MasukOne drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Lihat lebih banyakMAAGANG nakarating si Leila sa airport, kalalapag lang ng eroplano na galing sa United States.
Ngayon ang araw ang pagbabalik ni Beau sa Pilipinas.
Matagal na nilang kilala ang isa’t isa. Kung tama ang pagkakatanda niya ay nasa sampung taon na rin.
Tatlong taon sa unibersidad, pitong taon matapos ang graduation.
Kung hindi lang sila nakainom ng kung anong kontaminadong alak ay hindi sana sila kapwa mauuwi sa iisang kama nang gabi matapos ang kanilang graduation ceremony, hindi sana siya pinakasalan ni Beau.
Para rito, isa lang siyang ordinaryong babae, samantalang ito ay tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa Ilocos, pinanganak na may gintong kubyertos sa bibig.
Magkalayo ang agwat ng mga mundo nila.
Iniisip siguro nito na nais niya lang magpakasal dahil mayaman ito—na gusto niyang umangat ng mabilis sa buhay. Noong araw na makuha nila ang marriage certificate nila ay siya ring araw na umalis ito papuntang ibang bansa. Wala siyang narinig na kahit na anong salita galing rito. Ngunit kitang-kita niya ang nagliliyab na poot sa mga mata nito—sapat na para malaman niya kung ano ang nadarama nito ukol sa kanya.
Umabot ng pitong taon ang pagkawala nito. Ni wala siyang narinig na balita tungkol rito. Pero hindi na mahalaga ‘yon dahil ngayon ay nagbalik na ito. May bumangon na pag-asa sa puso ni Leila. Nais niyang ipaliwanag rito ang tunay na nangyari seven years ago—na wala siyang alam tungkol sa kung anuman ang nakalagay sa alak na ininom nila.. Umaasa siyang kapag narinig nito ang totoo ay maisasalba pa nila ang kanilang pagsasama.
Nagpalinga-linga si Leila sa arrival gate. Isa-isa ng naglalabasan ang mga pasahero ng lumapag na eroplano at hindi naglipat oras ay halos iilan na lang ang lumalabas. Ngunit wala roon ang taong inaasahan niya.
Maaari kayang nagpalit sila ng oras ng flight?
Sandaling nawala ang atensyon niya sa arrival gate dahil sa pagtunog ng telepono niya. Nang tingnan nakita niyang tumatawag ang anak niyang si San San.
“Mommy, I’m at the market. What do you want to eat tonight?”
Si Alexander o San-San ay anak nila ni Beau.
Pitong taon matapos ang magulong pangyayari ay napag-alaman niyang buntis siya. Nang malaman niya ‘yon ay nakaalis na ang lalaki patungong ibang bansa. Sinubukan pa niya itong tawagan ng maraming beses pero sa tuwina ay naririnig niya ang kabilang linya na busy.
Sa pagdaan ng panahon ay saka niya napagtanto na tinanggal na ni Beau ang anumang komunikasyon na maaaring magkonekta sa kanilang dalawa.
Ganoon na lang ang poot nito sa kanya, kaya paano niyang ipapaalam rito ang tungkol sa pagdadalantao niya? Matapos ‘yon ay ikinulong niya ang sarili sa loob ng silid niya sa loob ng ilang araw.
Sa murang edad ay nawala na ang mga magulang niya habang ang lolo at lola naman niya ay namatay noong nasa kolehiyo na siya kaya wala na siya ni isang kamag-anak pa na naiwan para kalingain siya.
Ang mumunting buhay na nasa sinapupunan niya ang tila sagot sa pangungulila na kanyang nadarama—ang tanging biyaya na ibinigay sa kanya ng nasa Itaas.
Nang magdesisyon siyang lumabas, agad siyang nagpatingin sa doktor. Binili niya ang mga vitamins na kailangan.
