Share

IKA-5 YUGTO: WE’LL BE FINE, I PROMISE

|Janice|

Naghahanda na akong umalis nang makarinig ng mga katok sa pinto.

“Miss Ortega, puwede po ba akong pumasok?” Narinig ko ang boses ni Melinda.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakahinga ng malalim nang mapagtantong hindi iyon boses ni Matteo. I don’t want him to come at sunduin ako.

“Come in,” sabi ko habang abala sa pagsuot ng coat ko. “Anong kailangan mo?” tanong ko nang makapasok siya sa lob ng opisina ko.

“Uhm . . . t-tungkol po sana sa nang—” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla ko siyang tiningnan.

“What about it?” walang emosyong tanong ko sa kanya.

“I—I was hoping we could do it again?” buong tapang na tanong niya.

Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng kilay. “Walang nangyari sa atin, Melinda,” pagkaklaro ko sa kanya. “It was between you and my assistant Darla,” paglilinaw ko sa kanya.

Natigilan siya at nawalan ng kulay ang maamo niyang mukha. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ramdam ko ang matinding tensyon niya.

“P-Pero—”

“Listen, Melinda,” putol ko sa sinasabi niya. “I don’t hook ups with my employees,” seryoso kong usal sa kanya.

Tumango siya. “I-I’m sorry, Miss Ortega. This won’t happen again,” nakatungong usal niya. “Ang buong akala ko ay matutuwa ka sa ginawa ko kanina kaya nagpatianod lang ako at hinayaan si Dar—I mean si Miss Darla na gawin ang g-gusto mo.”

“I am happy seeing both of you moan by pleasuring each other,” prangka kong tugon sa kanya.

“Ho?” Nag-angat siya ng mukha at gulat na tumingin sa akin.

Tumango ako. “Yeah, you see, I’m a Dom and it’s my pleasure to manipulate everyone in the bed but it doesn’t mean that I’m into you so don’t get your heads up.”

Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto. I saw him with a black aura omeniting on his body.

“Hindi ka ba marunong kumatok?” pagtataray ko sa kanya.

Tiningnan niya si Melinda na nagulat at napatanga sa bagong dating. Kitang-kita ko ang kakaibang pagkislap ng mga mata ng babae habang nakatingin sa mukha ni Matteo.

“I’m here to pick you up,” pormal at seryoso niyang turan sa akin.

Marahas akong nagbuntonghininga. “I told you I don’t want you to come.”

“And I said, I will pick you,” mariin niyang sabi. “Are you done?” tanong niya na hindi man lang nag-abalang tingnan si Melinda.

“Uhm, aalis na po ako, Miss Ortega,” ani Melinda. Sinadya niyang dumaan sa harap ni Matteo ngunit parang wala lang nakita si Matteo at nanatiling nakatingin sa akin.

Pagkasara ng pinto ay nilapitan niya ako at nagulat ako nang hapitin niya ako sa beywang. Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko.

“W-What are you doing?” Fck! What the hell?

“Tell me, Jan. Did you fck that woman?” deretso niyang tanong sa akin. Humigpit ang pagkakahapit niya sa beywang ko. Awtomatiko kong inilayo ang mukha ko sa kanya nang ilapit pa niyang lalo ang mukha niya sa akin.

“No, I don’t. And why the hell do you care?” angil ko sa kanya.

“Oh, I care. I fcking care, Jan. I really do,” mahinang turan niya.

Hindi ako nakapagsalita, ilang beses din akong napalunok dahil nag-iiba na naman ang pakiramdam ko. My knees are getting weak and I feel an unfamiliar heat down there. Damn it, why do I have this feeling?!

“Bitiwan mo’ko,” utos ko sa kanya. Kinailangan kong ipunin lahat ng lakas na meron ako para lang masabi iyon ng maayos.

