Share

CHAPTER 2: IF YOU WANT ME, THEN MARRY ME

Aiana’s Point Of View.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Sir Zhenrix. Basta ang alam ko lang ay kanina pa ako nakakaramdam ng init sa katawan ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko iyon— na sa bawat pagdikit ng maseselang parte ng katawan ko sa isang bagay ay kaagad na nagre-react ito ng kakaiba.

Binuhat ako ni Sir Zhenrix na pa-bridal style. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa kaniyang mga braso dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ko. Nakakapaso ang pagdikit ng mga balat namin, ngunit nagdudulot ng sarap.

“You can stay here as long as you want.” sambit nito nang ibaba ako nito sa malambot na kama.

Naaninagan ko pa na kinumutan ako nito ngunit kaagad din akong bumangon at hinila ko ang damit niya kaya't napalapit siya sa akin.

“What are you doing woman?” tanong ni Sir Zhenrix sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

“S–Samahan mo 'ko… Dito ka muna sa tabi ko…”

“Alam mo ba ang hinihiling mong mangyari?”

“P–Please… N–Naiinitan ako… mainit ang pakiramdam ng buo kong katawan…”

Niyakap ko ito mula sa leeg nito, habang nakatukod ang kamay nito sa kama. Ramdam na ramdam ko ang hiniga nito sa aking leeg dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

“Dahil 'yan sa pagkalasing mo, you should drink cold water—”

“No. Iba 'yung init, parang… I want you to kiss me… I want you to touch me…”

Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi, pero iyon talaga ang nararamdaman ko. That's what my body wants.

“Fvck!” mura ni Zhenrix nang tila may ma-realize ito sa kaniyang sinabi. Kaagad na inalis nito ang aking mga braso na nakapulupot mula sa kaniyang leeg. “I am not the kind of guy na basta papatol sa babaeng walang alam sa ginagawa niya. Maybe you are on drugs or whatever. Hindi ako aalis ngayong gabi, but don't think that you can close to me. Mas mapapahamak ka sa 'kin, Aiana. I assure you.”

“P–Please… own me… I beg you. Huwag mo naman akong pahiyain…”

Nakatitig siya sa mga mata ko at ramdam ko ang bigat ng kaniyang paghinga. Nagulat pa akong muli nang bigla akong buhatin nito at dinala sa shower room at ibinaba ako sa bathtub. Kasabay nito ang biglang pagbuhos ng malamig na tubig mula sa shower. Halos mapasinghap pa ako nang maramdaman ang lamig nito.

“If you really want me, then marry me. Tawagan mo ako kapag nakapagpasya ka na. And I will gladly do so, if you say I do in front of God and my family.”

Tuluyan akong iniwan ni Zhenrix sa loob ng shower room. Nang mahimasmasan ako ay diretso na akong nag-shower at alanganin akong lumabas ng shower room dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Ngunit hindi rin naman ako maaaring magtagal pa sa loob nito kaya lakas loob na akong lumabas.

“Z–Zhenrix? Are you still here?” tanong ko pa ngunit walang nagsasalita.

Wala siya sa kama, wala sa sala, at wala rin sa kitchen. I wonder kung saan siya pumunta. Wala man lang pasabi. Ang sabi niya ay hindi niya ako iiwan dito mag-isa.

Napailing na lamang ako at muling naalalaang sinabi niya.

“Ano bang tingin niya sa kasal? Isang laro na kapag gusto mo ay basta na lang magko-commit? Baliw na talaga ang lalaking 'yon.”

Napatingin ako sa orasan nang mapahikab ako. Madaling araw na pala kaya ramdam ko na ang antok. Matapos akong makapagbihis ay humiga na rin ako at kaagad na dinalaw ng antok.

Kinabukasan nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko hudyat na may tumatawag. Pikit mata ko itong hinanap sa aking hinihigaan at kaagad ko rin naman na nakuha. Ni hindi ko man lang tiningnan kung sino ang caller at basta ko lamang itong sinagot.

“Nasaan ka na, Aiana?! Nakita mo na ba sa news ang nangyari sa Daddy mo?!” boses iyon ni Mitchell na tila ba natataranta at nag-aalala.

“Anong nangyari? At saka hindi ba't itinakwil na niya ako? May karapatan pa ba akong alamin sa kung anong nangyayari sa kanila ng pamilya niya?” bitter kong tugon.

“Naku, Aiana! Ang Daddy mo kasi ay nasasangkot sa patong-patong na kaso! Nag-aalala ako sa iyo kasi baka mamaya ay namromroblema ka na, pero you seems alright? Okay ka lang ba talaga?”

Nahimasmasan ako sa sinabi ni Mitchell.

“Ha? Ano bang kaso? At saka si Daddy 'yon, hahayaan ba niyang masira siya?”

“Ang nakalagay sa balita ay biglang nagkaroon ng BIR raid. Sinampahan siya ng kasong tax evasion. Kabilang din dito ang fraud, and criminal case. Nakakatakot!”

