LOGINClaire’s POV
Kinabukasan araw na ng linggo at halos hindi rin ako nakatulog dahil sa nangyari sa akin kagabi sa club. Halos kakaidlip ko pa lang ay nagising agad ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Bumangon ako saglit upang silipin sa bintana kung sino ang mga tao sa labas subalit sa wari ko ay si Lyka iyon dahil kilala ko ang boses niya at nakikipagsagutan sa kausap niya.
At tama nga ako, nakita ko ang isang lalaking nakaitim at nakasuot pa ng helmet kaya hindi ko makita ang mukha. Kahit mahilo-hilo pa ay pinilit kong lumabas at makiusisa sa kanilang usapan.
“Gaya nga ng sabi ko Miss, nandito ako para maningil. Busy ang amo ko kaya sa akin iniutos,” Ani ng lalaki kay Lyka.
“Excuse me, sino po sila?” Tanong ko ng makalapit sa gawi nila.
Lumingon ito sa gawi ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay nito, nakabukas ang visor ng helmet nita kaya nakikita ang kalahati ng kanyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya iyong pumupunta dito dati para maningil.
“Sino ka ba,” Sarkastiko niyang balik tanong sa akin.
“Ako po si Claire, Claire Morcilla po. Ako po ang may-ari ng bahay na ito at kaibigan ko yung kausap niyo. Ano hong kailangan niyo?” Tanong ko ulit kahit narinig ko na ang sinabi niya kanina.
Tumango ito at nagpakilala. “Okay. By the way, I’m Edward at nandito ako para maningil ng utang Miss Morcilla and I know that you are aware of your debt, right? Kung hindi, let me remind you, utang ng ama mo sa boss ko. At base sa record namin ay magli-limang taon na ito at hindi pa rin bayad ng buo at hindi pa nangangalahati ang naibayad mo. Hindi mo ba alam na galit na galit na ang amo ko? Naku kong ako sa kanya ikaw na lang ang gawin kong pambayad. Sa ganda mong pwede na kung mapapasaya mo naman ako gabi-gabi.” Saad nito.
Napapikit ako sa sinabi niya pero hindi nakapagpigil si Lyka at bumato ito ng hirit. “Hoy bastos ka ah, buti nga at hindi ikaw yung amo mo wala kang kasing manyak,umalis ka nga dito tulad ng sabi ko sayo wala pa kaming pambayad. Nagbabayad naman kami kapag meron na saka hindi tatakbuhan ng kaibigan ko ang utang ng tatay niya no?”
He chuckled “You don’t know my Boss at Hindi ikaw ang kinakausap ko,” Sabat naman ni Edward sa kanya.
“Malaking palugit na ang ibinigay sa inyo ng amo ko at pinapaalala ko lang na wag kayong abusado dahil kapag nasagad yon hindi niyo alam ang kaya niyang gawin sa inyo.” Sabi niya na may kasamang pagbabanta.
“Nauunawan ko po sir pero kailangan ko pa ng mahabang panahon upang makapag bayad. Hindi po biro ang halaga ng sinisingil niyo sa akin na wala naman akong kinalaman. Pinapangako ko naman po na hindi ko tatakasan at babayaran ko po kayo. Kung nakikita niyo po sa record, nakapag bayad na po ako ng isang milyon noong nakaraang taon. Pinagsisikapan ko po at nagdodoble kayod po ako para makabayad sa inyo.” Pakiusap ko subalit parang wala lamang itong narinig sa mga sinabi ko at tumawa.
“Isang milyon sa isang taon? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba alam na isang linggong kita lang yan ng amo ko? Gaya ng sabi ko mahabang palugit na ang binigay sa inyo ng amo ko at binibigyan niya na lamang kayo ng isang buwan para bayaran ng buo ang balanse mo. Kasi kung hindi, siya na mismo ang pupunta dito at maniningil sayo at hindi mo magugustuhan ang gagawin niya dahil itong bahay mo na ang kukunin niya at kulang na kulang pa rin ito.” Mahabang litanya niya saka tinalikuran kami at sumakay sa kanyang Ducati at pinaharurot ito.
