Share

Chapter 3

Author: Jay Sea
last update Last Updated: 2024-08-26 09:41:19

"Nand'yan ba ang boss n'yo?" tanong ni Linda sa guard na lumabas mula sa loob ng gate na 'yon.

Tumango naman kaagad ang guard na kaharap nila at nagsalita, "Opo. Nasa loob po si sir na boss namin. Naghihintay na po sa inyo."

"Talaga ba?" paniniguradong tanong ni Linda sa guard na muli siyang tinanguan bago nagsalita muli.

"Opo. Nasa loob na po si sir. Naghihintay na po sa inyo," sabi pa nito sa kanya at saka siya tumango sa harapan nito. "Pumasok na po kayo sa loob."

Pagkasabi ng guard sa kanila na pumasok sa loob ay binuksan na nito ang gate. Hindi lang siya ang guard na nandoon kundi tatlo sila. May dalawa pang nakita sina Linda at Eliza sa may guard house.

Pagkapasok nila sa loob ay parehas na nanlaki ang mga mata nilang dalawa lalo na si Eliza. May distansiya ang napakagandang mansion mula sa gate ngunit namamangha na talaga siya. Nagkatinginan silang dalawa ng Tita Linda niya ngunit hindi naman niya nagawang magsalita sa harapan nito. Tumahimik pa rin si Eliza kahit may gusto siyang itanong sa Tita Linda niya. Baka magalit o ano pa ito sa kanya kung magtanong pa siya.

Wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang sumunod na lang sa nais ng Tita Linda niya.

Maraming mga halaman at nagsisigandahang mga bulaklak ang nakikita nilang dalawa habang naglalakad sila patungo sa mansion. Sinamahan sila ng isang guard patungo doon sa mansion para may kasama sila at magsabi na dumating na nga sila. Manghang-mangha talaga sila.

Naisip ni Eliza na hindi lang mayaman ang nakatira sa mansion na 'yon. Mayaman na mayaman. Habang naglalakad sila ay hindi maiwasan na hindi igala niya ang kanyang mga mata sa nakikita niya sa paligid. Ang tahi-tahimik rin sa loob.

May mga kasambahay doon sa labas ng mansion na abala sa ginagawa nila. Nang makita sila nito ay huminto muna ito sa ginagawang trabaho.

Nginitian naman nga silang dalawa nito at binati. Ganoon rin ang ginawa nilang dalawa na mag-tita.

"Sila na ba ang hinihintay ni sir?" tanong ng isang kasambahay na medyo mataba sa guard na kasama nila.

Mabilis na tumango ang guard na kasama nila at sumagot sa kasambahay na nagtatanong sa kanya.

"Oo. Sila na nga ang hinihintay ni sir," sagot ng guard sa kasambahay na tumango-tango matapos 'yon.

"Ah, okay. Kailangan na nilang pumasok sa loob," sabi nito sa guard at mabilis na lumapit ito sa may malaking pinto kasama ang isa pang kasambahay para buksan 'yon. "Sumunod kayo sa akin."

Sumunod naman nga sina Linda at pamangkin niyang si Eliza sa kasambahay na 'yon. Pinasalamatan naman nilang dalawa ang guard na sumama sa kanila palapit sa mansion. Bumalik na nga kaagad ito sa guard house.

Nasa likuran lang ng kanyang Tita Linda si Eliza na tahimik. Mas bumilis pa ang tibok ng puso niya nang binubuksan na nga ng dalawang kasambahay ang malaking pinto ng mansion.

Wala siyang kaide-ideya kung ano ang naghihintay sa kanila sa loob at maabutan doon. Kinakabahan siya. Pagkabukas na pagkabukas ng dalawang kasambahay sa malaking pinto ng mansion ay pinapasok kaagad silang dalawa nito. Kung namangha na sila kanina sa labas ng mansion dahil sa nakikita nila ay mas lalo nang nasa loob na sila. Nanlalaki ang mga mata nila lalo na si Eliza. She's speechless as she watches what's inside that mansion where she is with her aunt Linda. Iginala nilang dalawa ang kanilang buong tingin sa loob ng mansion. Maraming mga mamahalin na bagay ang nandoon na nakakatakot hawakan dahil baka masira nila at pagbayaran pa sila.

