Paano kung ang kaniyang panaginip ay isa palang totoong pangyayari sa Enchantria? Paano kung pagdating nila ng Enchantria ay subukin ang kanilang pagmamahalan ni Nicolo? Maaalala pa kaya nila ang isa’t-isa kung kapwa sila walang maalala sa kanilang nakaraan? Saan hahantong ang kanilang pag-iibigan kung kapwa sila nasa isang digmaang walang nakakaalam ng totoong sandata na maaaring ilaban? Maibabalik kaya ni Diana sa dati ang kaharian ng Enchantria?
View MoreSa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H
"Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na
"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap
Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l
Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments