ano'ng gagawin mo, Kuya Zander? Gagawin mo ba ang nais ng babaeng 'yon?" tanong ni Carl James sa kanya kinagabihan. Nang masigurado niya na tulog na si Eliza na girlfriend niya ay saka niya tinawagan ang kapatid niya para pag-usapan ang bagay na 'yon na pino-problema niya. Bago siya sumagot ay huminga muna siya nang malalim. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw ko na kumalat ang sex video na 'yon at isa pa ay ayaw ko na bumalik sa kanya. Hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya mahal kaya hindi ako papayag na magkasama kaming muling dalawa. Ayaw ko na iwan si Eliza na babaeng mahal ko," sagot ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James."Kapag hindi ka pumayag sa nais niyang mangyari ay ikakalat niya ang sex video n'yong dalawa, Kuya Zander. Mapapahiya ka nang sobra n'yan at masisira ang
Matapos na makausap ni Alexander ang kaibigan niya na si Kelvin sa kabilang linya ay sinabi naman kaagad niya 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Hindi nito kilala si Kelvin kaya kinuwento niya dito ang tungkol sa kaibigan niya na nasa probinsiya. Never pa kasi niyang naiku-kuwento kay Eliza na girlfriend niya ang tungkol kay Kelvin. Ngayon nga na naikuwento na niya ang tungkol dito ay may nalalaman na ito kahit papaano. Kailangan na lang niya na na-meet at makilala sa personal ang isa pang kaibigan ng guwapong boyfriend niya na si Alexander.Wala namang nangyari pa sa kanila matapos 'yon. Nagpahinga na sila para bukas ay may energy muli sila sa pag-e-enjoy ng kanilang bakasyon sa lugar na 'yon. Tinuturuan nga ni Alexander ang girlfriend niya na si Eliza kung paano lumangoy. Willing naman nga na matuto si Eliza na lumangoy kaya kahit kanina pa lang siya tinuruan ni Alexander ay may natututunan na siya kahit papaano. Kaunti pa lang ngunit marami pa siya matutunan sa susunod. Hindi naman
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Marie Heart na ayaw na sa kanya ng ex-boyfriend niya na si Alexander. Nasasaktan pa rin siya sa sinabing 'yon nito sa kanya. Iyak siya nang iyak. She really wants him to get back to her life. Mahal na mahal pa kasi niya ito hanggang ngayon. Wala naman na siyang magagawa pa dahil ayaw na nito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na 'yon. Gagawa siya ng paraan upang maging sila muli at makasama niya ito. Gagawin niya ang lahat bumalik lang ito sa kanya. Nakita pa nga niya ito noong isang araw na kasama nga ang babaeng naabutan niya doon sa mansion nang pumunta siya na sinasabi nito sa kanya na girlfriend nito. Masayang-masaya silang magkasamang dalawa. Kasalukuyan niyang kasama si Kelvin Castro sa isang restaurant na may gusto sa kanya na kaibigan rin ni Alexander no'ng bata pa sila. Kararating lang nito galing sa probinsiya dahil doon na ito tumira kasama ang pamilya niya. Gobernador sa kanilang probinsiya ang daddy niya. Walang
Alexander nodded slowly and said, "Oo, baby. Sinabi ko na nga sa kanya 'yon kanina, baby. Alam na nga niya ang lahat-lahat. Wala na tayong kailangan na itago o ilihim sa kanya. Alam na niya ang totoo simula sa umpisa hanggang sa ngayon, baby. Sinabi ko naman sa 'yo na sasabihin ko sa kanya ang totoo, 'di ba? Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo, baby?""Hindi, baby. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi mo sa akin. Sasabihin mo nga talaga 'yon sa kanya. Ngayon nga na sinabi mo na sa kanya ang lahat-lahat ay—""Ano 'yon, baby?" tanong ni Alexander sa kanya. Hindi pa nga natatapos niya ang kanyang sasabihan ay nagtanong kaagad siya dito."Ano ang naging reaksisyon ng bunsong kapatid mo matapos mong sabihin ang lahat-lahat sa kanya, huh? Nagalit ba siya o ano?" tanong ni Eliza sa guwapong boyfriend niya na si Alexander.He gasped for air before he speaks to her."Hindi, baby. Hindi siya nagalit o ano pa sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niyang malaman tungkol sa ating d