Share

Page Three

Page Three

——————————

Inaayos ko ang bag ko. Kakatapos lang ng subject namin for this morning. Nagmamadali ako kasi baka hinihintay na ako ni Storm. Pupunta kami ngayon sa ibang Department to ask for their cooperation para sa welcome party na gaganapin by next week. Lumapit sakin si Katty na tila ba naweweirduhan sakin.

"Why in a hurry?"

She asked. I smiled at her.

"SSC obligations, Kat. Baka hindi ako makasama sa lunch niyo but.. I'll try."

"Daming estudyante sa labas ng room. Anong meron?"

Napatingin din ako sa may pinto ng room namin. And there I saw some of my blockmates na nagkukumpulan na para bang may sinisilip. Hayaan na. Baka may transferee na naman na gwapo o di kaya maganda kaya ganyan sila. It happens all the time. Akala mo kung sinong mga highschoolers umasta. I opened my phone. May isang text message so I opened it.

Nasa labas ako ng classroom niyo.

-SSC President

I just replied "palabas na ako".

"Alis na ako."

"Ingat beh."

"Ingat Sunny."

I nodded. Naglakad na ako papuntang pinto pero hindi ako makadaan dahil sa nagkumpulan kong mga kaklase. I sighed.

"Tabi."

Yung iba tumabi pero hindi ang dalawang mismong nakaharang sa pinto. Hindi yata ako narinig o bingi bingihan lang.

"Padaan."

Hindi gumalaw. Ahh.. okay.

"Gusto niyo bang idikit ko kayong dalawa diyan sa pintuan para hindi na lang talaga kayo makaalis?"

And with that para silang bumalik sa sensya nila at nagawa na nilang tumabi. I heard laughters kaya nilingon ko sila. Mga iba kong kaklase. I saw Vanessa smirked as if waiting for me to burst my inis.

"Tama na ang tawa. Masyado na kayong masaya."

As if maniniwala sila sakin diba? Tumawa lang sila. Kung ibang tao siguro ang sinabihan ko ng ganun baka umalma o mapikon sakin or what but not them. My blockmates knew me more than anyone. Alam nilang mukha lang akong balasubas magsalita but I am harmless. Mabilis lang ako mainis but I am a good person. Kaya nga angat na angat ang bilang ng votes ko sa mismong department namin because they knew me and my capabilities. Lumabas na ako ng room only to see Storm Thompson na nakatayo sa gilid ng railings habang nakapikit. Napakunot noo ako at napagtanto kung bakit ganoon ang mga kaklase ko kanina. They are admiring Storm. Tss. Sabagay, bibihira lang kasing may mapadpad na taga ibang department dito samin. Lumapit ako sa kaniya at balak ko sanang tapikin dahil baka nakatulog na sa pag aantay sakin pero agad siyang nagmulat ng mga mata na para bang alam niya kaagad na may tao sa harapan niya. He smiled at me.

"Sorry. Kakalabas ko lang."

He nodded.

"It's okay. Tara?"

Tumango ako. Naglakad na kami pero tumigil din siya kaya napatigil din ako sa paglalakad.

"Wait. Saan pala Department Organization Office niyo?"

"Third floor sa taas."

I answered. Baka dito kami magsisimula sa Department namin.

"Dito ba tayo magsisimula?"

Tumango siya. Napailing ako.

"No need. I'd already asked the President and he's fine with that. Magmemeeting na lang sila for the final output nang mapipili nilang theme."

Yes. Inasikaso ko kaagad yun kaninang umaga pagkapasok ko pa lang. Blockmate lang din naman namin yung President ng Department Org kaya hindi hastle. Too excited pa nga kasi ngayon lang magkakaroon ng magandang Welcome Party tapos two days pa.

"Then I guess, wala na tayong pupuntahan."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Ang daming Department dito sa ALA tapos sasabihin niyang wala na kaming pupuntahan? Sabog ba siya?

"Why? Ang daming departments ng ALA."

Tumango tango siya and just smiled at me.

"Natapos ko na. Yung iba nakapagpasa na rin ng final output. "

So.. ano pa kailangan niya sakin kung ganoon?

"You should have told me earlier. Edi sana hindi ka na pumunta dito kasi nakausap ko na President ng Department namin. And.. nakakahiya naman. It should be you and me pero trinabaho mo na almost everything."

Dere deretso kong sabi. Parang ang labas tuloy wala akong ambag. Mabuti na lang pala nakausap ko ng maaga yung President namin. Kahit papano may ginawa naman ako out of my own will at hindi siya hinintay para may kasama ako.

"It's okay, Sun. No big deal."

Napakunot noo ako.

"Why Sun? Sunny na lang."

He chuckled.

"I prefer Sun. No more questions."

