Share

VI. Silver

The palace.

The palace is the only place where I can find the answers to my questions, he says. It's possible that they're locking Niko there. The palace is huge enough to have a hidden torture room.

He seems to know who I am too but he didn't show any signs of fear. I think he also knows some things but he wants me to know them by myself.

Just who is he? What are his connections? He's suspicious.

Curiosity kills the cat. It's a phrase that's been used enough to warn other people. What danger could be there at the palace more than them knowing my true identity?

Bigo ang paghahanap ko ng trabaho dahil ani nila'y kulang ang kanilang pera para tumanggap pa ng trabahanteng suswelduhan. Ang iba naman ay kumpleto na ang mga trabahante at wala ng bakante para sa kahit anong posisyon.

Pero napuno naman ang utak ko sa dami ng dapat kong isipin.

"Kumusta?" Salubong agad sa akin ni lola pagpasok ko sa bahay.

"Nagpahinga po ba kayo?" Parang kanina pa siya palakad-lakad dito.

"Paano ako makakapagpahinga ng maayos kung wala ka dito!" Giit niya na parang nasisiraan na ako.

"Ang mahal po pala talaga ng bilihin dito." Sabi ko na lang habang nilalatag sa lababo ang nabiling pagkain.

"May balita ba kay Niko?" Tanong niyang ikinatigil ko.

"Wala po." Hindi niya rin naman magugustuhan kung babanggitin ko ang tungkol sa palasyo.

"Trabaho?"

I bit my lip, it's hard to answer her questions. I always need to be careful.

"Hindi po ako nakatingin kanina ng bakante pero susubukan ko bukas." Nilingon ko siya at nginitian para ialis ang kanyang pag-aalala.

Tinanguan niya naman ako, may tiwala sa sinasabi ko.

Sinimulan kong lutuin ang katiting laman na nabili ko at ang ibang sangkap para roon gamit ang maliit na pugon na ginawa namin noon. Nagawa pa naming paghatian iyon kahit papaano.

Checking the silvers we have left, aabot pa siguro ito ng dalawang linggong pagkain.

But an unexpected visit came early tomorrow morning.

"Rinig kong may bagong lipat dito at tama nga sila, akala mo makakatakas ka sa'kin? Kailangan mong magbayad ng buwis ngayon sa paglipat. Ni hindi ko nga napansin ang biglaang pagbili niyo sa bahay na 'to, e. Inyo ba talaga 'to? Pakita mo na rin ang mga papeles niyo kasama buwis mo para makasiguro ako." Bungad sa akin ng isang lalaking may magarang suot na mula pa ata sa palasyo dahil sa malaki at magarbong karwaheng nakaparada sa likod nito.

"Uhm...wala pa po kaming pera." Ani ko, iniisip na baka okay lang 'yon dahil ang prinsipe nga mismo'y pinautang ako.

Pero nang makita ko ang malapit nang sumabog niyang ekspresyon, nagsisi ako sa sinabi. Kung ibibigay ko naman sa kanya ngayon ang mga natitirang mga pilak namin, wala na kaming pera pambili ng makakain.

"Siya 'yung hinatid mismo rito ng prinsipe." Bulong ng katabi nito sa kanya.

"Pakialam ko?" Diing bulong niya rin pabalik.

Unaware that I can hear them.

"Magkasama mismo sa iisang kabayo."

I coughed the oxygen I just breathe at his last words. Why does it sound like they're putting malice at that? Punuan lang kasi ang karwahe! I need to correct him pero kung sasabat ako malalaman nilang nakikinig ako sa bulungan nila.

"...kahit pilak wala?" The tax collector turned his head at me with suspicious eyes.

"Meron pero–"

"Akin na." Putol niya sa hindi pa naririnig na dahilan ko.

"Magugutom kami kung wala kaming pambili ng pagkain."

"Mas maraming tao ang magugutom kung hindi kayo magbabayad ng buwis ninyo."

"Kakalipat lang namin dito." Pilit ko pa.

"Hay Naku! Hinatid lang dito ng prinsipe nagfifeeling special na. Hoy! Trabaho niya lang 'yon na dapat gawin. At ikaw, ang tanging trabaho mo na lang ngayon ay magbayad ng buwis! Kaya hindi umuunlad ang lugar na 'to dahil sa mga ganitong tao, e."

I wanted to laugh at him sarcastically and mock that no matter how much people pay their taxes right now if they're not using it properly, this place will never grow.

Seeing how many people are living on the cold streets, starving to death. Their eager collection of taxes makes it like they're only cowing them.

I have no choice but to bow down and follow them since I'm not able to do anything by myself.

Labag man sa kalooban, kinuha ko ang kaunti sa natitirang pilak namin. Ang pangdalawahan pa sanang linggong pagkain ay naputol hanggang sa sampung araw na lamang.

"Feronia?" Gising ni lola.

I sighed.

"Ito po." Bigay ko sa kolektor.

"Sigurado kang ito lang?" Taas kilay niya.

Tumango ako. Ang mga mata niya'y dumako sa lola kong sumisilip sa kung anong nangyayari.

"Dalawa pala kayo diyan. Nasaan ang papeles?"