“Naku, grabe naman yun, Claire? Saan tayo titira kung pati itong bahay mo ay kukunin din?” Tanong sa akin ni Lyka na ikina iling lamang ng ulo ko dahil hindi ko alam ang sagot.
Ikinabahala ko ang mga salitang sinabi niya at sinabi Edward. Saan naman ako kukuha ng siyam na milyon? Siguro mas magandang ang Boss niya ang pupunta dito at baka sakaling mapakiusapan ko pa. Ngunit malabo iyon mangyari dahil base sa sinabi ng tauhan niya ay mukhang seryoso na ito.
Pumasok kami sa loob ng bahay at umupo sa sofa. Nawala ang antok ko at paniguradong hindi na rin ako makakatulog kung babalik ako sa paghiga. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa walang katapusang problema na pinagdadaanan ko.
“Ano ba ang akala nila? Kaya mong mag magic ng ganoong kalaking pera?” Grabe naman! Mga walang konsiderasyon, mga walang puso! Sampung milyon at isang milyon pa lang ang nababayaran mo, Claire. Saan ka kukuha ng siyam na milyon pa?” Tinanong lang din ni Lyka ang mga tanong na nasa isip ko kanina pa na kahit ako hindi ko alam ang kasagutan.
“Isang taon na simula nang mawala sina nanay at tatay at isang taon na rin akong araw-gabi kumakayod para maka-ipon ng isang milyon at alam mo yun, Lyka kaya hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo na tanong ko din sa sarili ko. Ayokong mawala ang bahay na ito dahil nangako ako kay nanay na pangangalagaan ko ito at nandito ang masasayang ala-alang naiwan ng pamilya at hindi ko kayang pati ito ay mawala din sa akin.” Paiyak kong sabi.
Napabuntong hininga na lang din siya at napahilamos ng mukha lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Sinubukan kong kontrolin ang mga luha ko dahil pagod na akong umiyak. Pero kusa pa din itong dumaloy at kumawala sa mga mata ko. I am so tired. Tired of everything. Tired of this life. I hugged her back dahil anytime ay matutumba na ako dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko.
“Sshh tahan na. Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, Claire. Isipin mo na lang na pagsubok lamang lahat ng ito at malalampasan mo rin. Magiging maayos din ang lahat magtiwala ka lang sa taas.” Sabi niya habang hinahagod ang likod ko.
***
Nawala ang mga magulang ko sa isang aksidente. Aksidenteng nagpabago sa buhay ko at naging dahilan kung bakit ulila na ako ngayon.
Araw ng linggo iyon at nagsisimba silang pamilya kasama ang kuya niya, nanay at tatay. Nagyayang magsimba ang nanay ko ng araw na iyon dahil sa problemang kinakaharap ng pamilya namin. Ang tatay ko kasi ay umamin na nalulong sa sugal at sa sabong at nalubog siya sa pagkakautang at humantong sa pagbabanta ng kanyang buhay, hindi lang yun pati na ring kaming pamilya niya at nakatanggap ng death threats.
Grabe ang iniyak ng nanay ko ng malaman iyon subalit nagpakatatag siya para sa aming pamilya. Nangako na rin ang tatay ko na magbabago na siya. At napagdesisyunan naming hihinto muna kami ng kuya ko sa pag-aaral kahit isang taon na lang ay gagraduate na ako sa kursong nursing.
Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay may nakasalubong kaming mixer truck na pagiwang-giwang ang takbo. Sinubukan ng tatay ko na iliko ang tricycle na minamaneho niya subalit nakarinig na lang kami ng malakas na salpot at pagsabog at na ang huling naalala ko. Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. At dito na nagsimula ang kalbaryo ko. Kalbaryong hindi ko alam kung matatapos pa.
