Share

Pick up lines

Author: Miss Paui
last update Last Updated: 2021-07-13 11:05:34

"Mag-jowa ang dalawa?" Gulat na tanong ni Mindy.

Kinuwento ko kasi sa kanya yung sinabi ni Ryabne nung nasa C.R kami. Nagulat naman siya ng malaman ang tungkol sa dalawa.

"Kelan lang? Bakit di ko alam?" Nakakapanibago lang na di alam ni Mindy eh sa napakatsismosa pa naman neto.

"Nung mga nakaraang araw lang daw naging sila."

"Eh sinabi mo ba na si Cedric yung bibigyan mo ng singsing?" curious niyang tanong. Tinangoan ko lang siya "Ano sabi? Ano reaksyon niya?"

"Sabi niya lang di naman daw siya galit sakin. Hangga't nasa kanya daw ang singsing wala daw siyang dapat ikabahala. Parang wala lang nga sa kanya nung nalaman niya eh."  kwento ko.

"Naku wag ka magpapaniwala dun. Malay mo may balak na pala yun. Saksakin ka sa heart." pananakot niya sakin.

Napakunot naman ako ng noo "Pinagsasabi mo diyan?" sa pagkakakilala ko kay Ryanne di naman siya ganun. Gaya ng sabi ko dati may pagkamaldita siya pero mabait naman.

"Wala naman. Suot niya yung singsing eh. Baka magulat ka na lang isang araw saksakin ka niya....ng pagmamahal hahahahaha!" loko talaga tong baklang to. Binatukan ko nga.

"Hoy! Di mangyayari yun. May jowa yung tao. Pareho kaming straight. So never in your wildest dream."

"Defensive much besh? Kung makabatok eh." reklamo niya.

"Ikaw eh! Kung ano pinagsasabi mo diyan!" Sabat ko naman.

"Bakit? Malay mo lang naman since suot niya nga yung singsing. Pwede kaya mangyari yun, you know." sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Hey, babe!" Sabay kaming napalingon ni Mindy. Nandito pa rin kami sa field. Tapus na yung P.E class namin and since mamaya pa naman yung next class ay tumambay muna kami dito. 

Nakatingin lang kami sa dalawang taong naglalampungan sa di kalayuan "Hey!" They kissed each other on the lips. Tinakpan naman ni Mindy yung mga mata ko na agad ko namang tinapik palayo sakin.

"Ano ba?"

"Ayokong masaktan mga mata mo." pilit kong iniiwas sa mga kamay niya ang mga mata ko. Kasi naman eh may balak pa ulit takpan yung mga mata ko.

"Mindy! Tigilan mo nga ako!" Suway ko sa kanya. Napalakas siguro yung boses ko kasi napatingin sa direksyon namin yung dalawa. Paulit ulit ko namang tinawag yung pangalan ni mindy sa mahinang boses "oh, oh, oh!" Paulit ulit niya ring sabi.

She followed my gaze. At nung napagtanto niya kung kanino ako nakatingin, she then happily waved her hands to them "Hello, lovebirds! Don't mind us kasi we don't mind you! Please continue what you're doing." she faked a smile. Napakaplastic talaga netong beshy ko.

I saw how Ryanne smirk. Can she please stop smirking? Kinakabahan ako pag nagssmirk yan eh. Ewan ko ba. Para kasing may binabalak gawin na panigurado di mo magugustuhan.

And yes, di ko nga nagustuhan yung ginawa niya. Hinalikan lang naman niya ulit si Cedric na ikinabigla naman ng isa. Parang ang aggressive kasi nang pagkakahalik niya.

Agad ulit tinakpan ni Mindy yung mga mata ko and this time hinayaan ko siya. Nakakainis. Di naman niya kailangan gawin yun sa harapan ko. As if naman kasi may balak akong agawin si Cedric sa kanya. Like duh? Ngayon pa ba eh alam ko ng di pwede lalo na't sila pala ni Cedric. Isa pa di ako pinalaki ng Mimi ko na mang-aagaw.

----

"Ang wild ni Ryanne kanina grabe kung nakita mo lang bes." napairap ako sa sinabi niya. Pano ko naman kasi makikita yun eh tinakpan niya nga yung mga mata ko.

