PAGDATING ko sa aking opisina ay halos mahimatay ako sa ga-bundok na tambak ng papel sa aking mesa. Kaya naman parang gusto ko na tuloy pagsisihan na pumasok pa ako ngayon.
Napakamot na lang ako sa aking batok at kapagkuwa'y tinatamad akong umupo sa aking swivel chair. Inisa-isa kong tingnan ang mga papeles at halos hindi ako magkandaugaga kung alin ba ang dapat kong unahin sa mga 'yon.
"Hay naku! Salamat naman at sa pagkakataong ito ay legit na ang mga sinabi mo!" Bulalas ni Beberly na hindi ko man lang namalayan ang kanyang pag pasok.
"Tsk! Manahimik ka na lang kasi. Sige ka, baka mausog pa ang kasipagan ko ngayong araw." Pabirong sagot ko rito.
"Oh, ayan, kape! Para ganahan kang mag trabaho." Nakairap na saad ng sekretarya ko.
"Nagkape na kami nina Wesley." Pasimple ko siyang sin
TUWING umaga ay nakasanayan ko na ang dumiretso sa restaurant ni Iñigo. Ewan ko ba, pero sa araw-araw na ginagawang pag-iwas saakin ni Thana ay mas lalo lang akong ginaganahan na suyuin siya. Ilang beses ko na rin na ipinangako sa aking sarili na kailanma'y hinding hindi na ako magmamahal ulit. Subalit heto at nagpapadala na naman ako sa tukso.Kanina pa akong nakaupo sa pang dalawahang mesa na ito, ngunit walang Thana na lumalabas. Baka nainis na rin ito sa araw-araw kong pangungulit kaya't ngayon ay tinaguan niya na ako."Sir, ano pong order niyo?" Anang isang waitress na may taglay rin na kagandahan."Is it okay if si Miss Thana na lang ang mag-serve sa'kin?" Nahihiyang pakiusap ko dito."Ay, sige po sir! Sasabihan ko po siya." Nakangiting sagot nito na kaagad rin akong tinalikuran.Maya-maya lang ay si Thana nga ang bumalik. Malayo pa man ay tanaw na tanaw ko
ISANG linggo na rin buhat ng huli kaming mag-usap ni Thana. Simula kasi ng nakawan ko ito ng halik sa labi ay hindi na ako nito nagawang pansinin pa. At hindi niya na rin ako inaasikaso tuwing pupunta ako sa restaurant ni Iñigo."Hoy kuya! Ang lalim na naman ng iniisip mo!" Sita sa'kin ni Molly, isang umaga habang sabay kaming nag-aalmusal sa condo niya."Huh? Ano kasi, may naalala lang akong gawain ko sa office." Palusot ko. Napakamot pa ako sa aking ulo habang nag-iisip ng idudugtong ko."Sus! Kunwari ka pa! Naalala mo lang si Thana eh." Pang-aasar ni Molly. "Thana is so damn sexy and gorgeous 'diba kuya?" Pangungulit pa nito.Bahagya lang akong tumango, ngunit hindi pa rin ito nakuntento. Pinilit pa talaga ako nitong magbigay ng komento tungkol sa papuri niya kay Thana."Ano, pag tango lang talaga? Hindi mo man lang dudugtungan ang papuri ko?""Tsk! Anong
NASA kalagitnaan ako ng meeting, nang bigla na lang tumunog ang aking cellphone. Kinansela ko ang tawag na iyon ng makita kong pangalan ni Tiffany ang nakarehistro sa screen. Subalit paulit-ulit pa rin siyang tumatawag. Kaya naman napilitan na lang akong lumabas at sagutin 'yon. "Oh!" Naiiritang panimula ko. "Are you out of your mind?" Singhal niya, dahilan upang halos mabitawan ko ang aking cellphone. "Bakit mo ba ako sinisigawan?" reklamo ko. "Eh bakit kasi pumayag kang maging model ang haliparot na waitress na 'yon?" Nanggagalaiti niyang tanong saakin na si Miss Thana ang tinutukoy. "Tsk...alam mong hindi ako ang magdedesisyon niyan. At mas lalong hindi ako ang namamahala ng clothing enterprise. Alam mo naman siguro na si Molly ang boss niyo at hindi ako di'ba?" Seryoso kong pahay
