Share

Ika-8 Yugto: My Husband

KINABUKASAN ay maagang nagising si Janice upang magpunta ng gym na nasa loob mismo ng gusali. Tiningnan niya ang napasong kamay at hindi nga nagkamali si Matteo, namaga nga iyon at ramdam niya pa rin hanggang ngayon ang hapdi niyon.

Isang ternong kulay grey na leggings at crop topped ang suot niya, pagkatapos niyang itali papusod ang kanyang buhok ay sinubukan niyang ayusin sa pagkakasintas ang kanyang suot na sapatos ngunit napamura siya dahil sa naramdamang sakit.

Napatingin siya sa may pinto, mukhang wala siyang ibang choice kundi ang istorbohin si Matteo.

Binitbit niya ang kanyang sapatos at lumabas ng kuwarto. Pinakiramdaman niya muna ang buong paligid at dahil alas singko pa lang ay nakatitiyak siyang tulog pa ito.

Huminga siya ng malalim, hindi naman sukdulan ang sama niya para gisingin pa ito at utusang tulungan siyang suotin ang sapatos niya. Umupo siya sa mahabang sofa at kahi nahihirapan ay sinubukan niyang isintas ang sarili niya.

"Fck!" inis na sigaw niya dahil hindi niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status