Naging emosyonal si Clara nang mag-positive ang result ng PT niya. Masaya siya na malungkot. Ewan ba niya pero kapag naiisip niyang hindi siya ang magpapalaki sa bata pagkalabas nito ay nasasaktan siya. "Hindi mo anak ang nasa tiyan mo. Surrogate mother ka lamang ni Beatrix upang hindi masira ang katawan niya. Wala kahit isang patak ng dugo mo ang nanalaytay sa ugat ng batang nabuo sa iyong tiyan." Naalala ni Clara na turan ni Lita sa kaniya kanina.Napabuntong hininga si Clara. Kahit hindi siya ang ina ng bata ay nalulungkot pa rin siya. Siyam na buwan niya ring dadalhin sa sinapupunan ang bata kaya parang anak na rin niya ito kahit hindi niya dugo.Kung ano ang set up nila noong una ay ganoon pa rin sa tuwing kailangan ni Beatrix magpa check up. May katulong pa siyang kasama na umaalalay sa kaniya upang masiguro na maayos ang pagbubuntis niya. ...Napatingin si Aldrin sa larawang pinadala ng ina. Walong buwan mahigit na rin ang nakalipas at malaki na ang tiyan ni Beatrix. Ayaw ma
."Inay, please gumising po kayo at lumaban! Sorry kung napabayaan ko kayo. A-ang sabi nila ay ipapagamot ka nila kapag nagawa ko ang pinagagawa nila sa akin. Pero bakit nagkaganito ka, inay?" Nakagat ng ni Tasya ang loob ng labi at naiiyak sa nakikitang eksina. Nangininginig ang mga kamay ng dalaga habang hinahaplos ang pisngi ng ina nito. Kahabag-habag itong tingnan bukod sa ina nitong nanatiling nakapikit lang ang mga mata.Hinalik-halikan ni Clara ang pisngi ng ina habang yakap ito ng mahigpit. "I-inay, pupuntahan ko sila at singilin. Hindi maari itong ginawa nila sa iyo! Hindi ako papayag na hindi ka nila ipagamot ng maayos." Umiiyak niyang paalam sa ina."Miss, huminahon ka at baka maapiktohan ang pagbubuntis mo." Concern na paalala ni Tasya sa babae."Sa-salamat, maniwala ka at sa hindi ay ginagawa ko ang lahat upang gumaling ang nanay ko. Pero dinaya nila ako!" Naikuyom ni Clara ang kamao at galit sa pamilya ni Beatrix. "Sorry sa mga nasabi ko kanina. Sobrang naaawa lang kasi
"Mom, baka may makakita sa amin na magkasama." Rekalmo ni Beatrix sa ina."Huwag nang maraming tanong at arte, sumama ka na ngayon din sa hospital!" May kasamang gigil at pinandilatan niya ng mga mata ang anak.Padabog na sumunod na lamang si Beatrix sa ina. Nauna na si Clara sa sasakayn at nagtabi sila sa upuan.Napahinga nang malalim si Clara nang biglang parang sumipa ang bata sa loob ng sinapupunan niya. Mukhang ramdam ng bata ang badarama niya ngayon bilang ina nito. Pagdating sa hospital ay nakita ni Clara na kinausap ni Lita ang isang doctor. Hindi niya alam kung ano ang pinag uusapan ng mga ito. Umaasa siya na para iyon sa kaniyang ina. Pumasok siya sa silid ng ina at walang ibang tao roon. Muli siyang napaluha at hinaplos ang pisngi ng ina."A-anak..."Gulat na napatingin si Clara sa ina nang marinig ang tinig nito. "Inay? Mabuti naman po at gising na kayo. Sorry kung ngayon ko lang kayo nadalaw!" aniya habang hinahaplos ang pisngi ng ina."A-anak, alagaan mo ang anak mo."
