Share

Chapter 51: The Fall [2]

Hindi maintindihan ni Zek kung ano ang nangyayari, hindi niya mahagilap sa isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Inaalala niya ang nangyari kahapon at naalala niyang biglang naglaho ang babaeng tinatawag ni Liah na Annabelle. Palaisipan pa rin sa kaniya bakit lagi sumusulpot ang babae at balak na patayin ang babaeng mahal niya.

“Kuya?” Isang boses ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni-muni. Sinundan niya ang boses at nakita niya ang kaniyang kapatid.

“Ezra? Oh? Bakit?”

“Are you ready for your wedding?” masiglang tanong nito sa kaniya.

“What? Wedding?” takang tanong niya.

“Yeah. You’re gonna marry, Laura? How could you not remember?”

Nag-isip ang binata at naalala niya na buntis ang babae at siya ang tinuturong ama ng bata. Iyon ang dahilan bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya munang ayusin ang gusot na ito bago niya hanapin ang babae. Huminga siya nang malalim at patuloy na iniisip kung paano niya hahanapin ang babaeng mahal niya.

Nagtataka rin siya bakit hindi nila maalala si Liah, at nagtatanong siya sa kanyang sarili kung sino ang dalawang babaeng dumating kahapon. Hindi na rin niya maalala kung saan napunta ang babaeng si Annabelle. Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala rin siyang alam kung saan galing ang babae, o saan nakatira si Liah. Tumayo siya at lumabas, kailangan niyang puntahan ang apartment ni Liah. Baka may makita siyang bagay na nakakapagturo sa kaniya kung nasaan ito.

~**~

Samantala, sa palasyo ng Verona ay hindi pa rin nagigising ang prinsesa, patuloy pa rin naghahanap ng lunas at sagot si Tara. Hindi rin makikitang umiilaw ang pantas ni Liah, at tulad ni Liah, parang patay na sanga ito. Hindi rin nila alam bakit umiilaw ang buong katawan ng dalaga, pero parang patay na ito.

“Anong gagawin natin, Tara?” balisang tanong ng reyna.

“Hindi ko rin alam, Mahal na Reyna.”

Ilan mga sandaling lumipas ay naramdaman nilang nagigising na ang prinsesa. Agad silang tumungo sa silid nito at nakita nilang nakatayo na si Liah sa kaniyang balkonahe. Buhay na buhay ito at nakikipag-usap ito sa mga ibon.

“Amaliah?” sambit ng reyna. Lumingon ang dalaga at ngumiti sa kaniya, ngunit nagkatinginan ang reyna at si Tara, tila may nakita silang kakaiba sa dalaga. Hindi nila mawari ang kakaibang aura ng dalaga.

“Anong pakiramdam mo, anak?”

Ngunit hindi sumagot ang dalaga, ngiti lamang ang tanging tugon nito. Nagtaka naman ang dalawa.

“Nagugugtom ka ba, Hija?” tanong muli ng reyna. Tumango ang dalaga at ngumiti.

“Opo, Ma.” Nakiramdam naman si Tara sa kilos at bawat salita ng dalaga, alam niyang may kakaibang nangyayari sa prinsesa. Sinubukan niyang kausapin ang dalaga pero tanging tango at ngiti lamang ang tinutugon nito.

“Sige, halika na at bumaba na tayo sa kusina,” ani ng reyna. Naunang lumakad ang prinsesa at nahuli naman ang reyna at ang kaniyang pantas. Nag-usap ang dalawa sa pamamagitan ng isip.

“Kakaiba ang kinikilos ng prinsesa, Mahal na Reyna.”

“Oo. Parang hindi siya ang anak ko, Tara.”

“Pero imposibleng hindi natin agad malalaman ‘yon,”

“Baka pagod lang at mahina pa ang katawan niya,”

“Hayaan na muna natin siya, Mahal na Reyna.”

“Mabuti pa nga.”

~***~

Samantala nais malaman ni Zek kung ano ang nangyari bakit hindi maalala ng lahat si Liah. Kahit si Nana Senya ay hindi kilala si Liah. Muli siyang bumalik sa apartment kung saan nakatira ang dalaga. Nagtanong-tanong din siya sa kaniyang mga kapit-bahay, pero kahit sila ay hindi kilala ang dalaga. Ngayon pakiramdam niya ay nawawala na siya sa kaniyang sarili. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung nasaan ang babaeng mahal niya.

Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kaniyang kotse at umuwi sa palasyo. Nang muli siyang nakabalik ng bahay nila ay nasumpungan niya si Laura at ang ama nito sa lanai ng palasyo nila at kausap ang mga magulang niya. Nang nakita siya ng babae ay agad itong tumayo at lumapit sa kaniya.

“Hi, Babe,” ani nito, sabay h***k sa labi niya. Umaakto itong parang walang nangyaring gulo. Parang walang nangyari, nakangiti pa ang lahat nang makita nilang hinalikan ng babae si Zek. Ganoon na lamang ang pagkadismaya ng babae nang hindi tinugon ni Zek ang h***k niya.

“May problema ba?” tanong ng babae. Hindi naman sumagot ang prinsipe. Labis ang pagtataka ng babae sa kinikilos ng lalaki.

“Babe? What’s wrong?”

“Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong ng lalaki. Lumaki naman ang mga mata ng babae sa trato ng lalaki sa kaniya.

“What’s wrong with you?!” bulalas ng babae. Tinanggal naman ng lalaki ang kamay ng babae na nakapulupot sa leeg niya.

“Anong problema, anak?” tanong ng ina niya.

“Wala, Ma. Pagod lang ako,” tugon niya sabay talikod sa kanila at pumasok sa kaniyang silid.

“Zek!” sigaw ng babae. Pero hindi lumingon ang prinsipe.