I was pondering to answer because my grandma might hear but if she's going to stay here while I'm away then she also deserves to know.

"Nasa prinsipe."

He clicked his tongue and gave me a smug expression. "Hindi pala sa inyo 'to, e."

Tinitigan niya muna ko mula ulo hanggang paa bago umalis. Nakakapangliit. I haven't even changed and bathed for two days while facing his expensive clothing.

"Anong papeles ang nasa prinsipe? Sino ang mga 'yon?" Nag-aalalang tanong ni lola matapos kong isara ang pinto.

"Nakapagpahinga ba kayo ng maayos, la?" I smiled at her despite my crumbling insides.

"Sagutin mo 'ko." She ordered sternly.

"Tax collector." Pag-amin ko.

Her eyes shook.

"And the papers they're talking about?"

"The title of the house."

"Bakit nasa prinsipe?" Gulat niya.

"Hinayaan niya tayong patirahin dito bilang utang pansamantala. Don't worry lola, kapag nakaipon na 'ko mababayaran ko naman siya." I reassured her. "Bibili muna ko ng almusal natin ah? Huwag mo ulit bastang bubuksan ang pinto hanggat wala ako." Paalam ko ngunit plano ko ring maghanap ng trabaho nang maigi.

"At ang trabaho mo?" Habol niya.

Iyon nga ang pakay ko.

"Huwag kayong mag-alala." Tanging sabi ko bago lumabas.

I tried looking further for any job applications pero walang kahit sino ang tumatanggap. Sinubukan kong muli puntahan ang ibang mga napuntahan at halos magmakaawa nang tanggapin ako kahit kalahati lang ng normal na sweldo ang matatanggap ko.

"Subukan mong mag-apply sa palasyo. Kumukuha sila ng mga katulong ngayon, malay mo suwertihin ka roon." Tanging nasabi sa'kin ng may-aring pinagmamakaawan ko ngayon.

"Naku! Mas mahirap makapasok doon. Bibihira ang tiyansang mapili siya roon, sa dami ba namang nag-aapply makapasok lang doon!"

"Paano ba naman, ang taas-taas ng pasahod doon kaysa sa pasahod dito, e!"

"Ano pa bang aakalain mo? Palasyo 'yon, e."

I was offered a job there though.

Thinking about it, ilang ikot na ang nagawa ko kahapon at ngayon pero wala pa ring tumatanggap sa akin kahit isa. May offer akong trabaho na mas mataas pa ang pasahod kaysa sa mga pinupuntahan ko pero pinagsasawalang-bahala ko lang dahil ayaw ng lola ko.

Pero kung hindi ko tatanggapin 'yon, wala kaming magiging panustos sa bahay, buwis, at pagkain namin. Sampung araw na lang ang aabutin ng mga pilak namin, kung makapagtrabaho man ako ngayon kailangan pang maghintay ng ilang araw para sa unang pasahod. I can't waste any more time.

One more thing is that maybe I can get closer to where Niko is.

Pagkatapos bumili ng almusal naming pagkamahal-mahal, dumiretso na 'ko pauwi. Buo na rin ang desisyon sa utak ko.

"Feronia? Kumusta? Meron na ba?" She's pertaining to my job hunting.

Kinuha niya ang dala kong pagkain at siya na mismo ang naghain nito para sa amin habang ginagabayan niya kong maupo dahil siguro kita niya na rin sa mukha ko ang pagod ko.

She looks anxious so I feel guilty telling her about my decision. Kung himdi ko naman sasabihin o ang magsinungaling na lang na 'oo tanggap ako sa ibang lugar bukod sa palasyo pero kailangan ko pa rin lumayo', mas nakakaguilty rin 'yon.

So I'll tell her now.

I nodded at her question. Her eyes glistened with joy and hope.

"Anong trabaho?"

"A maid."

She smiled excitedly. "Saan? Mabuti ba ang magiging amo mo? Nakita mo na ba sila? Sila ba ang nakausap mo mismo? Tumatanggap ba sila ng kaedad ko at baka makatulong ako sa'yo. Magtatrabaho rin kamo ako roon para mas maraming katulong, kaya ko pa naman ang gawaing bahay." Tinaas niya ang braso niya at pinalo ito, pinapakita sa akin na malakas nga siya.

"Hindi na kailangang dalawa tayo ang magtrabaho roon, lola. Mataas naman ang pasahod nila, e." I smiled at her faintly, still nervous to answer so I'm taking my time.

"Talaga? Oh edi mas mabuti ng tayong dalawa ang magtrabaho para doble ang taas!" Aniya sabay palakpak ng kamay na para bang may naisip siyang magandang ideya.

"Sino na lang ang maiiwan at mag-aalaga rito sa bahay?" Sabi kong nangingiti pa dahil sa tuwa ni lolang unti-unting nawala dahil sa tanong ko.

"Hindi naman sa atin ito, e." She shrugged.

"But it will be ours soon." I also shrugged at her, talking about the large salary I will have once I work and get paid.

Kinunot niya ang noo niya sa tanong na gustong malaman. "Saan ka ba magtatrabaho?"

"...Sa palasyo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status