Share

Chapter 78

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-18 10:33:13

Chapter 78

"Kinikilig? Ako?” Napairap si Lance habang pilit na itinatago ang ngiti. "Hindi ako kinikilig, Kiara. Ginagawa ko lang ‘to para hindi tayo mabuking."

"Oh?" Tumawa ako ng bahagya. "Sige, sabihin na nating hindi ka kinikilig. Pero Lance, kung ikaw ang tatanungin, paano mo ako liligawan kung totohanan?"

Bigla siyang napatigil. "Ano?"

"Paano kung wala tayong kontrata at talagang gusto mo akong ligawan? Ano’ng gagawin mo?" Tumitig ako sa kanya, hinihintay ang sagot niya.

"Uh…" Halatang nawala siya sa sarili. "Siguro… ewan ko. Baka… umorder ako ng bulaklak?"

"Bulaklak?" Natawa ako. "Basic!"

"Magpapadala rin ako ng chocolates!” dagdag niya, sinubukang bumawi.

"Cliché!"

"Maghahatid-sundo ako sa’yo araw-araw?"

"Gas lang ang puhunan!"

"Kakantahan kita sa ilalim ng buwan!"

Napataas ang kilay ko. "Anong kanta?"

Napaisip siya saglit. "'Bakit Ngayon Ka Lang?'"

Hindi ko na napigilan tumawa. "Naku, Lance! Pag ginawa mo ‘yan, baka ako pa mismo ang magtulak sa’yo para tumigil ka!"

"Grabe ka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 206

    Chapter 206"Ang dami mo namang pinangalanan sa akin. Kanina Mr. Tipaklong, ngayon naman Mr. Acting CEO," reklamo ko habang nakataas ang kilay. "Isusumbong na talaga kita kay Chris."Napatingin siya sa akin, sabay irap."Sige, sabihin mo na rin kay Chris na utang mo sa akin ‘yung 10K. Tapos ‘yung emotional damage na tinamo ko mula sa daily banat mo. Dagdagan mo na ng service charge."Napailing ako. "Wow, may emotional damage pa talaga?""Oo. Minsan pag pinipikit ko mata ko, mukha mo pa rin ang nakikita ko. Gabi-gabi. Trauma na ‘to.""Ang ganda ko siguro sa panaginip mo.""Bangungot, Miguel. Bangungot ang tawag doon."Napatawa ako kahit gusto ko nang mag-walk out. Pero sa totoo lang, gusto ko lang siyang asarin. Kasi kahit binabara niya ako sa bawat hinga ko, iba pa rin talaga ‘yung presensya niya.“Okay,” sabi ko, huminga ako ng malalim. “Pero kapag napikon ako, babawasan ko sahod mo ng limang piso kada insulto.”“Go. Pero kada irap ko, dagdagan mo ng sampu. Balak ko kasing umaman nga

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 205

    Chapter 205 Tumayo ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan o hayaan. Pero may kung anong humihila sa akin para huwag siyang paalisin. “Pwede ba tayong mag-usap muna nang maayos?” tanong ko, mas malumanay na ngayon ang tono ko. Huminto siya sa may pintuan, pero hindi siya lumingon. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Miguel, hindi mo kailangang intindihin ang nararamdaman ko. Hindi mo naman ako kailanman pinilit na magsabi, 'di ba?" Bigla akong natahimik. Tama siya. Pero hindi ibig sabihin noon ay ayokong marinig. "Then tell me now," bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya. Pero ang sigurado ako—ngayon ko lang naramdaman na mas mahirap palang intindihin ang puso ng isang babaeng akala mo matapang, pero sa loob-loob pala ay pagod na. “Gusto mo talagang malaman kung bakit inis na inis ako sa’yo?” ani niya, nakatitig sa akin ng direkta, parang handang ibuhos lahat ng kinikimkim niya. “Oo,” sagot ko agad. Maikli, pero seryoso. Gusto ko talagang malaman. Tahimik siyang