K. Whatever. Bahala siya. Sunny o Sun pareho pa rin namang Araw yun. Maaraw at araw. Okay magkaiba pero pareho pa rin. Whatever.

"You can go na. Wala naman na tayong gagawin."

Oo. Tinataboy ko na siya. Nakatitig lang siya sakin and he's amused for whatever reason.

"Hmm.. Why don't you go with me for an early lunch? Pampalubag loob dahil ginawa ko ang dapat na trabaho nating dalawa?"

Hindi ako kaagad nakasagot.

"Are you flirting with me?"

Nabigla ako sa sinabi ko kaya agad akong napatakip ng bibig gamit ang kamay ko. Kita rin ang gulat sa kaniyang mukha. Iniharang ko ang palad ko sa mukha niya pero hindi naman naidikit sa mukha niya. Sa vision ko lang para hindi ko makita ang mukha niya.

"Sorry. I didn't meant to say that... out loud. Sorry. Minsan talaga navovoice out ko ang mga iniisip ko ng hindi sady--"

"So what if I am?"

Naibaba ko ang palad ko na nakaharang sa mukha niya in my vision. Pokerface lang akong nakatitig sa kaniya. He smirked and amusement was all over his face.

"So.. what if you are?"

Tumango siya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid namin. Medyo marami raming students ang dumaraan yung iba napapatingin samin pero ang iba naman ay hindi. Shucks. Baka may makarinig saming dalawa. Kaloka ka naman kasi Self. Wag kasi masyadong nagbabasa ng romance novels masyado mong sinasabuhay, ghorl. Feeling yan? Di mo man lang inisip na baka nagmamagandang loob lang naman yung tao.

"Yeah. What if I am flirting you?"

Napapikit ako. At talagang inulit pa. Lumapit ako sa kaniya and I instantly do what I usually do kapag napapahiya ako sa ibang tao o sa sarili ko.

"Awwww!.. waaawww.."

Tanging nasabi niya. Bakit? Dahil kinurot ko siya sa braso niya. Oo. Kinurot ko siya! I felt embarrassed right now! At parang nang aasar pa tong lokong 'to! Nakakahiya na nga! I glared at him.

"Ang sakit ng kurot! Para saan yun ha?"

Natatawa pero kita ko pa rin yung sakit sa mukha niya. Hinimas himas niya ang braso niya kung saan ko siya kinurot siguro para mawala yung sting feeling. Nandoon na naman yung amused look niya towards me.

"You deserved that. Nang aasar ka kasi. I said sorry na nga for saying that out loud. Wala naman akong ibig sabihin doon."

Pagdadahilan ko. He chuckled.

"Okay. Okay. I'll stop na. So, let's eat lunch together?"

"Walang ibig sabihin 'to okay? This is just a friendly lunch."

Paglilinaw ko sa kaniya. Tumawa siya. I don't know but I love how he laughed. Para bang napaka carefree. Malayong malayo sa Storm Thompson I met yesterday. Seryoso and authorative. This Storm is carefree and naughty. Tumigil siya sa pagtawa at tumango.

"Okay. Friendly lunch. Nothing more."

Tumango ako. He chuckled pero hindi ko na binigyang pansin. Ayokong mapahiya lalo noh? Swerte niya naman. Naglakad na ako kaya sumunod na rin siya. He told me na sa fastfood kami maglunch and I agreed. Basta Jollibee. Tumawa siya dahil sa demand ko pero he easily agreed to me. Jollibee baby daw naman siya. Tss. At least pareho kaming jollibee baby. Naniniwala kasi ako na.. "Sa Jollibee, bida ang sayaaaaa" Tigilan niyo ako alam kong kumanta kayo sa part na yan. Hahahahaha!

****

Talaga namang bida ang saya sa Jollibee lalo na kapag yung nasa harap ng table mo ay isang spicy chicken joy with gravy, choco hot fudge sundae, regular fries and large coke! Shucks! My jobee heart! Tinignan ko ang order ni Storm for himself and we both have the same order. Nice! Hindi siya boring kasama sa Jollibee kung ganoon. Gustong gusto ko ng kumain pero there is something stopping me from eating. Kaya nagtaka sakin si Storm.

"Why? You don't like the food? I'll order something then"

I stopped him from doing it just by putting my hand on his face. This time lapat na lapat sa mukha niya. Hindi niya na naituloy ang pagtayo.

"This is the perfect order and combo, Storm. No need to change it."

Inalis ko ang kamay ko sa mukha niya. Shocked by what I did pero wala akong pake. Nakatitig lang ako sa pagkain. Naglalaway na talaga ako. Gustong gusto ko na ipasok lahat sa bibig ko.

"Then eat."

Tinignan ko siya tapos sinamaan ko siya ng tingin na para bang winawarningan ko siya. Idinuro ko sa kaniya ang tinidor kaya natigilan din siya. Tumaas ang isa kong kilay.

"Sigurado kang libre mo 'to at hindi echos lang ha? Wala akong pambayad sayo! I am warning you, Storm."

Dapat effective ang warning tone ko. Gosh! Baka bigla niya akong singilin wala talaga akong pambayad. Hello? Sakto lang ang perang meron ako.

Tumawa siya. Oo tumawa siya. Tinawanan niya lang ako.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Storm."

Hinawakan niya ang kamay kong nakaturo sa kaniya habang hawak ang tinidor at kaniya itong ibinaba.

"This is my treat, Sun. Please, let's eat in peace. I wanna savor this moment with my jobee meal."

Bigla akong nag-puppy eyes. Grabe! I met someone na kalevel ko ng pagmamahal pagdating sa Jollibee meals.

"Shucks! Pareho tayoo.. tara! Let's eat in peace."

He chuckled. Napapailing na lang din. Marahil nasa utak niyang nababaliw na ako or what but I don't mind. For some reason, kumportable naman akong ipakita ang side kong ito sa kaniya na usually piling tao lang ang nakakakita. I might be competitive and serious when it comes to studies pero hindi sa lahat. I still have this side na normal akong babae at normal akong tao.

We ate in peace. Hindi nga kami nag-uusap while eating we just smiled at each other tapos kakain ulit. I'm eating my fries and ni-dip ko sa sundae. Storm is doing the same thing. Ang sarap talaga ng Jobee! Graabbeeee!

"This is the moment where I still imagining how I ate the chicken joy awhile ago."

Napatango ako sa sinabi niya. Oo. Tama siya. Ang sarap lang iimagine kung paano mo kinain yung chicken joy at ni-dip sa gravy tapos maanghang. Saraaap! I want more!

"Grabee! Ang sarap talaga ng chicken joy ng jobee. Swear!"

And it's true. Anak ako ng jollibee eh. Ang dami ko nang nakainang fastfood o restaurant na nag-ooffer ng fried chicken but still, JOLLIBEE has the best fried chicken EVER!

"No other resto and fastfood can beat Jollibee's fried chicken!"

Sabi niya. Tumango tango ako.

"Yeah. Sa jollibee.."

"Bida ang sayaaaa"

"Bida ang sayaaaa"

Sabay kaming tumawa dahil sabay kaming napakanta. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao but we don't care. We talked about some school stuffs and doon ko lang nalaman na running for magna cumlaude pala si Storm Thompson. Pressure are everywhere sabi niya nga. Medyo kinabahan ako kasi gagraduate na rin ako next year tapos ngayon pa lang parang stress na ako how much more next year diba? May plano pa naman akong mag-run for SSC President sa susunod na taon. Nabanggit niya sakin na meron siyang pinsan na Journalism and same year with me so I asked for his cousin's name and I was shocked nung sinabi niyang si Katty Jackson ang pinsan niya. And so with that we've talked about his family. Meron siyang Kuya na naghahandle ng company nila sa ngayon. Yeah. This Guy is totally rich pero hindi halata. He's too humble kasi. Hindi siya pacool honestly. He asked about my family naman and I told him not everything. Because there is nothing much to tell naman. Inubos lang namin ang oras kakakwentuhan tapos nung 30 mins na lang before 1pm inaya ko na siya to go back to school dahil may klase pa ako at ganoon din daw.

"Thank you sa lunch.. and sa paghatid kahit na hindi naman kailangan."

He smiled at me.

"It's okay. I had fun. Thank you for your time."

"Not a big deal. So.. pasok na ako."

"Yeah. You should. Bye Sun."

"Bye Storm."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na papasok ng room. May mga nakita pa nga akong nakasilip sa may bintana ng room namin. Mga chismosa at chismoso talaga. Napailing na lang. Wala pa yatang Prof kaya ganyan ang mga yan. Sabagay, It's still early.

*****

Kanina pa ako naiirita sa pinupukaw na tingin sakin nina Katty at Vanessa. Syempre hindi ko sila nagawang samahan kanina sa Lunch break. Aside from that, I didn't tell them about what happened. Hindi naman sila mukhang galit or what. Nandoon lang yung tingin nila na para bang may hindi ako sinasabi at kailangan nilang malaman kung ano iyon. I just rolled my eyes at them. Magkakatabi kami ng seats. Everyone was actually shocked ng makita nila na lagi na naming kasama si Katty. Speaking of Katty pagkakita ko pa lang sa kaniya kanina tinanong ko na kung pinsan nga niya si Storm and she said yes. Her Mom is a Thompson, kapatid ng Daddy ni Storm. They asked what happened and where I have been pero hindi ko na nakwento sa kanila dahil dumating na ang Professor namin. Basta na lang sinabi sakin ni Vanessa na nakita daw ako ni Kalvin sa Jollibee with an architect student. Hindi naman ako guilty pero hindi ko man lang kasi siya natext na I had lunch with someone na. Kaya ayon, simpleng "explain later" ang nasabi sakin ni Vanessa. At ngayon, nakatitig sakin yung dalawa kahit on-going ang discussion. I just let them be.