Matagal na niyang pinangarap ang magkaroon ng kapamilya—ng pamilyang matatawag niyang kaniya. At dahil doon ay nabuo sa isip niya na ipanganak ang sanggol at lihim itong inalagaan na lingid sa kaalaman ng pamilya Valencia.
“Buttered shrimp, stir-fry broccoli, and a soup will do,” tugon ni Leila. Iyon ang mga paboritong kainin ng anak.
“Okay, Mommy,”
Matapos niyang maibaba ang telepono ay natanawan niya ang pamilyar na pigura ni Beau.
May hawak itong suitcase sa isang kamay at marahan iyong kinakaladkad, mabagal lang ang lakad nito at walang indikasyon ng pagmamadali. Mas na-emphasize ang halos perpekto na nitong pisikal na kaanyuan. Ang bahagyang nakatupi na sleeve ng suot nitong damit ay ipinapakita ang malalakas na bisig na sa pagdaan ng panahon ay lalo pang naging firm and masculine.
Mukhang umayon dito ang panahon at hiyang ito sa buhay nito sa ibang bansa. Ngunit tila hindi angkop sa hitsura nito ang suitcase na tangan.
Hindi na niya iyon binigyan ng pansin at akmang maglalakad palapit rito nang bigla siyang matigilan. Sa likod nito ay may isang babaeng papalapit at mayamaya pa ay katabi na nitong naglalakad. Ang trench coat na suot nito ay tila terno ng suot ni Beau.
Teka, parang kilala niya ang babaeng ito.
Calliyah Quintana. Beau’s childhood sweetheart, maganda, matalino at nagmula sa isang mayamang pamilya. Nagtapos ito ng summa cum laude sa Ateneo De Manila.
Tila napagkit si Leila sa kinatatayuan at nanatili lang siyang nakatingin sa dalawang taong naglalakad palapit sa direksyon niya.
Marami ang nagsasabi na si Calliyah ang babaeng papakasalan ni Beau. Pero walang nag-expect na magiging siya iyon.
Bumaba ang tingin niya sa suitcase. Kung gano’n ay kay Calliyah ito?
Ibig sabihin ba no’n ay magkasama sila sa loob ng pitong taon sa United States?
Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi dapat siya mag-isip ng kung ano-ano.
Ang pagkakaibigan ng mga ito ay mahirap ng buwagin dahil hinubog na ‘yon ng maraming taon. Pero ang sa kanila ng lalaki ay maaaring may pag-asa pa. Kukunin niya lang ang pagkakataon na ito para ipaliwanag rito ang lahat.
Pinilit ni Leila na ngumiti at sinalubong ang dalawa. “Beau.”
Dahan-dahan itong tumigil, bahagyang kumunot ang noo. “Bakit ka narito?”
Biglang naglaho ang ngiti sa labi niya. Pero saglit lang at agad niyang hinamig ang sarili saka kaswal na nagsalita, “Narito ako para sunduin ka.”
“Maraming salamat sa tulong mo, Lei,” nakangiting wika ni Calli. “Matagal-tagal na rin akong hindi nakabalik ng Pilipinas. Mga pitong taon na siguro noong umalis ako at hindi ko na alam ang pasikot-sikot sa mga siyudad dito. Ikaw ba ang nag-drive papunta rito?”
So, talagang magkasama silang dalawa sa loob ng pitong taon? Muntik ng may bumukal na luha sa mga mata niya pero pinigilan niya ‘yon. “I-Ihahatid ko na kayo.”
