"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
View MoreChapter 1
Kara POV Nakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko. “Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.” Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo. Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom. Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba kami ng gamot niya. Napapikit ako at pilit na nilabanan ang namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ako dapat sumuko. Lumakad ako papunta sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng gusali. Kailangan kong magpahinga at mag-isip. Pagkaupo ko, tinanggal ko ang takong ng sapatos ko at marahang minasahe ang paa kong halos mamaga na sa kakalakad. Minsan iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam ng hindi nag-aalala kung may kakainin pa bukas? Napabuntong-hininga ako at sinimulang tignan ang mga job postings sa phone ko. Pero bago ko pa ma-scroll pababa, biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown Number. Sino ito? Dahil baka emergency, agad kong sinagot. “Hello?” Saglit na katahimikan. Hanggang sa may isang malamig ngunit matigas na tinig na nagsalita mula sa kabilang linya. “Miss Kara Smith Curtiz?” Napakunot ang noo ko. “Sino ‘to?” “Hindi na mahalaga kung sino ako. Mas mahalagang malaman mo ang alok ko.” Nagtagal muna siya bago nagsalita muli, at nang gawin niya ito, halos muntik kong mabitawan ang cellphone ko. “Five million pesos. Kailangan ko ng asawa. At napili kitang pakasalan.” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano? Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Five million pesos? Asawa? Napatingin ako sa cellphone ko na parang may kung anong multo ang biglang lumitaw mula rito. “Excuse me?” halos pabulong kong tanong, pilit na iniisip kung tama ba ang narinig ko. “Alam kong nagigipit ka, Miss Curtiz,” malamig ngunit matigas na boses ang nagsalita sa kabilang linya. “At alam kong wala kang ibang opsyon.” Napalunok ako. Sino ang lalaking ito? Paano niya nalaman ang tungkol sa akin? At bakit siya nag-aalok ng ganoong klaseng kasunduan? “Hindi ko alam kung anong trip mo, pero—” “Wala akong oras para sa pagtanggi mo,” putol niya sa akin. “Five million pesos para magpakasal ka sa akin. Walang personal na damdamin. Isang pirma lang sa kontrata at matatanggap mo ang pera.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—matatakot ba ako o mapapaisip? Five million. Sa isang iglap, matatapos ang paghihirap ng pamilya ko. Mababayaran ang utang sa ospital. Magkakaroon ng gamot si Papa. Hindi na ako kailangang magpagal sa kakahanap ng trabahong hindi ako tinatanggap. Pero kapalit nito… kasal sa lalaking hindi ko kilala. Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. “Sino ka?” tanong ko, pilit pinapanatili ang matatag na boses. Muli siyang natahimik saglit bago sumagot, “Hindi mo kailangang malaman kung sino ako ngayon.” Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Ano ‘to, laro? “At paano ako makakasigurong totoo ang sinasabi mo?” “Magkita tayo bukas. 3 PM. Grand Imperial Hotel, penthouse suite.” Pagkasabi niya niyon, bigla na lang niyang binaba ang tawag. Naiwan akong nakatulala, mahigpit na hawak ang cellphone ko. Ano ‘tong pinasok ko? Nakatitig lang ako sa cellphone ko, hindi pa rin makapaniwala sa tawag na natanggap ko. Limang milyon kapalit ng kasal? Para akong nasa isang pelikula kung saan ang bidang babae ay binibigyan ng isang di kapanipaniwalang alok ng isang misteryosong bilyonaryo. Pero ang totoo… wala akong ideya kung sino siya. Malamig ang tono niya, parang sanay sa pagdidikta. Ni hindi man lang nagpakilala. At ang mas nakakapagtaka—paano niya nalaman ang tungkol sa akin? Alam niyang gipit ako. Alam niyang walang-wala ako. Napalunok ako at napayuko, pinaglalaruan ang baso ng malamig nang