THIRD PERSON’S POV
Pag-uwi ni Sebastian sa bahay nila ay nadatnan niya ang tatay niyang lasing na lasing at nakahandusay sa ilalim ng lamesa nila. Hindi niya ito pinansin dahil sanay na siya. Silang dalawa na lang ang nakatira sa bahay nila. Lumayas ang nanay niya dahil hindi na niya natiis ang ugali ng tatay niyang lasinggero at babaero. Pero binibigyan pa rin naman siya ng buwang allowance para saa kaniya at sap ag-aaral niya.
Umakyat siya sa kwarto niya na punong-puno ng litrato ni Isla sa loob. Agad naman siyang nag-open ng kaniyang desktop. Binuksan ang iba’t-ibang folders na nakapangalan kay Isla.
Gustong-gusto niya si Isla simula noong tinulungan siya nito sa tatay niyang nambubugbog. Bata pa siya noon, hinahabol siya ng tatay niyang lasinggero at gustong bugbugin, lagi na lang siyang ginagawang punching bag nito sa tuwing nakainom ito. Nagtago siya sa ilalim ng slides sa park at si Isla ang nakakita sa kaniya at mas tinulungan siyang magtago,
THIRD PERSON’S POV“Salamat sa paghatid, Gabreel. Pasensiya ka sa nangyari kanina at sa abala,” nahihiyang wika ni Isla kay Gabreel pagkababa nila sa kaniyang sasakyan. Hindi niya naman ginusto iyong nangyari pero pakiramdam niya ay kasalanan niya. Hindi pa rin niya lubos maisip kung paano at bakit siya kilala ng taong nagwala kanina sa convenience store. Wala siyang idea kung ano ang kailangan nito sa kaniya?Lihim na napatingin si Isla kay Adam. Nag-alala siya dahil tahimik pa rin ito sa tabi niya at nanatiling nakayuko. Tahimik naman ito palagi, pero dahil sa nangyari kanina ay mas lalo siyang tumahimik. Hindi man lang nag-angat ng ulo simula kanina.Baka nalulungkot din ito dahil hindi niya man lang nakita ang mga magulang ni Isla na siya naman talagang sadya nito.“Ano ka ba? No worries, at saka mas gusto ko nga ‘yon para alam kong
THIRD PERSON’S POVKumabog ng malakas ang puso ni Amiah nang marinig ang boses ng taong hinihintay niya, hindi ito dahil sa takot kung hindi ay dahil ito sa excitement na nararamdaman niya.Ngumiti siya na abot sa kaniyang tainga. Sinadya niyang hindi sagutin ang mga tawag nito kanina because she knew and she was so sure na pupuntahan siya ni Tobias sa bahay nila, hindi niya lang inaasahan na ganito kabilis. Siguro nga ay masiyado niya itong ina-underestimate pagdating kay Isla. Mas lalong nag-init ang ulo niya nang ma-realize kung gaano kahalaga ang babaeng iyon para kay Tobias.“Sabihan mo si Tobias na puntahan ako dito sa kwarto ko, naiintindihan mo?! Sige na, umalis ka na!” pasigaw niya na namang utos sa kanilang kasambahay.Mabilis na tumalikod ang kasambahay at naabutan si Tobias sa gitna ng hagdan ng bahay.Napahinto si T
ISLA’S POV“Kanina pa tunog nang tunong iyang phone mo, bakla! Wala ka bang balak na sagutin ‘yan?”“Wala,” maikling sagot ko kay Sasa. Hindi ako lumingon sa kaniya at pinagpatuloy ang pagso-solve sa bond paper. Wala naman kaming quiz o ano, wala lang akong magawa kaya kunwari ay nag-aaral na lang ako. Gusto ko na lang maging abala kapag vacant ‘yong oras ko kasi kung ipagpapatuloy ko ang pag-iisip at pagtatanong sa mga bagay na nangyari no’ng nakaraan ay baka mabaliw na ako ng tuluyan.Hindi ko na nga alam kung anong uunahin kong isipin at ikabahala. Sina mama at papa na hindi pa gumigising, si Adam na hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang pakikitungo sa akin, si Gabreel na lagi na lang sumusulpot kung nasaan ako, iyong lalaki na nagwala no’ng nakaraan at si… Mr. Martin na hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasagot tawag. Ano