Sa wakas. Classes done. Natapos ng maaga sa usual time so I still have one hour bago ang duty ko sa Mad Cafè. Agad na lumapit sakin si Vanessa.

"How's your lunch date with Katty's cousin?"

Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero hindi natinag. Nagkibit balikat lang.

"Kuya Storm and you are dating?!"

Kinikilig namang sabi ni Katty. I rolled my eyes. I sighed.

"We're not dating. It's not a lunch date."

Ayokong mag-explain. There is no need to explain naman. It's not a lunch date and we are not dating. Duh? Kakikilala ko lang doon sa tao. Pero I can say na he's my jobee buddy! Urgh. So happy I met someone na mahal na mahal si Jollibee!

"And you didn't text me na you are having your lunch with someone?"

Mapanuring tanong ni Vanessa. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Girls, I'm sorry. Okay? It was supposed to be an errands sa SSC pero dahil tinapos niya ng maaga, he asked me kung pwedeng samahan ko na lang siyang maglunch. I agreed out of guilt. My fault here is hindi kita natext, Van. I'm sorry, okay?"

Tumawa siya. Eh? Anong nakakatawa? Eh kanina halos kulang na lang paluin niya ako dahil naging pasaway akong anak tapos ngayon tinatawanan niya lang ako? This girl!

"Chill. I'm just kidding. Hindi ako inis or what. It' just that.."

Dumako ang tingin niya kay Katty at nagngitian silang dalawa kasabay ang isang matinis na pagtili. Napatakip ako sa tenga ko kasi feeling ko mababasag ang eardrums ko.

"Shucks! Kinililig ako!"

"Me too! Dalaga na best friend ko!"

"Shut up, girls! Ghad! Ang o.a niyo!"

Sita ko sa kanila. Mabuti na lamang at kami na lang estudyante dito sa classroom.

"Kuya Storm never asked someone, Sunny!"

"And guess what, Beh? He's so popular at ALA! Kaya pala siya pinagtitinginan kanina habang hinihintay ka niya sa labas ng classroom natin!"

Tumaas ang kilay ko. Popular? Bakit di ko siya kilala kung ganoon? Baka sa Department lang nila?

"Really? Bakit hindi ko siya kilala? Kahit ikaw Van."

Umiling iling si Vanessa.

"Nah. I've heard about him many times. Pero never ko pa nakita in person, kanina lang nung sinundo ka niya. Ang gwapo!"

"Well.. it really runs in our blood, Van."

Si Katty.

"Totally agree!"

Napapalakpak silang dalawa. Napailing iling na lang ako. Tumayo na ako. I have to be in the Mad Cafè na.

"O.a niyo. He's just being nice kasi subordinate niya ako, girls. Don't put malice on it. Sasabay na ba kayo sakin?"

Tumango tango sila. Ipinulupot ni Vanessa ang kamay niya sa braso ko at ganun din ang ginawa ni Katty sa kabilang braso ko. Nasa gitna nila akong dalawa.

"Kahit ano pa sabihin mo, Kuya Storm is not like that. But.."

"But what Kat?"

Tanong ni Vanessa. Hinintay namin ang sasabihin niya.

"But ang sabi ni James, His bestfriend, Kuya Storm has a long time crush. Kaya he never had a girlfriend because he is waiting for that girl."

"Seriously?!"

Exaggerated na sabi ni Vanessa. Tumango tango naman si Katty.

"Yes. Madalas nga siyang biruin ni James na torpe dahil wala siyang ginagawang action para mapansin ng crush niya."

"Hmm.. napag-usapan din ng ibang mga kaklase natin yan kanina pagkaalis niyo ni Storm, Sunny."

"Anong pinag usapan?"

Curious na ako of course.

"That Storm has an eye for just one girl. At ang alam lang daw nila sa ALA rin nag-aaral ang girl. No one knows kung sino ang crush niya. Only his best friend and him. Matagal na raw pinag-uusapan yan. Syempre, It's Storm Thompson kaya madaming curious."

Tumango tango naman si Katty.

Napaisip ako. He must've like that Girl for a long time. And to think na hindi siya nag-gigirlfriend just for that girl is something to be proud of para sa part ng girl na gusto niya.

"Diba kasama sa SSC si Amber?"