Nanlaki ang mga mata ko. “What? No way! Ang alam ko ay malinis si Daddy pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo at kompanya niya!” Napaisip ako sandali. “Hindi si Daddy ang may gawa ng mga 'yan. It was surely Tita Elsie and Wendy!”

Kaagad na akong nagpaalam kay Mitchell upang ayusin ang sarili ko. Kailangan kong puntahan si Daddy para makausap ko siya. Kahit hindi kami okay ay siya na lang ang natitirang pamilya ko at hindi ko maaatim na pabayaan siya.

Hindi pa man ako nakakapag-asikaso nang may matanggap akong text messages galing kay Daddy.

“Aiana, anak. I need your help. Kung gusto mong magka-ayos pa tayo ay tulungan mo ako. Meet me at Luxerio's Hotel and Restaurant.”

Kaagad akong nagtipa sa aking cellphone.

“Okay, Dad.”

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Bago ako tuluyang umalis ay nakita ko ang sticky notes sa mismong door knob.

“I need to go. Call me if you need me. - Zhenrix.” At nakalagay doon ang contact number niya.

Inilagay ko iyon sa aking bulsa at kaagad na nagtungo sa address na binigay ni Daddy. I thought it was only him. Gulat akong makita pati si Tita Elsie at Wendy. Nasa dulo sila at tila may tinataguan.

“Mabuti naman at dumating ka, Aiana!” may mahinang paiyak effect pa si Tita Elsie.

Hindi ko sila tinapunan ng tingin at sa halip ay kaagad akong tumingin kay Daddy at tinanong ito.

“What happened, Daddy? Ayos lang po ba kayo?”

“It was your fault!” inis na bulong ni Wendy na siyang ikinakunot ng noo ko.

“How come? Anong kinalaman ko rito?”

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Aiana. Matagal na itong hinihinging pabor sa akin ni Mr. Legarda. He wants you for his son. At nang tumanggi ako, heto at sinet-up niya ako. He framed me! Bullsh*t!” galit na sambit ni Daddy.

Lalo akong naguluhan.

“He wants me for what?” I asked kahit alam ko na ang sagot.

“He wants you to marry his son. At magpapakasal ka sa kaniya sa ayaw at sa gusto mo. Dahil kapag hindi mo 'yon ginawa tuluyang masisira ang pangalan ko, babagsak pati na ang kompanyang itinaguyod namin ng Mommy mo. All our property will be gone!”

Parang nabingi ako sa lahat ng sinabi ni Daddy.

“I hope you understand our situation right now. Don't be selfish, Aiana. Tanging ito na lang ang magagawa mo para sa amin ng Mommy mo— para sa pamilya natin.”

Tuluyan na silang tumayo, at hindi man lang akong hinintay na magsalita. I was speechless. He wants me to marry someone na hindi ko naman kilala at hindi ko naman mahal! At ang pinakamasakit, gano'n na lang kung ipamigay ako ni Daddy da ibang tao.

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. I felt like ipinanganak ako para sa layuning ito. Kasi kapag hindi ko nga naman sinunod si Daddy, masisira lahat ng pinaghirapan nila ni Mommy. And I don't want that to happen.

Naalala kong bigla ang sinabi ni Zhenrix kagabi.

“If you really want me, then marry me.”

Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko ang tulong niya, dahil mas okay na ang pakasalan siya, kaysa pakasalan ang lalaking hindi ko pa kahit kailan nakikita o nakikilala.

Kinuha ko ang aking cellphone at kaagad kong idinial ang numero ni Zhenrix. Sa pangatlong pag ring ng kaniyang cellphone ay sa wakas sinagot na rin nito.

“Who the hell is this?” parang galit na sagot nito sa tawag kaya hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa takot. “Magsalita ka kung hindi ay ipapahanap kita at ipapapatay."

“N–No, don't. It's me, Aiana. I need your help, Zhenrix.”

“Fvck, bakit hindi ka kaagad nagpakilala? Where are you?”

“Nandito ako sa Luxerio's Restaurants.”

“Diyan ka lang. Huwag kang aalis diyan.”

×××

“Napakadali talagang paikutin ng mag-ama na 'yon, Mommy.” Maarteng sambit ni Wendy.

“Sinabi mo pa. Ngayon na nakapagnakaw na tayo sa kompanya ng Tito mo. It's time naman para mapaalis natin ng tuluyan si Aiana, at maikasal siya sa iba. Para naman huwag mo ng isipin pa na maaagaw niya si Zhenrix Saavedra.”

Lumawak ang ngiti ni Wendy. “You're right, Mom. Pero ang nakakainis kasi nadamay pa ang pangalan natin sa issue ni Tito. Baka mamaya niyan ay hindi na ako pansinin pa ni Zhenrix. Kapag nangyari 'yon ay talagang malilintikan sa akin si Aiana!”

“Don't think negatively, anak. Aayon din ang lahat sa plano natin. Don't you trust me?”

“Of course, I trust you, Mom.”

At kapwa nakangiti silang nag-cheers ng kanilang hawak na wine glass.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status