ISLA’S POV“Hatid na kita, Isla. Kung ayos lang sa ‘yo?” Napahinto ako saglit sa pag-ayos ng mga notebooks at pens ko na nagkalat sa arm chair ko. Nakatayo na sa harap ko si Gabreel at hinihintay ako, napansin ko na halos wala nang tao sa classroom. Nalipat naman ang tingin ko kay Sasa na abala sa pagtipa sa cellphone niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ‘yong sinabi ni Gabreel sa akin.“Hmm, k-kasi sasabay ako kay Sasa, Gabreel… pero ano, salamat ulit sa alok,” nahihiya kong tanggi sa kaniya. Napapansin niya na rin kaya na lagi ko siyang tinatanggihan? Hindi kasi ako komportable eh, napapaisip na rin ako sa mga pinapakita niya.“Isla, Friday pala ngayon! Nako, pasensiya na hindi kita maihahatid, may pinapagawa si Mama sa akin. Kainis naman! Inuutusan niya na naman akong pumunta sa ano, alam mo na ‘yon,” sabi niya at
ISLA’S POVNagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Ibang-iba ang dating… dahil ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng tagalog. Para siyang ibang tao.I can smell his manly scent, the familiar scent na malapit ko nang kaadikan.Tama iyong narinig ko. Sa kaniya naman talaga ako, binayaran niya ako ‘di ba? Pagmamay-ari niya na ako, wala na nga dapat akong karapatan na magdesisyon para sa sarili ko, eh.Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa tuluyan niya ulit akong harapin at titigan sa mukha.Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pinantayan ko ang mga binibigay niyang tingin. Para akong nagkaroon ng lakas ng loob para matitigan din siya nang matagal.I noticed his eyes roamed my whole face. Sa mata, sa ilong at sa aking… labi. Nakita ko ang bahagya niyang paglunok nang mapahinto ang k
ISLA’S POV Sa gulat ko sa ginawa niya ay hindi agad ako nakagalaw, siya lang ang kumikilos pero parang ayos lang ‘yon sa kaniya. Nakiliti ako nang kagatin niya nang marahan ang ibabang labi ko. Huminto siya at isinandal na naman ang noo niya sa noo ko. Pumikit siya at nakita ko na ngumiti siya. Tila may nakakatuwa siyang naalala. Ang gwapo niya. Para siyang isang character sa mga libro na nababasa ko. Nagulat ako nang magdilat siya ng kaniyang mata. Nakangiti pa rin siya at ibang-iba ang mga pinapakita ng mata niya. “Do you know how beautiful you are, Isla?” Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Masisiraan na yata talaga ko ng ulo. Kung ano-ano na naririnig ko. Ang tagal naman namin mag-ano… Hindi sa excited ako, gusto ko lang matapos na agad para makauwi rin ako agad. Baka kapag nagtagal
ISLA’S POVNagising ako nang maramdaman kong may malamig na bagay na dumampi sa pisngi at noo ko. Anong oras na naman kasi ako pinatulog ni Mr. Martin. He took me countless times last night!Sh*t! Napadilat ako bigla nang mabanggit ko siya sa isip ko.Isang pares na kulay kapeng mata ang bumungad sa akin. Nakatagilid siya habang nakaharap sa pwesto ko. Nakasandal ang ulo niya sa kamay niya at nakatitig sa akin habang nakangiti.“Hi. Good morning,” he said in a husky voice. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa h*bad naming mga katawan. Namula na naman ako nang halikan niya ako bigla sa labi. Napakurap ako ng ilang beses at napatakip sa labi ko. Sira ulo ka ba, Sir?!Hinugot ko ‘yong kumot sa katawan ko at isinama ang ulo ko. Nakakahiya! Narinig ko siyang tumawa.Ang sexy! 
ISLA’S POV“Are you okay?” Napaangat bigla ako ng ulo nang marinig ko siyang magtanong. Kasama ko si Mr. Martin ngayon, pumayag din ako sa alok niyang dinner kanina pagkaalis ni Adam sa bahay. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.“O-oo naman, Sir,” sagot ko habang tumango-tango ng paulit-ulit. Hanggang sa dinner naming ay dala ko ‘yong dismaya at lungkot ko. Ang bigat na hindi niya pa rin ako kinakausap hanggang ngayon. Akala ko ay ilang araw lang pero ilang linggo na.“One...” Nagtaka ako nang magbilang siya. Napatakip naman ako sa bibig ko nang ma-realize na tinawag ko na naman siyang sir. Hindi nga kasi ako sanay!Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil dumating na ‘yong waiter at naglalapag ng mga pagkain sa table namin. Naka-white shirt at mini skirt lang ako. Kasi hindi ko naman alam kung saan kami kakain