MasukMay asawa na si Ralia, pero pakiramdam niya, parang wala rin. Bakit? Uuwi lang kasi ang asawa niya para matulog sa bahay, kumain at pagkatapos, wala na puro work na lang ang importante rito. Simula nung malaglag ang first baby nila, parang nawalan ng gana ito sa kaniya. Sinisisi si Ralia ng asawa niya dahil pabaya raw ito at walang kuwentang ina at asawa. Dahil sa pagiging cold ng asawa ni Ralia, nakagawa tuloy siya ng maling desisyon. Pumatol at sinamahan niya sa kama si Aleron—bestfriend ng asawa niya. Matagal na niya kasing pansin na parang trip siya nito. Matagal na rin siya nitong nilalandi, iniiwasan lang niya dahil may asawa na siya. At dahil napuno na siya at nanlamig na rin sa totoong asawa niya, nademonyo na siyang pumatol dito, hindi lang isang beses kundi maraming beses pa. Natuklasan pa niya na allergy si Aleron sa mga spicy food. Na kapag kumain siya ng kahit anong maanghang na pagkain, ganado at talaga namang naglilibög ng husto si Aleron. Kapag ganoon, mas lalo itong wild sa kama, bagay na lalong kinakaligaya ni Ralia sa kaniya. Hanggang isang araw, nalaman ni Ralia na nabuntis siya, hindi ng asawa niya kundi ni Aleron na kabit niya. Sinong pipiliin niya—asawa niyang napaka-cold sa kaniya at sinisisi sa pagkawala ng first baby nila o si Aleron na sobrang sarap sa kama, mahal na mahal siya at binibigay ang lahat ng gusto niya?
Lihat lebih banyakAleron POV“Enough, lunod na ako,” sabi niya bigla. Natawa ako kasi totoong naghahabol siya ng hininga. Tila, napasobra rin ata ako. Namumula tuloy ang mukha niya at halos hindi makatingin sa akin.Parang walang nangyari kasi sumandok na rin siya ng carbonara sa plato niya. Pero napangiti ako nung makita kong napapadila pa siya sa labi niya, na parang tinitikman ang laway ko.“Ituloy mo na ang pagkain mo, Aleron,” sabi pa niya, kaya bumalik na ako sa upuan ko.“Nagustuhan ko talaga ang luto mo. Lalo akong magpupunta rito tuloy,” sabi ko sa kaniya nung pinagpapatuloy ko na ang pagkain ng carbonara.“Basta, wala si Guison, okay lang. Welcome ka rito,” sagot naman niya habang kumakain na rin ng carbonara. Masaya ako, kasi hindi ko inaasahang mangyayari ito balang-araw. Masaya nga ba dapat ako na nagkakalabuan silang mag-asawa, tapos ako itong umaaligid kay Ralia. Karma na lang talaga ang mangyayari sa akin. Pero, kasi, masaya ako rito, kaya ang hindi ko kayang itigil agad, lalo pa’t kaka
Aleron POVCarbonara at graham?Napangiti ako sa hinanda niyang merienda. Ibig sabihin, kapag magkakasama kami nila Jason at Guison ay napapakinggan niya kami. Kasi, madalas kong banggitin iyon sa kanila.Ganito pala siya ka-sweet. Wait, sweet na ba kapag ganito, alam niya ‘yung mga gustong-gusto ko. Hindi naman siguro siya magtatanong sa mga kaibigan ko kasi mahuhuli nila kami.“Thank you, alam mo na agad ang mga favorite kong pagkain,” sabi ko sa kaniya nung maupo na ako sa hapagkainan.“Sandali, gusto mo ba ng juice o coffee?” alok niya.“Ano sa tingin mo ang gusto ko?” tanong ko naman sa kaniya. Nang sa ganoon, dumami na rin ang alam niya sa akin.“Kape, mas masarap siyang partner sa carbonara at graham,” sagot niya, kaya napangiti ako bigla.“I love you na, Ralia,” mabilis kong sabi, kaya napalingon siya bigla sa akin.“Ganiyan ka pala kabaliw,” sabi niya habang pinipilit na huwag matawa o kiligin, pero halata sa mukha na natuwa siya. Nag-uumpisa na ako, ganito naman dapat ang gi
Ralia POVIgagayak ko na ang mga gamit ni Guison ngayong araw para sa team building nila. Ilang araw din siyang mawawala, kaya ilang araw din akong mapapahinga sa mga malalamig na pakikitungo niya sa akin.Binuksan ko ang cabinet namin at kinuha ang itim niyang maleta. Naalala ko pa, ako rin ang bumili nito noong anniversary namin. Noon… ang saya pa namin. Ngayon, parang isa na lang siyang gamit na kailangan lang gamitin, hindi na napapansin ang pinanggalingan.Kinuha ko ang paborito niyang gray na polo shirt, mga pantalon, medyas at pati undergarments niya. Inayos ko lahat nang maayos sa maletan niya. Maarte kasi ‘yun, gusto niya ay maayos palagi ang gamit niya, lalo na pagdating sa damit. Ayokong mapagalitan pa at lalo ko lang nararamaman na hindi na niya ako mahal.“Sakto ba ang mga inayos mong mga damit ko?” tanong ni Guison mula sa likod ko.Nagulat ako nang marinig ko siya. Hindi ko napansing nakasilip pala siya sa pinto. Nakasando lang siya, may backpack na nakasukbit sa balika
Aleron POVHindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at bakit bigla ko na lang naisip na sabihin kay Jason ang nangyari sa amin ni Ralia. Siguro dahil ilang araw na akong hindi mapakali.Nasa garahe kami ni Jason, nag-aayos siya ng motor, ako naman nakasandal sa pader, nag-aantay ng tamang timing. Ang hirap kasi. Paano mo ba sisimulan ang ganitong kasalanan?“Pre… may sasabihin ako,” bulong ko. Sa wakas ay tinapangan ko na rin ang sarili ko.“Putik, ano na naman ‘yang kagaguhang ginawa mo?” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.Huminga ako nang malalim, tapos pinag-isipan ko pa kung sasabihin ko na ba talaga sa kaniya o huwag muna, pero tinuloy ko na.“May nangyari sa amin ni Ralia nung nakaraang gabi.”Natigilan si Jason sa ginagawa niya. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi pa siya agad nakapagsalita, parang tinignan niya ako kung nagbibiro pa ako o hindi.“Tangina mo, Alaron!”Napapikit ako. Expected ko na ‘yun. Mas malapit kasi ako kay Jason, k






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.