~***~

Hindi maintindihan ni Tara at ng reyna ang kakaibang kinikilos ng dalaga. Hindi rin nila alam kung paano gumaling ang mga sugat at naging malakas ito nang gano’n kadali. Alam naman nilang malakas ang prinsesa pero hindi nila maintindihan bakit bigla-bigla itong lumakas. Pero sa kabila ng kakaibang kilos ng dalaga ay naging panatag na rin ang reyna at naging kampati na siya na magaling na ang kaniyang anak. Pero hindi kay Tara, malakas ang pakiramdam niyang may mali sa prinsesa.

 “Mauna na po ako sa aking silid,” biglang sambit ng prinsesa. Tumayo na rin ito.

“Busog ka na ba?” tanong ng ina niya.

“Oho.”

“Sige, magpahinga ka na.”

Tumalikod na ang dalaga nang hindi man lang tumugon sa ina niya, at nakakapagtaka na hindi ito h*****k sa kaniyang ina bago umalis. Pero binaliwala iyon ng reyna.

“Hindi ko alam, Mahal na Reyna, pero hindi maganda ang aking nararamdaman sa kakaibang kinikilos ng prinsesa,” ani ni Tara. Huminga naman nang malamin ang reyna habang tumatayo sa kaniyang kinauupuan at tumungo sa bintana.

“Ako rin, Tara. Hindi ugali ng anak ko ang umalis na lamang nang hindi ako hinahalikan. Darating na si Lukas at Elle sa susunod na buwan at ang hari naman ay babalik na rin. Hindi ko alam kung pa paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.”

“Ipatawag mo si Agustus, Mahal na Reyna.”

“Pero tapos na ang misyon nila, Tara.”

“Pwede rin na pumunta tayo sa mga De Arcon.”

“Mas delikado, Tara. Kapag nalaman nilang nakabalik na ang prinsesa na hindi pa tapos ang misyon niya ay mapipilitan akong isuko ang kaharian ng Verona sa pamumuno nila,” nanlulumong sagot ng reyna.

“Tanging tunay lamang na pag-ibig ang pag-asa natin, Tara. Hindi maaaring mangyari muli ang nangyari noon. Hindi ko na hahayaan.”

“Kailangan mahanap ni Zek ang anak ko, kailangan niyang ipaglaban ang anak ko,” naluluhang saad ng reyna.

“Alam kong magkikita rin silang dalawa,’ tugon naman ni Tara. Hindi rin mapakali ang punong pantas dahil sa nakita niyang patay pa rin ang pantas ni Liah. Hindi ito nagbago pero hindi niya sinabi sa reyna, dahil alam niyang mag-aalala na naman ito.

~**~

Patuloy pa rin ang pag-iisip ng paraan ni Zek kung paano niya mahahanap si Liah, pero dahil kay Laura ay hindi niya iyon magawa. Kinausap siya ng kaniyang ina na, asikasuhin ang kasal nila ni Laura, pero hindi siya papayag na makasal sa babae. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya ang ama ng batang pinagbubuntis ni Laura. Kailangan niyang makagawa ng paraan para hindi matuloy ang kanilang kasal. Napukaw naman ang kaniyang atensyon nang biglang may kumatok sa kaniyang pinto.

“Mahal na Prinsipe!” sigaw ng isang boses. Agad siyang tumayo at pinagbuksan ang tao sa labas. Nang buksan niya ay bumungad sa kaniya ang Heneral ng palasyo.

“Bakit?” takang tanong niya.

“Maraming patay sa kabilang kaharian,” hingal na sagot niya.

“Ha? Bakit? Anong nangyari?”

“Umatake na naman ang mga lobong itim, kasama ang mga masasamang mangkukulam, at patungo na sila dito sa ating kaharian,”

“Mauna ka na, susunod ako.” Utos niya. Agad na yumuko ang heneral at paatras na tumalikod at umalis.

  “Malapit na ang pagsapit ng selebrasyon nila, naghahanap na naman sila ng mga alay!” galit na sambit ng prinsipe habang nakakuyom ang mga kamao.

~**~

Habang sa kabilang dako ay patuloy ang paghahasik ng lagim ng mga mangkukulam at mga itim na lobo na pinamumunuan ng isang babae. Samantala sa palasyo ng Verona ay hinahanap ng lahat ang prinsesa. Hindi nila makita kahit saan ang dalaga, kahit sa gubat ay hinanap nila pero hindi nila makita.

“Hindi na maganda ang nangyayari, Mahal na Reyna. Hindi na,” ani ni Tara.

“Anong gagawin natin, Tara?”

“Ipatawag mo na ulit si Agustus, mas malakas ang kaniyang pang-amoy kaysa sa atin mga mangkukulam.”

“Sige, wala na rin tayong magagawa. Ipapatawag ko rin ang ibang mangkukulam na maaaring makatulong sa atin.”

“May na balitaan din akong maraming patay sa isang kaharian na malapit sa kaharian ng Tyre, sumalakay ang mga mangkukulam, at alam kong tayo na naman ang sisihin dahil sa mga kalahi natin.”

“Alam ko. Malapit na ang kabilugan ng pulang buwan at naghahanap muli sila ng mga alay na maharlika. Kailangn natin mahanap si Liah, at pigilan ang maitim na balak ng mga kalahi natin.”

Sa isang iglap ay biglang sumigaw ang isang sundalo ng palasyo. Napalingon naman ang dalawang babae sa sundalo. Nagmamadali itong lumapit sa kanila at humihingal na nagsalita.

“Nakatakas ang mangkukulam!” anunsyo nito. Sa sobrang bigla ay sabay silang nagsalita.

“Ano?!”

“Paanong nakatakas si Lusiana?!” ani ng reyna.

-Witch in the Palace.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status