Share

THE BILLIONAIRE'S CHASING ME
THE BILLIONAIRE'S CHASING ME
Author: febbyflame

SIMULA

Zhenrix's Point Of View.

“Mom, stop overreacting! I'm fvcking thirty at alam niyong kaya ko na ang sarili ko!” inis kong tinanggal ang puting telang nakabalot sa aking kamao.

Kakauwi ko lang galing sa boxing gym, pagkatapos ay daratnan kong may mga nurse na rito sa bahay ko. Sino ang may kagagawan? Well, it's my mom!

“I know, Zhen, but look at your fist! May sugat 'yan at kung hindi kaagad gagamutin ay baka magka-infection at ayokong mangyari 'yon!”

Napahilot ako sa aking sintido.

“Mom, malayo sa bituka ang sugat na ito, at kayang-kaya kong linisin. Pauwiin niyo na ang mga nurse na 'yan bago ko pa sila hindi matantya.”

Tiningnan ko naman ang mga ito ng masama. Halos lahat sila ay nakayuko ngunit may iisang babaeng nakatingin sa amin ni Mommy. Ngayon ko lang siya nakita sa lahat ng nurse na pinapapunta ni Mommy rito. Nang magtama ang aming mga mata ay walang kurap siyang nakipagtitigan sa akin. Napakunot ako ng noo dahil ito ang unang beses na mayroong babaeng nakaya akong titigan ng gano'n katagal.

“Aiana Dela Vega – Nurse Practitioner” iyon ang nakalagay sa name plate nito na nabasa ko.

Ah, I met her. I remember who she is.

“Anak, huwag mo naman na akong pag-alalahin. Alam mo naman na ikaw pa rin ang baby boy ko—”

“Oh, come on, Mom. Nasaan ba kasi ang dalawang kambal pati na si Daddy? Ako na naman kasi itong nakita niyo.”

“Nag-bonding ang mga kambal, at ang Daddy mo naman ay nasa kompanya. Hindi ko naman matiis na mag-isa lang sa bahay kaya binisita kita. At napag-alaman ko mula kay Nanay Rose mo na umalis ka at nag-boxing. I know you, hindi ka nagsusuot ng gloves. Ayaw mo ba akong makita, Zhen?” nalulungkot na tanong nito sa akin.

Napabuntong hininga ako. “Of course not, it's just that ayoko lang na masyado niyo akong bini-baby. I'm not a kid anymore, Mom.”

“But you are still my baby.”

Wala na akong nagawa pa nang yakapin ako ni Mommy. Hindi ko rin naman siya masisisi, since I am her first born. Noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin and I am thankful for that but sometimes sobra na ang pagiging overacting niya.

“Kung pipilitin mo talaga akong ipagamot ang kamao ko. Just bring that nurse Aiana in my library room, and the rest leave. Mag-shower lang muna ako.” bulong ko kay Mommy, at hinalikan ko ito sa pisngi.

Nakita ko ang pagkagulat ni Mommy sa aking sinabi.

“T-Teka lang sandali—”

Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita, at mula sa second floor ay nakita ko kung paano nag-aalalang tumingin si Mommy doon sa nurse. As if naman na gano'n ako nakakatakot? Hindi naman ako nangangain ng tao, ah? Pero depende rin sa parte ng tao ang kakainin.

Napakibit-balikat na lang ako at naiiling na pumasok sa kuwarto ko. Pagkatapos kong mag-shower ay tinext ko si Mommy.

“I don't want to hurt your feelings but you are not exempt. So, have a safe drive, Mom. I want to rest after niyang gamutin ang sugat ko. Don't worry, I'll behave, you raise me well, eh. I love you.”

“Zhenrix Saavedra, don't be a coward, okay?”

“Yes, always.”

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko. Ilang minuto bago ko nakita ang papaalis na kotse ni Mommy. Well, I'll behave but not my buddy down there. Minsan ay hindi ko hawak ang desisyon niya dahil mas lalo itong nagagalit kapag pinipigilan.