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 204

    Chapter 204Miguel POVEwan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nagpakita pa ako ng ngiti habang sinisigawan ako ni Jhanna. Parang may parte sa akin na natutuwa sa mga pasimpleng asar niya, kahit pa halata naman na ubos na ang pasensya niya sa akin.Pero ngayong nakita ko kung paano siya nagalit—yung tunay na inis, hindi na biro—parang may tumama sa akin. Bigla akong natahimik. Ang ingay sa utak ko, natahimik. Sa sobrang dami ng ginagawa ko, sa sobrang dami ng iniisip ko bilang Acting CEO, siya lang ang nakakagulo sa routine ko.At sa totoo lang, hindi ako sanay na may kagaya niya sa paligid.Hindi ko maintindihan si Jhanna. Minsan masungit, minsan maamo. Parang weather. Pero sa kabila ng lahat, gusto ko siyang pagmasdan. Gusto kong hulaan kung anong iniisip niya. Gusto kong unawain kung bakit ako ang inaasar niya sa lahat ng tao sa opisina.Pero hindi ko rin alam kung bakit may mga salitang hindi ko masabi. Kanina lang, muntik ko nang mabanggit na... importante siya. Pero tinikom

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 203

    Chapter 203Jhanna POVIwan ko ba kung bakit inis na inis ako sa lalaking 'to. Parang gusto kong ilampaso sa mukha niya ang dala kong folder. Akala mo kung sino kung makapagbitiw ng salita—eh halos mapuno ng kape ang desk ko kakakain niya ng donuts habang nagpapanggap na busy!“Na ano, Mr. Tipaklong?” sagot ko sa kanya kanina habang nakataas ang kilay. Nakakatawa siyang tingnan habang napapaurong sa kinauupuan niya, pero hindi ako natatawa. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa inis ko sa ugali niya o dahil napapansin kong masyado na siyang... visible sa sistema ko.Tumalikod ako at bumalik sa opisina ni Sir. Nasa elevator na pala siya kaya tinawag ko siya.“Sir! Sir!” tawag ko habang hawak-hawak pa rin ang tablet ko.Lumingon siya. “Why, Jhanna?” malamig niyang tanong pero hindi naman nakakatakot.Kinagat ko ang loob ng pisngi ko bago nagsalita. “Pwede bang ikamusta mo ako kay Mila? Namimiss ko na kasi siya,” sabi ko nang parang bata. Ewan ko ba. Kay Sir, hindi ako kinakabahan magsabi

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 202

    Chapter 202“Fuck, pre! Hindi pa ako nasiraan ng bait para ligawan niyang Jhanna na 'yan. Kung kumilos parang iwan at—!”PAK!Isang folder ang dumapo sa ulo ni Miguel, dahilan upang mapaurong siya habang hawak ang ulo niya. “Aray! Anong—?!”Nakatayo na si Jhanna sa may pinto, nakakunot ang noo, nagliliyab ang mga mata, at galit na galit na nakatingin kay Miguel. Ang isang paa’y nakapadyak pa sa sahig, parang handang manapak.“Na ano, Mr. Tipaklong? Tapusin mo! Sige nga!”“Wala, wala! Joke lang, Jhanna!” biglang kambyo ni Miguel habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Nagbibiro lang ako kay Chris.”“Ah, joke lang pala ha?” Bumaba ang tono ng boses ni Jhanna pero hindi nawala ang banta sa kanyang ngiti. “Next time, Atty., kapag may sinasabi kang hindi maganda sa likod ko, make sure hindi mo ako maririnig… dahil pag narinig kita ulit, hindi lang folder ang ihahagis ko.”Tahimik akong napangiti habang nagkakatinginan ang dalawa. Si Miguel, tila napa-atras sa kanyang upuan,

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 201

    Chapter 201Paglipas ng isang linggo.Matapos ang panandaliang pahinga, bumalik ang tensyon sa katawan ko. Handa na ako.Sa conference room ng main office, tahimik ang paligid. Isa-isang dumating ang mga shareholders at board members—mga taong sanay sa mga regular na pulong, pero ngayong araw ay walang nakakaalam kung anong sorpresa ang naghihintay sa kanila. Tanging si Jhanna, ang matagal ko nang secretary at matalik na kaibigan ni Mila, ang tanging inutusan kong ayusin ang lahat.Tahimik siyang nakatayo sa gilid, hawak ang tablet at listahan ng mga dadalo. Tumango siya sa akin bilang senyales na kumpleto na ang lahat.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sa dulo ng mahabang mesa. Naramdaman ko ang bigat ng bawat tingin nila habang nagsimula akong magsalita."Salamat sa pagdalo ninyo," malamig kong simula. "Ang pulong na ito ay hindi ordinaryo. Ito ay ukol sa kalinisan ng ating negosyo—at sa mga taong hindi na karapat-dapat manatili rito."Nagtinginan ang ilan sa kanila. Kita ko ang kaba