Tinitigan niya lang ako at hindi ako binitiwan. Sinubukan kong magpumiglas ngunit wala rin iyong lakas dahil ayaw nang makisama ang katawan ko. My body’s betraying me and I really hate it.

Mayamaya pa ay unti-unting lumuwag ang pagkakahapit niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin.

“Why are you so fcking hard on me?” tanong ni Matteo sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ask yourself.” Kinuha ko ang coat ko at nauna nang lumabas ng opisina ko. Kailangan kong lumayo sa kanya dahil sa hindi magandang epektong dulot niya sa katawwan ko.

Paglabas ko ng opisina ay nakita ko si Melinda na tumayo mula sa desk niya at nakatingin sa akin pagkatapos ay sa bumukas na pinto sa likod ko. Lumapit naman sa akin si Darla.

“Miss Ortega, pauwi ka na po ba?” tanong ni Darla.

“Yes, idaan mo na lang sa bahay mamaya ang mga kailangan kong pag-aralan na mga bagong designs. Also I want you to call, Mr. Donnovan from Japan, ask an update about our deal,” sabi ko habang naglalakad kami papalapit sa elevator.

Nasa likod lang namin si Matteo at tahimik lang nakikinig sa amin, gustong-gusto ko siyang lingunin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. That’s not my fcking thing!

“Noted, Miss Ortega. Bukas po pala ay may audition tayo for new men model para sa bagong garments na ilalabas natin by next month,” ani Darla.

“What time is it again?” tanong ko sa kanya.

“Nine in the morning, Miss,” sagot niya.

“Okay, but please do remind me again early in the morning,” sabi ko at huminto na sa paglalakad. Pipindutin ko na sana ang button ng elevator ngunit natigilan ako dahil mas mabilis ang kamay ni Matteo at Kaagad niyang napindot iyon.

Nakita ko ang gulat na tingin ni Darla at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Matteo.

Napabuntonghininga ako lalo na at nakita ko ang tila naglalarong ngiti sa mga labi niya.

“Get in,” ani Matteo.

Inirapan ko siya ngunit hindi na ako nagsalita pa at pumasok na.

“Have a good night, Miss,” nakangiting wika ni Darla at nagawa pang kindatan ako.

“Shut the fck up, Darla,” hindi ko napigilang sita sa kanya.

Pagkasara ng pinto ng elevator ay mataray kong hinarap si Matteo. “Don’t you ever do that again.”

“Do what?” maang na tanong niya sa akin.

“Ugh! Don’t boss me around, lalo na kung may ibang tao!”

“May masama ba sa ginawa ko?” tanong niya ulit sa akin.

“Yes! I don’t want someone to tell me what should I do or not!” gigil na turan ko sa kanya.

Tinitigan niya ako ng matagal at ilang sandali pa ay napailing saka nagbuntonghininga. “Okay, I’m sorry.”

Natigilan naman ako at nag-iwas ng tingin, sinsero ang paghingi niya ng tawad at parang may kamay na humaplos sa puso ko sa ginawa niya. He hit my soft spot, ano pang karapatang ko para magtaray?

Humalukipkip na lang ako at hindi na siya pinansin. Napaka-awkward ng katahinikan sa pagitan naming dalawa, ilang segundo lang naman iyon ngunit parang pakiramdam ko napakabagal ng oras sa mga sandaling iyon.

Nang huminto ang elevator ay saka lang ako gumalaw sa kinaroroonan ko, hindi ko siya tinapunan ng tingin at deretso lang ang tingin ko. Pagbukas ng elevator ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas na ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto ng sasakyan ko ay hinawakan na ako sa braso ni Matteo.

“Can I ask you something?” aniya.

“What?”

“What would you prefer, my car or your car?” tanong niya.

“Huh?”

“I’m asking you what you want, hindi ako papayag na magmaneho ka mag-isa. I can drive your car and leave my car here, or you can hop in my car and leave your car here.”

Or you can drive me crazy as hell!