Pinaupo sila na mag-tita ng dalawang kasambahay. Maingat na umupo sila sa sofa. Iniiwasan nilang dalawa na makasagi ng kahit isang gamit doon sa loob ng mansion.

"Dito muna po kayong dalawa, puwede po? I-inform ko lang po sina sir na nandito na po kayo," magalang na sabi ng kasambahay sa kanilang dalawa.

Sumagot naman si Linda sa kanya sa sinabi niyang 'yon na doon muna silang dalawa sa sala habang ini-inform niya ang sir o boss nila na dumating na sila. Tinanguan naman nga nilang dalawa na mag-tita ang kasambahay.

"Opo. Dito lang po kami sa sala. Hindi naman po kami aalis. Maghihintay po kami. Salamat," sabi ni Linda sa kasambahay na tinanguan lang siya at tumalikod na para umakyat sa taas kung saan ang boss nila. Magalang rin ang pagsagot niya dito kahit kasambahay ito at hindi ang may-ari ng mansion. Hindi naman nakabase ang pagalang sa kung anong estado sa buhay ng isang tao. Kapag nararapat na igalang ay dapat na igalang.

Naiwan silang dalawa na mag-tita na nakaupo sa sala. Ni isa sa kanila ay hindi nagsasalita. Natatakot na magsalita o magtanong si Eliza sa Tita Linda niya dahil sa posibleng mangyari. Iginala niyang muli ang kanyang paningin sa kung nasaan sila.

After a few minutes ay may bumaba na isang matangkad na lalaki na guwapo naman. Sa kanila kaagad dumako ang mga mata nito at maging silang mag-tita ay ganoon rin. Nakasunod lang dito ang kasambahay.

Binati kaagad nilang dalawa na mag-tita ang lalaking bumaba na nasa harapan nila na si Nico Toledo na personal assistant ni Alexander na isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya sa bansa. Isa rin ito sa mga pinagkatiwalaan na kaibigan ni Alexander. Naging kaibigan na nga niya ito dahil sa palagi silang magkasama. He trusted him so much in everything he does.

Kilala ni Linda si Nico kaya ito ang naging dahilan kung bakit nasa mansion sila ni Alexander. Humingi siya ng tulong dito at pinagbigyan naman nga siya.

"Siya po ba ang kasama mo?" tanong ni Nico sa Tita Linda ni Eliza na tumango kaagad.

"Oo. Siya nga 'yon. Siya ang pamangkin ko. Eliza ang pangalan niya," sagot ni Linda kay Nico.

Nico shakes his head and said, "Ah, okay po. Pinapataas ka ni Sir Alexander sa opisina niya sa taas."

"Talaga?"

Tumango muli si Nico at nagsalita, "Kailangan ka niyang makausap sa opisina niya sa taas. Ikaw lang ang kailangan niya na makausap doon at wala nang iba pa."

Narinig ni Eliza ang sinabing pangalan ni Nico sa harapan nila. Tinatawag nilang Sir Alexander ito. Sa isip niya ay 'yon ang boss nila. Hindi si Nico ang boss na may-ari ng mansion na ang akala niya ay ito na ngunit hindi naman pala.

Malinaw rin sa kanya ang sinabing 'yon ni Nico na kailangan na makausap ang Tita Linda niya ng Sir Alexander nila sa opisina nito sa taas. Ito lang ang kailangan na makausap nito, hindi siya. Nagtaka tuloy si Eliza dahil doon ngunit inisip na lang niya na baka humihingi ng tulong ang Tita Linda niya sa Alexander na 'yon kaya ito lang ang nais nitong makausap sa opisina nito.

"Sige," maikling sagot ng Tita Linda niya sa harapan ni Nico.

"Okay. Tumaas na po tayo sapagkat naghihintay na si Sir Alexander kanina pa," sabi nito sa kanya.

