Share

CHAPTER 3: SUDDEN MARRIAGE

“Marry me, Zhenrix.” Iyon kaagad ang sinabi ko nang makaupo ito sa aking harapan.

Mababakas ang gulat sa mga mata ni Zhenrix habang nakatitig sa akin.

“A–Anong sabi mo?” tanong nito sa akin saka niluwagan nito ang necktie na suot.

Kinabahan akong bigla. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaction niya dahil kagabi nang alukin niya ako ng kasal ay para bang sobrang dali lang no'n. Iba pala kapag babae na ang gumawa.

“P–Pakasalan mo ako.” nahihiya at pautal kong pag-ulit ng sinabi ko.

“Kagabi you want me to own you, and now nakapagdesisyon ka na kaagad na gusto mo na akong pakasalan? What is this? Gano'n ka na ngayon ka desperada? I thought you're different from other girls—”

“No, no. It's not like that.” Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. “Ipapakasal ako ng Daddy ko sa lalaking hindi ko kilala. Kaya kailangan ko ng tulong mo, baka puwedeng pakasalan mo ako para hindi na 'yon matuloy pa. Pakiusap… gagawin ko lahat ng gusto mo, pangako.”

Tumingin si Zhenrix sa paligid kung saan may mga lamesa at mga taong hindi kalayuan sa lugar namin.

“Hindi natin dito dapat pag-usapan ang ganyang bagay. Let's go.”

Tumayo na ito at wala na akong nagawa pa kundi sundan na lamang ito. Dumiretso ito sa parking lot kung saan naroon ang kaniyang kotse. Pinagbuksan ako nito ng pintuan at saka ako umupo.

Tahimik na binaybay namin ang daan patungo muli sa kaniyang condo building. Pagdating sa kaniyang condo, ay kasunod nito ang pagkain na in-order ni Zhenrix.

“Kumain ka muna. Mukhang hindi ka pa kumakain.” sambit ni Zhenrix bago pumasok sa loob ng kuwarto.

Hindi na ako nakasagot pa dahil ang totoo ay wala akong ganang kumain kahit pa lunch time na. Paglabas ni Zhenrix ay dumiretso ito sa sala kung saan ako naroon.

“A–Alam mo ayos lang naman kung ayaw mo akong pakasalan. Naiintindihan ko naman—”

“I want to marry you. Pero ang iniisip ko ay talaga bang alam mo ang sinasabi mo? Tatakas ka sa kasal na gusto ng Daddy mo, pero sa akin magpapakasal ka? What is your reason?”

Natahimik ako sandali.

“You respect me. I feel safe beside you, especially noong gabing malakas ang espiritu ng alak sa katawan ko. Mas pipiliin kong makasal sa lalaking hindi nag-take advantage sa akin nang wala ako sa sarili ko, kaysa sa lalaking kahit minsan ay hindi ko pa nakikilala.”

Napatango si Zhenrix at may kinuhang papel saka inabot sa akin.

“A–Ano naman 'to?” kunot noo kong tanong nang mabasa ang nasa unang pahina.

“Our contract. Kung seryoso ka at gusto mong pakasalan kita, kailangan alam mo ang mga kondisyon ko. Una, I want to marry you because I want to have a child. A heir na siyang papalit sa akin sa kompanya in the future. Pangalawa, once na ipanganak mo na ang anak ko ay magdi-divorce na tayo. Ako na ang bahalang magpalaki sa bata. Pangatlo, hindi mo na kailangan pang magpakitang muli kapalit nang isang daang milyon.”

“Kung gano'n kailangan kong magbuntis?”

Lumapit sa akin si Zhenrix at itinukod ang kaniyang palad sa lamesa saka bumulong sa aking tenga.

“Of course. I don't want to use other procedures. I want to make a baby naturally… with you.”

Nagtaasan ang balahibo ko saka ako napalunok. Naalala kong muli si Daddy. Kailangan lang naman luminis ang pangalan niya. At natitiyak akong hindi na rin naman nila ako pag-iinitan pa kapag nalaman nilang kasal na ako.

“Pumapayag ako sa kondisyon mo, pero may mga kondisyon din para sa 'yo.”

“Say it and let's see kung magugustuhan ko.”

“Una, I want you to help my father yo clean his name. Pangalawa, kung sakaling makabuo man tayo gusto kong makasama ang anak ko kahit 1 year man lang bago tayo mag divorce. Pangatlo, hindi ko kayang tanggapin ang perang ibibigay mo. I want to be part of our child's life, kahit co-parenting na lang. If that's okay with you.”

Napakibit-balikat si Zhenrix.

“Your condition is a bit hard, especially the last one. But the deal is a deal. Payag ako sa mga kasunduan mo.”

Nauna akong pumirmasa kontrata, at gano'n din siya.

“So, kailan tayo ikakasal?” tanong ko.

Tumingin naman si Zhenrix sa kaniyang wrist watch.

“Oh, it's now. Let's go.”

“What?!” gulat kong sigaw.

Wala na akong nagawa pa nang hilahin ako ni Zhenrix patayo at palabas ng kaniyang condo.

“Are you serious?! I'm just wearing a shirt and shorts!”

“And so? You're still beautiful so no need to worry. Hindi natin puwedeng ipaalam kaagad sa buog mundo na ikakasal tayo. My family wouldn't agree on this, but I will do this in rush because of you. Hindi mo naman gustong pigilan ka ng Daddy mo 'di ba?”

Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. Hindi na lamang ako nagsalita pa at sa halip ay inayos ko na lamang ang sarili ko. Nakarating kami sa tila isang maliit na church, kundi ako nagkakamali ay chapel ang tawag dito.

“Dad, Marco, this is Aiana— Aiana this is my Dad and my friend, Marco.” pakilala ni Zhenrix sa amin.