MATAPOS ihatid si San San sa school, nagmamadali ng nagtungo si Leila sa Valencia Group.Tamang-tama at katatapos lang ng morning rush hour o iyong pasukan ng mga empleyado kaya kakaunti lang ang tao sa lobby.Lumapit siya sa receptionist at nagtanong kung maaari niyang iabot ng personal ang envelope sa opisina ng president.Kagabi lang ay tumawag siya sa insurance company para magtanong. Base sa tinamong damage ng nabangga niyang Porsche, nagkakahalaga iyon ng halos walong daang libong piso hanggang sa isang milyon. Idagdag pa ang repair cost ni Wendy, ang total na halaga sa tingin niya ay nasa isang milyon at limangdaang libong piso.Noong una ay naisip niyang ipadala na lang ‘yon sa bank account ni Beau pero natatakot naman siyang baka magkaproblema kaya isinalin na lang niya sa tseke ang isang milyon at limangdaang libong piso saka ito personal na dinala sa Valencia Group.In that way ay siguradong mapupunta sa kamay nito ang bayad niya.Kinuha ng receptionist ang envelope mula sa
NAGISING si Leila na parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit.Matagal-tagal na rin simula ng magkaroon siya ng masamang panaginip, at palaging napapagaan ni Beau ang nararamdaman niya sa tuwing nangyayari iyon.Gumapang siya palapit sa bedside table at mula roon ay inilabas ang isang banig ng paracetamol. Kumuha siya ng isa at diretso iyong nilunok.Nang lumabas siya ng silid ay nakita niya ang anak na si San San na nakabihis na ng uniporme na pinatungan ng apron. Kasalukuyan itong naghahanda ng kanilang almusal.He made an egg sandwich for him, fried rice and sunny-side up egg for me. Agad siyang napangiti, talagang alam na nito kung ano ang gusto niya.Although she tends to do odd jobs at the company, the artificial intelligence industry is on the rise, and her boss puts a lot of pressure on her, causing her to lose a lot of her in recent years.Habang nag-aalmusal ay nagtanong si Leila, “Will Mommy take you to school today?”San San ate elegantly, swallowing his food before
SA ISANG sulok ay nakita ni Fred na mag-isang umiinom ang kaibigan niya kaya naman nilapitan niya ito bitbit ang wine glass at naupo siya sa tabi nito.“Pinatigas na ba ng malamig na klima ng America ang mukha mo?” pambubuska niya.Malaki na ang ipinagbago ni Beau simula ng magbalik ito. He used to be like a perfect business machine na hindi nagpapakita ng emosyon sa kaharap nito pero ngayon ay basang-basa niya ang cold expression na nakalarawan sa mukha nito.Hindi man lang ito nag-react sa biro niya pero hindi siya sumuko sa pambubuska rito, “Mukhang nag-aadjust ka pa rin sa pagbabalik sa dati mong buhay na marangya, tama ba?”Outsiders might not know why the word “return” was used, but Wilfred knew perfectly well why.Noong nasa abroad si Beau ay wala itong kasambahay, walang tagasilbi, at walang driver. Nakatira lang ito sa fifty square meters na bahay, malayong-malayo sa mansion na tinitirahan nito sa Pinas.Hindi niya alam kung bakit kinailangan nitong umalis gayong maayos naman
“LEILA, were you upset by that jerk at the airport today?” tanong ng best friend niyang si Ciara nang tawagan siya nito.Ito ang nagsabi sa kanya na ngayong araw babalik ng Pilipinas si Beau.Ang boyfriend at fiancé nitong si Fred ay matalik na kaibigan ng una at magkasama ang mga itong lumaki.Ang dahilan kung bakit nito sinabi sa kanya ang pagbabalik ni Beau sa bansa ay para maayos nila ang hindi pagkakaunawaan sa relasyon nila. Pero hindi nila inaasahan na kasama nitong uuwi si Calli.Kung bibigyan si Ciara ng pagkakataon pupunta siya sa airport na may bitbit na pamalo at pupukpukin niya ang kung sinumang makita. Saksi siya kung gaano kagusto ng kaibigan niya si Beau kahit pa lumipas na ang maraming taon.Nang ipanganak si San San ay nakaranas ng premature labor si Leila at halos mamatay ito sa ibabaw ng operating table.Pero nasaan si Beau? Kung binigyan lang nito ng atensyon ang kaibigan niya ay siguradong malalaman nito ang hirap na pinagdaanan ng huli. Pero tila nagbulag-bulaga






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.