PAREHO kaming walang kibo ni Thana habang lulan sa aking sasakyan. Ilang beses ko pa siyang sinulyapan para sana makakuha ako ng buwelo na kausapin siyang muli. Subalit nanatiling nakatuon sa labas ang kanyang atensiyon kaya naman nag-aalangan tuloy akong magsalita.Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot at napansin kong tila mas lalong naging malungkot pa ang awra ng kanyang mukha. Kaya naman mas lalo lang akong nawalan ng pag-asang makausap siya ng masinsinan."Uhm, sir... dito na po ang bahay namin." Aniya na halatang bigla itong naging balisa. "Salamat na lang po sa paghatid. Babawi na lang po ako sa susunod sir." Dagdag pa niya na hindi magkandaugaga sa pagbukas ng pintuan ng aking kotse."Hey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko matapos niyang makababa ng sasakyan."Okay lang ako sir." Nakayuko niyang pahayag."Hindi ka okay! Kan
KINABUKASAN ay maaga akong pumunta sa restaurant ni Iñigo. Nagulat pa ako ng maabutan ko ang tatlong baliw kong kaibigan."Hey buddy!" Sabay-sabay nilang bati saakin."Can i talk to Thana?" Bulong ko kay Iñigo nang makaupo na ako sa tabi niya."Hindi 'yon papasok ngayon." Aniya na bahagya pa akong siniko.Bigla akong nanlumo. Marahil ay nagbibiro lamang pala ito kagabi na makikipag-usap sa'kin ngayon."Hoy! Ba't mukhang biyernes santo na naman 'yang mukha mo buddy?" Sita sa'kin ni Aston."Oo nga bud! May problema ka ba?" Segunda ni Wesley na kasalukuyang ka chat si Beberly. Sa kabila ng kalungkutan ko ay talagang nagawa ko pang ngumiti ng masulyapan ang kanilang conversation. Nakakainggit lang na kahit madalas silang parang aso't pusa sa personal ay nagagawa din pala nilang maging malambing sa isa't-isa tuwing sila ay magka-chat."
"CONGRATULATIONS sir!" Masiglang pagbati saakin ni Beberly na sinabayan pa ng pagpalakpak matapos mailapag sa mesa ko ang isang tasang kape."Why did you congratulate me?" Kunot noong tanong ko sa kanya.Nakapamaywang na humarap ito saakin at humagalpak muna ng tawa bago sinagot ang aking tanong."Well, the first reason is nakumpleto mo ang five days na pagpasok sa opisina. Pangalawa, lahat ng meetings mo ay nakapag-attend ka. At pangatlo, natapos mong pirmahan ang lahat ng papeles na nakatambak diyan sa mesa mo!" Mahaba niyang paliwanag, dahilan upang ako ay matawa."So, naniniwala ka na bang masipag ang boss mo?""Hindi!" Giit niya. "Inspired ka lang this week kaya ganado ka magtrabaho." Nakairap nitong sagot."Sus! How about you, inspired ka lang din ba this week kaya hindi masyadong huma
ILANG araw ng naka-confine sa hospital ang kapatid ni Thana. At habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lang na lumalala ang kondisyon nito.Ilang gabi na rin akong walang maayos na tulog dahil palitan kami sa pagbabantay sa kapatid niya. Kaya naman heto at para akong lasing na pasuray-suray habang naglalakad."Sir, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong saakin ni Beberly."Yeah, kulang lang siguro ako sa kape.""Sus! Baka sa tulog. Paano kasi ay para kang pusang naglalampong sa gabi." Natatawa niyang sambit."Tsk! Ang dami mong alam. Ipagtimpla mo na nga lang ako ng kape.""Okay." Kaagad itong tumalima ngunit nanatili pa rin'g nakangisi.Habang hinihintay ko si Beberly ay naisipan kong kumustahin si Thana, kaya't nagmamadaling kinuha ko ang aking cellphone.Tatlong beses na itong nag-ring subalit wala pa rin'g T
NANG makabalik ako sa opisina ay itinuon ko na lang ang buong atensiyon ko sa mga papeles na naroon sa mesa. Ni-hindi ko man lang nga nagawang hawakan pa ang aking cellphone hanggang sa sumapit ang alas singko.Balak ko sanang mag-over time subalit naisipan kong umuwi na lang sa aking condo upang makapagpahinga at makatulog rin ako ng maayos.Dali-dali akong nagligpit ng aking mga gamit ngunit bago pa man ako matapos ay dumating naman si Molly."Ano na naman?" May bahid ng iritasyon na tanong ko sa aking kapatid."Naku! May regla ka pa rin? Kaninang umaga pa 'yan ah!" Pang-aasar niya saakin."Molly, kung mang-aasar ka lang ngayon, puwede bang bukas na lang? Marami akong iniisip ngayon kaya huwag ka ng dumagdag pa.""Tsk! Wala akong balak mang-asar. Actually, balak kong sumabay sa'yo pauwi. At do'n muna ako magpa