Tumayo si Linda mula sa pagkakaupo nito sa malambot na sofa habang nakakunot ang noo ni Eliza na pamangkin nga niya.

"Aakyat na muna ako sa taas, Eliza. Dito ka lang, okay?" sabi kay Eliza ng Tita Linda niya.

Eliza nods her head and said, "Sige po, Tita Linda. Dito lang po ako sa sala. Maghihintay po ako sa 'yo."

Tumango naman muli sa kanya ang Tita Linda niya matapos niyang sabihin 'yon.

Naiwan nga si Eliza sa sala habang ang Tita Linda niya ay tumaas ng hagdan kasama si Nico para pumunta sa opisina ni Alexander.

Nandoon sa tabi niya na nakatayo ang isang kasambahay. Binabantayan siya nito habang wala siyang kasama. Naisip niya habang nakaupo pa rin siya sa sofa na hindi naman pala siya kailangan kaya dapat hindi na siya sinama ng Tita Linda niya sa pagpunta sa mansion ni Alexander kung humihingi ito ng tulong o ano pa. Puwede naman na mag-isa ito na pumunta dito na hindi siya kasama habang siya ay naghahanap naman ng ibang paraan upang matulungan ang Tito Arthur niya. Nagtataka tuloy siya at nagkakaroon ng kung anu-anong isipin na posibleng dahilan na ayaw naman nga niyang paniwalaan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 88 [End]

    Habang lumilipas ang oras matapos na malaman nilang dalawa ang magandang balita na 'yon ay natatanggap naman nga ni Eliza ang katotohanan na buntis nga siya. Nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa ng boyfriend niya na si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala ngunit natanggap naman niya ang katotohanan na 'yon na siya ay buntis. Halu-halo ang kanyang nararamdaman. Hindi nga maalis d'yan ang takot. Natatakot siya dahil wala pa naman siyang karanasan sa pagbubuntis at lalong lalo na ang pag-aalaga ng bata. Gayumpaman ay wala pa ring kalagayan ang tuwang nararamdaman ni Alexander na boyfriend niya sa magandang balita na 'yon na buntis siya. Magiging ama na ito at siya ay magiging ina na rin. Siguro sa lahat ng tao sa mundong 'to ay siya ang pinkasamasaya dahil magkakaanak na silang dalawa ng babaeng mahal niya na si Eliza. "Aren't you happy with that, baby?" tanong ni Alexander sa kanya pagkapasok nila sa loob ng kuwarto para magbihis ng damit na pambahay. Naiinitan na kasi si Eliz

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 87

    Kinumpronta nga ni Arthur ang asawa niya na si Linda tungkol sa nalaman niyang 'yon. Galit na galit siya sa asawa niya lalo na nagsinungaling pa ito sa kanya. Hindi nito sinabi ang totoong ginawa nito sa sariling pamangkin niya na si Eliza. Akala niya ay nagtatrabaho ito ngunit hindi naman pala. Binenta pala niya ito sa isang bilyonaryo."Bakit mo ba nagawa 'yon sa sariling pamangkin mo, Linda? Hindi ka naawa sa kanya! Wala naman siyang kasalanan sa nangyari sa akin. Siya ang sinisisi mo sa nangyari sa akin kahit wala naman! Ang sama mo sa totoo lang, Linda!" galit na sabi ni Arthur sa asawa niya."Ginawa ko 'yon para sa 'yo, Arthur! Ayaw ko na mawala ka sa buhay ko. Wala naman na akong naisip na paraan para magkapera at ma-operahan ka kundi ang gawin 'yon! Sa tingin mo ba ay buhay ka pa kung hindi ko ginawa 'yon, huh? Hindi! Matagal ka nang wala kung hindi ko ginawa 'yon sa 'yo. Huwag kang magalit sa akin dahil ginawa ko 'yon para sa 'yo dahil ayaw ko na mawala ka saa amin!" sagot ni

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 86

    Matapos na mabura na ni Carl James nang tuluyan ang sex video ng kapatid niya na si Alexander at ex-girlfriend nito na si Marie Heart ay naging tahimik na ang lahat. Wala na ngang nangugulo pa sa dalawang magkasintahan lalo na kay Alexander. Tinigilan na nga siya ni Marie Heart dahil wala naman na itong magagamit na panakot sa kanya para bumalik ito sa piling niya. Tinanggap na lang niya ang katotohanan na hindi talaga siya gustong makasama muli ni Alexander na ex-boyfriend na niya. Malaki ang pasasalamat ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James sa ginawa nitong pagtulong sa kanya sa problema niyang 'yon tungkol sa sex video na pinapanakot sa kanya ni Marie Heart na ex-girlfriend niya. Kung hindi dahil dito ay baka hindi pa naayos ang lahat ng problemang 'yon. After one week ay umuwi na sina Alexander at girlfriend niya na si Eliza sa Maynila mula sa kanilang masayang pagbabakasyon sa lugar na 'yon na gusto muli nilang puntahan sa susunod. Balik sa normal ang lahat sa kanila. H

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 85

    Tinawagan kaagad ni Alexander kinabukasan ang kanyang bunsong kapatid na si Carl James para malaman kung ano na ang nangyari sa plano nila. "Kumusta? Tagumpay ba kayo kagabi ni Nico?" tanong ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James.He heard him gasped for air before answering his questions. "Tagumpay kaming dalawa ni Nico, Kuya Zander. Nabura ko na ang sex video sa cell phone ni Marie Heart na ex-girlfriend mo po. Wala ka na pong kailangan na problemahin. Problem solved na po," masayang sabi ni Carl James sa kanya.Natuwa naman nga si Alexander matapos na malaman na tagumpay ang plano nilang 'yon. Nabura na nga ni Carl James ang sex video ng kapatid niya kasama ang ex-girlfriend nito na si Marie Heart. Wala na silang kailangan na problemahin pa. "Magandang marinig 'yan. Sa wakas ay nabura na rin ang sex video na 'yon na ginagawa niyang pananakot sa akin," sabi ni Alexander sa kapatid niya."Oo, Kuya Zander. Sinigurado ko na wala na ngang kopya siya ng sex video na 'yon para hi

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 84

    Two days later...Tinawagan nga ni Alexander si Marie Heart na ex-girlfriend niya para sabihin na magkita silang dalawa mamayang gabi kahit ang totoo ay nasa bakasyon pa rin siya kasama ang babaeng mahal niya na si Eliza. Naniwala naman nga si Marie Heart sa kanya na pupunta siya dahil 'yon ang sabi niya na after two days ay kailangan na may desisyon na siya.Walang kaalam-alam si Marie Heart na hindi si Alexander na inaasahan niya ang makikita niya mamaya kundi ang kapatid nitong si Carl James. Iyon ang plano nilang dalawa na magkapatid. Sa isang bar silang dalawa magkikita dahil 'yon ang napagkasunduan nila. Pabor naman nga 'yon kay Carl James dahil lalasingin niya si Marie Heart at saka kukunin ang cell phone nito para i-delete doon ang sex video ng kapatid niya kasama ang babaeng ito. Kilala siya ni Marie Heart dahil ilang beses na silang nagkita dati ngunit hindi naman sila masyadong nag-uusap.Inaasahan na niya na magtataka ito kung bakit siya ang pumunta hindi ang kapatid niya

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 83

    Hindi muna pinaalam ni Alexander ang tungkol sa bagay na 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Ayaw niya kasi na mag-alala ito. Silang dalawa lang ng kapatid niya ang nag-uusap tungkol doon."Ano'ng gagawin mo, Kuya Zander? Gagawin mo ba ang nais ng babaeng 'yon?" tanong ni Carl James sa kanya kinagabihan. Nang masigurado niya na tulog na si Eliza na girlfriend niya ay saka niya tinawagan ang kapatid niya para pag-usapan ang bagay na 'yon na pino-problema niya. Bago siya sumagot ay huminga muna siya nang malalim. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw ko na kumalat ang sex video na 'yon at isa pa ay ayaw ko na bumalik sa kanya. Hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya mahal kaya hindi ako papayag na magkasama kaming muling dalawa. Ayaw ko na iwan si Eliza na babaeng mahal ko," sagot ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James."Kapag hindi ka pumayag sa nais niyang mangyari ay ikakalat niya ang sex video n'yong dalawa, Kuya Zander. Mapapahiya ka nang sobra n'yan at masisira ang