“Talagang malalagot ako nito da Mommy mo, Zhen.” tila kabadong sambit ng Daddy ni Zhenrix.

“Grabe, tinotoo mo talaga na magpapakasal ka na.” tila hindi makapaniwalang sambit naman ng kaibigan ni Zhenrix.

“Don't worry about her. Ako na ang bahala kay Mom.” tugon ni Zhenrix.

Pakiramdam ko tuloy ay gagawin ni Zhenrix ang lahat para sa akin.

Sabay-sabay na kaming humarap sa pari nang dumating ito. Nagsimula na itong gawin ang seremonya at ang dalawa naming kasama ang siyang tumayo bilang aming mga testigo na talagang kinasal kaming dalawa. Nagulat pa ako nang may inilabas na singsing si Zhenrix. Iniisip ko tuloy na handa siya sa bagay na 'yon.

“I announce you husband and wife. You may now kiss your bride.”

Nakita ko ang tila kinikilig na reaction ni Marco habang nakangiti lang naman ang Daddy ni Zhenrix. Nahihiya naman akong humarap kay Zhenrix. This is our first kiss, at kinakabahan ako dahil firs time ko rin 'to!

“May I?” tanong ni Zhenrix at dahan-dahan lamang akong tumango.

Baka magtaka pa ang pari kung aayaw ako. Nang papalapit na sa akin ang mukha ni Zhenrix ay pumikit na lamang ako. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. At may kakaiba akong naramdaman na tila ba may kuryenteng dumaloy sa pagitan ng aming halik.

It's not an ordinary kiss. It was a french kiss! I know about this dahil sa mga napapanuod kong movie. His lips was so soft and sweet, parang hindi lalaki. Kasabay pa nito ang naamoy kong kakaibang pabango nitong panlalaki.

It's like a mint.

Nang humiwalay na kami sa isa't-isa ay halos sapo ko ang aking dibdíb dahil sa kinakapos ako ng hangin. Nakatitig siya sa mga mata ko na para bang ako lamang ang nakikita niya nang mga oras na 'yon. At gano'n din ako sa kaniya.

It was like he was hypnotizing me. It's like our kissing has a magic.

Nang umalis na ang Daddy ni Zhenrix at ang kaibigan nito, ay saka pa lamang kami dumiretso sa condo kung saan ako nito dinala nang gabing iyon. Halos kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay mangyayari na ang hinihiling ko nang gabi na 'yon. But I was on drugs that time.

“Magpahinga ka muna diyan, mag-shower lang ako.” paalam ni Zhenrix na siyang tinanguan ko lang.

Ipinalibot ko ang paningin sa kabuoan ng condo. Mas malaki ito kumpara sa ibang condo unit. Halos dalawang studio type ang sakop nito. Hindi ko na namalayan pa na nakarating na pala ako ng kusina. Halos mamangha ako nang makita doon ang tila mga wine collection ni Zhenrix.

Kinuha ko ang isang bote at binuksan ko. Natuwa pa ako nang tumalsik ang takip nito. Dapat lang naman mag-celebrate kami kahit pa paano hindi ba?

Nagsali ako sa dalawang baso, at ako na ang siyang unang uminom. Nalukot ang aking mukha nang malasahan ko ang mapakla ngunit may tamis sa dulo. Tiningnan kong muli ang bote ng wine, at binasa ang nakasulat. Napangisi pa ako nang makita kong 3% lamang ang volume ng alcohol. Kayang-kaya ko naman siguro 'to.

Nakailang inom na ako bago ko naramdaman ang init ng pakiramdam ko. Halos paypayan ko ang aking sarili kahit pa bukas naman ang aircon.

“What the fvck are you doing?” gulat naman na sambit ni Zhenrix nang makita ako nito.

“Bukas ba talaga ang aircon mo? Mukhang sira na yata ang init, eh.”

“Shít!”

Dali-daling lumapit sa akin si Zhenrix at kinuha ang boteng halos mangalahati ko na.

“Ang tagal mong lumabas, eh. Kaya nauna na akong mag-celebrate. Kaso bigla namang uminit.”

“Because this is not an ordinary wine. Fvck, ano na ang gagawin ko sa 'yo?!” tila stress na bulong ni Zhenrix.

Para naman akong na hypnotismo nang makita ko ang basang katawan ni Zhenrix at tanging boxer lamang ang suot nito. Dapat ay mailang ako, pero kabaligtaran nito ang nararamdaman ko. Kusa akong lumapit sa kaniya ang hinimas ang kaniyang dibdíb.

“What are you doing?”

“Ang laki pala talaga ng katawan mo.” bulong ko.

“Fvck, umi-epekto na ba kaagad sa 'yo ang espiritu ng alak?”

Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Ano naman ngayon? Kasal na tayo, 'di ba?”

“Don't tempt me, Aiana.”

“Oh, I am. Ang init na kasi talaga...”

Tuluyan akong yumakap kay Zhenrix, at narinig ko itong nagmura nang mahina bago ako nito buhatin at dalhin sa kama. Nang ihiga ako nito ay kitang-kita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata.

“You will regret this.” sambit ni Zhenrix bago ako nito halikan sa labi.

Halos impit ang ungól na aking pinakakawalan habang tinatrabaho ako ni Zhenrix. Unti-unting nawala ang init na nararamdaman ko at napalitan iyon nang masarap na pakiramdam. Tuluyan akong nalunod sa bawat pag-angkin at paghalik sa akin ni Zhenrix.

Komen (8)
goodnovel comment avatar
Marina Ariate
next chapter pls
goodnovel comment avatar
Samarita D Closa
next please
goodnovel comment avatar
Jessie Alcontin Rame
update please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status