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 200

    Chapter 200 Pumilit ang mga kalaban na makipaglaban pa din sila sa amin, ngunit isa-isang binagsak sila sa aming mga kamay at ang mga balang galing sa aming mga baril ang siyang tumapos sa kanilang buhay at umuubos sa mga natitirang sagabal pagsugpo ng kalaban sa lipunan. At ang hangin ay tila nagiging magaan, tila nagiging mas matamis ang bawat patak ng pawis sa aming mga katawan, at ang bawat tagpo ng putok ay ang huling sigaw ng paglaban. "Wala na, wala ng sagabal sa pagtugis nang kanilang leader ang siyang galamay ng huwad naming Lolo," wika ko sa sarili ko, tinitingnan ang mga natirang katawan ng mga kalaban sa sahig.Habang tinititigan ko ang mga bangkay na nakahandusay sa sahig, dama ko ang bigat ng tagumpay na may halong lungkot at pagod. Hindi ito isang tagumpay na kailangang ipagdiwang—ito ay isang tagumpay na kailangang igalang. Bawat patak ng dugo na dumanak ay katumbas ng katahimikan para sa mga inosente.Lumapit si Miguel sa akin, hawak ang baril pero nakababa na ito.

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 199

    Chapter 199 Hanggang may may nakita akong isang tauhan ko na pa simpleng may tinatawagan kaya agad kong sininyasan si Troy para hulihin nito. Hindi ko matandaan kung kailan ko naging tauhan ito kaya malakas ang kutod ko na isa itong traydor. Agad kumilos si Troy. Tahimik at mabilis niyang nilapitan ang lalaking nakasuksok sa lilim ng pader, may hawak na cellphone habang may kinakausap sa mahinang boses. Bago pa man nito maibaba ang tawag— Pak! Isang mabilis na hampas ng baril ang ibinigay ni Troy sa batok ng lalaki. Napaigtad ito at nahulog ang cellphone sa lupa. “Walang kikilos,” malamig kong utos habang papalapit. Pinulot ko ang cellphone at sinilip ang call history—walang pangalan, pero may naka-log na outgoing call sa isang encrypted number. “Ano ang pangalan mo?” mariin kong tanong habang nakaluhod ito at nilagyan na ni Troy ng zip tie ang mga kamay sa likod. Hindi ito sumagot. Sa halip ay ngumiti—isang pamilyar na ngiti. Isa iyong ngiting nakita ko sa dati naming mg

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 198

    Chapter 198Hanggang tanaw ko ang private jet na dahan-dahang umaalis sa runway, dala ang pinakamahahalaga sa buhay ko—ang mag-iina kong sina Kara, ang munting si Ellie na anim na taong gulang, at si Jacob na ngayon ay labindalawang taong gulang na. Kasama rin nila si Ate Ellie, ang kapatid naming comatose pa rin hanggang ngayon, may sariling doktor at private nurse na nag-aasikaso sa kanya.Naroon din si Mila, hawak ang dalawang buwang gulang na anak nila ni Troy, habang si Clarissa naman ang umalalay sa kanya. Alam kong maselan pa ang kalagayan ni Mila, at alam kong si Clarissa ay gagawin ang lahat upang pangalagaan sila.Ligtas silang lahat, dahil kasama nila si Revenant—isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Higit pa roon, may tauhan kami sa Amerika, mga handang sumalo at sumubaybay sa kanila mula sa paglapag ng eroplano hanggang sa bagong tirahan nila. Sa bansang iyon, hindi basta-basta makakagalaw ang sinuman laban sa kanila.Habang ang mga mahal ko ay nasa kaligtasan, ka

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status