Itinapon ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at dumiretso ako patungo sa library room. Mabuti na lang ay may pintuan ako sa kuwarto patungo doon para mas mabilis akong makapunta. Naabutan kong nakaupo ang nurse sa sofa habang abala sa pagbabasa nito ng libro.

“Uhmm.” pagtikhim ko upang makuha ko ang atensyon nito. “Pinaghintay ba kita ng matagal?” Kaagad nitong ibinalik ang libro na hawak at inilabas ang first aid kit.

Sandali akong nakakunot ng noo. Did she not find me hot and attractive? I am just wearing a piece of sh*t towel around my waist. Manhid ba ang babaeng ito at hindi man lang din siya naiilang sa akin?

“Puwede na po kayong maupo rito sa tabi ko.” wala pa ring reaction sambit nito.

“What if I don't want to?” I asked, then I licked the lower part of my lips.

“Uh- Eh, ang sabi po kasi ng Mommy niyo kailangan ko na linisin ang sugat niyo, and after that ay makakaalis na raw ako.”

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at pinapanuod ko kung ano ang reaction niya. Noong una ay nakatitig pa ito sa mga mata ko, ngunit nang hawakan ko ang abs ko ay sa wakas bumaba rin ang tingin nito.

I smirked. A woman always a woman. Wala pang babaeng tumatanggi sa akin. 

“S-Sir, kasi kailangan ko rin pong bumalik sa hospital after ko po kayong magamot kaya kung puwede po sana ay pumayag na kayong gamutin ang sugat niyo.”

“Gusto kong pilitin mo 'ko…”

“Sir, kailangan niyo pa po ba na gamutin or aalis na lang po ako? As I've said, marami pa po akong kailangan gawin na mas importante sa hospital.” masungit nitong sambit. 

She make me amaze by her action and reply. I was about to touch her face nang kaagad siyang umiwas sa akin ng tingin at inayos ang kaniyang gamit. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Sir, ano bang trip niyo sa buhay? Naka-drugs ka ba?!” salubong na ang kilay nito na siyang ikinatawa ko.

Napaupo ako sa sofa at hinawakan ang aking tiyan habang tumatawa.

“You're so pissed off! Look at yourself! You're so cute!” I said while laughing so hard.

Nakakunot pa rin ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. 

“Baliw ka na.” sambit niya at muling inayos ang kaniyang gamit.

Mabilis siyang tumayo at naglakad patungo sa pinto ngunit hindi niya pa nahahawakan ang doorknob nang magsalita ako.

“You are the illegitimate daughter of Norman Dela Vega, right?”

Napahinto siya at sandaling nakatayo lamang bago muling tumingin sa akin. Of course, I know her. Minsan ko na siyang nakita sa kompanya ng mga Dela Vega, and also she used her father's last name.

“So what? Hahamakin mo rin ako katulad ng sinasabi at ginagawa ng iba? Oh, well, gano'n naman kayong mayayaman 'di ba? Mga wala kayong puso kung mang husga kayo ng tao.”

Natahimik ako at napakuyom ng aking kamao. So she's experiencing that stuff? Who fvcking dare?

“Don't worry, hindi mo na mararanasan muli 'yon.” tumalikod ako at tinanggal ang takip na towel sa aking katawan at sinuot ko ang boxer short ko. Narinig ko siyang napasinghap at tila nagulat, kaya naman napangiti ako. “You can leave now.” narinig ko ang mabilis na pagbukas ng pinto at pagsarado nito.

Magkikita pa tayo, pero sisiguraduhin kong akin ka na nang mga oras na 'yon.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Daddy.

“Dad, I need your help. Hindi ba't gusto niyo na akong maikasal?”

“Huh? What do you mean, son?”

“Well, I guess- Ikakasal na ako two weeks from now.”

“Zhenrix Saavedra! What have you done?! Malalagot na naman ako sa mommy mo nito!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status