“Sht!” hindi ko napigilang ibulalas ang dapat ay sa isip ko lang. What the hell is happen ing to me? Am I fcking fantasizing him right now?

“Please, stop swearing at me,” pakiusap niya sa akin.

Ipinilig ko ang ulo ko at nag-iwas ng tingin habang ibinibigay ang susi ng sasakyan ko. At nauna nang magpunta sa sasakyan ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. This was the first time I am fantasizing a man! No. No way!

Natigilan ako nang tumunog ang sasakyan ko, nalampasan ko na iyon at ramdam ko ang mabilis na pag-iinit ng mukha ko.

“Where are you going?” Narinig kong tanong ni Matteo sa akin.

Napalunok ako, mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakikita ang alam kong pulang-pula ko na mukha.

“I’ll wait for you here,” sabi ko habang kagat-kagat ang labi ko. Sana hindi niya mahalatang alibi ko lang iyon.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan ko, mayamaya pa ay ang makina naman ang tumunog. Hindi ko siya nilingon at nanatili lamang akong nakatalikod sa kanya sa takot na baka makita niya ang pamumula ng mukha ko.

Fck! Fck! Fck! Hold yourself together, Janice Ortega!

Nang pumarada ang sasakyan sa harap ko ay bumaba pa si Matteo at mabilis na umikot upang pagbuksan ako ng pinto. Hinayaan ko na lang siya at sumakay na, inalalayan pa niya ang ulo ko upang hindi tumama sa hood ng kotse.

Nang masiguro niyang maayos na akong nakasakay ay marahan niyang isinara ang pinto at mabilis na umikot sa driver seat upang sumakay na.

“Please fasten your seatbelt,” sabi niya.

Tumango naman ako at ikinabit ang seatbelt ko.

****

HINDI na ako nagulat kung paano niya natunton ang bahay namin, of course, nothing’s imposible for him.

Pagkapatay ng makina ng sasakyan ay nauna na akong bumaba, I am still upset at dahil nasa bahay kami at nandito si Luigi ay kailangan kong mag-behave lalo pa at kasama niya ang mga anak nila ni Chelsey.

“Jan!” Narinig ko ang boses ni Chelsey pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto namin. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

“Where is your husband?” panunukso pa niya.

I rolled my eyes at gumanti ng yakap sa kanya. “Stop teasing me, I don’t want to talk about him,” sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Tinawanan niya lang ako at sabay kaming naglakad palapit kina Luigi at kay Daddy na abala sa pakikipaglaro sa mga apo niya.

“Hello guys,” walang ganang bati ko sa kanila.

Agad namang sumimangot si Luigi sa inasta ko. “What’s with that face, Janice?”

“Ugh! Don’t mind me, Big Brother, I’m tired. Hindi pa ba tayo kakain?” sagot ko.

“Where’s your husband?” tanong naman ni Daddy.

Marahas akong napabuntonghininga at bago pa man ako makapagsalita ay nakarinig kami nang pagkatok. Natuon ang tingin ng lahat sa akin, na para bang may ginawa akong karumal-dumal na krimen.

“Iniwanan mo sa labas ang asawa mo?” salubong ang kilay na tanong ni Luigi.

“I’ll go!” Nakangiting turan ni Chelsey at bago pa man kami naka-react ay patakbo na niyang tinungo ang pinto.

“What the hell is your problem, Jan?” sita sa akin ni Luigi.

Kibit-balikat lang ang sinagot ko sa kanya na lalong nagpausok sa bumbunan niya.

“For once, grow up, Janice!”

Sininghalan ko siya at inirapan.

“Enough, both of you. We’ll talk later. For now, let’s not ruin the night,” saway sa amin ni Daddy.

Duh! Sirang-sira na ang gabi ko!

“Good evening ho,” magalang na bati ni Matteo nang makalapit siya sa amin. Pasimple pa siyang itinulak ni Chelsey sa inuupuan ko upang magkatabi kami sa pag-upo.

“Good evening, Hijo, sit down. Nice meeting you,” nakangiting turan ni Daddy.

“Thank you, Sir,” ani Matteo at umupo sa tabi ko.

“So . . .” Tumikhim muna si Daddy bago muling nagsalita. “If I’m not mistaken, you’re here for what reason again?”

“Uhm, Dad?” singit ni Chelsey. “Mas mabuti po yatang kumain muna tayo bago ang interrogation portion?”

Tumawa ng mahina si Daddy at napakamot ng ulo.

“You’re right, handa naman din ang mga pagkain kaya kumain na muna tayo,” nakangiting wika ni Daddy at naunang tumayo.

Naramdaman ko ang pagsiko sa kanya ni Chelsey at ang palihim na pagkindat, I rolled my eyes, I know what that means. Tiyak na hindi na naman niya ako tatantanan mamaya, lalo pa at binigyan ko siya ng palaisipan sa huling pag-uusap namin sa cellphone.

Sabay-sabay kaming nagpunta sa kusina at natigilan ako nang pinaghila ako ng upuan ni Matteo, sinamaan ko siya ng tingin at tahimik na umupo, habang umupo naman siya sa tabi ko. Ang daming pagkaing nakahain sa mesa, talagang pinaghandaang maigi ni Daddy ang gabing iyon pakiramdam ko ay nag-usap-usap na sila na hindi ko alam.

“So, you guys are already married, yes?” tanong ni Daddy.

Mabuti na lang at hindi pa ako nakakasubo ng pagkain dahil kung hindi ay tiyak na nabilaukan na ako sa deretsahang tanong ni Daddy.

“Dad!” pinanlakihan ko siya ng mga mata.

“Yes, Mr. Ortega,” sagot naman ni Matteo. “Pero humihingi ako ng kapatawaran dahil biglaan lang iyon at hindi napaghandaan ng maayos—it was a civil wedding and—”

“Civil wedding, my a—” Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sumingit naman ang magaling kong kapatid.

“And what makes you think you can marry her without our consent?” seryosong tanong ni Iji kay Matteo.

Napatanga ako sa tanong ni Iji, gusto kong matuwa sa sinabi niya pero bakit may parte sa akin na tila nainis din sa tanong niya kaya naman wala sa loob na sinamaan ko siya ng tingin.

“To tell you. Honestly, I take a precaution. I love her and wanted her to be my wife, so I asked her to marry me. That’s why I’m here, I’m asking your consent, and we’ll make the big preparation for our next wedding, so—”

“Hold on, jerks!” Hindi ko napigilan nang magtaas ng boses. Nawalan na ‘ko ng ganang kumain at halos lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo. “This is all a fcking set up! I never agree to marry him in the first place!”

“Janice, calm down, kaya nga tayo nandito para pag-usapan ang bagay na iyan,” kalmadong awat sa akin ni Daddy habang abala sa paghiwa ng karneng nasa plato niya. “I wanted to hear everything from the both of you, specially from you, Hijo. I know that my daughter has a temper, are you really sure what you’re doing? Marrying her isn’t that easy, you know.”

Napasinghal ako sa sinabi ni Daddy, mukhang sasakit ang ulo ko sa pagtitipon-tipon na iyon. I never expected this to happen! Akala ko ay magtatanong sila at kukuwestiyunin ang ginawa ni Matteo pero hindi iyon ang nakikita ko ngayon. Umiling ako ng sunod-sunod at sumandal sa upuan.

“Sasakit ang ulo ko sa inyo. This is not what you think it is,” sabi ko.

“Ano ka ba, Janice. Don’t talk like that,” saway ni Chelsey sa kanya. “Being married is a gift and fun, and amazing!” dagdag pa ni Chelsey sabay tingin kay Iji.

“Ang mabuti pa, kumain na muna tayo,” seryosong turan ni Iji habang karga ang isa sa kambal.