CLAIREAlas-diyes na ng gabi nang tuluyang tumahimik ang bahay. Pero sa loob ng dibdib ko, parang may bagyong hindi matapos-tapos.Nasa harap ko pa rin ang litrato ng parents ko.Paulit-ulit kong tinitingnan ang kanilang mga mukha, pilit hinahanap sa kanilang mga mata ang sagot sa tanong na ilang taon ko nang dala. At bakit ngayon lang may mga taong lumalapit sa akin para sabihin na hindi aksidente ang lahat?Nasa kabilang bahagi ng silid si Steve. Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng bintana, habang si Marco at ang iba pa niyang mga tauhan ay nagbabantay sa labas.Hindi ko siya tinitingnan. Hindi ko alam kung kaya ko. Dahil sa unang pagkakataon, hindi ko na alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.“Claire.”Napapikit ako.“Wag muna.”“Hindi kita gustong iwanang mag-isa.”“Hindi ako mag-isa.”Tumingin ako sa kanya.“May mga taong nagbabantay sa paligid. Ikaw nga ang nagsabi na ligtas ako.”“Ligtas ka dahil nandito ako.”Napatawa ako nang mahina, pero walang saya roon.“That's exactly
CLAIREHindi ko maalis ang tingin ko sa litrato. Paulit-ulit kong tinitigan ang mukha ng father ko. Buhay na buhay siya sa larawan. Nakasuot siya ng dark suit habang nakatayo sa tabi ng isang lalaking matagal ko nang nakikita sa mga larawan ng pamilya ni Steve.Ang ama ni Steve At sa ibaba ng litrato ay may petsa. Tatlong araw bago namatay ang mga magulang ko.Tatlong araw bago ang aksidenteng tuluyang sumira sa buhay ko.“Claire.”Napatingin ako kay Steve. Tahimik lang siya, pero halatang may kung anong bumabagabag sa kanya.“Alam mo ba ang litrato na 'to?”Hindi siya agad sumagot. At ang katahimikan niya ang mas lalo kong ikinatakot.“Steve, tinatanong kita.”Huminga siya nang malalim. “Hindi ko pa nakikita ang eksaktong litrato na 'yan.”“Pero alam mong magkasama ang mga ama natin.” Tumigas ang kanyang panga.“May mga naging negosyo ang father ko at ang father mo.”“Negosyo?”Mapait akong napangiti.“Tatlong araw bago mamatay ang parents ko, magkasama sila. Tapos sasabihin mong neg
STEVETumama agad sa akin ang amoy ng usok nang bumaba ako sa sasakyan. Halos natupok na ng apoy ang lumang commercial building. Makapal ang itim na usok na umaakyat sa kalangitan habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid, nagsisikap na makalayo sa lugar.“Claire!”Hindi ko na hinintay si Marco. Diretso akong tumakbo patungo sa gusali.“Sir, wait!” sigaw niya sa likuran ko. “Delikado pa roon!”Hindi ko siya pinansin. Iisa lang ang laman ng isip ko. Si Claire.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong gabi, hindi ko kayang tanggapin na baka huli na ang lahat.“Claire!”Paulit-ulit kong sigaw habang sinusubukan kong makita kung nasaan siya. Hanggang sa may narinig akong mahinang pag-ubo sa likod ng isang konkretong pader.“Claire?”Napahinto ako. Nandoon siya. Alive.Nakaupo siya sa sahig, puno ng alikabok ang damit at magulo ang buhok. May maliit na sugat sa ibabaw ng kanyang kilay, at may dugo sa gilid ng mukha niya pero buhay siya.Agad akong lumapit at hinawakan siya sa magkabilang ba
CHAPTER 10STEVE'S POVNasa office ako ngayon, nakaupo sa likod ng desk ko habang hawak ang pisngi ko. Damn! Ramdam ko pa rin ang init ng sampal ni Claire. Parang namanhid ang kalahati ng mukha ko sa lakas ng pagkakasampal niya. A petite girl with a surprisingly strong hand. Napangiti ako sa sarili ko. I like it. Palaban.Hindi ko maiwasang maalala ang expression niya kanina. The shock in her eyes. The anger. The way she looked at me as if I was the worst person she'd ever met. Most women would tremble the moment they stood in front of me.Pero si Claire? She slapped me across the face and simply walked away as if nothing happened. Hindi man lang siya lumingon.And what’s more funny/ Dapat galit ako. Dapat hinabol ko siya at ipinaalala kung sino ang kaharap niya. Pero for some reason, hinayaan ko lang siya. My smile slowly faded because underneath the amusement, there was something else. Something I didn't like. May kung anong hindi mapakali sa loob ko And I hated it. I hated the fac