Tumango ako sa tanong sakin ni Katty. Napaismid siya.

"I really don't like her."

"Ohh.. me too."

Wala sa sarili kong sabi. Natawa si Katty.

"Ang bitch niya kasi. At malaki ang pagtingin niya kay Kuya Storm. Inaangkin niya rin kahit wala namang amor sa kaniya si Kuya Storm."

"Wait Kat. Diba transferee ka from abroad? How did you know about these? Sobrang close ba kayo ni Storm as cousins?"

Kuryusong tanong ni Vanessa. Katty just chuckled.

"Yes. Sa kanila ako nakatira. And James Chiu, his bestfriend is my suitor."

Kumalas si Vanessa sa pagkakahawak sa braso ko at tumigil sa paglalakad.

"Huwaaaaat?! Manliligaw mo ang long time crush ko?!"

Ooohhh! Yeah. Before I forgot, Vanessa likes James Chiu so much. Basketball player kasi yun. Isipin mo, madalas na natitirang magkatunggali ang department namin at department nina James Chiu, pero doon siya sumusuporta kina James. Kaya nga gigil na gigil sa kaniya si Kalvin dahil wala daw support tapos yung sinusuportahan pa niya hindi naman daw manalo nalo sa department namin. Obviously, malalim talaga pinanghuhugutan ng inisang Kalvin at Vanessa noon pa man.

Nagulat si Katty sa sinabi ni Vanessa. Kitang kita kay Vanessa ang panlulumo at panghihinayang. I patted her shoulder as if comforting her.

"You like..James?"

Nag-aalangang tanong ni Katty. Nakaramdam ako ng kaba baka mag-away tong dalawang to. Binalingan ako ng tingin ni Vanessa at nandoon ang lungkot.

"Beh, brokenhearted na ako hindi pa man kami...!"

I patted her shoulder again.

"I-I'm sorry Van.."

Malungkot na sabi ni Katty. Vanessa looked at her and pouted her lips.

"Nakakainggit naman kayo! Si Sunny may chance na makasalamuha si James kasi nasa SSC, tinanggap ko yun. Makakasalamuha lang naman pala eh. And Sunny don't like James. Tapos.. ikaw pala dahilan kung bakit hindi na magawang tumingin ni James sa ibang babae!"

Paiyak na si Vanessa. I don't know pero gusto kong matawa. And I realized, Vanessa's feelings towards James was just pure admiration. Crush lang talaga.

"We are actually, childhood sweet heart. James waited for me to come back amd when I did.. Kuya Storm doesn't want us to be in a relationship kaagad kasi I am still young."

Muli akong tinignan ni Vanessa na may pagsusumamo.

"Childhood sweeheart pa nga beh! Anong laban kooooo?!"

Ngumangawa na si Vanessa.

"Ssshhh.. It's okay, Van. Magkaka-crush ka pa."

Biglang lumiwanag ang mata ni Vanessa.

"Ipapaubaya mo ba sakin si Storm. Crush ko din yun eh."

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Pinagsasabi mo?"

Nilingon ni Vanessa si Katty at itinuro ako.

"Kat, ayaw niya ring ipaubaya si Stoooorm!"

Katty laughed. Tumawa na rin si Vanessa. Wait. Mali yata ako ng kinaibigan. Shucks! May mga kaibigan akong baliw!

"Oh please. Tara na bago pa ako ma-late sa trabaho!"

Nauna na akong maglakad at iniwan sila. And then someone grabbed my arms on the left and on my right. I rolled my eyes. Sina Katty at Vanessa. They are still laughing kaya napangiti na lang din ako. Deep inside, I am happy that I have them both. At ang magtalo sa iisang lalaki ang wag sanang mangyari sa aming tatlo.

****

Nasa Mad Cafè na ako. Sina Vanessa at Katty naman ay nasa isang table malapit sa counter at nagbabasa ng libro. Naging tambayan na nila 'to while I am working. The Department Theme Photobooth had been finalized thru GC. Which is good. Storm announced too that starting next week, magsisimula na kami sa pag aayos para sa Welcome Party. Syempre, sa GC niya na ini-announced. That's the advantage of modern technology and advantages of mobiles apps. Hindi na kailangan ang regular meetings personally dahil pwede naman sa GC unless it's big at need ang personal cooperation. Hindi gaanong masasagasaan ang ibang commitments ko outside the school.

Bago ako mag-in sa Mad Cafè nagka-time pa ako to check my messenger account to update myself. Mama chatted me also na Tita Mommy made the remaining engagements na with Ate Janelle. Iyong may-ari ng Condo na bibilhin. Sa saturday sasamahan ako ni Tita Mommy para sa deed of sale and condo keys. Pinipigilan ko lang ang sarili ko right now pero sobrang excited ko. Mabuti na lang nasabihan ako ni Boss na hanggang friday na lang ako sa Mad Cafe since marunong naman na ang kapalit ko. Nalungkot man pero mabuti na rin iyon dahil hindi ko rin magagawang pumasok ng saturday and sunday dahil lilipat na ako by saturday.