Wala na rin akong nagawa dahil sinang-ayunan iyon ni Daddy. Tahimik na sila habang kumakain at pinapakiramdaman ko ang katabi ko na halatang nag-eenjoy sa pagkain habang ako naman ay hindi na magawang lumunok pa ng pagkain sa sobrang inis. Kung puwede ko lang sanang hilingin na mawala ako sa mga sandaling iyon ay mabilis ko ng ginawa.

| Matteo |

ANG buong akala ko ay magagawa ko nang makuha ang loob ni Janice sa oras na makipag-usap ako ng maayos sa pamilya niya, subalit masyado talaga siyang matigas at mas lalo pa yatang nagalit sa ginawa ko. Gayunpaman, ay hindi ako puwedeng sumuko. Kailangan kong ipakita na seryoso ako at hindi lamang dala ng kahit na anong kapusukan at tawag ng kalamnan ang ginawa kong ito.

Tahimik lang ako habang kumakain at pinapakiramdaman siya sa tabi ko. Kailanman ay hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko pero alam kong mali din iyon at may karapatan siyang magalit, subalit kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na mababaliw na ako sa kaiisip kung ano ang nararapat kong gawin upang mapasaakin si Janice. Kanina habang tinitingnan ko ang isa sa mga empleyado niya na sobrang lagkit kung makatingin kay Janice ay gusto ko na siyang sakalin at dukutin ang mga mata. Oo nga’t masama manakit ng babae ngunit ano’ng gagawin ko? Nagseselos ko at ako lang dapat ang may karapatang tumingin ng gano’n kay Janice.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay natapos din kaming kumain. Nag-aya na ang Daddy ni Janice na pumunta sa veranda, I am fcking nervous, lalo pa’t masama ang tingin sa akin ni Luigi. Gayunpaman, ay hindi ako nagpahalata, kaya kong ayusin ang gusot na ginawa ko at ang hinihiling ko lang sa kanila ay sapat na panahon para mapaamo ko si Janice at tanggapin ako ng buong puso..

“Wife, can you and Janice take care the twins? It’s time for their nap,” ani Luigi nang makaupo na kami sa veranda.

“What?” kunot-noong tanong ni Chelsey at sinimangutan ang asawa niya.

“Great idea!” sabi naman ni Janice na nauna nang tumayo at kinuha ang batang karga ni Luigi. “Mas gugustuhin ko pang mag-alaga ng pamangkin kaysa ang marinig ang pag-uusap niyo!” dagdag pa niya at inismaran ako.

Lihim akong napailing at napabuntonghininga sa pagpaparining ni Janice pero hindi ako kumibo.

“Janice,” pagbabanta ni Luigi sa kapatid.

“Whatever, Big Brother!” aniya at nauna nang tumalikod at naglakad palayo sa amin.

“We’re gonna talk later,” ani Chelsey kay Luigi at masama ang loob na tinakikuran kami. Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga ni Luigi at hindi ko napigilang ngumiti.

Napalingon ako nang marinig kong tumawa ang Papa nina Luigi at Janice.

“Both of you are similar when it comes to your woman.” Naiiling at napapangiti niyang saad. “Luigi’s fine with that, I can say that, but you, young man. Kakayanin mo ba ang katigasan ng ulo ng prinsesa ko?”

Umayos ako ng pagkakaupo at deretsong tumingin sa ama ni Janice. “I’ll be fine—we’ll be fine, I promise.”

“Goodluck, taming our prinsess, man,” sabi naman ni Luigi sa kanya.

Natigilan ako dahil nakangiti siya sa akin at kahit iyon lang ay ramdam ko na hindi siya tutol sa ginawa ko.

“Yeah, best of luck! And welcome to our family, Matteo,” nakangiting sabi naman ng Daddy nila.

Tango lang ang naisagot ko, I was speecheless! Siguro kong hindi lang nakakahiya ay naiyak na ako sa sobrang tuwa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status