‘Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Renz?’ Sa isip ni Devin.
Napuno ng sari-saring katanungan ang isipan ni Devin, ngunit nang maisip na nabanggit ni Yesha sa binata ang tungkol sa kanila ni Renz ay hindi na siya nag-isip pa ng ibang dahilan.
Ngumiti lang siya, at sinabi, “Hindi, Kuya Aslan, sadyang pinairal natin ang kapusukan, kaya kalimutan na natin ito.”
Kumurap si Devin, ngunit nakaramdam pa rin ng kaunting pagka-guilty.
Si Aslan napakaespesyal.
Napakatalentado, gwapong binata at promising, at maihahalintulad ito sa isang kilalang bulaklak sa tuktok ng bundok, tulad ng malamig na buwan na nakasabit sa langit.
Ang nangyari sa kanila, isang malaking kasalan.
Lihim na sinumpa ito ni Devin sa kaniyang puso.
Itinaktak ni Aslan ang abo ng sigarilyo sa ashtray at walang pakialam sa sinabi ni Devin na kung ito man ay masama o mabuti.
Gayunpaman, madilim ang kaniyang marahas na mga mata. “Whatever.”
Nakahinga ng maluwag si Devin nang marinig ang sagot nito ngunit natigilan si Devin. Pinasadahan ni Aslan nang tingin si Devin mula ulo hanggang paa. Hindi iyon isang uri ng tingin na may pangmamaliit o pang-aapi bagkus isa iyong mapag-akin na tingin.
Namula si Devin at napalunok nang makita ang uri ng paninitig nito sa kaniyang katawan na nababalot lamang ng makapal na kumot.
Ang mga tingin nito'y nakakapagpabaliw ng kaniyang puso. Mabilis na nagtungo si Devin sa banyo upang iwasan ito at nagbihis siya.
Umalis si Devin sa hotel, at sumakay ng taxi upang umuwi sa Hermosa mansion.
Samantala, natigilan si Xylarie nang makita ang nakita ang pamilyar na pigura, saka kinagat ang kaniyang labi at hinila si Renz.
“Renz, sa tingin ko nakita ko si Devin.”
Sigurado siyang si Devin ang kaniyang nakita dahil hinding-hindi niya makakalimutan ang babaeng ‘yon.
“Si Devin? Bakit naman siya nandito?” Bahagyang kumunot ang noo ni Renz.
Ang hotel na ito ay isang five-star hotel, at si Devin, isang mahirap na estudyante ay hindi kayang bayaran ito.
“Marahil hindi ka niya kayang kalimutan. Narinig niya na pupunta ka para makita si Mr. Montellano, kaya naghintay siya rito...”
Konklusyon ni Xylarie dahil sigurado siya na ang isang hampaslupang katulad ni Devin ay maghahabol at maghahabol sa isang lalaking katulad ni Renz.
“Huwag mo siyang pansinin.” Hindi nasiyahan si Renz. Hindi niya talaga gusto ang mga babaeng desperada.
Ayos lang sa kaniya na gumawa ng eksena si Devin sa kaniyang birthday party, pero ngayon ginugulo siya, napakadesperada!
Siguro nga masyado siyang naging mabait kay Devin. Kung hindi, ang isang babaeng tulad ni Devin ay hindi kailanman makakapalagayang-loob ang isang taong tulad niya sa tanang buhay nito.
Pasalamat pa nga ito dahil kahit papaano ay nakaramdam ito ng ginhawa sa buhay bagay na hindi nito mararanasan sa kung sinumang lalaki.
Nang maisip ang sinabi ng kaniyang lolo, kumunot ang noo ni Renz at sinabi, “Let’s go meet the CEO of Alderno. Sinabi ni Lolo na dapat nating makuha ang proyektong ito mula sa pamilya Montellano kahit ano pa ang mangyayari.”
Ang pamilya Hidalgo ay pabagsak na sa nakalipas na dalawang taon. Kung magkakaroon ng koneksyon sa Alderno, maaaring magkaroon ng isa pang pagkakataon ang pamilya Hidalgo na makabangon ang negosyo.
Gayunpaman, wala pa ring nakuha si Renz.
Nang dumating siya, nakaalis na si Mr. Montellano, at hindi niya man lang nakita ang assistant nito.
“Renz, ayos lang ‘yan.” Malumanay na inaliw ni Xylarie si Renz upang pakalmahin ito.
“Magkakaroon ng business dinner ang Alderno maya-maya. Sa panahong iyon, pareho lang iyon kung makikilala mo ang taong iyon sa hapunan.”
“Hmm.”
Tumango si Renz, madilim ang kaniyang mga mata, “Kahit ano pa man ang mangyari, sisiguraduhin kong makukuha ko ang proyekto ng Alderno.”
Sa kabilang banda, hindi alam ni Devin na nagdagdag pa sina Renz at Xylarie sa drama.
Pagkatapos niyang lumabas sa hotel, bumalik siya Hermosa Mansion. Nandoon ang kaniyang kapatid na si Denise at ang kaniyang ina.
Nang makita siya, walang pakialam ang hitsura ni Madame Editha. “Binalaan na kita noong una na si Renz ay hindi isang mabuting tao, at ang pamilya Hidalgo ay hindi kasundo ng pamilya natin. Ayon sa pustahan, natalo ka, at pupunta ka sa La Hermosa bukas. Pagkatapos mong magpakasal at mapag-aralan ang negosyo, ililipat kita sa tabi ko. Mahina ang kalusugan ng kapatid mo, kaya kailangan mong magkaroon ng mas maraming responsibilidad sa mga gawain sa La Hermosa.”
Alam ni Devin na ang kaniyang ina ay isang taong may matatag na prinsipyo. Ang bihirang konsesyon na ginawa niya sa kaniyang buhay ay sa pustahan sa pagitan nilang mag-ina.
Hindi niya ito matatakasan dahil kapag ginawa niya iyon, wala siyang isang salita. Hindi siya Hermosa kung ganu'n.
Walang sinabi si Devin. Biglang ngumiti si Denise sa tabi ng kanilang ina at nagsalita ng may malabong tono, “Mama, kakauwi lang ni Devin, at si Kevin ay ang kaniyang magiging bayaw... Sino ang gusto mong pakasalan niya?”
Si Kevin Acosta na binanggit ni Denise ay ang lalaking pinili noon ni Madame Editha para kay Devin.
Gayunpaman, umibig ang binata kay Denise sa unang tingin, kaya pinutol ni Devin ang pakikipag-ugnayan ilang taon na ang nakakaraan.
Hindi kailanman nagkasundo si Devin at Denise. Si Denise ay isang ampon ni Madame Editha, ngunit sakitin ito. Laging mahigpit si Madame Editha kay Devin simula pagkabata, ngunit mas maalaga at mapagparaya kay Denise.
Nang banggitin ni Denise ang bagay na ‘yon, malinaw na nais nitong ipahiya si Devin sa harapan ni Madame Editha.
Tumingin si Madame Editha kay Devin at walang pakialam na sinabi, “Sa makalawa, may inihanda akong blind date para sa'yo.”
Kinurba ni Denise ang mga labi.
Si Madame Editha ay makatwiran at kalmado. Karamihan sa mga taong napipiling lalaki para kay Devin ay mula sa mayaman ring pamilya na ang pangunahing konsiderasyon ay pera at kapangyarihan, at natatakot si Madame Editha na hindi iyon ang gusto ng kaniyang anak lalo pa't lumaking matigas ang ulo ni Devin at may sariling desisyon sa buhay.
Kalmado ang itsura ni Devin. “Mama, sinabi mo na isang asawa na magiging katuwang sa negosyo, gusto kong ako ang pipili ng lalaking papakasalan ko.”
Kumunot ang noo ni Madame Editha.
Upang matulungan ang walang kwentang si Xylarie Ruiz, opisyal na inihayag ni Miss Rossy sa iba na dinala ni Renz Dylan Hidalgo si Xylarie Ruiz sa birthday party. Alam ni Devinyza Hermosa o mas kilala bilang Devin, na natalo na siya.Sa isang sulok, sinulyapan ni Devin ang mensahe na ipinadala ng kaniyang ina.“Devinyza Hermosa, natalo ka.”"Pagkatapos ng tatlong taon, hindi pa rin nagkakagusto si Renz Dylan Hidalgo sa iyo. Ayon sa mga patakaran, dapat kang bumalik at gampanan ang iyong mga responsibilidad.”Ang paningin ni Devin ay napunta sa babaeng yakap ni Renz sa hindi kalayuan. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang totoong minamahal nito.Ang babae ay napakadalisay, at mukhang maamo, tahimik at payapa. Kahit na nakasuot si Xylarie ng murang damit, kapansin-pansin pa rin ito. Lumalabas na ganitong tipo ng babae ang nais ni Renz.Isang mapait na ngiti ang umukit sa labi ni Devin.Bigla niyang naalala ang apat na taon na ang nakakaraan, nang isang maganda at mayamang babae sa
Ayaw ni Devin na mag-alala pa sa kaniya si Aslan. Sa kanilang dalawa ni Robert malaki ang pinsala na idinulot niya dito. Tiningnan ni Aslan si Devin na nakabakas sa kaniyang mga mga ang isang kumplikadong emosyon. Iginagalang ni Aslan ang opinyon ni Devin at hindi na niya ipinagpatuloy ang usapin tungkol kay Robert Quinto. Marahang itinabi ni Aslan ang natitirang ointment at ibinalik sa kahon ng gamot. “Does it still hurt?” tanong ni Aslan.Marahang hinahaplos ni Aslan ang namamaga na pisngi ni Devin gamit ang mga daliri nito. Hindi komportable si Devin sa ginagawang iyon ni Aslan kaya naman iniwas ni Devin ang haplos ni Aslan at umiling. “Much better, thanks.” Tipid na tugon ni Devin. Binawi ni Aslan ang kaniyang kamay, tiningnan ang oras, at nalaman na malapit na ang tanghali.“Are you hungry? I’ll take you somewhere to eat.” Gusto sanang tumanggi ni Devin, ngunit nagsimulang kumulo ang kaniyang tiyan. Ngumiti siya nang awkward. “Sige.” Pagkatapos nagpaalam silang mag-asawa