Hinang-hina na si Clara at gustong sumuko. Pero kapag naiisip niya ang ina ay naisip niyang kailangang lumaban. Kailangan niyang mabuhay para sa ina.Sa silid ng ina ng ina ni Clara ay pilit na bumabangon ng ginang ngunit hindi magawa. Naninikip na rin ang dibdib nito at halos hab na ang sariling paghinga."Manang, huwag niyo pong pilitin." Nag aalalang pigil ni Tasya sa ginang. Narinig niya ang lahat na nangyari kanina at awang-awa siya sa mag ina."I-ineng, parang awa mo na.... tu-tulongan mo ang anak ko!"Naiiyak nang hinawakan ni Tasya ang nanlalamig na palad ng ginang. Ilang minuto na lang ay tapos na ang oras ng trabaho niya. Ngunit parang hindi niya kayang iwan ngayon ang ginang at nagmamakaawa sa kaniya."Ku-kunin mo ito. I-iligtas mo ang apo at anak ko. Ha-hanapin ang taong iyan upang ma-tulungan na-niya ang anak ko."Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang kapirasong papel na hawak ng ginang at may iba pang kasama iyon. Agad niyang ibinulsa iyon kahit hindi pa nakikita ang
Nakahinga nang maluwag si Tasya nang maluwag si Tasya nang sabihin ng doctor na ligtas na ang baby pero naka oxygen. Si Clara ay nanatiling tulog at naging critical ang condition. Makalipas ang tatlong oras ay saka lang nagising si Clara. "Nurse, kumusta ang anak ko?" nanghihinang tanong ni Clara."Maayos na ang kalagayan niya pero kailangan niyong dalawa manatili ng ilang araw dito."Naluluhang nagpasalamat muli si Clara sa nurse. Utang niya ang buhay dito ngayon at sa anak niya."Magpalakas ka at tutulungan kita abot sa makakaya ka." Ngumiti si Tasya sa dalaga."Ang nanay ko?" Nakabikig ang lalamunan niya at pilit pinipigilan ang pag iyak."I'm sorry, pero mas pinili ng nanay mo na kayo ang unahin kong tulungan. Huwag kang mag alala at aalamin ko ang kalagayan niya mamaya."Mariing nakagat ni Clara ang labi upang pigilan ang mapaiyak nang husto. Kumikirot ang masilang bahagi ng katawan niya kapag gumalaw siya. "Please, puntahan mo si Nanay. Ayos lang ako dito."Napilitan si Tasya n
Galit na minura ni Lita ang nurse na lalaki na siyang nagdala kay Clara sa abandunadong silid nang malamang nawawala ito. Hindi niya akalaing makaya pa ng babaeng tumakas gayong hinang-hina ito kanina. "Ma, kalma. Kahit lalabas siya upang gumawa nang gulo ay mahirapan siyang patunayan na siya. Isa pa ay hindi niya maisip na angkinin ang bata dahil ang alam niya ay surrogate mother lamang siya." Napabuga ng hangin sa bibig si Lita at tumango-tango sa anak. Tama ito, isa pa ay mahirap lamang ang babae. Mas unahin nitong iligtas ang sarili at baka maisip pang magpakalayo at takot na sa kaniya. Kapag nagpakita man ito, siguraduhin niyang mapatahimik niya ito bago pa makakanta. Sa kabilang hospital, napahagulhol ng iyak si Clara nang malamang patay na ang ina. Sobra siyang nanghina at parang wala nang lakas upang ipagpatuloy ang buhay. "Mga hayop sila! Mga walang puso, paano nila ako nagawang lokohin sa kabila nang ginawa ko sa pamilya niya?" Naaawang hinaplos ni Tasya ang braso ng
Pagkahatid ni Dean kina Clara sa bahay ni Tasya ay tinulungan pa niya ito hanggang makapasok sa loobng bahay."Dean, maraming salamat at naiuwi ko na rin ang anak ko!" Muling pasalamat ni Clara sa kaibigan. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang manganak siya.Nakangiting tumango lang si Dean sa dalaga bago sinilip ang natutulog na bata. Mula nang dinalaw niya ang mga ito sa hospital ay ngayon lang ulit niya nasilip ang mukha ng bata. Naging abala kasi siya sa pag aaral lalo na at lilipat siya sa ibang bansa."May problema ba?" tanong ni Clara sa binata nang mapansin na nakatitig ito sa anak niya."Ang cute ng anak mo. Tiyak a maraming babae siyang mapaiyak paglaki niya." Pabirong sagot niya sa dalaga. Napangiti si Clara at hinawakan ang munting daliri ng anak. Napaisip siya bigla kung kamukha ba ng isa pang anak ang nasa kaniya ngayon. Kahit surrogate mother siya ay parang sariling anak niya ang bata kaya ayaw niyang mapunta ito kina Beatrix. "Clara, hindi mo ba talaga kilal
Napaluha si Clara matapos mabasa ang unang pahina ng diary ng ina. Nakasaad doon ang mga paghihirap ng kalooban nito dahil nagmahal ng lalaking hindi ito mahal. Sa una ay naaawa siya sa ina pero nang mabasa pa ang ibang pahina ay kinabahan siya. "Lalo akong natakot mag asawa pa nang umuwi isang gabi ang kapatid ko. May dalang bata at may mga pasa sa mukha." Naitakip ni Clara ang palad sa bibig upang pigilan ang pag alpas ng hikbi sa kaniyang lalamunan. Parang bigla siyang natakot sa mga sunod pa nitong sasabihin.Nanginginig ang mga daliri at pilit na binuklat muli ang isa pang pahina. "Tinulungan ko ang kapatid ko na makapagbagong buhay kasama ang bata na akala ko ay anak niya." Mabilis niyang pinunasan ang luha sa mga mata at halos nanlabo na ang mga jata niya. Kailangan niyang tapusin ang pagbabasa sa diary ng kinalakhang ina. Matapos mabasa ang buong diary ay nanghihinang nabitawan niya ang maliit na notebook. Umiiyak na dinampot ang larawan ng isang pamilya at alam niyang siya