Share

Chapter Six

"Yes, Senyor. May kailangan ka?" agad na tanong ni Martin sa amo. Ang amo niyang tinatawag lamang siya kapag may kailangan. He is the best employer in town.

Tumunog naman kasi ang intercom na para lamang sa kaniya. Kahit sino sa mga guards ang makarinig ay alam na nilang para sa kaniya. Dahil siya lamang ang nakakalabas-masok sa loob kahit pa sabihing puwedi naman silang pumasok lahat. Iyon nga lang ay hindi naman abusado ang amo nila. Kaya't tinatawagan lamang sila kapag may kailangan.

"Nothing, Martin. Gusto ko lang itanong kung magkasama ang dalawa. Dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa dumarating ang asawa ko," tugon ni Senyor Eric.

"Yes, Senyor. Magkasama sila simula pa kaninang hapon. Noong ihinatid ng driver sa tahanan ng private doctor mo si Aries Dale ay lumabas din makaraan ng ilang minuto. Kagaya ng bilin mo ay binantayan ko sila at hindi iwinala sa paningin ko hanggang sa muli silang nagkita sa dati nilang tagpuan. Sinundan ko rin sila, Senyor. Hindi sila nagtagal sa labas.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status