Upang matulungan ang walang kwentang si Xylarie Ruiz, opisyal na inihayag ni Miss Rossy sa iba na dinala ni Renz Dylan Hidalgo si Xylarie Ruiz sa birthday party. Alam ni Devinyza Hermosa o mas kilala bilang Devin, na natalo na siya.Sa isang sulok, sinulyapan ni Devin ang mensahe na ipinadala ng kaniyang ina.“Devinyza Hermosa, natalo ka.”"Pagkatapos ng tatlong taon, hindi pa rin nagkakagusto si Renz Dylan Hidalgo sa iyo. Ayon sa mga patakaran, dapat kang bumalik at gampanan ang iyong mga responsibilidad.”Ang paningin ni Devin ay napunta sa babaeng yakap ni Renz sa hindi kalayuan. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang totoong minamahal nito.Ang babae ay napakadalisay, at mukhang maamo, tahimik at payapa. Kahit na nakasuot si Xylarie ng murang damit, kapansin-pansin pa rin ito. Lumalabas na ganitong tipo ng babae ang nais ni Renz.Isang mapait na ngiti ang umukit sa labi ni Devin.Bigla niyang naalala ang apat na taon na ang nakakaraan, nang isang maganda at mayamang babae sa
Tinanggal ni Devin ang suot niyang seatbelt. Nang akmang bubuksan niya na ang pinto ng passenger seat ay naka-locked iyon dahilan para mapatingin siya kay Aslan.Bumaling rin si Aslan kay Devin na may ngisi sa labi. Bahagyang inilapat ni Aslan ang mukha kay Devin.“Kiss me. . .” tila iyon ang susi na mabuksan ang sasakyan at makababa si Devin.Pinag-cross ni Devin ang mga braso sa kaniyang dibdib at tinaasan ng kilay si Aslan. “Akala ko ba titigilan mo na ako sa kakaasar?”“Sinisimulan ko ulit na asarin ka para makita ang namumula mong mukha, kaya, halikan mo na ako kung gusto mo nang makababa.” Nakangising itinuro ni Aslan ang kaniyang labi. Naningkit ang mata ni Devin na pinupukol ng mapanuring tingin si Aslan.“Ito ba talaga ang gusto mo?”Itinulak ni Devin si Aslan dahilan para mapasandal ito sa driver seat. Bahagyang inilapit ni Devin ang kaniyang mukha kay Aslan.Nakapako ang mata nila sa isa't isa habang dahan-dahang inilalapit ni Devin ang mukha kay Aslan. Ang mga labi nila ay
Sa loob ng restaurant, hindi naabala ng kahit sino ang masarap na hapunan ng mag-asawa na sina Devin at Aslan.Puno ng katahimikan ang kanilang mesa at tanging kalansing lamang ng kanilang gamit sa pagkain ang tanging ingay sa pagitan nilang dalawa.“What do you think about Alderno's hot spring park project?” Putol ni Aslan sa mahabang katahimikan habang hinihiwa ng elegante ang kaniyang steak.Napatingin si Devin kay Aslan. Ibinaba niya ang kaniyang tinidor at seryosong sumagot, “Gusto ng Alderno na magtayo ng isang high-end hot spring park na nagsasama ng pangangalaga sa kalusugan, leisure, and entertainment. Sa ngayon, mayroon akong planong pagsamahin ang modernong arkitektura sa natural na tanawin para makalikha ng espasyong moderno and full of Zen.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Aslan dahil sa interes sa sinabing iyon ni Devin. “Oh? Tell me about it.”Kinuha ni Devin ang dala niyang tablet mula sa kaniyang bag, binuksan ang planong kaniyang ginawa. Iniabot niya kay Aslan upang ma
Ayaw ni Devin na mag-alala pa sa kaniya si Aslan. Sa kanilang dalawa ni Robert malaki ang pinsala na idinulot niya dito.Tiningnan ni Aslan si Devin na nakabakas sa kaniyang mga mga ang isang kumplikadong emosyon.Iginagalang ni Aslan ang opinyon ni Devin at hindi na niya ipinagpatuloy ang usapin tungkol kay Robert Quinto.Marahang itinabi ni Aslan ang natitirang ointment at ibinalik sa kahon ng gamot.“Does it still hurt?” tanong ni Aslan.Marahang hinahaplos ni Aslan ang namamaga na pisngi ni Devin gamit ang mga daliri nito.Hindi komportable si Devin sa ginagawang iyon ni Aslan kaya naman iniwas ni Devin ang haplos ni Aslan at umiling. “Much better, thanks.” Tipid na tugon ni Devin.Binawi ni Aslan ang kaniyang kamay, tiningnan ang oras, at nalaman na malapit na ang tanghali.“Are you hungry? I’ll take you somewhere to eat.”Gusto sanang tumanggi ni Devin, ngunit nagsimulang kumulo ang kaniyang tiyan.Ngumiti siya nang awkward. “Sige.”Pagkatapos nagpaalam silang mag-asawa kay Yesh