kape sa harapan ko. Ano ba ‘to, Kara? Wala ka na bang ibang paraan kaya pati sarili mo, ibebenta mo na? Napailing ako sa sarili kong iniisip. Hindi, hindi ito pagbebenta ng sarili. Isa itong kasunduan—isang kontrata. Pero ano ang magiging kapalit? Bukod sa kasal, ano pa? Napatingin ako sa paligid ng coffee shop. Mga taong masaya at walang iniintinding problema. May magkasintahang nagtatawanan sa sulok, isang lalaking abala sa laptop niya, at isang pamilya na mukhang nag-eenjoy sa kanilang bonding. Samantalang ako? Nakaupo rito, pinag-iisipan kung ipagbibili ko ang sarili ko sa isang estranghero. Napakagat-labi ako at pinigilan ang luha na namumuo sa mata ko. Kung hindi lang nakaratay si Papa, siguradong hindi niya ako hahayaang dumaan sa ganitong sitwasyon. Siya ang laging nagsasabi sa akin noon, "Kara, anak, huwag mong ibababa ang sarili mo. May halaga ka." Pero paano kung ang tanging paraan para maibangon ko ang pamilya ko ay ang tanggapin ang alok na ito? Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko ang mga text ni Mama. Mama: Anak, okay ka lang ba? Tawagan mo ako kung may balita ka sa trabaho mo, ha? Mama: Nasa ospital si Papa mo. Nagkaroon siya ng panibagong atake. Hindi ko alam kung anong gagawin natin. Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Panibagong atake?! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano na ang mga bayarin sa ospital? Paano ang gamot ni Papa? Wala na kaming pera! Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. Kailangan kong magdesisyon. Kaya ko bang lunukin ang pride ko para sa pamilya ko?Chapter 208 Jhanna POV Napailing na lamang ako sa aking sinabi habang nililigpit ang aming kinainan. Gusto ko mang magpahinga muna saglit, pero hindi puwedeng tamarin dahil kasama sa pagiging sekretarya ko ang pag-asikaso sa Acting CEO na mayabang pero nakakatawa rin naman minsan. Tumayo na rin si Miguel, dala pa ang ngiting parang wala siyang utang na limang taon nang hindi binabayaran. Tinuro ko sa kanya ang folder na kailangan niyang pirmahan habang siya'y naglalakad paakyat sa mesa niya. "Mr. Sanchez, may meeting ka pala mamaya, 2:00 PM. Wag kang magpanggap na nakalimutan mo ha, kasi kahapon ko pa 'yan pinaalala." Napalingon siya sa akin, kunot-noo pa. "Oo na, Oo na. Sa sobrang dami mong paalala, baka pati birthday mo kabisado ko na." Napairap ako. "Good, kasi wala kang regalo last year." Tumawa siya habang umupo sa swivel chair niya, pero sinimulan na rin ang paglagda sa mga dokumento. Pagkatapos kong iligpit ang mga kalat ay agad akong nagtungo sa aking table. H
Chapter 207Ilang minuto pa lang ang lumipas ay bumungad na siya sa pintuan, may hawak na paper bag na obvious na may laman na pagkain."Mr. Tipaklong! Kakain muna tayo bago mo umpisahan 'yang utot mong trabaho!" sigaw niya sabay laglag ng bag sa harap ko na parang nagde-deliver lang ng fast food sa barangay.Napatingin ako sa kanya, nakakunot ang noo. "Utot agad? Wala pa ngang simoy, iniinsulto mo na agad 'yung utak ko.""Eh kasi naman, baka mamaya habang nagtatrabaho ka e bigla ka nalang mag-collapse dahil gutom, kasalanan ko pa! Hindi pwede 'yon, ayoko makasuhan ng pagpapabaya sa acting CEO na may utot.""Hindi ako may utot! May strategy ako!""Strategy nga ng bituka mo 'yan!"Napailing na lang ako habang tinatanggap ang pagkain. Kahit nakakainis siya, hindi ko rin maitangging masarap siyang kakwentuhan. May topak nga lang. Habang inaayos ni Jhanna ang pagkain sa maliit na mesa sa loob ng opisina, bigla namang tumunog ang telepono. Mula sa masayang bungisngis, agad siyang sumeryos