Claire’s POV Sobrang gulong gulo ng utak ko ngayon pero kahit ganun ay napag desisyunan kong mag-quit sa S3X club. They don’t deserve my service anymore. Ayoko ng makita ang demonyong Benedict na yun at ayoko ko rin maulit pa ang nangyari nung isang gabi. Nawalan na rin ang tiwala ko kay madam dahil sa ginawa niyang pag labag sa kasunduan namin. I can’t believe she betrayed me after I trusted her. Mabuti na lang at nakatakas at nakaligtas ako noong gabing iyon dahil kung hindi ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Kung mananatili pa ako sa club ay hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa susunod na mag attempt ng kanyang maitim na balak si Benedict laban sa akin. Kaya mas minabuti kong tumigil na lamang at maghanap ng kapalit na trabaho. Siguro naman ay mabilis lang ako matanggap dahil marami na akong experience. Bahala na maghanap ng kapalit ko si madam Sally dahil hindi na ako magsa-submit ng resignation letter ko sa kanya. Nag- awol na ako dahil wala na akong balak
Claire’s POV Kinabukasan ay medyo na-late ako ng gising and I have thirty minutes to prepare upang pumasok sa dayshit kong trabaho. Hindi ko na rin naabutan pa si Lyka dahil maaga talaga ang pasok niya. Alas singko pa lang ay gumigising na siya at siya na rin ang naghahanda ng almusal namin dahil alam niyang pagod ako at late na ang tulog ko. Pagkatapos ko maligo ay tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Sobrang pugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi at naramdaman ko rin ang pagkirot sa bandang leeg ko. Nakita kong may pasa doon at may konting sugat. That devil made this. I hate him. Tinali ko ang buhok at lalagyan ko sana ng concealer para takpan pero sakto namang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko muna baka yung nagdedeliver ng tubig. But I was shocked when I opened the door and saw that face again. Siguradong problema na naman ang hatid nito. “Anon na naman ang kailangan mo, Steve?” Walang gana kong tanong dahil alam kong kukulitin na naman niya ako. Walang hiya
Benedict’s POV I came early to the club dahil may hinihintay akong dumating. Isang tao na palagi kong hinihintay at ang dahilan kung bakit ako naririto gabi-gabi. It makes me mad if I don’t see her. I wanted to see her face, her body and smell her natural scent. Umupo ako sa vip seat kung saan nar
Claire’s POV Hindi ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil matatakpan lang din ito ng belong ilalagay ko sa mukha ko pantakip upang hindi makilala. Nagperform akong wala sa tamang hwesyo ang isip dahil lumilipad ito at hindi iyon nakatakas kay madam kaya napagsabihan ako kanina habang break time k
Claire’s Pov Nandito ako ngayon sa club S Triple X para simulan na naman ang gabi ng pakikibaka. Hindi ako sanay sa nakakasulasok na amoy ng alak sa loob ng club pero wala akong magagawa dahil isa ito sa pinagkukunan ko ng malaking halaga para makaipon ng mabilis. Ayoko ko sa ganitong uri ng traba
Steve’s POV“Masyado kang pa-hard to get Claire. Really? You rejected me for the 6th time? Ikaw lang ang babaeng gumawa nito sa’kin and it’s driving me crazy to pursue you more. I will have you one day and I’m excited for that to happen.” Tinungga ko ang isang bote ng alak para ilabas ang galit at