"Pwede ba wag na nating pag-usapan yun." sabi ko.

"Okay sabi mo eh!"

Andito na kami ngayon sa classroom. Magsstart na ng ilang minuto yung klase namin. Naupo na ako sa upuan ko at saktong pag-upo ko ay siya namang dating ni Ryanne. Agad kong iniwas yung tingin ko sa kanya at nilabas na lang yung libro ko.

Ano ba yan! Ang iingay ng mga kaklase ko. Wala pa kasi yung teacher namin kaya ayan parang palengke ang room.

"Gov!" Lumingon ako at agad na hinanap kung sino yung tumawag sakin. "Oh? Bakit?" tanong ko kay Francis.

"Keyboard ka ba?" Napakunot naman yung noo ko sa tanong niya.

"Bakit? Kasi type mo siya?" nalipat naman yung paningin ko kay Ryanne.

"Panira naman to!" Reklamo naman ni Francis habang inis na kinakamot ang ulo.

"Ang luma naman kasi ng pick up line mo!" Sabat din ni Ryanne.

"Sige nga, sampolan mo kami ng bago." Hamon naman ni Henry.

Bahagya siyang ngumiti saka napatingin sa direksyon ko. Nagsitahimik naman yung mga kaklase ko. Nag-aantay sa sasabihin ni Ryanne "Gov...tea ka ba?"

"Hindi..." wala sa sarili kong sagot. Nagsipagtawanan naman yung mga kaklase namin na siya namang ikinawala ng ngiti niya sa mukha sabay irap ng kanyang mga mata.

"Basag yung pick up line!"

"Savage!"

"awts gege!"

"pota!"

"Iba ka talaga Gov hahaha!"

Ilan lang yan sa mga narinig ko na sinabi ng mga kaklase ko.

"Dami kong tawa bes. Mga sampu!" Sabi naman ni Mindy na nasa likod ko lang.

"Wala ka pala Ryanne eh. Binara ka ni gov!" si Francis na tatawa tawa pa kasama ang mga kaibigan niya.

"Tse! Tumahimik ka diyan," tumingin ulit siya sa direksyon ko "take 2 tayo" seryoso niyang sabi na di inaalis yung paningin sakin.

"Ayun may pa take 2!"

"take 2 amp!"

"Go yanne!"

"Gov! Ayusin mo sagot!"

"Hahahaha gagu!"

Ilan ulit yan sa mga sinabi ng mga kaklase ko. Yung iba todo suporta pa kay Ryanne sa pagbitaw ng pick up line para sakin.

Nagsitawanan naman yung grupo ni Francis.

"Gov...tea ka ba?"

"Tanungin mo bakit?" Dinig kong bulong ni Mindy. Alam ko naman kung ano yung sasabihin ko eh it's just that ang cute lang kasi ni Ryanne pag naiinis haha.

"Hindi ako tea, bakit?" Ayan na naman siya sa pasmirk niya. Jusko

"TEAnamaan na kasi ako sayo eh."

"Boom!"

"Yown!"

"Galawang Ryanne!"

"Ryanne lang malakas!"

"New ship na ba this?"

Ngiting ngiti naman si Ryanne na animo'y parang nanalo.

Ako naman, on the other hand parang naguguluhan. Wala lang naman sana sakin yung banat niya eh ang kaso lang nasa kanya yung singsing. Suot niya yun. So ibig ba sabihin nito tumatalab na sa kanya yung love ring?

Nag-uumpisa na ba siyang magkakagusto sakin? Pero simpleng pick up line lang naman yun diba. Mas mabuti pa siguro wag ko na lang bigyan ng meaning o malisya. Tsaka isa pa imposible na tumalab agad yung singsing sa kanya eh kakasuot pa lang niya nun eh.

"Ano Gov? Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya sa akin.

"Speechless si Gov!"

"Kinilig ata si Gov eh haha!"

"Ano Gov? Sali ka na ba sa federasyon namin?"