Sobrang excited din kanina si Vanessa dahil sinabi ko kaagad sa kaniya nang pumunta siya dito sa counter to order their food. Hinintay niya talagang ako yung nasa counter bago mag-order. Sasamahan niya ako na maglipat. As if. Malamang I need her and Tita Mommy dahil wala naman akong sariling sasakyan at si Tita Mommy ay may sasakyan. Vanessa told me na siya na magsasabi kay Tita Mommy about my plan na magdadala na ako ng ibang gamit by saturday kahit na magpipirmahan pa lang naman. Ayoko kasing magahol ng buong sunday kung pipiliin kong sa sunday pa ako maglilipat. Shucks! Ito yung pinakamahirap na part sa paglilipat, ang magligpit ng gamit at maglipat ng gamit. Buti na lang I didn't much have things in my apartment.

Need ko mag-sign ng contract din with the Condominium Building owners and with Ate Janelle before everything. It will happened on Saturday morning. And after that, pwede na akong lumipat agad agad.

Ang daming pumapasok sa utak ko ngayon na napa-wave na lang ako ng kamay nung magawi ang tingin ko kina Vanessa and Katty na ngayon ay paalis na ng cafè. Pauwi na sila. Mahaba pa ang oras ko dito, might as well gawin ko ng productive dahil malapit na akong umalis. Mamaya pagka-uwi ko aayusin ko na iba kong gamit. Mabuti na lang hindi ako bumili ng mini-fridge dahil yung Condo na lilipatan ko may Fridge na. May washing machine and dryer pa.

"Hi!"

Napalingon ako sa nagsalita at nagulat. It's Storm. Wearing that crooked smile he has. Napangiti ako.

"Hi! Ohh.. what's your order?"

Medyo nawala sa isip ko na nasa Mad Cafè pala ako and Storm is a customer.

Napatingin siya sa menu. Maybe still thinking what he would order.

"Why don't you try our caramel machiatto frappe and our best seller chocolate mocha cake? It's a good combination, honestly."

Pagrerekomenda ko sa kaniya. Actually, iyan ang pinaka paborito kong combo dito sa Mad Cafè. Ngumisi siya sakin.

"Okay. I trust you with that since you are my Jobee buddy!"

We burst in laughter.

"Okaaay! Is that all?"

"Can I order your time?"

Nagulat ako sa kaniyang tanong and he just chuckled.

"Kidding aside. That would be all."

Ngiting hilaw ang naibigay ko sa kaniya pero I managed to stay calm. Ayokong bigyan ng malisya ang kahit na ano. He's just being nice and he likes someone else.

Kinuha ko ang iniabot niyang pera pambayad at ibinigay ko naman ang sukli. He asked me where is the best spot kaya ni-recommend ko sa kaniya ang rooftop pero he disgree. He want something near the counter kaya itinuro ko na lang sa kaniya ang pwesto na madalas piliin ni Vanessa. Tumango soya at pumunta na roon. I saw him looking at the book shelves kaya lumapit siya doon leaving his food sa table. Maybe he wants to read something. Magkaiba ang counter ng Food sa Books. Ini-entertain siya kaagad ng nasa counter doon. Ang kapalitan ko ay wala ngayon. Boss gave her this day as her day-off.

Nagtuloy tuloy ang daloy ng customer and Storm was still there. It's already 7:57pm kaya inayos ko na ang counter. Maaga ang kapalitan ko ngayon. Pwede ako umalis ng eksaktong 8pm. Which is good. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako ngayong araw.

8pm eksaktong umalis ako ng counter at dumeretso ng locker. Nagpalit ng damit at inayos ang uniform ko sa aking locker.

"Sunny.."

Nilingon ko ang tumawag sakin. It's Abby.

"Yep?"

"Out ka na ba?"

Tumango ako and still figuring out at the back of my mind why is she even asking me?

"May nag-aantay yata sayo? Tinanong niya kay Marlene if nag-out ka na."

Napakunot noo naman ako. May nag-aantay sakin? Who? Tumango na lang ako kay Abby at ngumiti.

"Okay. Thank you, Abb!"

"Okay.. ingat!"

At umalis na siya. Naglalakad palabas ng Mad Cafè, iniisip ko pa rin kung sino ang nag-aantay sakin. O talaga bang nag-aantay sakin? O baka tinanong lang where I am? Baka regular customer ko kapag ganitong oras ang shifts ko.

I was out in the Mad Cafè when I saw someone leaning on the side entrance.

"Storm?"

Napagitla siya at saka tumingin sakin. He smiled at me. An awkward smile.

"Hi. Tapos na shift mo?"

"Yeah. Are you the one who's waiting for me?"

Medyo nag-aalangan siya kaya nagtaka ako. Did I assumed na naman ba?

"Oh.. not you? I'm sorry. Sab--"

"I was actually waiting for you."

Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita.

"Oh.. why?"

He's kinda hesitant to speak. Nahihiya? Bakit? I smirked. Lumapit ako sa kaniya and I tapped him arms kaya napatingin siya sakin.

"Come on, jobee buddy. What is it?"

"Did you have dinner na ba? Wanna invite you for a jobee dinner? I'm just craving and it reminds me of you.. so.."

Napatawa ako. Iyon lang pala. This guy. Mag-aaya lang pala ng kabonding sa jollibee.

"Tara. Lilibre mo ba ako? Wala akong dalang pera."

Lumiwanag ang mukha niya as if tuwang tuwa siya na pumayag ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit pumayag ako. Siguro kasi whenever I saw Storm's face, I just can't say no. Seriously, he has that charm that no one can resist. At hindi ko rin alam pero ang gaan ng loob ko sa kaniya.

"Sure. Walang problema as long as sasama ka."

He winked at me. I rolled my eyes at him tapos sabay din kaming natawa. See? We really had this connection that maybe no one will understand except us.

***

He ordered the same food we had at lunch kanina. I don't mind. Though may dagdag lang na apat na peach mango pie that made me hungry even more. Kinuh ko kaagad ang dalawang peach mango pie pagkalapag pa lang ng tray sa mesa namin.

"Well, I assumed tig-dalawa tayo ng peach mango pie?"

He chuckled.

"You can have the four if you want to. Just don't eat my chicken joy!"

Pabiro niyang sabi that made me laugh. Inayos niya ang pagkain na dapat sakin. He opened the gravy for me. I mouthed him thank you and we started eating. As usual tahimik kaming dalawa while eating our food.

"Malapit lang ba dito ang bahay niyo?"

He asked. Tapos na kaming kumain at tanging fries and sundae na lang ang natira and the four peach mango pie na isa na lang. I gave to him. Kawawa naman kasi.

"No. Dalawang sakay pa from here."

"And you're going home around this hour?"

"Yeah. No big deal. It is still early at hindi naman looban ang tinutuluyan ko."

Tumango tango siya.

"Ikaw ba?"

"Ha?"

Balik-tanong niya.

"Malapit lang ba bahay mo rito?"

I asked.

"Oh.. medyo. I did bring my car naman. Nasa may Mad Cafè parking area."

Napa-ohh ako. Malapit ang kasi ang Jollibee na ito sa Mad Cafè and School. Actually dito rin kami kumain ng lunch kanina. Same order. Same pwesto. Hahahaha!

"Hmm.. what are you reading kanina pala? Sa Mad Cafè?"

"It end with us by Coleen Hover."

Napangisi ako. Soft hearted man perhaps?

"So chicklit for a man like you ha?"

Pang aasar ko pero mukhang hindi siya tatamaan. He smirked at me eh.

"This just mean, I'm softhearted."

Tumaas ang kilay ko.

"Really huh?"

He chuckled.

"Ano ba book genres mo?"

He asked. Napaisip ako. Parang wala naman akong genre.

"Nothing in particular, actually. Horror, thriller, fantasy, romance, anything. Basta maganda ang kwento, binabasa ko."

Nakita ko ang amusement sa mukha niya. Na para bang I am one of kind. Inangat niya ang kaniyang kamay and make a fist.

"Book buddy!"

I chuckled. Ginaya ko rin ang ginawa niya and we made a fist bump. Book buddy means we have in common when it comes to books. So he read stories with out genre. He read books because he loves what's inside. Nice. We really have in common.

"Now.. I wanna know your opinion about this. Do you believe in love at first sight?"

Napaisip ako. I never think of that actually. Madalas akong makabasa ng romance stories about a girl or a boy fell in love with someone AT FIRST SIGHT. Pero I never thought it's true kasi hindi pa naman nangyari sakin.

"No. Admiration, yes. But love? I don't think so."

"Why?"

"Dahil hindi mo pa kilala ang tao personally. What if may mga katangian siya na hindi mo pala gusto? O hindi mo magagawang mag-adjust. Masasabi mo lang na mahal mo ang isang tao, kapag nakilala mo na ang taong yun."

Umiling siya. Pakiramdam ko, dito kami hindi magiging buddy. Sa Love.

"Disagree."

Sinasabi ko na nga ba. Di bale buddy ko naman siya sa ibang bagay. Pwede na. Pwede na. Wag lang namin dalasan ang usapan about sa Love, magiging okay kami.

