Share

V. Curiosity Kills The Cat

Nang magtama ang mata namin nang natatarantang lola, agad siyang lumapit sa'kin. Pero nang mapagtanto niyang kalmado lang akong nakatayo sa harap ng pinto ng isang hindi kilalang bahay, bumagal ang paglakad niya papunta sa akin at kinunot ang noo.

"Anong ginagawa mo riyan?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Dito tayo maninirahan mula ngayon, Lola." I showed her the key I'm holding.

"Dito?" Her eyes became wider whilst her neck started to stretch to peek inside.

Sabay kaming pumasok sa loob, ang mga kumpulan naming gamit ay nakatabi na nang maayos sa may gilid.

Nang nagsilabasan na ang mga kabalyero, tsaka ko lamang napagtantong paalis na rin sila.

"The papers of this house are still in my keep, I'll give it once you fully pay your debt." Prince Castellan told me while he's busy fixing his horse.

"Kailan ang due date?" Sana naman nakahanap na ko ng trabaho't nakapag-ipon na ng panahon na iyon para kung ilang daming ginto man ang babayaran ko, may pangdown payment naman ako kahit papaano.

"...There's no due date."

"Huh?" Did I hear him right? Anong utang ang walang due date? Nanlaki ang mata ko sa napagtantong sitwasyon. "May interest?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko, hindi sumagot agad. Sabi ko na nga ba, kung walang due date ang utang, palaki naman nang palaki ang interest. Paano kung hindi ko mabayaran ang lahat ng 'yon? Kasama pa ang buwis na tinutukoy niya.

"Wala." Bago pa lumalim ang iniisip ko, sinagot niya na ang kaninang tanong. "Gusto mo ba?"

Agad akong umiling.

For a prince who doesn't care for his suffering people in front of him, I don't know how to think about this.

It's maybe he thought I'd easily accept the job offer at the palace?

Kung makakahanap ako ng ibang trabahong malapit lang sa lola ko at hindi niya ikapag-aalala, 'yon ang pipiliin ko.

"May kailangan pa ba kayo?"

Agad muli akong umiling sa tanong, masyado ng marami ang nagawa niya para sa amin. Kung malaman niyang isa kaming lobo, ano na lang kaya ang magiging ekspresyon niya?

"We are very honored for your great blessings, your highness." I bowed my head.

Tumango siya at sinenyasan na ang ibang mga kabalyero sa kanilang pag-alis.

"I'm looking for our meeting at the palace, Feronia Ellis." Sakay niya sa kanyang kabayo at umalis kasama ang mga kabalyero, leaving me stunned.

He knows my name?

...He's in charge of us who live in the west after all.

Matapos ang kanilang pag-alis ay tsaka ko lang naalala ang cloak na pinahiram niya sa akin. I guess he doesn't mind because he keeps on looking forward for our next meeting at the palace.

Pagkapasok ay inasakiso ko na ang mga gamit namin para ilagay sa tamang lugar na nasimulan na ni lola Helene.

Sinadya kong unahin ang magiging higaan ni lola para makapagpahinga na siya dahil sa mahabang biyahe.

"E, ikaw?" Tanong niya sa'kin.

We still have some silver we kept for a long time, it's enough for me to buy some food for us in the meantime.

"Hindi pa po kayo nakakakain diba? Pupunta muna po akong bayan para bumili nang makakain." Sabi ko na agad naman niyang pinigilan.

"Hindi pa ko gutom at isa pa, nasa kabisera tayo 'di ba? Mapanganib sa labas, nakuha na nga nila si Niko."

I tried to hold her cold hand that's stopping me using my left hand.

"Iyon na nga lola, e. Nakuha na nila si Niko. Noong kailangan natin ng tulong hindi ba si Niko ang laging nandiyan para sa'tin? Ngayong kailangan niya tayo, ngayon pa ba tayo matatakot?" Binaba ko rin ang kanang kamay ko para hawakan ang kanya. "Hindi ako magtatagal, aalamin ko lang kung nasaan siya habang bumibili ng pagkain natin. Hitting two birds in one stone ba?" I laughed but she didn't.

After convincing my still unsatisfied grandmother to rest, I told her to lock the door and never open them because I have the key with me.

Ipapaduplicate ko na rin ang susi kung may matitira man na pilak sa dala ko.

I tried to remember the paths I take para hindi ako maligaw sa paghahanap ng bayan. Although, I have a good sense, mas mabuti ng sigurado. I also start to activate my senses early dahil parami na nang parami ang mga nagkukwentuhan sa paligid tungkol sa pagdating ng prinsipe at ang lobo na nahuli nila galing kanluran.

"Dumating ang prinsipe kanina! Nakita mo?"

"Mas napapadalas na ang pagpapakita niya ngayon, 'no? Kung dati halos itago na buong pagkabuhay niya."

Totoong naging kilala rin ang Castellan sa pagtago nang tagapagmana ng trono hanggat hindi pa ito tumutuntong sa legal na edad nila, ang ibang anak ng nasa trono ngayon na hindi naging wagi sa pagkuha ng titulo ng tagapagmana ay isasawalang bahala kung wala itong naging kahit anong talento man lang na naipamalas. Kung meron, maaaring ilagay sila sa listahan ng mga kabalyero ngunit hindi sila kikilalaning anak ng nasa trono.

Alam ko ang ganitong kalakaran dahil sa aming angkan nagsimula ang ganitong pag-eensayo sa pagkuha ng titulo ng isang Alpha.

Pero hindi ito ang nais kong marinig galing sa kuwentuhan nila.

"May mga lobo pa rin pala ngayon 'no?"

Ayan! Ayan ang gusto kong marinig.

Ayaw ko siyempre ang isipan na nahuli nila ang kaibigan ko, pero wala na kong magagawa sa nangyari na. Ang tangi ko na lang dapat gawin ay mangalap ng impormasyon kung saan nila siya maaaring kinulong. Because I know for sure he's still not dead. My instinct is telling me he's alive.

"Oo, sa kanluran nila nakuha. Kung hindi 'yon sumuko hindi pa natin malalamang may nagtatago pa rin na katulad nila."

"Kaya pala grabe na lang ang paghihirap natin ngayon. Siguro kapag naubos na nila ang mga hayop sa bawat gubat dito sa lugar natin, tayo na ang bibiktimahin ng mga 'yan sigurado ako."

I frowned at their judgements. Grabe naman kung makapagsalita ang mga ito, choosy rin kami sa pagkain 'no?

I stayed there for a while pero agad ding umalis nang mapansing hindi naman nila pag-uusapan kung saan dinala si Niko. Puro usapan tungkol sa kasamaan daw namin na hindi pa namin nagawa sakanila kahit kailan, patay na sana siya ngayon kung ganoon.

Dumiretso na ako sa kung saan may nagbebenta ng mga nakakatay ng mga hayop kaso papalapit pa lang ay humalimuyak na agad sa aking ilong ang amoy nang nagkalat na sariwa pang mga dugo.

Matagal ko nang kayang magpigil sa mga ganitong bagay. Sa tuwing may nahuhuling hayop si Niko, sinasanay namin ang pagpipigil sa lobo naming madalang lang naming pinapakain. Para na rin 'yon makontrol namin nang maayos lalo kapag nagpipilit itong lumabas.

Activating my senses here will be a big trouble so I have no choice but to shut it.

In the end, wala kong nakuhang impormasyon sa pamilihan, hindi pa ko makakapagduplicate ng susi dahil ang mahal ng bentahan nila ng pagkain.

Kailangan ko na rin maghanap agad ng trabaho.

While looking for a job, I found myself looking inside a small public library. If it's a library then there should be some newspapers here that have been issued before, right? I'll try to look for the newspaper issued today first and if there's no mention of where they keep Niko there, I'll proceed to those that are issued three years ago.

"Excuse me, where's the news section?" I asked the librarian.

The old man stared at me behind his glasses before pointing to a place.

"Thank you." I replied before going to the section he pointed to.

Nakita ko sa may gilid ang isang lalagyanan kung nasaan ang mga pahayagan at agad kinuha ang isa sa mga naka-isyu ngayon. Hindi na ko lumipat pa sa may lamesa at naupo na lang sa harapan ng mga pahayagan na iyon.

May balita nga tungkol sa pagkahuli ni Niko pero walang nakalagay kung saan nila kinulong. Ang sabi lang dito na ang palasyo na ang bahala sakanya at sa iba pang mga nagtatagong katulad niya.

Sinubukan kong tignan ang ang seksyon ng mga diyaryong naka-isyu noon pa at sa nagdaang tatlong taon pero mas lumalala lang ang takot ko dahil sa dami ng bilang na nahuli nila. Pero hindi nila binabanggit kung saan kinulong o inilibing man lang ang mga nahuli.

"Nasa palasyo mismo."

Muntikan ko nang mapunit ang hawak kong diyaryo dahil sa biglaang pagsalita ng librarian sa likod ko.

"P-po?" Paglingon kong tanong.

Nakita kong nakatuon ang mga mata niya sa mga pahayagang kinalat at binuklat ko kaya agad ko iyong hinablot at pinagsama-sama gamit ang nanginginig na kamay. Nakita niya? Paano kung pagsuspetyahan niya ko't isumbong?

"Hindi ba may hinahanap ka?"

"Nakuryoso lang po ako sa nahuli nila, hindi ko inaakalang may ganoon po pala talaga." Paliwanag ko agad ng hindi niya tinantanan ang pagtitig sa nililigpit ko ng mga diyaryo.

"You need to be more cautious if you're eager to feed your curiosity." Aniya at nilipat ang malalim na titig sa akin. "Hindi pa kita nakikita hanggang ngayon, bago ka lang dito?"

"Opo." Sagot ko agad na ikinangiti naman niya na parang alam na niya agad ang pinanggalingan ko kaya hindi na nagtanong pa.

"Being curious about things is nice so I'll give you a hint. The answers to your questions reside solely at the palace but remember..." He stopped purposely as if wanting me to remember his words clearly. "They will know your every move if you're not cautious." He then shrugged. "As they say, curiosity kills the cat."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status