Isang malalim na singhap ang pinakawalan ni Lala, bago tuluyang mawalan ng malay. Habang si Ezra ay hindi mapigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Bumuhos ang malakas na ulan at dumilim ang buong paligid. At lahat ng dahon ng mga puno ay sinasayaw ng hangin patungo sa isang kawalan. Hindi niya maigalaw ang buo niyang katawan at nanginginig ang buo niyang kalamnan. Nang maramdaman ang lamig ay kaniyang napagtanto na malapit na pala sila sa kinaruruunan nila Zek at Liah. At gano’n na lamang ang kaniyang pagkagimbal nang makita sina Zek at Liah, na nakahandusay sa lupa at walang malay.
“K-kuya?” mahinang sambit niya. At unti-unting humahakbang ang kaniyang mga paa patungo sa kaniyang kapatid.
“A-ate, Liah?”
Humahalo ang patak ng ulan sa kaniyang mga luha, hindi niya mapigilan ang impit na pag-iyak. Niyugyog niya ang kaniyang kapatid para magising, pero kahit anong gawin niya ay wala pa rin itong malay.
Hindi maintindihan ni Zek kung ano ang nangyayari, hindi niya mahagilap sa isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Inaalala niya ang nangyari kahapon at naalala niyang biglang naglaho ang babaeng tinatawag ni Liah na Annabelle. Palaisipan pa rin sa kaniya bakit lagi sumusulpot ang babae at balak na patayin ang babaeng mahal niya. “Kuya?” Isang boses ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni-muni. Sinundan niya ang boses at nakita niya ang kaniyang kapatid. “Ezra? Oh? Bakit?” “Are you ready for your wedding?” masiglang tanong nito sa kaniya. “What? Wedding?” takang tanong niya. “Yeah. You’re gonna marry, Laura? How could you not remember?” Nag-isip ang binata at naalala niya na buntis ang babae at siya ang tinuturong ama ng bata. Iyon ang dahilan bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya munang ayusin ang gusot na ito bag
Tumungo si Tara at ang reyna sa kulungan, kung saan nila kinulong ang bruha. At habang papalapit sila nang papalapit sa kulungan, biglang lumitaw ang ina ng reyna. “Nabalitaan ko ang nangyari, Airah.” Lumingon naman ang anak niya na hindi na nagulat na bigla na lamang sumulpot ang mahal niyang ina. Habang si Tara ay tahimik na nagmamasaid sa paligid, dahil baka may nagtatagong kalaban sa gilid-gilid. Madilim, masikip at mga batong pader ang kanilang dinadaan. At sa bawat hakbang nila ay binubuksan ni Tara ang mga sulong nakadikit sa pader na bato. Unti-unting lumiliwanag ang paligid. “Paano nawalan ng bisa ang mahikang nilagay ko?” tanong ng inang reyna. Halatang nagtataka ito sa mga nangyari. “Malapit na ang kabilugan ng buwan, Ina, at nagsisimula na silang maghasik ng lagim sa bawat parti ng mundo.” “Naramdaman ko ring nakauwi na ang aking apo, Airah.” Yumuko ang reyna, dahil hindi ni
“Sinadyang putulin ang kaniyang dila para hindi siya makapagsalita, Mahal na Prinsipe.”Hindi nagsalita ang binata, nag-iisip ito kung ano ang gagawin. “May naisip na ako. Para malaman natin kung saan siya nanggaling at kung sino ang nag-utos sa kaniya ito ang gawin natin. Hinila niya papalayo ang kaniyang sundalo at dinala sa labas ng kulungan. Nang matapos nilang mag-usap ay napagpasiyahan nilang hayaan ang lalaki. Pinakain at binigyan nila ng tubig para bumalik ang lakas nito.“Kailangan natin romonda sa buong paligid ng kaharian para siguraduhin ligtas ang mga tao at ang ibang lahi na nandito sa territoryo ko.”“Masusunod, Mahal na Prinsipe.Paano nga pala ang pagliligtas sa anak ng Duke?”“Ganito makinig ka, papalayain natin ang bihag natin at do’n tayo gagawa ng aksyon. Susundan natin ang bihag hanggang sa ma