"Why?"

This time ako naman ang magtatanong ng bakit. I am curious about his beliefs.

"It never happened to you kaya for you It is not true."

Tumaas ang kilay ko dahil sa sagot niya. He hit something in me. Pride? Ego?

"How do you say so? Did it happened to you"

At naalala ko yung sinabi ni Katty na meron ngang nagugustuhan si Storm. Naitakip ko ang palad ko sa aking bibig. Naiduro ko siya na kaniya namang ipinagtaka sakin.

"So, it's true?"

Kumunot ang kaniyang noo. Na para bang hindi niya gets ang sinabi ko.

"True what?"

He asked.

"That you have a long time crush? My gahd! Akala ko keme lang sakin nina Van at Katty yun."

"Who's Van?"

"Yan talaga tinanong mo? Hindi yung kung anong sinabi nila sakin?"

Umiling siya.

"Not even interested. I am interested to that Van you said a while ago. Who's Van?"

"Why are you even interested?"

"Is he your boyfriend?"

Hindi ako kaagad nakasagot. The way kasi ng pagkakatanong niya feels like he really needs to know. Natigil din naman siya nung makita niyang natahimik ako. And I don't know but bigla na lang akong tumawa. Si Van? Boyfriend ko?! Shucks! Hahahaha

"No! She's my bestfriend. Vanessa Miller."

Natatawa ko pa ring sabi sa kaniya. Napahagod siya sa kaniyang balikat as if he was emarrassed. Binalingan niya ako ng tingin at natawa na lang rin.

"Okay. Back to what I have asked you. Totoo talaga yun? Na may nagugustuhan ka matagal na? And you're not interested to have a girlfriend because of that girl?"

Halata ang hiya dahil sa pamumula ng pisngi niya kaya hindi ko mapigilan ang mapatawa pa. He hold my wrist na para bang pinipigilan niya akong tumawa kasi hiyang hiya na siya sa sarili niya. Tumigil ako sa pagtawa kaya inalis niya na rin ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Inayos ko ang sarili ko. Though, may mga slip laughs pa coming from me.

"Was that love at first sight?"

Tumango siya.

"Paano mo nasabi eh you doesn't even know the girl, personally."

Yan talaga yung question eh. Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao sa unang kita mo pa lang sa kaniya kung hindi mo naman talaga siya kilala. Wala kang idea. Crush o admiration siguro pwede pa. Pero Love? It's too deep.

"Because I know, I love her. I really can't explain it thru words pero.. I did Love her. This might cringe you but.. the first time I saw her? I wanna claim her as mine."

Natameme ako. Napanganga pa nga eh. As in. I just can't believe na ganun yung nararamdaman niya. Na ganun siya maghayag ng damdamin niya. I feel like I was in a romance story and he's confessing his love to me. Iyon nga lang, hindi ako ang tinutukoy niya.

"Close your mouth. Mapasukan ng langaw."

Ginawa ko naman. Kaya tumawa siya. Ginawa na akong entertainment ng loko.

"Sorry. I was just stunned by your answer. It's too deep."

"Too deep that you might drown?"

Tumango tango ako. I ate some fries. Pampakalma. And to think of another question. Syempre, curious ako.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nagtetake ng action towards the girl?"

He smirked. Napahawak siya sa kaniyang baba at tinitignan ako  na kulang na lang kilatisin kung ano ba ang nasa utak ko.

"Ano pa ba mga sinabi sayo ng pinsan ko?"

Nagkibit balikat ako.

"Yun lang naman. You are liking someone and hindi ka pa nagtatake ng action."

Tumango tango siya.

"I did. She's just too naive."

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shucks! Chismis to. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya. He caught off guard pero hindi naman siya umatras. Parang nasa five inches lang ang pagitan ng mukha naming dalawa.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at inilapat ang hintuturo niya sa noo ko.

"Chismosa ka, Sun. You'll never get more information about my girl other than that. We have to go home. It's getting late."

I pouted my lips. Para akong batang hindi napagbigyan. Pabitin tonh si Storm. Ang duga! Malaking chismis to kina Katty at Vanessa!

"Lat question na laaaaang..!"

"No. Let's go."

"Mauna ka na. Sasakay na ako ng jeep pagkalabas dito. Nasa Mad Cafè kotse mo."

Umiling siya. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko.

"Hatid na kita sa apartment mo. It's late."

Napangisi ako. Tumayo ako kaagad. Syempre! Makakalibre ako ng pamasahe eh.

"Naks! Bait talaga. Salamaaat!"

He just chuckled at my remarks. Whoever that girl is? He's lucky. Mabait na, gwapo pa! Sana all, girl. Sana all.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status