Mga baklang to. Isasali pa ako sa federasyon nila. Opo di lang si Mindy ang bakla sa aming magkaklase. Madami po sila. Sa henerasyon ba naman ngayon na parang halos lahat nababakla na.

"Ganito na lang guys, girls and gays, let's vote!" Napalingon naman ako kay Mindy "Kung sino may gusto sa pick up line ni Francis para sa beshywap ko taas ang kamay," may apat na boto si Francis galing siyempre sa mga kaibigan niya "and for Ryanne?" majority naman ng class si Ryanne ang binoto. So benta yung pick up line niya sa mga kaklase namin.

"Well, obviously alam na natin kung sino pinakahavey na pick up line," sabi ni Mindy "pero siyempre importante ang boto ni Gov!" Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Mindy.

"Gov, kanino ka mas kinilig?" What the? Bakit ganun yung tanong? Kinilig talaga? Wala na bang ibang word na pwedeng gamitin? Hayss...

"Wala. Hindi naman ako interesado kahit sino sa kanila."  yes! That's the safest answer.

"Tol di ka pa nga nanliligaw basted ka na kaagad!" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Francis na nagpatawa naman sa buong klase.

Siyempre di nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Ryanne sa sagot ko.

"Pero di nga Gov? Sino mas havey yung pick up line?"

I was about to answer ng biglang dumating yung teacher namin at sakto din nagring yung bell. Indicating that the class are about to start.

Wooooh! Save by the bell!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Suddenly, You’re Inlove   Cravings

    "Love, asan ka na ba?" Naiinip na tanong sa akin ni Celestine mula sa kabilang linya."Love, sandali lang kasi. Malapit na ako. Ilang liko na lang.”“Kanina ka pa liko ng liko. Naiinis na ako sayo."The hell? For a millionth times already, ako na naman ang kinaiinisan niya. Hayss...ang hirap pala pag buntis ang isang babae. Ikaw palagi yung binubuntangan ng tantrums niya. Kawawa naman pala ang mga lalaki panigurado nahihirapan sila intindihin kaming mga babae. Mabuti na lang pareho kaming babae kahit papano naiintindihan ko siya at kaya ko siyang intindihin dahil nga same gender kami.“Love..." I was about to say something ng magsalita siya ulit."Pakibilisan na lang please.""Anong gusto mong gawin ko lilipad ako? Sige ka baka maaksidente ako dito kakamadali mo sakin.” banta ko sa kanya.Nagalit naman siya sakin "Love! Ano ba pinagsasabi mo?! Pwede ba? Magfocus ka na nga lang diyan sa pagdadrive. I'll hang up na. Ingat! I love you.”O, diba? Kahit naiinis at galit yan sakin di pa rin

  • Suddenly, You’re Inlove   Wait…what?

    "Grabe, love. Nabusog ako sa kinain natin" sabi sakin ni Celestine.Kumain kami pagkatapos naming mag-enjoy sa mga activities na ginawa namin. Nagutom daw siya sa mga ginawa namin eh kaya ayun napadami siya ng kain.Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan matatanaw mo ang buong siyudad. We want to watch the sunset kasi kaya kami nandito. Kasalukuyan kaming nakaupo sa compartment ng kotse ko. Nakasandal ako sa dibdib niya habang nakayakap siya sakin mula sa likod."Pano ka naman di mabubusog eh ang dami mo kayang kinain." sambit ko "Ang takaw takaw mo.""Ano? Ako matakaw?" Tanong niya si di makapaniwalang tono."Bakit? Totoo naman. Sobrang takaw mo." sabi ko na natatawa pa."Ah totoo na matakaw ako...""Hmm-mm" I hummed as a response."Matakaw pala ha..." napasigaw ako sa ginawa niya. Kinagat lang naman niya ang tenga ko. Bampira nga talaga siya."Ang sakit non gov ha." Reklamo ko habang hinihimas yung part na kinagat niya. Di ko naman alam na may pagkasadista pala tong govey ko "

  • Suddenly, You’re Inlove   Girls day out

    Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal ang likod sa kama ni Celestine. I'm waiting for her to come out from the bathroom. Bumukas ang pintoan ng bathroom niya. Napangiti siya sakin nung makita niya ako. Lumapit siya at tinabihan ako sa sahig. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko saka inabot ang pregnancy test niya. Nakita kong may dalawang guhit yum. "What does it mean?" "It means I'm pregnant." sabi niya sa mahinang boses. So nagbunga nga ang kahayopang ginawa sa kanya ni Cedric. Delay kasi yung period niya and palagi daw siyang nahihilo at napapagod kaya nagtake na siya ng test for pregnancy. "What should I do, love?" "Keep the baby." sabi ko sa kanya. "You want me to keep the baby?" tanong niya sa akin. "Of course. As you should." hinawakan niya ang kamay ko "Why? Are you planning an abortion?" Di siya nakasagot. Bumuntong lang siya ng kanyang hininga. "It's a sin. A big, big sin." Napatingala siya ng kanyang ulo sa akin "I don't want it." "I know but you have to k

  • Suddenly, You’re Inlove   Police

    Nanggagalaiti ako sa galit dahil sa nalaman ko. Nakakuyom ang aking kamay habang naglalakad patungong gym.Pagbabayaran ni Cedric ang ginawa niya kay Celestine.I won't let him get away with this. Hindi pwedeng mamuhay si Celestine na may takot. Agad siyang hinanap ng aking mga mata nang makapasok na ako sa loob ng gym.Mas lalo lang nadagdagan ang galit ko nang makita ko siyang masayang nakikipagkwentohan sa mga kateammates niya. How can he smile like that na parang wala lang siyang ginawang kababuyan?! Nagsusuffer si Celestine samantalang siya nagagawa pa niyang ngumiti at tumawa. Hayop siya!Agad akong lumapit sa direksyon nila. Napansin naman ako ni Lance kaya tinawag niya ako sa pangalan ko dahilan para mapalingon si Cedric sakin. Dire-diretso lang akong tumungo sa kinaroroonan ni Cedric."Hey B-" di na niya natapos ang sasabihin niya sana nang bigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Dumugo yung ilong niya. Pero di pa ako nakontento, sinipa ko yung ari niya gamit ang

  • Suddenly, You’re Inlove   The Truth

    "Love, are you okay? Why are you crying?" Napahagulhol na siya ng iyak. I hugged her tightly. Comforting her as much as I could. Naguguluhan ako sa nangyayari sa kanya. "Bakit ka umiiyak? Did I do something wrong?" Iniling lang niya ang kanyang ulo. "Sige lang iiyak mo lang yan." "I'm sorry..." paulit ulit niyang sabi. Paulit ulit ko din siyang sinasabihan na okay lang kahit di ko naman talaga maintindihan ang nangyayari sa kanya. "I'm really sorry..." sabi niya ulit. "I don't understand what's going on with you. Di ko alam kung dahil ba sa kalasingan or what but I want to tell you that its okay. There's no need for you to be sorry. Whatever it is. Do you hear me, Ce?" Tumango siya ng kanyang ulo. "I know there's something na di mo sinasabi sakin but I won't force you to say anything. I'll wait til you're ready." Niyakap ko siya ulit. Umiyak lang siya nung gabing yun hanggang sa makatulog na siya. Kinauma

  • Suddenly, You’re Inlove   Drunk

    Ryanne's POV It's been almost 2 weeks na after Celestine was kidnapped by Cedric. Nana didn't know about it since ayaw din sabihin ni Celestine sa kanya. I respect her decision although against ako. Cedric needs to be punished of what he did. She has to have justice sa nangyari sa kanya. Gusto ko pa nga sana sampahan si Cedric o di kaya ipablotter para kung meron mang mangyari kay Celestine siya agad ang ituturong suspek. Pero ayaw ni Celestine na sampahan siya which I find stupid. Alam kong mabait si Celestine pero di naman ata tama na palagpasin lang namin yung nangyari sa kanya. But then again, it's all up on her. Wala na akong magagawa if ayaw niyang magreklamo laban kay Cedric. Only Cedrix, Ate, Celestine and I ang nakakaalam sa kidnapang nangyari. Even Mindy didn't know about it. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo na there's a negative effect din kasi sa love ring..." Min

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status