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 82

    Matapos na makausap ni Alexander ang kaibigan niya na si Kelvin sa kabilang linya ay sinabi naman kaagad niya 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Hindi nito kilala si Kelvin kaya kinuwento niya dito ang tungkol sa kaibigan niya na nasa probinsiya. Never pa kasi niyang naiku-kuwento kay Eliza na girlfriend niya ang tungkol kay Kelvin. Ngayon nga na naikuwento na niya ang tungkol dito ay may nalalaman na ito kahit papaano. Kailangan na lang niya na na-meet at makilala sa personal ang isa pang kaibigan ng guwapong boyfriend niya na si Alexander.Wala namang nangyari pa sa kanila matapos 'yon. Nagpahinga na sila para bukas ay may energy muli sila sa pag-e-enjoy ng kanilang bakasyon sa lugar na 'yon. Tinuturuan nga ni Alexander ang girlfriend niya na si Eliza kung paano lumangoy. Willing naman nga na matuto si Eliza na lumangoy kaya kahit kanina pa lang siya tinuruan ni Alexander ay may natututunan na siya kahit papaano. Kaunti pa lang ngunit marami pa siya matutunan sa susunod. Hindi naman

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 81

    Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Marie Heart na ayaw na sa kanya ng ex-boyfriend niya na si Alexander. Nasasaktan pa rin siya sa sinabing 'yon nito sa kanya. Iyak siya nang iyak. She really wants him to get back to her life. Mahal na mahal pa kasi niya ito hanggang ngayon. Wala naman na siyang magagawa pa dahil ayaw na nito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na 'yon. Gagawa siya ng paraan upang maging sila muli at makasama niya ito. Gagawin niya ang lahat bumalik lang ito sa kanya. Nakita pa nga niya ito noong isang araw na kasama nga ang babaeng naabutan niya doon sa mansion nang pumunta siya na sinasabi nito sa kanya na girlfriend nito. Masayang-masaya silang magkasamang dalawa. Kasalukuyan niyang kasama si Kelvin Castro sa isang restaurant na may gusto sa kanya na kaibigan rin ni Alexander no'ng bata pa sila. Kararating lang nito galing sa probinsiya dahil doon na ito tumira kasama ang pamilya niya. Gobernador sa kanilang probinsiya ang daddy niya. Walang

  • Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)   Chapter 80

    Alexander nodded slowly and said, "Oo, baby. Sinabi ko na nga sa kanya 'yon kanina, baby. Alam na nga niya ang lahat-lahat. Wala na tayong kailangan na itago o ilihim sa kanya. Alam na niya ang totoo simula sa umpisa hanggang sa ngayon, baby. Sinabi ko naman sa 'yo na sasabihin ko sa kanya ang totoo, 'di ba? Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo, baby?""Hindi, baby. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi mo sa akin. Sasabihin mo nga talaga 'yon sa kanya. Ngayon nga na sinabi mo na sa kanya ang lahat-lahat ay—""Ano 'yon, baby?" tanong ni Alexander sa kanya. Hindi pa nga natatapos niya ang kanyang sasabihan ay nagtanong kaagad siya dito."Ano ang naging reaksisyon ng bunsong kapatid mo matapos mong sabihin ang lahat-lahat sa kanya, huh? Nagalit ba siya o ano?" tanong ni Eliza sa guwapong boyfriend niya na si Alexander.He gasped for air before he speaks to her."Hindi, baby. Hindi siya nagalit o ano pa sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niyang malaman tungkol sa ating d

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status