LOGIN‘Pinangakuan siya nito ng kasal at walang hanggang kaligayahan na sa ibang babae nito tinupad…’ Umasa si Quinn Autumn Gonzales na sa pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na nobyong si Reon Nicolo Romanov, ay matutupad na ang mga plano at pangarap nila. Subalit isang araw bago makauwi ang lalaki, nabalitaan nalang niya na namatay ito sa gitna ng misyon nito bilang isang sundalo. Nagdalamhati siya ng labis pero pinilit niya ang sarili na magpakatatag alang-alang sa munting buhay na umaasa sa kanya. Limang taon ang lumipas, nakatagpo siya ng isang lalaking kamukhang-kamukha ng yumao niyang kasintahan—si Dmitri Sandoval. Iisang mukha, subalit ibang katauhan, kaparehong itsura, pero kakaibang boses. At ang mas nagpaguho ng pag-asa niya ay ang katotohanang may pamilya na ang lalaki. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin ngayong muling nabuksan ang sugat ng nakaraan? Tunay nga kayang namatay na ang lalaking minamahal niya o sinadya lang nitong iwan siya para tuparin ang ipinangako nitong kaligayahan sa kanya para sa iba…
View More"Diyos ko! Blackout! Ano ng gagawin natin?!" Nag-aalang wika ng mga mamamayan sa baryo na naroon sa loob ng barangay.Inilinga ni Autumn ang mga mata sa dilim. Kahit na blackout, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagtatahi sa sugat ni Efren at baka maubusan na ito ng dugo."Wala bang generator dito, Kap?" Tanong niya."Wala po, Doc."Nasapo niya ang kanyang noo. Hindi niya lubos akalain na hindi lang aspetong medical ang kakulangan sa lugar na kinaroroonan niya ngayon."May flashlight akong dala. Pwedeng ako na ang mag-aasist sayo habang ginagamot mo si Efren," presinta ni Dmitri.Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang narinig. "That's great! Magsimula na tayo!" Maawtoridad niyang utos.Binuksan ni Dmitri ang flashlight na dala nito. Hindi iyon isang ordinaryong flashlight lang kundi kagaya ng tactical flashlight na ginagamit ng mga sundalo. Pero wala na siyang panahon pa para isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Mas mahalaga ang magamot niya ang sugat sa binti ni Efren.Agad niyang tini
Pagkatapos nilang maghapunan, isa-isa na silang namahinga sa loob ng kanilang silid. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang bag para sana tawagan ang Mommy Adela niya at kumustahin si Neo pero napabuntong hininga nalang siya nang makitang walang signal kaya naman napagpasyahan niyang lumabas ng silid saglit.Agad na bumungad sa kanya ang malamig na panggabing hangin. Inayos niya ang suot niyang makapal na jacket habang naglalakad para makahanap siya ng signal. She's afraid that her son would have a hard time sleeping dahil iyon ang unang beses na hindi siya nito kasama.Habang naglalakad siya, nakarating siya malapit sa may barangay at doon palang nagkaroon ng signal kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina. Mabilis lang din naman siyang sinagot ng ginang sa kabilang linya."Bakit ngayon ka lang tumawag, Autumn! Nag-aalala na ako sayo. Akala ko napano ka na diyan!" Puno ng pag-aalala nitong wika.Mahina siyang natawa bago sumagot. "Relax kalang, Mommy. Maayos naman
Pakiramdam ni Autumn tumigil sa pagtakbo ang oras. Nakatitig siya ngayon sa isang napakapamilyar na mukha. Ang mukhang ilang taon na niyang iniiyakan dahil sa pangungulila."Nicolo..." Mahina niyang sambit, sakto lang na marinig siya ng lalaki.Pero hindi ito lumingon sa kanya at nanatili lang ang atensyon kay Mateo. "Diba sabi ko sayo wag lalabas ng hindi nagpapaalam?" Masuyo nitong sambit."Sorry, Papa. Gusto ko lang ng tutubi kaya takbo ako dito," nakanguso nitong wika. "Galit po ba ikaw?Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Hindi naman. Nag-aalala lang si Papa," anito sabay buhat kay Mateo.At ang mas lalo pang dumurog sa puso ni Autumn ay ang paglapit ni Elara sa lalaki. "Hayaan mo na. Ang importante hindi naman siya napano. Tsaka si Doc Autumn naman ang nakakita sa kanya, at ginamot pa ang sugat niya," anito at iminuwestra ang kinatatayuan niya.Autumn felt like her world began spinning slowly but when their eyes met, she saw no recognition in them. Naaalala pa niya no
Five Years Later..."Mommy, are you leaving na?" Tanong ni ng apat na taong gulang na si Neo.Matamis na napangiti si Autumn bago tumango. Isang buwan palang magmula ng makauwi siya ng Pilipinas. After she got pregnant with Neo, agad siyang nagtungo sa Iceland para doon ipanganak ang anak nila ni Nicolo.Neon is a carbon copy of his father. Sa loob ng mga panahon na lugmok na lugmok na siya dahil sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Nicolo, Neo became her strength and her reason to continue living."Mommy will be gone for days pero I will call you parin. Will it be okay?" Malambing niyang anas habang nasa kandungan niya si Neo.Tumango naman ito at muli ng ibinaling ang atensyon sa laruan nito. Sa loob ng limang taon, tumigil siya sa pagtatrabaho sa ospital at iginugol ang buong panahon kay Neo. Ngayong nagbalik na siya sa Pilipinas, plano niyang bumalik na sa pagtatrabaho sa ospital lalo na't balak ng kanyang ama na ipamana sa kanya ang ospital.At bilang simula, plano niyang magsagawa






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.