Biglang nag-vibrate ang tracker ni Zek, na inilagay niya sa kaniyang bulsa. Alam niyang may kalaban sa paligid kaya minabuti na rin niyang e-vibrate mode ang tracker niya para hindi makagawa ng ingay. Agad niyang inalerto ang kaniyang mga kasama sa pamamagitan ng paghatid ng coordinates at para ma-secure ang bawat perimeter nila. Kailangan nilang mag-ingat, dahil hindi tao ang kanilang kalaban. Nang makuha na ng mga kasama niya ang signal ay hindi na sila nagsayang pa ng oras. Agad silang naghanda at naging mas alerto. Ngunit sa kabilang parti ng gubat ay may dalawang babaeng nag-uusap, nakakubli sa isang malaking puno. "Kailangan ko ng bumalik sa Verona, Ina. Siguradong hinahanap pa rin nila ang katawan ni Liah." "Sige, anak kailangan ko na rin puntahan ang kapatid ng prinsipe, kailangan na na
"Bitawan mo ako!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa loob ng isang kweba. Kung saan makikita at maririnig ang iyak, sigaw at hignagpis ng ibang batang nakagapos."Tumahimik ka!" ani ng isang boses, si Lusiana."What the hell!" sigaw ni Ezra. Nagpupumiglas siya at sinusubukang kumawala sa tali."I will kill you!" sigaw niya pa."Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas sa mahika ko, Hija. Kaya wag mo nang sayangin ang lakas mo.""Sino ka? At ano ang balak mo sa amin?""Wag kang atat, Hija. Pero sabagay papatayin din nami
Maghuhubad na sanasi Marcus ng kaniyang damit nang pigilan siya ng batang maharlika.“Wag ka munang magmadali, Marcus. Kailangan sabay-sabay tayong magbabaliktad ng damit, para sabay din tayong makaalis dito. Hindi maaring magkahiwalay tayo.”Tumango si Marcus nang mapagtantong tama ang sinabi ni Naro. Tumingin naman si Ezra kay Marcus, na parang may nais itong sabihin sa kaniya. Agad naman nakuha ni Marcus ang nais ni Ezra.“Naro, kailangan natin tumalikod para makahubad ang mga prinsesa.”“Sige, masusunod.” Tumalikod naman ang dalawang lalaki at nagsalita si Marcus.“Pagbilang ko ng tatlo ay sabay-sabay tayong magbabaliktad ng damit natin, maliwanag ba?” ani niya sa maawtoridad na boses. Tila nagmimistula siyang lider ng grupo.“Maliwanag!” sabay nilan
Samantala sa kaharian ng Verona ay makikitang parang wala ng buhay ang prinsesa. Nag-aalala na rin ang punong pantas at ang reyna dahil marami nang nawawalang mga maharlika."Wala pa ring malay ang prinsesa. Ano ang gagawin natin, Tara?"" Hindi ko rin alam, Mahal na Reyna at isa pa may malaki tayong problema.""Ano iyon?"Huminga nang malalim ang pantas bago sumagot sa Reyna. Halatang nababalisa ang pantas. Nangangamba sa maaring reaksyon ng reyna."May dumating na balita mula sa ating pinagkakatiwalaan mensahero, nagpaplanong magsagawa ng himagsikan ang ibang kaharian laban sa atin, Mahal na Reyna. Hindi na raw nila hahayaang mangyari ang nangyari noon."&n
Nang matapos makipag-usap sa itim na pantas ang mag-asawa ay tumungo na sila sa lugar ng mga Serano. Kasama ang kanilang mga alagad ay nagmartsa sila na tila ba naghahamon ng digmaan. Habang papalapit sila nang papalapit sa bukana ng puno ay sinusubukan ni Lusiana na mawalan ng bisa ang mahikang nakabalot sa puno. "Malakas ang mahikang nakabalot sa bukana ng kaharian nila, Mahal." "Auggghhhh!" Inis na sigaw ni Lusiana. Hindi niya matibag ang harang ng mga Serano. "Tumabi ka, Lusiana, ako na ang bahalang sumira sa harang," saad ng hari. Tumabi si Lusiana at binigyang laya ang daan para makalapit ang hari. Ngunit nang simula ang hari ay bigla namang bumukas ng malawak ang bukana ng kaharian ng mga Serano. Tila isang gate na kasya ang isang libong sundal