Chapter 206"Ang dami mo namang pinangalanan sa akin. Kanina Mr. Tipaklong, ngayon naman Mr. Acting CEO," reklamo ko habang nakataas ang kilay. "Isusumbong na talaga kita kay Chris."Napatingin siya sa akin, sabay irap."Sige, sabihin mo na rin kay Chris na utang mo sa akin ‘yung 10K. Tapos ‘yung emotional damage na tinamo ko mula sa daily banat mo. Dagdagan mo na ng service charge."Napailing ako. "Wow, may emotional damage pa talaga?""Oo. Minsan pag pinipikit ko mata ko, mukha mo pa rin ang nakikita ko. Gabi-gabi. Trauma na ‘to.""Ang ganda ko siguro sa panaginip mo.""Bangungot, Miguel. Bangungot ang tawag doon."Napatawa ako kahit gusto ko nang mag-walk out. Pero sa totoo lang, gusto ko lang siyang asarin. Kasi kahit binabara niya ako sa bawat hinga ko, iba pa rin talaga ‘yung presensya niya.“Okay,” sabi ko, huminga ako ng malalim. “Pero kapag napikon ako, babawasan ko sahod mo ng limang piso kada insulto.”“Go. Pero kada irap ko, dagdagan mo ng sampu. Balak ko kasing umaman nga
Chapter 205 Tumayo ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan o hayaan. Pero may kung anong humihila sa akin para huwag siyang paalisin. “Pwede ba tayong mag-usap muna nang maayos?” tanong ko, mas malumanay na ngayon ang tono ko. Huminto siya sa may pintuan, pero hindi siya lumingon. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Miguel, hindi mo kailangang intindihin ang nararamdaman ko. Hindi mo naman ako kailanman pinilit na magsabi, 'di ba?" Bigla akong natahimik. Tama siya. Pero hindi ibig sabihin noon ay ayokong marinig. "Then tell me now," bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya. Pero ang sigurado ako—ngayon ko lang naramdaman na mas mahirap palang intindihin ang puso ng isang babaeng akala mo matapang, pero sa loob-loob pala ay pagod na. “Gusto mo talagang malaman kung bakit inis na inis ako sa’yo?” ani niya, nakatitig sa akin ng direkta, parang handang ibuhos lahat ng kinikimkim niya. “Oo,” sagot ko agad. Maikli, pero seryoso. Gusto ko talagang malaman. Tahimik siyang
Chapter 204Miguel POVEwan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nagpakita pa ako ng ngiti habang sinisigawan ako ni Jhanna. Parang may parte sa akin na natutuwa sa mga pasimpleng asar niya, kahit pa halata naman na ubos na ang pasensya niya sa akin.Pero ngayong nakita ko kung paano siya nagalit—yung tunay na inis, hindi na biro—parang may tumama sa akin. Bigla akong natahimik. Ang ingay sa utak ko, natahimik. Sa sobrang dami ng ginagawa ko, sa sobrang dami ng iniisip ko bilang Acting CEO, siya lang ang nakakagulo sa routine ko.At sa totoo lang, hindi ako sanay na may kagaya niya sa paligid.Hindi ko maintindihan si Jhanna. Minsan masungit, minsan maamo. Parang weather. Pero sa kabila ng lahat, gusto ko siyang pagmasdan. Gusto kong hulaan kung anong iniisip niya. Gusto kong unawain kung bakit ako ang inaasar niya sa lahat ng tao sa opisina.Pero hindi ko rin alam kung bakit may mga salitang hindi ko masabi. Kanina lang, muntik ko nang mabanggit na... importante siya. Pero tinikom
Chapter 203Jhanna POVIwan ko ba kung bakit inis na inis ako sa lalaking 'to. Parang gusto kong ilampaso sa mukha niya ang dala kong folder. Akala mo kung sino kung makapagbitiw ng salita—eh halos mapuno ng kape ang desk ko kakakain niya ng donuts habang nagpapanggap na busy!“Na ano, Mr. Tipaklong?” sagot ko sa kanya kanina habang nakataas ang kilay. Nakakatawa siyang tingnan habang napapaurong sa kinauupuan niya, pero hindi ako natatawa. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa inis ko sa ugali niya o dahil napapansin kong masyado na siyang... visible sa sistema ko.Tumalikod ako at bumalik sa opisina ni Sir. Nasa elevator na pala siya kaya tinawag ko siya.“Sir! Sir!” tawag ko habang hawak-hawak pa rin ang tablet ko.Lumingon siya. “Why, Jhanna?” malamig niyang tanong pero hindi naman nakakatakot.Kinagat ko ang loob ng pisngi ko bago nagsalita. “Pwede bang ikamusta mo ako kay Mila? Namimiss ko na kasi siya,” sabi ko nang parang bata. Ewan ko ba. Kay Sir, hindi ako kinakabahan magsabi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments